Chapter 6

1695 Words
LAVINIA'S POV Sa wakas Friday na rin natapos na ang lahat ng gawain sa school. Kamusta na kaya si Andre halos di na kami masiyadong nagkakausap non Makamusta nga mamaya at pupunta lang ako ng 7-Eleven para makabili ng pagkain Pababa na ako ng hagdan at nakita ko si kuya nandon sa sala at nanonood Palabas na sana ako at "hep hep saan ka pupunta bunso?" nagulat ako at biglang nagsalita si kuya Zac "diyan lang kuya sa may 7-Eleven bibili lang pagkain" "may gusto sana akong malaman pero sige umalis ka muna at bumalik ka kaagad Lavinia." sabi niya Mukhang seryoso si kuya ah haha wrong timing kasi nandiyan pa "sige po kuya babalik po ako agad" Umalis na lang ako at baka ano pang sabihin non bat kaya ganon reaksyon ni kuya mukhang seryosong usapan yun ah *vibrate* Biglang nagvibrate phone ko at tinignan ko na lang kung sino Ria Uy bess ano kamusta ka na? magkwento ka ahh hahaha Si Ria lang pala kala ko si Andre Nireplayan ko na lang si Ria ,nakakamiss na rin bestfriend ko kailan kaya kami makakauwi ng probinsiya. Sana naman at makauwi kami kahit bakasyon manlang. Nandito na pala ako sa 7-Eleven di ko napansin kakadaldal ko kay Ria neto Namili na lang ako ng mga pagkain buti na lang talaga may malapit sa amin na convenience store walking distance lang sa village namin. Pagkatapos ko mamili umuwi na lang ako agad at baka hanapin na ako ni kuya Zac Pagdating ko sa bahay dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nanood na lang sa tv. *tok*tok* "pasok po" sabi ko na lang pumasok na lang si kuya zac "bunso pwede ka ba makausap?" tanong niya sa akin. inoff ko na lang muna yung tv "sige po kuya ano yun?" tanong ko din. "may nanliligaw na ba sayo?" tanong ni kuya sa akin. tekaa nakakagulat naman yung tanong niya,ano ba naman si kuya zac "silence means yes" sabi niya Nagkwento na lang ako sa kanya kung paano ko nakilala si Andre. "Siguraduhin mo lang na seryoso yan bunso naku pag ikaw sinaktan niyan ako ma-- "kuya zac hinay ka lang at syempre mas mabuti kilalanin ko muna di ba ilang buwan pa lang naman." sabi ko sa kanya pinutol ko na yung sasabihin panigurado mahaba yan ,si kuya pa ba naku haha "sige na pala bunso iwanan na kita diyan at bukas gagala na lang tayo." sabi niya "sige kuya thank you" sabi ko at umalis na din si kuya zac sa kwarto ko Tinignan ko na lang yung phone ko at sakto nagchat si Andre. John Andre Euzon Sorry Lavinia ngayon lang ako nakapagreply sayo kakauwi ko lang galing sa laro namin at goodnews panalo kami *smiley face* Kaya naman pala na busy siya Nagreply na lang ako sa kanya To: John Andre Euzon waahhh! nicee congrats sa inyoo sana sasusunod makanood na ako ng laro niyo. btw kamusta ka pala nung mga nakaraang araw? *Delivered* *Seen* Habang naghihintay na lang ako ng chat niya binuksan ko na lang yung tv. *vibrate* John Andre Euzon okay lang naman kaso pagod kasi busy sa training tas ayun pinansin ako ng ex ko gusto niya makipagbalikan pero ako ayoko na ,mahirap na baka masaktan ulit. ikaw kamusta ka naman? Buti naman at natauhan na yung tao To: John Andre Euzon I'm fine naman masiyado rin naman maraming gawain sa school kaya hindi din nakakapag chat sayo teka ano naman sabi mo sa kanya non? *Delivered* *Seen* Hala bat ako curious ako woy Laviniaa bat ka ganyan *vibrate* Ria woy bes di ka na nagreply sa akin ,ayaw mo bang magkwento? Eto naman talagang bestfriend ko gusto ichismis agad agad To: Ria Sorry bes may ginawa lang ako ngayon. *Delivered* *vibrate* John Andre Euzon kas ganito yan habang nagdidiscuss yung teacher namin biglang may namato ng papel sa akin kala ko kung sino kaya nagtaka ako ayun siya pala sabi niya basahin ko daw yung nakasulat sa papel tas binuksan ko na tas nakalagay don about sa makikipag balikan siya na narealize niya na ako lang mahal niya ganon yung nakalagay ang sabi ko sa knya na nakapagmove-on na ako sa kanya at tigilan niya na ako. Grabe naman yung babae ,sinaktan niya na nga si Andre ang lakas loob pa makipagbalikan To: John Andre Euzon Ayan ayan tama lang yung ginawa mo alam mo hindi mo siya deserve pero ang galing mo don sa puntong yun bilib ako sayo. Sabi ko na lang sa kanya ,tama lang kasi yung ginawa niya. Mahirap kasi kapag niloko ka na babalik ka pa sa taong yun. ay wow lavinia gumaganon ka teka may experience na ba ako sa ganon haha Nagvibrate ulit yung phone ko John Andre Euzon oo haha tama lang ganon ginawa ko kasalanan niya naman kung bakit ganito ako ngayon sa kanya. Nagmahal lang ako pero nasaktan Ika niya oo nga naman tama! To: John Andre Euzon ang drama naman pala natin noh haha *Delivered* *Seen* *tok* *tok* "nak tara kain na tayo" sabi ni mama "sige po ma tara po" sumunod naman na ako kay mama Bumaba na lang kami ni mama at kumain na lang ng hapunan. Makalipas ng ilang minuto at tapos na rin ako kumain. Nasarapan ako sa luto ni mama buti na day-off ni mama at natikman ulit luto niya. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at tinignan yung phone ko John Andre Euzon kumain ka na ba? Lavinia. To: John Andre Euzon Yes po kakatapos lang ikaw kumain ka na? *Delivered* *Seen* John Andre Euzon Yup kumain na rin ako anong ginagawa ko ngayon? Naupo na lang ako sa kama at nanood ng tv ulit gawain ng walang magawa sa buhay haha To: John Andre Euzon nakaupo lang habang nanonood ng tv ikaw ba? *Delivered* *Seen* John Andre Euzon hmm ano nga ba? naglalaro To:John Andre Euzon Naglalaro ng? *Delivered* *Seen* Teka ano yun .. Lavinia wag kang green diyan umayos ka John Andre Euzon ano nga ba? hmm di bale sasusunod malalaman mo din *wink emoji* kamusta pala kayo ng ex mo? *Delivered* *Seen* Halaaa nag change topic agad haha To: John Andre Euzon sige ikaw bahala haha baliw ka eto nagmomove-on naman na teka ang tagal na non ahh past is past na dong *Delivered* *Seen* Malipat nga muna ng channel ,paglipat ko teka anoo ito nag aanuhan shettt lipat ulit ano ba naman yan Lavinia hahaa Nagvibrate na lang phone ko John Andre Euzon oo nga palaa matagal na pala yun sa bagay tama yan ako na lang ipalit mo *wink emoji* Medyo makapal din pala pagmumukha ni Andre hahaa di medyo,makapal pala ANDRE'S POV Alam niyo ba kung ano nilalaro ko syempre ano ba yung sikat na Clash of Clans for short COC Naku naman baka iba iniisip niyo anong akala niyo ha haha Natanong ni Lavinia kung byuda na si mama ko. Nireplayan ko na lang siya,ilang buwan na rin pala kami magkachat ni Lavinia Kaya nakakapag open up na rin ako ng problema sa kanya Pumayag na lang ako na interviewhin niya si mama for project lang din daw sa Filipino nila. Biglang nagvibrate ulit yung phone ko,pagkatingin ko kala ko si Lavinia yun pala si Bea. Bea Frances Andre,please balik ka na sa akin *sad emoji* Takte naman si Bea ang kapal ng mukha siya na nga may kasalanan siya pa ngayon pa habol habol sa akin yung feeling na nagmomove on na nga sa kanya,nagpaparamdam pa siya *vibrate* Si Lavinia pala buti na lang,sinend niya na lang sa akin yung mga tanong na sasagutin para sa interview. To: Lavinia Rose Cazas Oo naman lavinia,for you I will naks hahaa *Delivered* *Seen* Nagheart emoji na lang siya ata ako naman ay naglaro na lang ulit ng COC ng biglang tumunog yung phone ko Tinignan ko kung sino leche si Bea Kausapin ko na lang nga at matapos na panggugulo niya Phone Conversation... "Ano bang kailangan mo bea?" medyo inis na tanong ko sa kanya. "Andre *hik* tayo na lang ulit please. Mahal na mahal kita." rinig ko sa phone na umiiyak siya "Bea please lang napagusapan na natin ito di ba wala na tayo tapos na ang lahat bakita ka ba nagpaparamdam pa" sabi ko "Tama na Bea layuan mo na ako,ikaw may kasalanan ng lahat at bakit ganito ang nangyare." sabi ko ulit tuluyan lang siyang umiiyak Pinatayan ko na lang phone End of phone conversation... LAVINIA'S POV Ang tagal naman magchat ni Andre teka malamang kasi nagheart react ka lang naman sa kanya. Ano ba naman yan Lavinia kabaliwan mo talaga haha Machat na nga lang ulit To: John Andre Euzon Andreee,kung magkakagirlfriend ka ulit ano yung katangian na gusto mo sa kanya or ugali na gusto mo? *Delivered* *Seen* John Andre Euzon sorry di agad nakapagreply ,tumawag yung ex ko nakakainis lavinia ah kaya naman pala ,tinignan ko na lang orasan ko at 11:30 na pala ng gabi. Bakit kaya hindi ako makatulog at may pasok pa Nagkwentuhan na lang kami ni Andre sa mga gusto namin ugali sa magiging gf/bf namin ako kasi gusto ko yung taong maintindihin at syempre maalagaan ako ,mamahalin ako kung ano ako ganon hahaa Pinatay ko na lang yung tv ko at nagpatugtog na lang ako That should be me, holding your hand That should be me, making you laugh That should be me, this is so sad That should be me That should be me Dapat ako yung gagawa sayo niyan pero mas pinili mo yung malapit sayo hays sa bagay mas magandang malapit yung kasintahan mo kaysa malayo hays ano ba naman mga iniisip koo Lavinia tama na yan Nagvibrate na lang ulit phone ko John Andre Euzon kung manligaw man ako sayo ,papayag ka? Tekaa bat naman ganito katanungan neto To:John Andre Euzon halaaa bat ang bilis naman *Delivered* *Seen* hmm kung papayag ako hindi ko muna seseryosohin kasi di pa naman kami nagkikita at sa mga chat ko lang naman siya nakilala sige try lang natin muna Pumayag na ako sa tanong niya pero sorry hindi muna kita seseryosohin Makatulog na nga lang at hating gabi na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD