PROLOGUE

328 Words
Kanina pa ako takbo ng takbo. Wala na nga akong malabasan dito sa malaking bahay na to e. Saan ba ang daan palabas? Bakit naka sara ang lahat? Hindi ko rin maabot ang mga bintana dahil masyadong mataas. Masyado ring madilim dito na parang ayaw sinagan ng araw. Tanging ang buwan lang ang nagbibigay sakin ng gabay para makita ko ang daan. " Nasaan na ba kasi ang daan palabas? " Bawat pinto ay binuksan ko. Pero merong iisa na hindi ko pa nabubuksan dahil natatakot ako. " My dear. You can't leave this house. " Isang beses na di'ko alam kong saan Nanggagaling. " SINO KA? " -tanong ko. " Don't you remember? " Bakit? Nakita ko na ba siya? " KUNG SINO KA MANG TAMPALASAN KA! PALABASIN MO NA AKO. GUSTO KO NG UMUWI, " -pagmamakaawa ko. " No. You can't. Don't leave me. " Sa part na 'Don't leave me' para siyang nagmamakaawa? Lilinga-linga ako pero wala talaga akong makitang daan palabas. Tumakbo ako ulit. Masakit na ang mga binti ko. Masakit na rin ang t'yan ko dahil nagugutom na ako. Halos mapudpud na rin ang sapatos ko kakatakbo. " Pa'no ba kasi ako napunta dito? " -tanong ko sa sarili ko. Napahinto ako ng may lalakeng nakaharang sa dadaanan ko. Malayo ang distansya namin sa isa't isa. Sino naman to? Siya ba yung kanina? " Hindi ka aalis, " -tila maotoridad nitong sabi. " Hindi mo'ko iiwan. ". Hala? Tanga ba siya? Ni hindi ko nga siya kilala. " Hoy!! Kung sino ka man na nagdala sa'kin dito. Pwede ba? Gusto ko ng umuwi! " -mangiyak ngiyak kong sabi. Napasinghap ako ng biglang nasa harap ko na siya. Harap ko mismo. Face to face. Ngayon ay nakita ko siya ng harapan. Mapupungay na mga mata. Pero parang naka drugs ata? Ang pula, e. Tapos yung balat niya. Sing-puti na ata ng bangkay? " Please. Don't leave me. " -bigla ako nitong niyakap. Sino kaba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD