Chapter 19

2389 Words
Nandito ako sa lugar na pamilyar sa'kin. 'Yung lugar na palagi kong nakikita sa panaginip, kung nasaan palagi 'yung babaeng nasa panaginip ko. Hinanap ko siya dahil napansin kong wala siya. "Nasaan ka? Magpakita ka sa'kin!" sigaw ko habang palingon-lingon sa paligid ko. Lumitaw siya bigla sa harap ko. "Nakokontrol mo na." saad niya. Huh, ang ano? Binalewala ko na muna kung anong sinasabi niya. At kinompronta siya. "Ikaw ba may gawa ng pagkahimatay ko? Ano 'yun, sinapian mo ako?" gulo kong tanong. Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung kwento sa'kin ni Violet. Alam kong hindi ako ang tumawag sakanya noon dahil nahimatay na ako nang makita ko 'yang babae na 'yan. "Ikaw din lang naman ang gumawa n'on." sagot niya na ikinataka ko. Hindi ako 'yun, sigurado ako. "Hindi! Hindi ako 'yun. Ililigtas ko na dapat si Lila sa kamatayan niya. Alam kong ikaw ang gumawa n'on para tuluyan siyang mamatay 'di ba?" saad ko sakanya. Wala pa rin siyang emosyon o reaksyon sa mga sinasabi ko. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi mo maaaring iligtas o pigilan ang pagkamatay ng mga tao? Magiging isang malaking gulo iyon at paniguradong mababago ang hinaharap." saad niya. "Kung gan'on, ipaliwanag mo sa'kin kung bakit. Bakit kailangan may mga inosenteng taong mamuhay nang masaklap, at mamatay nang masaklap pa rin?! Bakit?" galit kong tanong. Dahil sa galit ay nanghihina akong napaupo sa lapag at umiiyak. Naawa ako kay Lila dahil sa mura niyang edad, masyadong brutal at masakit ang pinagdaanan niya sa buhay at hanggang kamatayan. Gusto ko malaman kung bakit hinahayaan nilang mangyari 'yun!? Dahan-dahan naman siyang yumuko para maging magkaharap kami. Hinawakan niya ang babà ko para iangat at matingnan ako. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang kamay. "Ikaw lang ang makakasagot sa tanong na 'yan. Ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong na bumabagabag sa'yo. Kaya huwag kang sumuko at magpadala sa kalungkutan at paghihinagpis, kun'di hanapin ang mga sagot kung nais mong kilalanin ang iyong sarili." payo niya. Tinanggal ko ang mga kamay niya. "Paano!? Ang hirap! Bakit ba kasi ako!? Bakit ba kasi sa'kin nangyayari lahat ng 'to?" sunod-sunod kong tanong. Hindi siya sumagot. Tumayo na siya at tumalikod sa'kin. Tumayo na rin ako. "Sabihin mo na kasi sa'kin. Naguguluhan ako! Ano ba 'to, bakit meron akong kasumpa-sumpang abilidad!? Kailan ba masasagot lahat ng tanong ko?" tanong ko sakanya. "Maghintay ka. Kusang darating din sa'yo ang sagot." saad niya lang. Gusto ko siyang murahin at saktan. Dahil naiinis ako, paulit-ulit na lang, walang kwenta lang lahat ng mga sinasagot niya sa'kin. "Sabi mo ikaw ang gumagabay sa'kin. Eh hindi ko naman ramdam! Sino ka ba talaga?!" saad ko. Lumingon siya. "Balang araw, magkikita rin tayo." Huh? Unti-unti nang nagiging malabo ang paligid ko. Sa tingin ko, ito na ang oras para magising ako. "Ngunit hindi na sa panaginip mo." *** Dumaan ang ilang araw simula n'ong matagpuan namin ang bangkay ni Lila. Sa mga araw na 'yun, minabuti kong maaalagaan nang maayos si Renzo na kapatid ni Lila. Idinala siya sa DSWD, para hanapin ang magulang niya at tingnan kung pwede siyang ibigay sa mga 'yun. Hindi ko alam kung bakit pinabayaan na lang silang dalawa ng mga magulang nila, hindi ako makakasiguro dahil iniwan sila. Ano bang malay ko, baka katulad din sila ng tito nila na abusado at pabaya. Hindi ko masisisi ang sarili kong isisi sakanila 'yung nangyari sa mga anak nila. Nakita ko kung paano mamatay si Lila, hindi lang simpleng p*******t ang inabot niya. Kun'di pang-aabuso at pang-aapak ng dignidad ni Lila. Masyadong brutal ang pagkamatay niya to the point na natatrauma na ako sa tuwing naalala ko iyon. I still have that fear of death. N'ong mga araw din na 'yun ay tuluyang nahuli at naaresto 'yung tito nila. Dahil sa pagsasalita ni Renzo about sa pang-aabuso sakanila, tuluyan siyang mabubulok sa kulungan. Well, he deserved that. Ito na ang last day namin sa Heronimo, ang last day namin sa Liwanag Project. Ang tanging activity or program na lang ngayon ay pagbibigay ng donations and groceries sa mga tao rito sa Heronimo. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagtulong at pag-aasikaso ng mga goods and other materials na ibibigay namin. Naging busy rin sina Violet dahil sa pagtulong. Buong maghapon naming ginawa ito. At sa gabi naman ay isang celebration ang ginanap, isang closing party para sa'min dahil naging successful ang project na 'to. Katulad lang ang setup n'ong nagkaroon ng social gathering party nang gabi. Mayroon ulit bonfire sa gitna, may music, foods, and a program. Dapat hindi na ako sasama, simply because I don't want to. Pero itong mga makukulit kong kasama ay pinilit ako. "This is our last night here in Heronimo, girl. Tara na kasi." pilit ni Violet. "Yeah, sure ako mag-eenjoy ka." pagsang-ayon ni Aleis. "Pwede ka namang hindi na lang sumama." kontra naman ni Isagani. Sumama ang tingin ng dalawa kay Isagani. "Ano ba, ang K.J. niyong dalawa." saad ni Violet. "Oo na, sige na." sagot ko na lang para tumigil na sila sa pangungulit. "Yey! Lakas ko talaga!" saad ni Violet. And now, we're here. Kumpara noon, maraming tao ang nandito ngayon. Maybe because it's our last night and everyone is invited to celebrate everyone's success. Natapos na kaming kumain, at nakaupo lang ako rito malapit sa cliff mag-isang umiinom habang ang iba ay nagkakasiyahan. I admit, hindi pa rin ako makamove on sa nangyari n'ong mga nakaraang araw. Kahit pa naayos ko naman ang lahat, hindi pa rin 'yun sapat na kapalit ng buhay ni Lila. I suddenly felt the cold breeze, it's like embracing me. Napapikit na lang ako. Ilang sandali pa ay dumilat na ako. At ang una kong nakita ay si Isagani. Nasa may dulo siya nakatingin din sa direksyon ko. May hawak siyang sketchpad. Nang mapansing nakatitig ako sakanya ay ngumiti siya. Tumayo siya at naglakad papunta sa direksyon ko. Nang tuluyan siyang makalapit sa'kin, tinanong ko kung ano 'yung dinadrawing niya. "Ano 'yan?" tanong ko. Umupo siya sa tabi ko. "Wala. Pampalipas-oras lang." saad niya. Hindi ko na lang siya pinilit na ishare kung ano mang laman ng sketchpad niya. Dahil obviously puro mga sketch lang ang nand'yan. Ilang minuto kaming nanahimik habang pinapanood ang mga tao na nagsasaya. Maya-maya naman ay may sinalpak siyang earphone sa tainga ko. May narinig akong music, kumpara sa natugtog dito sa camp, 'yung music sa earphone na 'to ay mabagal lang. Halika na, hawakan ang aking kamay at sabay maglakbay Iwanan na, kalimutan na ang mga problema at sakit na 'yong nadarama Nakakarelax. Nakita kong biglang tumayo si Isagani kaya naman nahulog 'yung earphone na nakalagay sa tainga ko. Bastos, magpaparinig ng music tapos biglang aalis. Pero imbis na umalis ay nakita ko ang kamay niyang naka-abang. Kumunot ang noo ko. Hindi pa naman ako aalis, ah. Nakatingin ako sakanya na nagtatanong kung anong ginagawa niya. "Tara, sayaw tayo." aya niya. Natawa ako. "Sayaw?" saad ko. Tumango siya. Tinanggap ko iyon. Katulad noon, inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at inilagay naman niya ang mga kamay niya sa baywang ko. Sinalpak niya ulit 'yung isang earphone sa isang tainga ko, gan'on din sakanya. Sumabay ang pagsayaw namin sa musika. Oh, tatakbo, lalayo Oh, kasama mong tutungo Natawa ako sa setup namin. Magmumukha kaming baliw dito eh. "Bakit naisipan mong isayaw ako, at may pa-earphones ka pang nalalaman?" tanong ko. Parang kaming dalawa lang ang nandito, wala akong ibang nakikita pa kun'di siya. "Gusto ko lang. At saka para tayong dalawa lang ang nakakaalam ng kanta." tipid niyang sagot. Napasabi naman ako ng 'wews' sakanya. Isasayaw ka sa ulap, damhin ang hangin Ang ihip na nagsisilbing himig natin Kasabay ng t***k ng mga puso nating Nagniningning ang mga bituin Nagniningning ang mga bituin... Tumawa kami, kahit walang nakakatawa. "Gusto kong makita kang palaging nakangiti at tumatawa." sabi niya sa'kin. Bigla tuloy ako naconscious sa hitsura ko dahil kanina pa siya nakatitig. Hindi ko na napigilang ngumiti dahil sa sinabi niya. Malamang ineexpect niyang ngingiti ako, kaya pinagbigyan ko haha. "Ano naman?" saad ko na lang, sumasayaw pa rin kami. "Kasi mas gumaganda ka, syempre." sagot niya. Natawa na lang ako. 'Yung pagsagot niya kasi ay parang sinasabi niya sa'kin na obvious na 'yung sagot. "Haha, cute mo 'no." saad ko sabay pisil sa pisngi niya, dahil ang cute palagi ng mga reactions niya. At nagtawanan na naman kami. "Hoy! Raven, Isagani anong ginagawa niyo?" rinig kong tanong ni Violet. Yeah, alam ko na boses niyan kahit pa gaano ata kalayo. Lumingon kami pareho. Kaya natanggal sa tainga ko 'yung earphone. Napatigil tuloy kami sa pagsasayaw. Tahimik niya lang itinago ang earphones niya sa bulsa. Tuluyan nang nakalapit sa'min sina Violet at Aleis. "Ay, hehe sorry." biglang saad ni Violet. Binatukan siya ni Aleis. "Istorbo ka masyado, napakaingay mo." saad ni Aleis sakanya. Nagpout si Violet sabay hawak sa batok niya. "Tara na, magpahinga na tayo? Para maaga rin tayong makauwi bukas." pag-aya ni Isagani. Tumango naman ako. Nauna na si Isagani, at sumunod kami ni Aleis sakanya. "Hoy! Hala sorry na guys! Malay ko ba na naglalandian pala kayo!" sigaw ni Violet habang hinahabol kami. Lumingon ako kay Violet at pinandilatan siya. Napatigil naman siya at nagsorry ulit. Kinabukasan ay nag-impake na ang lahat dahil maya-maya lang ay aalis na kami. Chineck ko in person for the last time si Aling Mercedes, at si Renzo. Bumisita rin ako sa puntod ni lola Teresa at kay Lila. Pagkatapos ng mga 'yun ay tuluyan na kaming bumalik sa San Imperial. Grabe, sa isang linggong 'yun, ang daming nangyari. Bumalik kami sa Las Espadas nang gabi na, sinalubong agad kami nila ate Kristie. Sabay-sabay na rin kami kumain ng hapunan. Ngayon ay nandito na ako sa kwarto na tinutuluyan ko. Kasama ko sina Violet at Aleis. Bukas ang flight nila papunta sa Manila. Nagpaiwan muna ulit ako rito. Hindi ko alam, pero feel ko may mission pa ako rito. At isa pa, napamahal na rin ako sakanila. "Sure ka ba Raven, na dito ka na muna?" tanong ni Violet. "Oo naman." sagot ko. "Hindi mo ba namimiss sila Tita?" tanong naman ni Aleis. Bumuntong-hininga ako. By the time na bumalik na ako r'on, dapat desidido na ako sa career na tatahakin ko 'di ba? Pero ngayon, mas marami pa akong ibang bagay na iniisip kaysa r'on. Nawala na nga 'yun sa priorities ko eh. "Medyo." tipid kong sagot. Nasa table ako sa harap ng bintana, nagsusulat sa journal ko. "Mukhang nalimutan mo na ata 'yun ah." saad naman ni Violet. Nakatingin lang ako sakanila. "Ayaw ko nang isipin 'yun." saad ko na lang. "Wag mong sabihin, na ayaw mo nang balikan 'yung pamilya mo?" tanong ni Aleis. Kumunot ang noo ko, medyo O.A. siya sa part na 'yun, ah. "Hindi. Ang ibig kong sabihin, ayaw ko na munang isipin 'yung problema ko r'on sakanila." paliwanag ko. "Basta, sis, sabihan mo kami agad kung uuwi ka na. Para kami ang unang susundo sa'yo, haha." saad ni Violet at tumango ako. Pagdating ng umaga ay nagpaalam na sina Violet para bumyahe papuntang Green Centrum dahil doon sila sasakay ng eroplano. Nagpaalam kami, pati na ang pamilya ni Isagani. "Mag-iingat kayong dalawa, ha? Kaawaan kayo ng Diyos." bati ni Aling Flor. "Babye ate Violet at kuya Aleister!" paalam ni Ningning. Gan'on din ang iba. "Uy Isagani, ah. Kapag may other projects or what, magsabihan tayo para maulit ulit. Sana makapaghang-out tayo, soon! Wah, mamimiss ko kayong dalawa!" saad ni Violet sa'min ni Isagani. Tumawa si Isagani sabay tango. "Balitaan na lang." saad ni Isagani. "Sige pre, kitakits ulit next time!" paalam ni Aleis. Nagpaalam naman kami sakanila, hanggang sa tuluyan na silang umalis. *** Dumaan ang ilang mga araw na nandito ako sa Las Espadas, bumalik ako sa routine ko palagi rito. Katulong ako ni ate Kristie sa mga gawaing-bahay bilang siya na ang humahalili niyon dito. Unti-unti namang lumalago ang negosyo namin kaya nakakatuwa dahil may naigagastos kami para sa mga bayarin sa bahay at may naiipon din naman. Tuluyan na rin akong napalapit sa pamilya ni Manang Fe, as in lahat sakanila. Minsan ay binabantayan ko si Aiko sa pagtulog o sa paglalaro niya sa bakuran. Tinutulungan ko naman sina Leo at Ningning sa mga assignments at projects nila. Tapos, hindi ako makapaniwala na minsan ay nakakausap ko na nang matino itong si Rachel. At mas naging close ako kina ate Kristie, kuya Rob, at kay Isagani. Isang gabi naman ay ako ang nagtapon ng basura sa labas. Gawain 'to ni Rachel pero kasi wala siya aa bahay dahil nasa Green Centrum siya, may project kasi silang ginawa r'on at mga 3 days siyang wala. Kaya ako na muna ang pansamantalang nagtatapon ng basura tuwing gabi. Madilim na ang paligid, walang katao-tao. Tanging mga lights mula sa poste ang liwanag sa daan. Inaantok na ako kaya kinukusot ko na ang mga mata ko. Itinapon ko na ang basura sa basurahan. "Rachel!" rinig kong saad ng isang lalaki. Agad akong napalingon. "Ay-" saad niya. Kumunot ang noo ko at tinitigan iyon. Mula sa likod ng basurahan ay nagpakita siya sa'kin. "Pasensya na hija, akala ko ay ikaw si Rachel." saad niya. Dahan-dahan akong tumango. May katandaan na ang lalaki, siguro nasa mga late 40's na 'to. Matangkad siya at medyo may katabaan din, nakasumbrero siya kaya hindi ko gaanong makita ang hitsura niya. "Sino po kayo? at bakit kilala niyo si Rachel?" tanong ko. Napamulsa siya at bumuntong-hininga. "Aw, kilala mo si Rachel?" tanong niya. "Opo, 'yung anak ni Manang Fe." saad ko naman habang natango. "Nasaan siya? At bakit hindi siya ang nagtapon ng basura?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. He's getting suspicious, huh. Bakit niya kilala si Rachel? Kaano-ano niya ba si Rachel? "Wala po siya ngayon dito." iyon lang ang sinagot ko. Dahil baka stalker 'to ni Rachel, mahirap nang magtiwala lalo na sa mga strangers. "Uh, bakit niyo po siya hinahanap?" tanong ko pa ulit kahit medyo natatakot ako sa taong 'to na bigla biglang nasulpot. "Gusto ko sana siya makausap. Ako ang ama niya." saad niya at napasinghap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD