Chapter 20

2430 Words
"Papa..." rinig kong saad ng isang bata. Kumunot ang noo ko nang matagpuan ko ang sarili sa isang madilim na kalsada, at may nakapalibot na parang kagubatan. "Papa..." This is very familiar. Agad akong lumingon, nakita ko sa gitna ng daan na may sasakyan na nakahinto. Parang nandoon ang boses kaya lumapit ako roon. "Papa..." Nakita ko ang isang batang babae na humahagulgol habang mukhang tinatawag ang ama niya. "Bata? Ayos ka lang?" tanong ko. Napalingon siya sa direksyon ko, nakita ko ang mukha niya at namumugto na ang mga mata dahil sa kakaiyak. "Papa..." 'Yan lang ang paulit-ulit niyang sinasabi. Binalik niya ang tingin sa likod niya. Hindi ako pinansin. "Hello? Bakit ka umiiyak?" tanong ko pa ulit. Pero hindi siya lumilingon sa'kin, hindi rin siya sumasagot sa mga tanong ko. Nawalan na ako ng pasensya kaya sinubukan ko pang lumapit para lapitan siya at tingnan kung ano bang tinitingnan niya sa likod niya. Pagkalapit ko ay natigilan ako. "Papa..." May nakahandusay na lalaki, at mukhang wala na ito. Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko dahil sa gulat. Naririnig kong patuloy sa pag-iyak ang bata. Bigla akong nagulat nang makita na unti-unting naglalaho ang lalaki, para siyang nagiging abo at kulay itim ito. Mas lalong humagulgol ang bata nang makita na unti-unting nauubos ang ama niya. Hindi ako makapagsalita o hindi ko magawang kumilos. Tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko na naman ang matinding takot at pangamba, gayong parang ngayon ko lang naman 'to nakita. Hindi ko maintindihan. "Papa?" Kasabay ng pagsaad ng bata ay ang pagbigkas ko rin nito. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko. *** Gabi na ulit at ako pa rin ang pansamantalang naka-toka sa pagtapon ng basura. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi. May nagpakilalang lalaki sa'kin, bilang ama raw ni Rachel. Totoo kaya iyon? Nang makarating na ako ay tinapon ko ang basura sa basurahan. Pagkatapos ay tumalikod na ako nagsimulang maglakad pauwi. "Hija" rinig kong tawag ng isang lalaki. Lumingon ako, at nakita ang lalaki na nakausap ko rin kagabi. "Kayo na naman?" saad ko. Lumabas siya sa pinagtataguan niya kanina at hinarap ako. "Wala pa rin ba si Rachel?" tanong niya. Kumunot ang noo ko, sobrang creepy na niya ah. Baka mamaya, kung anong gawin pa nito kay Rachel o 'di kaya sa'kin at sa iba pa. "Ano po bang pakay niyo sakanya?" saad ko. Bumuntong-hininga siya. "Ako si Roel, ang ama ni Rachel." pakilala niya sa'kin. Dapat ba akong maniwala? Tinitigan ko siya, hindi ko alam pero bigla ko na siyang nahahawigan kay Rachel. "Para maniwala ka, ito ay dala akong picture namin dati n'ong bata pa siya." saad niya at kinuha ang wallet niya. May hinugot siyang pictura mula r'on at pinakita 'to sa'kin. Kinuha ko naman iyon at tiningnan. Sa picture na 'yun, ay isang batang babae na sa tingin ko ay nasa edad na mga 1-3 years old ata tapos siya naman na mas batang version nito. Hawak niya ang batang babae at nasa labas sila ng isang bahay na may gate. Sure ako, hindi ito gate ng bahay nila Manang Fe dahil ang gate at bahay nila Manang ay mas malaki kumpara dito. Tiningnan ko nang mabuti ang batang babae, at naalala ko na may kamukha siyang ganito. Saan ko nga ba nakita iyon? Inalala ko nang mabuti. Ah! Sa isang picture frame sa may sala nila Manang Fe. Mukhang si Rachel nga 'to. Ibinalik ko na kay Mang Roel ang picture. "Ano pong kailangan niyo kay Rachel?" tanong ko. "Gusto ko sana siyang makausap." saad niya. "Palagi po ba kayong nag-aabang sakanya rito?" tanong ko naman. "Simula n'ong nabalitaan kong pumanaw na raw si Felicidad." sagot niya. "Eh ilang linggo na rin ang nakaraan n'on ah, hindi pa rin niyo po ba nakakausap?" tanong ko. Umiling siya. "Sinusubukan ko siyang kausapin, ayaw naman niya. Matigas talaga ang ulo ng batang 'yun." saad niya. "Nag-aalala lang naman ako, lalo na't alam kong wala na si Fe. Baka kailangan niya ako." nag-aalala niyang saad. Bumuntong-hininga ako. "Sige po, papakiusapan ko siya na makausap ka. Bukas na rin kasi ang uwi niya rito sa Las Espadas. Kaso, katulad nga ng sabi niyo, hindi naman basta basta nasunod si Rachel. Pero, titingnan ko po kung anong magagawa ko para kumbinsihin siya." saad ko. "Maraming salamat, hija." saad niya at nagpaalam na. Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad paalis. "Raven." rinig kong saad ni Isagani na nasa likod ko. Yeah, memorize ko ang boses niya. Lumingon ako at nakita kong nakatingin siya kay Mang Roel na naglalakad sa 'di kalayuan. "Bakit ka nandito?" tanong ko. "Hinahanap kita. Ang tagal mo kasi eh, akala ko nilamon ka na ng basurahan." pang-aasar niya. Lumapit ako para batukan siya pero agad siyang umiwas. Tumawa siya. Tss, what's funny? "Joke lang." saad niya. "Tara na, uwi na tayo." pag-aya niya kaya tumango na lang ako at sinamahan siya sa paglalakad. "Isagani, kilala mo ba 'yung tatay ni Rachel?" bigla kong tanong sakanya habang naglalakad kami. Tumingin siya sa'kin na nagtataka. "Hindi. Buhay ba ang tatay ni Rachel?" saad niya. "Wala namang nakukwento si mama sa'min tungkol sa tatay ni Rachel. Wala ring nakukwento si Rachel about sa magulang niya. Ang alam ko lang ay wala na ang kanyang nanay." kwento naman ni Isagani sa'kin. Kung gan'on, it's either na hindi lang nagkukwento si Rachel sakanila about sa tatay niya or hindi totoong tatay ni Rachel si Mang Roel. "Bakit mo naman natanong? At sino 'yung lalaking nakita kong nakausap mo kanina?" tanong niya. Tumingin naman ako sakanya na nagtataka. Nakita niyang kausap ko si Mang Roel? So, hindi talaga niya kilala 'yun. "Uh, wala lang. Nacurious lang ako, at kasi ano..." nahihirapan kong saad. "Yung nakausap ko, nagpakilala siya sa'kin bilang tatay daw ni Rachel. Kaya napatanong lang ako kung may alam ka about sa magulang niya." sinabi ko ang totoo sakanya. Kumunot ang noo niya at mukhang malalim ang iniisip. Nakarating na kami sa bahay. "Uhm, 'wag mo nang alalahanin muna 'yun. Ako na lang mismo ang magtatanong kay Rachel, kakausapin ko siya." saad ko kay Isagani at hinawakan siya sa balikat niya. Para hindi na siya masyadong mag-alala pa. Bumuntong-hininga muna siya saka tumango sa'kin. At hinayaan na akong kumausap sa kapatid niya. The next day, dumating si Rachel na sundo ni kuya Rob mula sa train station. May dala pa siyang pasalubong sa'min na galing sa Green Centrum, karamihan ay mga pagkain. Napansin ko naman na parang pagod siya, siguro dahil sa byahe at sa paggawa ng project niya r'on. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung next time ko na lang siya kakausapin. Dumating ang gabi, naabutan ko siya na naglalaptop sa may balcony. Lumapit ako sakanya. "Rachel, pwede ba kita makausap?" saad ko. Nakatingin lang siya sa laptop at nagsalita. "Tungkol saan?" tanong niya. Umupo ako sa upuan sa harap niya. "Kasi n'ong wala ka, ako 'yung nagtatapon ng basura tuwing gabi," saad ko. Natawa siya. "Oh, ano naman? Nandidiri ka ba?" biro niyang saad. Umiling ako. "Hindi kasi 'yun." saad ko. "Nakita ko 'yung tatay mo at kinausap ako tungkol sa'yo." diretso kong saad. Napatigil naman siya sa ginagawa niya at napatingin sa'kin. "Ano?" tanong niya. "Bakit, hindi ba 'yun 'yung tatay mo, si Mang Roel?" tanong ko. "Anong sinabi niya sa'yo?" tanong niya sa'kin. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hinahanap ka niya. Nag-aalala siya sa'yo, lalo na't wala na si Manang Fe. Sa tingin ko, gusto ka niyang suportahan at tulungan." saad ko. Sarkastiko siyang tumawa. "Huwag kang maniniwala r'on. Pakitang tao, tsk." saad niya sa'kin at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. "Rachel, pero totoo nga na tatay mo si Mang Roel?" tanong ko. Tumingin siya sa'kin. "Hindi ko siya itinuturing na ama. Dahil hindi siya kailan man naging ama sa'kin." saad niya. Bumuntong-hininga ako. "Parehas tayo." saad ko. Kumunot ang noo niya. "Ibinanduna ka rin ng ama mo?" tanong niya. Umiling naman ako. "Yung totoo kong ama, pumanaw na bata pa lang ako. 'Yung step father ko naman, never kong naramdaman ang pagiging ama niya sa'kin." kwento ko. "Bakit naman? Sinasaktan ka ba o hindi ka pinapansin?" tanong niya. Mukhang curious siya sa buhay ko. "Lahat ng gusto niya, dapat masunod. Kinokontrol niya 'yung buhay ko." saad ko. "Buti na lang, hindi ako nagpapakontrol kagaya mo." saad niya. Nakakainsulto pa rin siya magsalita. "Pero at least, may tatay ka pa rin na nakikita mo at nakakasama." saad niya. Nagpatuloy na siya sa gawain niya. "Rachel, gusto ka niya makausap." saad ko. Umiling siya. "Pagsasabihan ko siya, sasabihin ko na 'wag na 'wag nang magpapakita sa'kin kahit na kailan. Para manahimik na ako." saad niya. Hindi naman ako nagpatinag. "Gusto mo, samahan kita?" aya ko. Kumunot ang noo niya. "Saan?" tanong niya na parang hindi alam kung anong pinag-uusapan namin kanina lang. "Sa pakikipag-usap mo sa tatay mo. Para naman marinig mo kung anong gusto niyang sabihin sa'yo, at masabi mo rin kung anong dinaramdam mo. Malay mo, magka-ayos kayo." saad ko. Umirap siya. "Malabong magka-ayos kami n'on." iling niyang saad. "Pero sige, sasamahan mo 'ko." saad niya sa'kin. Ngumiti ako sakanya dahil pinagkatiwalaan niya akong samahan siya. Naniniwala ako na kaya lang siya nagkakaganito, kasi baka may mga tao o bagay lang siyang hindi pa maayos. Katulad nung sakanila ng tatay niya. Kaya nandito ako para samahan siyang ayusin iyon. Napag-usapan namin ni Rachel na tutungo kami sa bahay ni Mang Roel sa araw na walang pasok si Rachel. Mga hapon nang naglakad kami papunta sa bahay ni Mang Roel. Sabi ni Rachel ay sa kabilang kanto lang daw iyon, at kabisado naman niya ang daan papunta r'on. Nang makarating ay nakita ko ang same na gate at bahay sa picture na ipinakita sa'kin ni Mang Roel. Ito nga ang bahay na iyon, siguro dito rin lumaki si Rachel. Nagdoorbell si Rachel at naghintay kami na may magbukas sa'min n'yon. Ilang segundo ay may nakita akong babaeng sa tingin ko ay ka-edaran ni Mang Roel. Lumabas siya sa loob ng bahay nila at lumapit sa'min. Nang tuluyang makalapit ay nakakunot ang noo niya, at nagulat nang makita si Rachel. "Rachel?" saad ng babae. Tumaas ang kilay ni Rachel habang nakatingin sakanya. Habang ako ay nagtataka kung sino ang babae na 'yan. "Anna, sino ba ang nagdoorbell--" saad ng pamilyar na boses na papalabas ng bahay. Nakita namin si Mang Roel na natigilan nang makita kami sa labas ng gate nila. Napalingon naman 'yung babae kay Mang Roel. "Rachel.." mahinang saad ni Mang Roel habang papalapit sa'min. Tumabi ang babae sa gilid habang si Mang Roel ay tuluyang nakalapit sa gate, agad niyang binuksan 'yun. "Rachel anak, pasok kayo." saad ni Mang Roel sa'min. Naunang pumasok si Rachel at sumunod ako sakanya. Nang nasa loob na kami ng bahay ay pinaupo nila kami sa sofa ng sala nila. "Anna, ipaghanda mo sila ng merienda." utos ni Mang Roel. Mukha namang hindi masaya ang bati ng babae sa'min, dahil kung si Mang Roel ay todo ngiti, ang babae na 'to ay kanina pa hindi nakangiti. Pero kahit gan'on ay sumunod pa rin 'to sa sinabi ni Mang Roel. "Uh, si Anna nga pala. Ang aking asawa." pakilala ni Mang Roel nang mapansin siguro na hindi ko kilala 'yung babae. "Nandito kami dahil sinabi sa'kin ni Raven na kailangan mo raw akong makausap." saad ni Rachel. Tahimik ko lang silang pinagmamasdang mag-usap. Dapat ata ay lumabas ako para naman makapag-usap sila nang masinsinan. Dumating si Anna na dala ang juice at tinapay, inilagay niya 'to sa maliit na table na kaharap namin at umupo sa tabi ni Mang Roel. Now, this is so awkward. "Salamat dahil nagbago ang isip mo." saad niya. Umirap lang si Rachel. "Uh, dapat po siguro ay umalis na muna ako para naman makapag-usap kayo." sabat ko kaya sila napatingin sa'kin. Patayo na ako nang iharang ni Rachel ang braso niya. "Hindi. Para naman malaman mo Raven, kung gaano ka-pakitang tao ang ama ko." tipid niyang saad. Bumalik sa pagkakaupo ko. "So, anong kailangan mo?" tanong niya kay Mang Roel. "Nabalitaan ko nga na pumanaw na si Felicidad, kaya minumungkahi ko sana na ako na lang ang sumuporta sa'yo sa college. Balita ko kasi na malapit ka na rin magtapos." saad niya. Oh, maganda naman pala ang hangarin ng tatay niya eh. "Hindi ko kailangan ng tulong mo. Dahil first of all, hindi ka naman sincere d'yan. Pangalawa, kung talagang gusto mo akong tulungan, dapat sa umpisa pa lang ay 'yun na ang ginawa mo. Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng tulong mo." galit na saad ni Rachel. Nagulat ako sa way ng pagsasalita niya sa tatay niya. "Napakasama talaga ng ugali mo eh 'no. Manang-mana ka sa nanay mo." biglang sabat ni Anna. Mas lalo akong nagulat nang pagsalitaan niya nang gan'on si Rachel. "Anna, tama na." suway ni Mang Roel. "Oh narinig mo, hindi raw niya kailangan ng tulong natin. Kaya na 'raw' niya ang sarili niya. Masyadong paka-independent ang anak mo. Oh edi pabayaan mo na 'yan." saad pa ni Anna. Nagsimula na akong mainis sa babaeng 'to. Pero nagulat ako nang hindi man lang kumibo pabalik si Rachel, nakayuko lang siya. "Anak, Rachel. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na magpaka-ama sa'yo, please." pakiusap ni Mang Roel. Nakita kong humarap si Rachel na halata kong galit na galit na, agad siyang tumayo at walang pasabing umalis sa bahay nila. Nagulat ako dahil iniwan niya ako. Bumuntong-hininga ako. "Sorry po sa inasal ng anak niyo." saad ko kay Mang Roel habang palabas kami sa bahay nila. "Salamat sa'yo, Raven dahil sa pangungumbinse mo kay Rachel na puntahan ako't kausapin. Ngayon, hindi malabong ayawan niya talaga ang pagsuporta ko sakanya." saad niya. Tuluyan na akong lumabas sa gate nila. "Gusto ko lang malaman niya na malinis ang hangarin kong suportahan at magpaka-ama sakanya. Ilang taon na hindi ako sumipot sakanya, ngayon ay gusto kong ayusin ang mga pagkakamali ko." paliwanag niya sa'kin. Tumango naman ako. Tumingin ako kay Mang Roel. "Huwag po kayo mawawalan ng pag-asa. Gagawin ko po ang lahat para makumbinse si Rachel, at para magka-ayos na kayong dalawa." ngiti kong saad sakanya. Tumingin siya sa'kin. "Maraming salamat, hija." saad niya sa'kin at ngumiti siya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya nang mapansin na nagiging malinaw ang mga 'to. Biglang nagzoom in na naman. At nakakita ako ng panibagong vision. Mula sa ama ni Rachel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD