LAVINIA'S POV
It's Thursday and yon sobrang busy today at hindi ko ma replayan si Andre sa chat.
"okay class dahil malapit na ang pagtapos ng 1st sem niyo ang ipaproject ko na lang sa subject na ito ay maginterview kayo ng mga byudo or byuda. Groupings or individual? Syempre Individual kasii alam ko naman may mga kagrupo kayong hindi gagawa." sabi ni Ma'am.
Totoo naman sinasabi niya haha may mga kagrupo talagang hindi sasama or gagawa haha
"paano po Ma'am kapag walang nainterview?" tanong ng isa namin kaklase
"madali lang naman wala kayong grades. eto pa pala need ko ng script niyan." sabi ulit ni Ma'am
Maraming umangal na kaklase namin na groupings na lang pero wala silang magawa kasi yun na mismo yung project namin this sem.
hmmm. Teka may naalala ako
*Flashback*
Magkachat pa rin kami ni Andre ngayon ng bigla na lang siyang tumawag.
"Hiii Laviniaaa" sabi niya
"Hi andre teka napatawag ka po?" tanong ko
"Wala lang tinatamad kasi ako magtype kaya tumawag na lang ako." sabi niya sabay hawak sa batok.
"kaya naman pala. So ano na pala yung pinaguusapan natin kanina?" tanong ko ulit sa kanya.
"kung complete pa ba family namin." sabi niya
"ay oo nga pala" (sabay tawa ko)
"ayun di na kami kompleto maagang namatay si papa dahil sa sakit niya." sabi niya
"Im sorry condolence andre" sabi ko
"okay lang naman atlis kinaya ni mama kahit wala si papa pero sobrang namimiss ko yun si papa kahit bata pa lang ako nakasama ko siya."
"ano sakit niya andre?" tanong ko
"lung cancer" sabi niya
"delikado talaga kapag ganyan yung sakit noh andre kaya ikaw mag ingat ka." sabi ko sa kanya
"yes po laviniaaa"
*End of Flashback"
Tama nga kausapin ko na lang si Andre kung pwede mainterview mama niya.
"Pst lavinia tulala ka diyan" sabi ni Nica sa akin
"Ay sorry may naalala lang kasi ako." sabi ko naman
"Class dismiss" sabi ni Ma'am sakto recess na rin.
"Tara sa canteen" niyaya ko na si Macey at Nica dahil yung ibang kaibigan namin ei wala pa baka mamaya pa sila.
Well mga Humss kami haha madali matuto char kasi kung di lang talaga nagkaroon ng k-12 ei college na kami ngayon. So ayun wala na tayong magagawa don dahil nasunod lang tayo sa gobyerno.
Nandito na pala kami sa canteen ng di ko namamalayan haha
"ano oorderin natin?" tanong ni Macey
"sa akin ano 10 pesos na sopas lang tas tubig" sabi niya
Mukhang nagiisip pa ata si Nica,nakapila lang kami dito.
Parang gusto ko magtosilog na lang para busog na rin
Ayun umorder na lang kami at naghanap na ng upuan at kumain na lang
Habang kumain kami nagsi datingan na yung iba namin mga kaibigan syempre yung iba may iba't-ibang major sub at strand na napili
ANDRE'S POV
Nagkaklase lang ngayon yung teacher namin kaso ako hindi ko alam kung makikinig ba ako or hindi haha
Alam niyo yon makikinig ka tas lalabas din sa kabilang tenga mo ganon yon
*plok*
Teka ano yon bat parang may nambato sa akin ng papel tinignan ko likod ko at meron ngang nalaglag na papel.
Pinulot ko na lang at teka may nakasulat pa nga
Bea
Hinanap ko kung nasaan si Bea ayun nga siya nga namato ng papel
Bumubulong siya sa akin na may nakasulat daw sa papel ,curious pa naman akong tao tinignan ko na lang din
Hi!Andre
Sorry sa mga naging kasalanan ko sayo, sorry kasi lumayo ako sayo at naghanap ng iba sorry Andre gusto ko ipaliwanag sayo ang lahat sana hinayaan mo muna ako magpaliwanag bago ka umalis sa buhay ko. Sorry Andre
Teka bakit naman ganito mga pinagsasabi neto ei siya nga mismo ang umamin na may kasama siyang iba
Harap harapan niya akong lolokohin ,tinapon ko na lang yung papel at walang kwenta naman yung mga nakalagay doon.
Hindi ko na lang pinansin si Bea at nakinig na lang sa lecture ni Ma'am
"Uy pre ano yon?" tanong sa akin ni Christian
"Wala yon pre wag mo ng pansinin" sabi ko
Ewan ko naiinis ako ngayong araw dahil sa kanya nasira araw ko.
Kamusta na kaya si Lavinia,hindi siya nagrereply sa mga chat ko
BEA'S POV
Helloooo everyone! I'm Bea Frances ex ni Andoy for short Andre pala.
Ang tanga lang noh ni hindi man lang pinansin ni Andre yung sulat ko sa kanya
Ayun ang sakit lang kasi yung nangyare sa amin di ko naman siya niloko that time napilitan lang talaga ako gawin yon dahil sa magulang ko.
Ang sakit lang kasi mas narealize mo na mas mahal mo talaga yung taong mahal mo ano daw haha by the way so ayun na nga wala na siguro akong pag-asa para iexplain sa kanya yung nangyare kung bakit ganon
*Flashback*
Nandito lang kami sa park kung saan ei kasama ko yung lalaki na nireto sa akin ng magulang ko.
Binigyan niya ako ng flowers and teddy bear at may pa chocolate pa haha
Naglakad lakad lang kami sa park ayun usap usap dito hanggang niyaya niya na lang ako umupo.
"Bea I have a question to you" sabi niya sa akin english pa nga haha
"What's that?" tanong ko naman napaenglish ako haha
"Can you be my girlfriend?"
bat naman ganon ang tanong di ako ready wag naman ganyan may boyfriend ako
kakagawan nanaman ng magulang ko ito,hindi ko alam gagawin ko
"wait what's that?" tanong ko ulit hindi ko talaga alam isasagot ko
"Can you be my girlfriend? Bea" tanong niya
Bahala na nga
"hmm yes" sabi ko na lang
bigla niya akong yinakap at hinalikan kaya nagulat ako sa nangyare
*boogsh*
Nagulat din ako ng sinuntok ni Andre yung lalaki
"Andreeee"
"Sino ba tong g*g* na lalaki?" galit na galit na tanong ni Andre
"G*g* ka wag na wag mong minamanyak girlfriend ko pre kundi ako makakalaban mo" sabi pa ni Andre
"Teka pre *cough* hindi ko minamanyak girlfriend mo ,ei girlfriend ko yang babae na yan tas sasabihin mong jowa mo" sabi nung lalaki
Natulala na lang ako sa mga nangyayare ngayon at hindi ko alam gagawin ko
"Bea sino ba tong lalaki?" tanong ni Andre sa akin
"Andre ,sorry pero boyfriend ko siya" sabi ko na lang hindi ko na kasi alam gagawin ko
"Bea totoo ba yan pinagsasabi mo?" tanong niya sa akin na paiyak na siya
"Oo totoo Andre mga pinagsasabi ko sayo"
"Sino pipiliin mo ako o siya?" tanong niya ulit
"Andre I'm sorry pero siya yung pipiliin ko" sabi ko umiiyak na lang din ako kasi di ko alam mga pinagsasabi ko
Tuluyan na siyang umiyak sa harapan ko din
"Bea naman please wag naman ganito" hinahawakan niya mga kamay ko pero binibitawan ko
Hanggang sa lumapit na sa akin yung lalaki at nilalayo na ako kay Andre at umalis na lang kami
* End of Flashback*
Nakakainis pinagsisihan ko yung nangyare sa amin ni Andre
Naiinis ako sa magulang ko kung bakit sila pumayag sa ganon na sitwasyon,ang hirap lang kasi yung company nila mama at papa ei malulugi na yun na lang daw ang tanging paraan para maisalba ang kumpanya.
Waahhhh ang hirap talaga magmahal lalo na yung tadhana ay hindi talaga para sa inyo