Chapter 15

2253 Words
"Bukas na ang alis, Raven." paalala ni Aleis, nakauwi na kami rito sa bahay. Tumango naman ako. "Oo sige, magpapaalam na lang ako kay Aling Flor at saka kila kuya Rob and ate Kristie." saad ko. Ngumiti si Aleis sabay tango, bago pumunta sa kwarto. Dumating na ang gabi, naghanda na kami ni ate Kristie ng hapunan. "Raven, thank you ah. Ikaw kasi 'yung palagi kong katulong sa lahat ng gawain dito sa bahay. Kahit na hindi mo naman obligasyon 'to. Nahihiya na nga kami sa'yo eh." saad sa'kin ni ate habang naghahanda ng mga pinggan. "Wala po 'yun. Nasasanay na nga ako na kumilos dito eh. Parang hindi ko ata alam gagawin kapag hindi ako nakatulong man lang sa mga gawaing-bahay, haha." tugon ko. Nagpatuloy na kami. Naalala ko naman n'ong unang dating nila Violet dito, gulat na gulat ang mga kaibigan ko dahil sa sobrang pag-aasikaso ko sa bahay. Sabi pa nga nila ay sobrang laki ng pinagbago ko. Pero natutuwa sila dahil ang dami ko raw natutunan kahit sa maikling panahon lang na nagstay ako rito. Kumpleto kami sa hapag-kainan, nandito rin sina Aleis at Violet, wala nga lang si Manang Fe. "Uh, oo nga pala. Mawawala ako ng isang linggo or ilan, kasi may pupuntahan akong project." share ni Isagani sa'min. "Saan naman, Isagani?" tanong ni ate Kristie. "Sa ano, Heronimo. 'Yung company kasi namin, kasama r'on at isa ako sa maglelead on behalf ng company namin." paliwanag naman ni Isagani. "O.M.G. don't tell me, Isagani, 'yung sa Liwanag Project din 'yan?" maingay na tanong ni Violet, medyo nagulat pa ang lahat dahil ang O.A. ng reaction niya. "Oo, 'yun nga, haha. Paano mo pala nalaman ang tungkol d'on?" tanong ni Isagani. "Same same lang tayo, bro! Isa rin kami sa organizers, sasali nga rin si Raven as volunteer eh." saad ni Violet kaya naman napatingin silang lahat sa'kin. "Hay, it's really a small world for us nga naman talaga oh." tuloy naman ni Violet bago sumubo ng pagkain. "Sasama ka na sakanila, ate Raven?" tanong naman ni Ningning. Tumingin muna ako sakanya, bago ko binaling ang tingin ko kina kuya Rob. Hindi ko pa pala nasasabi sakanila, balak ko kasi sana na kausapin lang sina kuya eh. "Uh, pwede ba ate Kristie, kuya Rob? Magpapaalam pa sana muna ako sainyo eh." nahihiya kong paalam. "Oo naman, Raven. Pwede mo namang gawin ang gusto mo eh." saad ni kuya Rob. Napangiti na lang ako. "At saka pwede ka rin bumalik sa'min anytime." ngiting dagdag ni ate Kristie. "Thank you!" masaya kong saad. Nakakapanibago na parang may bago na akong pamilyang itinuturing ngayon. "Babalik ka pa ba, ate Raven?" tanong ni Ningning. Napatingin ako sa lahat, mukhang inaabangan din nila ang sagot ko. Huminga ako nang malalim. "Oo naman." tipid kong sagot, sabay ngiti sakanya. Just to make sure na hindi ko naman sila iiwan. I already promised that, to Manang Fe. Mukha namang nakahinga sila nang maluwag. Tahimik akong napangiti dahil akala ko wala silang pakialam kung umalis man ako. Pero sa mga reactions nila, kahit ang reaction ni Rachel, mababasa sa mga mukha nila na gusto pa nila ako rito na magstay. Pagkatapos ng hapunan at paggawa ng mga gawaing-bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko para mag-impake. Siguro kakaunti lang ang dadalhin kong gamit. But still, I end up using my luggage. 'Yung isa lang naman eh, wala kasi akong dalang backpack. Sinabi rin ni Violet na ayos na rin 'yun, para mailagay din ang iba nilang gamit doon. Buti na lang nagkasya ang lahat ng gamit namin. "Oo nga pala, sinabihan ako kanina ni Isagani na may sasakyan na tayong apat papunta roon sa Heronimo." sabi ni Aleis. Tumango naman kami ni Violet. "Nakakaexcite! Roadtrip tayo!" saad ni Violet. Bago ako matulog, tinapos ko muna ang pagsusulat sa journal ko. Dahil next chapter na ang isusulat ko sa mga susunod na araw. Isinulat ko rin ang mga realizations at mga pagbabago sa buhay ko. Napangiti ako. I didn't expect na magiging ganito ang journey ko, to be honest. And now, I'm expecting na marami pang mangyayari sa'kin, marami pa akong mararanasan, at marami ring matututunan. Maaga kaming nag-ayos, mga 5 a.m. para maaga rin kami makapunta r'on sa Heronimo. Binaba na nila Aleis ang mga gamit namin at inilagay sa sasakyan na hiniram ni Isagani. Maliit lang ito na sasakyan, pero kasya naman sa'ming apat. "Pasalubong, ah!" sabi ni Leo sa'min habang kumakain sila ng almusal. "Bye, mga ate at kuya! Balik kayo, ah?" paalam ni Ningning. "Ingat kayo." tipid namang saad ni Rachel. Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. "Oh sya, mag-iingat kayo roon ha? Balitaan niyo kami kung kailan kayo babalik dito." saad naman ni ate Kristie. "Sige na, baka abutin pa kayo ng hapon d'on." saad ni kuya Rob habang pumapasok kami sa sasakyan. Si Isagani ang magdadrive habang nasa passenger seat naman si Aleis, kami ni Violet ay nasa likod. Nagsimula na ang biyahe namin. "Isagani, patugtog ka naman!" saad ni Violet, tumingin si Isagani sa'min na nakangiti sabay tango. Took a morning ride to the place where you and I were supposed to meet The city yawns, they echo on My thoughts are spinning on and on my head, it seems They lead me back to you I keep coming back to you... "Wow, nice music taste." komento ni Aleis kay Isagani. Nagkwentuhan naman ulit silang dalawa. Mukhang nagustuhan naman agad ni Violet ang kanta, pati rin ako, kahit hindi ako familiar sa kanta na 'yan. "Alam mo sis, ang gwapo pala talaga ni Isagani 'no, hihi" mahinang komento ni Violet na nakipagsiksikan sa tabi ko. Napalingon naman ako sakanya at natawa. "Nako, 'pag narinig mo 'yang kumanta, baka mafall ka na." mahina ko ring tugon. Napasinghap naman siya. "So, nafall ka na?" intriga niyang tanong. "Huh? Baliw." saad ko. Tumawa naman siya. "Hoy, anong binubulong-bulong niyo d'yan ha?" saad ni Aleis na mukhang napansin ang pagkukwentuhan namin ni Violet. "Wala, epal ka na naman." saad na lang ni Violet sabay ayos ng pag-upo. Tumingin ako sa rear mirror, nakita kong nakatingin sa'kin si Isagani. Umiwas na lang ako at binaling ang tingin sa labas. Ilang oras ng pagbabiyahe, hindi kami nabored. Sa mga kasama ko pa lang na ang iingay at syempre dahil sa music. Nakarating na kami ng tanghali sa Heronimo. Ang lugar na ito ay pataas, I mean bundok siya. May mga cottages na pwedeng pagstay-an, magkakasama naman kaming apat sa iisang cottage. "Welcome! Salamat sa pag-suporta niyo sa proyekto na ito. Please paki-fill out na lang ng names and other info roon." saad ng isang babaeng bumati sa'min pagdating namin dito. Nang makarating sa cottage namin, maliit lang ito na parang bahay kubo. Pagpasok doon ay maliit na sala s***h kusina, at isang malaking kwarto na walang kalaman-laman. Feel ko, kasya naman kaming apat sa kwartong iyon. Nagparequest din kami ng kutson at saka unan at kumot. Sa dulo naman ay mayroong C.R. pero hindi siya katulad sa mga normal na bahay. Kaya medyo nabobother ako. But still, this is okay. At least may matutulugan kami. Pagdating namin dito ay kumain muna kami ng tanghalian na in-order namin sa drive through. Pagkatapos, inayos nila ang mga grupo and some activities bilang isa sila sa organizers. Sinama nila ako sa grupo nila, pare-pareho lang naman pala ang grupo nila Isagani and nila Aleis. We're journalists, sila Isagani naman ay isa sa mga volunteers and organizers sa project na ito kaya nakisama na sa'min si Isagani. Sa village na tinutuluyan namin, may mga activities and programs na inihanda para sa mga tao rito. Some are here to help children, sa education and feeding program and donations. Generally naman, may mga programs like informing and educating people, especially adults, sa iba't-ibang informations na nangyayari sa society para updated pa rin sila sa mga nangyayari.May general check-up din at libre lang 'to para sa lahat. Meron din silang in-ooffer sa mga tao about application for jobs, scholarships, and other opportunities. At para naman sa lugar and culture nila, ishashare ito ng mga volunteer journalists or kahit sino na kasali rito. To showcase the beauty of Heronimo. It's really nice project, and I hope na marami kaming matutulungan dito. First day namin, wala pang masyadong ginagawa ang lahat dahil ito ang day na pupunta ang mga volunteers and organizers ng project na 'to. Sabi nila ay magbibigay sila ng schedule ng mga activities na gagawin within this week. Kaya wala pa muna kaming masyadong ganap today. Naisipan naming libutin ang village na ito. Dala namin ang kanya-kanyang camera, kahit si Isagani at si Violet ay mayroon ding dalang camera and other stuffs. The environment here is very cultural, mayaman ang village na ito sa tradisyon at kultura. Pinapahalagahan din nila ang nature dahil ito ang pangunahing pamumuhay nila. Ang mga tao rito ay friendly and curious. Siguro dahil magkaiba kami ng kinalakihan kaya gan'on. Maraming mga bata ang nasa labas dahil naglalaro sila, lalo na't hapon na ngayon. Lahat ng bata ay parang close sa isa't-isa dahil mukhang lahat ay nagkakasundo. "Wow!" rinig kong sigaw ni Violet kaya napatingin kami sakanya. Tumakbo siya pataas, sa may cliff. Wala naman kaming nagawa kun'di sumunod, mukhang maganda rin naman doon. Nang makarating ay nakita namin ang kabuuan ng Heronimo. Napakaganda. Naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin, kasabay ng pagkakita ko sa paglubog ng araw. Busy naman ang mga kasama ko sa pagkuha ng litrato ng view namin. Pinanood ko ang sunset habang nakaupo sa may cliff. Feel ko, nawala 'yung pagod ko. Gumaya naman ang tatlo, nakiupo rin sila. "Ang ganda 'no, this is life!" sigaw ni Violet nang buong puso. 'Ta mo 'to, napakaingay. "Oo nga, ang ganda." komento rin ni Isagani. Tumingin ako sakanya, napansin siguro niyang nakatitig ako kaya tumingin din siya sa'kin pabalik. "Maganda 'yung view, mga dai. Maganda 'yung nature, 'yun na 'yun." linaw ni Violet. "Ano bang pinaglalaban mo diyan, Violet? Bitter ka na naman eh." asar ni Aleis. Nagkwentuhan pa kami habang pinapanood ang tuluyang paglubog ng araw. Nang dumilim na, napag-desisyunan na lang namin na bumalik sa camp namin. Pagbalik namin ay sinalubong kami ng isa sa mga nag-oorganize. "Hi, heto na po ang list ng schedule niyo para sa linggong 'to. Nandiyan na ang mga activities and programs na pwede niyong salihan. Basta 'pag sumali kayo, make sure to list your name sa attendance." saad niya. Tumango naman kami at nagpasalamat. "Ay ate, meron po bang pagkain?" walang hiyang tanong ni Aleis. Ito rin hindi ko gets minsan. Natawa na lang kami dahil sa linya niya. "Ay Sir, meron po. May canteen po tayo, and I think ready na po iyon for dinner. Punta lang po kayo r'on sa malaking cottage na 'yun." saad niya habang itinuro ang canteen. Buti na lang, may pagkain. Nagpasalamat kami at bumalik na sa cottage para iwanan ang mga dinala namin kanina. Pagkatapos, pumunta kami sa canteen. Medyo maraming tao ang nandito, kaya buti na lang nakakita kami ng table. May libreng pagkain naman na nakahain, at meron ding may bayad. Depende kung gusto mo 'yung pagkain na may bayad. To be honest, medyo picky ako sa pagkain. Pero doon na lang din ako sa libreng pagkain dahil 'yun ang pinili nilang tatlo. Hindi naman masama 'yung libreng food, may kanin, meat like pork chop, some vegetables like sitaw, and soup. Pero konti lang ang portion ng mga ito. Kapag din gusto mo magdagdag, kailangan mong magbayad. I understand naman, siguro dahil limited lang din ang budget nila for food. "Guys, pag-usapan na lang natin ang mga sasalihan natin para bukas ah? Pero okay lang din naman kung gusto niyo humiwalay." paalala ni Violet habang nakain. "Yeah, sure din ako bukas ay magiging super busy natin." saad naman ni Aleis. Napatango ako. Nagkwentuhan pa ulit kami about sa mga expectations namin para bukas at sa mga susunod na araw. Hanggang sa natapos na kami kumain. Lumabas na kami sa canteen, nakita ko ang ganda ng gabi rito sa Heronimo. "Grabe! Ang ganda ng stars, oh! Teka nasaan na si moon?" saad ni Violet na nakatingala habang naglalakad at hinahanap kung nasaan ang buwan. Napatingala din tuloy kami at hinanap ang buwan. "Ayun, oh. Hindi kasi naghahanap nang maayos." saad ni Aleis. Napasinghap si Violet. "Hala! Napakaganda, grabe!" komento niya. Tahimik naman kaming nakatingala at tinitingnan ang mga bituin at ang buwan. "Wow grabe talaga, kung pwede lang titigan ko ang buwan hanggang sa mag-umaga." tuloy niya. Adik 'tong si Violet sa moon and stars. Isa rin sa mga hilig niya ang mga 'yan. "The moon is beautiful, isn't it?" saad ni Isagani. Tumango ako habang nakatingin sa buwan. "Ikaw ba, mahilig ka rin sa buwan?" tanong naman sa'kin ni Isagani. Napalingon na ako sakanya. "Sakto lang. Hindi kasing adik nitong si Violet, haha." tugon ko. "May times na tinitingnan ko ito sa tuwing visible siya sa bintana or terrace ng room ko. Or kapag mag-isa lang ako sa gabi. Para kasing nawawala 'yung mga iniisip ko kapag nakatitig lang ako r'on." kwento ko. Napatango naman siya. "Ikaw ba?" tanong ko. Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Maganda ang buwan. Kahit na anong hitsura, anyo, o kahit hindi ko nakikita, at kahit umaga na. Maganda pa rin." saad niya habang nakatingin sa'kin. Ngumiti ako dahil sa sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD