Kinabukasan, maaga kaming naghanda para sa araw na 'to.
Ang una naming pinuntahang program or activity ay feeding program. Maraming mga tao ang pumunta sa tent sa labas ng canteen.
Isa ako sa mga nagsasalok ng pagkain sa mga tray. Habang sina Violet ang nagbibigay ng mga tray sa mga tao. Mayroon ding mga lamesa kung sakaling gusto nila rito kumain. Si Isagani at Aleis, nandoon nakikihalubilo sa ibang tao na kumakain. Sila rin ang nagliligpit kapag tapos na ang mga tao kumain.
Natapos ang feeding program hanggang tanghali. Although, available naman ulit iyon for the next days.
Nagpahinga kami saglit, kumain and after that ay pumunta na kami for our next activity.
Art Workshop.
Medyo natuwa ako sa activity na 'to dahil open naman siya for all ages. Ibig sabihin, may chance ang lahat na ipakita at matuto ng anything about art. Meron ditong painting, sketch, photography, digital art, knitting, weaving, at iba pang forms ng art.
Si Aleis ang isa sa naglead sa photography dahil profession naman niya 'yun. Si Isagani naman ang isa naglead sa drawing or sketch, naalala ko na Architect nga pala siya. Obviously, marami siyang nalalaman about d'on at sure akong talent din niya 'yun. Kami naman ni Violet ang nag-aassist sa mga tao ng mga supplies and materials na kailangan nila.
May kanya-kanyang tent din para sa mga iba't-ibang classes. Kaya palipat-lipat din ako ng tent, depende sa kung may kailangan ba ang mga tao r'on.
Minsan naman ay tumitingin ako sa ginagawa nila. In fairness, ang gagaling nila. Usually, mga bata at mga teens ang present dito sa workshop. Meron ding mga super old citizens ang nakisali.
Nasa painting tent na ako naglibot, nang may nakita akong painting na super unique. Tinitigan ko iyon.
'Yung painting ay puro bright colors ang gamit, pero 'yung subject ay hindi ko maintindihan. Parang sobrang deep, and dark. Kinilabutan ako.
"Excuse me po" rinig kong saad ng babae, napalingon ako sabay saad ng sorry dahil nakaharang pala ako. Agad naman akong tumabi.
Tinitigan ko siya, ang ganda ng hitsura niya. Morena siya at ang features niya ay simple pero maganda. Kulot ang buhok niya, at nakikita ko rin ang brown na mga mata niya.
Nakita ko namang itinuloy niya ang pagpapaint niya. Maingat siyang nagpipinta. Kahit sa maliliit na details ay nakafocus siya, just to make it perfect.
"Ang ganda naman ng painting mo." komento ko habang nasa likod niya ako. Napalingon siya sa'kin at nahihiyang napangiti.
"Salamat po." tugon niya sabay tutok ulit sakanyang ginagawa. Umupo naman ako sa isang silya na malapit sakanya.
"Alam mo, may talent ka sa pagpipinta. Hobby mo ba 'to?" tanong ko. I'm curious about the way she's so serious sa ginagawa niya, like she's on a competition. I mean, hindi naman siya napepressure sa oras pero ang seryoso niya kasi.
"Unang beses ko pa lang magpinta gamit ang ganitong materyales." saad niya. Napasinghap ako.
"Wow, first time tapos gan'yan? Ang galing mo!" namamangha kong saad. Tahimik siyang napangiti.
"Nakakapagdrawing naman ako, kaya lang, patago. Wala rin naman akong mga gamit para magpinta o gumuhit. Ang nagagamit ko lang ay ang binibigay na crayola ng paaralan namin dito. Ginagamit ko 'yun sa notebook na binigay din." kwento niya habang busy sa pagpapaint. Crayola? Oh, she mean a crayon. Tumango naman ako.
"Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ano ba tawag sa mga 'to?" tanong niya.
"Uh, ito ay canvas. At 'yang hawak mo naman ay paint brush at paint palette. Tapos ito naman ay mga paints, pintura." paliwanag ko habang itinuturo ang mga ginagamit niya. Tumango naman siya.
"Panigurado, mahal ang mga ito." bulong niyang saad sa sarili. Natahimik naman ako nang marinig ang kanyang sinabi.
"Hindi bale, kapag nakaalis na ako rito sa Heronimo, mag-iipon ako para makabili ng mga ganitong gamit. Para makagawa ako ng maraming painting." ngiti niyang saad habang nakatitig lang ako sakanya.
"Huwag kang mag-alala, uhm, bibigyan na lang kita ng mga gamit." aya kong saad. Napatingin siya sa'kin na parang hindi makapaniwala.
"Talaga po?" saad niya. Tumango naman ako.
"Oo naman. Sayang naman ang talent mo kung hindi mo nahahasa. Mabuti pang ngayon pa lang, nagpapractice ka na." saad ko habang siya'y hindi na mapigilang ngumiti dahil sa tuwa na nararamdaman.
"Anong pangalan mo, at saan ka nakatira? Para naman maibigay ko sa'yo bago kami umalis." tanong ko. Tumahimik siya sandali.
"Lila po ang pangalan ko." saad niya. Lila? tagalog ng purple? Ang ganda naman. Kaya pala may parang purple color sa painting niya.
"Yung bahay namin, malapit lang naman dito. Pero pwede po ba dito na lang din sa kampo niyo ibigay?" saad niya.
"Uh, sige lang." ngiti kong tango.
Pagkatapos n'on ay umalis na ako sa tent para bisitahin naman ang ibang arts na ginagawa nila.
Nakatambay lang ako sa labas para magpahinga, hapon na rin naman.
"Lila!" sigaw ng isang lalaki habang kinakaladkad si Lila paalis ng camp namin. Kumunot ang noo ko. Nabitawan niya ang paint brush. Nakita ko naman sa mga kamay ni Lila ang mga pintura.
Bumuntong-hininga ako.
Baka kaya niya gustong umalis ng Heronimo ay dahil ayaw ng guardian or parents niya na ginagawa niya 'yun?
Pumasok naman ulit ako r'on sa tent na pinanggalingan ni Lila. Tinanong ko 'yung nagmamanage r'on kung sa amin din ba ang paintings na ginagawa ng mga tao.
"Miss, sa'tin din po 'yung mga paintings na ginawa nila?" tanong ko.
"Hindi po, Miss. Sakanila na rin po iyon." saad naman niya. Tiningnan ko 'yung painting ni Lila na naiwan.
Lumapit ako roon at kinuha 'yun. Sinabi ko kay ateng nagbabantay na iaabot ko na lang 'to r'on sa nagpainting nitong dala kong canvas. Tumango naman siya.
Lumabas akong dala-dala 'yung canvas.
Nakasalubong ko naman sila Isagani. Patapos na ang workshop na ito kaya busy ang lahat sa pagliligpit. Siguro ilalagay ko na muna 'to sa cottage para itabi, then saka na ako tutulong sakanila.
"Oh, sis ano 'yan, gawa mo?" tanong ni Violet. Mukhang nagtataka sila kung bakit may dala akong canvas.
"Ganda naman, artistic 'yan?" komento ni Aleis. Napairap ako.
"Hindi. Itatabi ko muna, naiwan kasi nung bata na nakausap ko." paliwanag ko.
"Hindi, Aleis. Friendly 'yan." saad ni Violet, sabay tawa 'yung dalawa. Si Isagani naman ay mukhang naguluhan pero nakitawa na lang din dahil sa mga kalokohan nitong dalawa.
"Ewan ko sainyo." saad ko na lang saka sila iniwan.
"Baka sungit 'yan?" rinig ko namang komento ulit ni Aleis. Hay.
Pagkatapos kong ilagay 'yung painting sa cottage, dumiretso rin ako sa mga tents para tumulong sa pagliligpit. Ilang minuto rin kaming naglinis at nagligpit hanggang sa tuluyan nang dumilim.
Dito na natapos ang araw namin.
The next day, mas naging busy pa kami. Ito kasi ang isa sa mga araw na may general check-up para sa lahat. Although hindi naman kami mga medical workers, nagvolunteer pa rin kami.
Si Violet, bilang may background siya sa med, ay isa siya sa tumulong sa pag-aassist. Habang sina Isagani ang tumutulong naman sa pagdedeliver ng mga kailangang gamit sa mga different tents. Ako naman ay palipat-lipat din, depende kapag may kailangan 'yung mga tao.
Napansin ko naman agad si Lila na nakapila. N'ong turn na niya, agad ko siyang tinanong kung ano ang ipapacheck niya.
"Manghihingi lang po sana ako ng mga gamot o bitamina." saad niya. Tumango na lang ako. Umalis na siya, para magpacheck-up.
"Hija, ba't naman ang dami mong mga pasa?" rinig kong tanong ng isang doktora. Napatingin ako kay Lila. Ngayon ko lang 'to napansin, hindi kasi masyadong halata ang mga ito. Pero n'ong inobserbahan ko na siya, saka ko lang napansin na marami pala.
Nagsimula na akong mag-alala para sakanya.
"Anemic ka ba?" rinig ko ulit na tanong.
"Hindi ko po alam." sagot ni Lila. Naputol lang ang pakikinig ko nang may tumawag sa'kin para humingi ng favor.
Naging busy ako for hours, hanggang sa umabot na kami ng hapon.
May isa pa kong inabutan na program or activity kaya nauna na ako sakanila.
Pumunta ako sa isang lumang bahay malapit sa camp namin. Hindi na rin ako nagulat na kaunti lang ang taong nandito dahil hindi naman lahat ay interesado sa ganito.
Embroidery.
Naalala ko, mahilig sa ganito si mama. At nakita ko rin si Manang Fe nito, one time. Kaya gusto ko rin matutunan 'yung cross stitch.
"Hi, interested ka rin dito?" saad ng babaeng nasa tabi ko. Tumango ako.
Nagsimula na ang klase.
Sa totoo lang, mahirap pala 'to. Siguro kasi hindi naman ako nagtatahi, at never ko pang ginagawa iyon.
Medyo nastress pa sa'kin 'yung nagtuturo dahil puro ako tanong sakanya.
"Never ka pa bang nagtahi?" tanong niya sa'kin. Tumango naman ako.
"Ay sige, may papakilala ako sa'yo." saad niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Tara, sumunod ka sa'kin." pag-aya niya.
Naglakad na lang ako kasunod niya. Nakita ko ang hallway, sobrang luma ng bahay na 'to. At puro mga antique ang mga nakikita ko.
Ilang segundo, tumigil siya sa harap ng isang pintuan. Binuksan niya 'yun kaunti at sumilip. Tumingin muna siya sa'kin, pagkatapos ay binuksan niya nang tuluyan at may kinausap.
"'La, may tuturuan ka na naman." saad niya. Saglit naman akong nakisilip. Hindi ko lang natuloy dahil tumingin ulit sa'kin 'yung kasama ko.
"Siya ang magtuturo sa'yo. Magaling 'yan si lola Teresa. Sobrang tanda na nga lang." saad niya sa'kin. Tumango naman ako.
"Ilang taon?" tanong ko.
"105 years old." tipid niyang sagot. Huh?
"Ano? 105?" tanong ko pa ulit. Kaswal lang siyang tumango.
"Siya ang pinakamatandang mamamayan dito sa Heronimo." saad pa niya. Napasinghap naman ako. Magkakaintindihan pa ba kami n'on?
I hesitated for a second.
"Huwag kang mag-alala, may kasama naman siya d'yan sa loob." sabi niya.
"Sige na, pasok na." sabi niya saka ako pinapasok.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto habang hawak-hawak ang tela at mga sinulid ko.
Ang kwarto ay sobrang laki, sa tingin ko ay may sarili na 'tong C.R. Napansin ko rin na puro kandila at lampara lang ang nagsisilbing liwanag sa kwarto na 'to.
"Magandang hapon, hija." bati sa'kin ng isang matanda. Ngumiti ako.
"Ako si Mercedes, apo ni lola Teresa. Ako ang nag-aalaga sakanya." pakilala niya. I wonder kung ilang taon na rin siya, medyo matanda na rin kasi siyang tingnan.
"Ako po si Raven." pakilala ko naman.
"Halika, nandito lang si lola Teresa." saad niya at sumunod naman ako.
Nakita ko siya nakaupo sa isang rocking chair na malapit sa bintana. Hindi siya payat, at parang hindi pa hinang-hina. Nagawa pa nga niyang lumingon sa'min eh.
"Ikaw na ba ang huling tuturuan ko?" tanong niya. Medyo nagulat ako dahil kaya pa niyang magsalita nang maayos.
"Lola, ano ba naman 'yan. Oo, si Raven ang huli niyong tuturuan ngayong araw." paglilinaw niya. Tumawa naman si lola Teresa.
"Oh sya, maupo ka na rito hija." saad ni lola Teresa sabay turo sa upuan na malapit sakanya. Sa gitna naman ay mayroong maliit na table. Doon ko na lang nilagay ang mga hawak ko.
"Maiwan ko na muna kayo, maghahanda lang muna ako ng merienda para sa'yo, Raven." saad ni Aling Mercedes at umalis na sa kwarto.
"Raven ang pangalan mo, hija?" tanong niya.
"Opo." tipid kong sagot.
"Kakaibang pangalan." komento niya. Umayos siya ng upo habang inaasikaso ang paghahanda sa mga gamit niya.
"Taga-saan ka naman?" tanong niya.
"Manila po. Pero ngayon po ay nasa San Imperial po ako, nagbabakasyon." share ko sakanya. Tumango siya.
"Huhulaan ko, hindi ka pa kailanman nakapagtahi ano?" tanong niya. Tumango naman ako.
"Opo. Wala rin po kasing nagturo sa'kin." paliwanag ko.
"Ngayon, sigurado akong matututo ka na." saad niya.
Nagsimula na kami.
Itinuro niya sa'kin ang mga basic na pagtatahi bago ang mismong pagkocross stitch.
"Iyang mga linya sa telang 'yan ang magsisilbing gabay mo para sa kung ano mang disenyo ang gagawin mo. May mga iba't-ibang kulay naman ng sinulid para sa disenyo. Nasa sa'yo na 'yun, kung paano mo ididisenyo ang tela. Dapat ang paglalapat mo ay sakto at tama, nang sa gan'on ay hindi ka magkamali sa huli." saad niya. Tumango lang ako habang tinititigan siya kung paano magburda.
"Sa pagbuburda, kailangan ng tiyaga at pagiging malikhain." saad niya habang nagbuburda.
Ngayon naman, kahit paano ay marunong na ako. Ang bilis kong natutunan kapag siya ang nagturo.
"Kailangan din ng puso." saad niya dahilan para tumingin ako sakanya.
"Bakit po?" tanong ko.
"Syempre, lahat ng bagay na ginagawa natin, kahit para sa sarili o para sa iba man 'yan, dapat pinaglalaanan ng oras at ng pagmamahal." pangaral niya.
"Dahil hindi maganda ang kalalabasan niyan, kung hindi mo linagyan ng pagmamahal." tuloy niya. Tumango naman ako. Naiintindihan ko naman, pero hindi ko alam paano ko lalagyan ng love? Hay.
"Mabilis ka naman pala matuto eh." komento niya nang tingnan ang ginagawa ko. Napangiti naman ako.
"Magaling po kayo magturo." saad ko naman. Natawa naman siya.
Tinuruan niya pa ako ng ilang mga tips and lessons sa pagbuburda. Hanggang sa nagkakwentuhan na kami tungkol sa personal na buhay.
"Alam mo ba hija, sabi nila ang swerte ko raw dahil umabot pa ako ng isangdaan at limang taon, mahabang buhay daw. Pero para sa'kin ay isang sumpa iyon." saad niya habang tinatapos ang pagbuburda, pagkatapos ay nakatanaw sa labas ng bintana habang papalubog ang araw.
"Bakit naman po?" tanong ko at pinagmasdan siya. Ngayon ko lang natitigan ang hitsura niya, halata na ang pagod at lungkot sa mga mata niya.
"Isang sumpa dahil sa haba ng paglalakbay ko, nakita ko kung paano ako iwanan ng mga taong mahal ko sa buhay." sagot niya sabay tingin sa'kin. Ngumiti ito nang mapait. Unti-unting kumawala ang mga luhang parang ilang taon na niyang kinimkim. Nagpanic pa ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
"Ngayon, mag-isa na lang ako. Ibang henerasyon na malayo sa pagkakakilanlan ko. Parang akong napunta sa ibang mundo at naligaw, at hindi ko alam kung paano pa ako makakabalik." sabi niya at ngayon nakatulala na siya. Nakatingin sa labas at pinagmasdan ang tuluyang paglubog ng araw. Madilim na sa labas.
Hindi ako makapagsalita.
Lumingon siya ulit sa'kin at tumingin. Natigilan ako nang makita ang mga mata niya.
Ilang beses ko nga bang nakalimutan na mayroon din pala akong kasumpa-sumpang abilidad?