LIAN'S POV
Napabalikwas ako ng gising dahil
sa alarm clock ko. Hmm! Istorbo!
Nakakainis naman. Napabangon ako
sa higaan ko. Pero inaantok pa ako!
Bakit ba kasi kailangan pang mag-aral?
Echos lang.
" Anak! Handa na ang almusal. Bilisan
mo na! -sigaw ni Mommy sa baba.
" Opo Mom! Handa na, " -sigaw ko
pabalik.
Nakakainis naman kasi yung panaginip
na yon. Hindi ko alam kong pang ilang
beses ko na siya napapanaginipan, e.
Nakakainis lang kasi paulit-ulit. Hayst.
Makapasok na nga sa banyo. After a
few minutes. Ayon, nakabihis din sa
wakas at bumaba na ako, syempre
may pasok, e. Ewan ko ba kung bakit
sa school na 'yon ako pinasok. Ang
creepy! Gusto niyong malaman?
hmm? Later ko sasabihin.
" Ma, good morning. " -bati ko ng
makababa na ako.
" Good morning. ano? Kamusta
ang tulog mo? " -tanong niya habang
hinahain ang pagkain.
" Hmm? Ayon, ok naman po. " -pero
sa totoo lang hindi ay hindi.
" Mabuti kung ganun. Oh, siya.
kain na at baka malate kapa. "
Nilantakan ko na ang paborito kung
pagkain haha. Charing lang.
Hmm? Hot cakes. Yes! Agad kumuha
akong lima. Then syempre kinain ko
at uminom na ako ng gatas. Actually
nasusuka talaga ako sa lasa ng gatas.
Pero syempre love ko si Mommy
kaya iniinom ko. Matapos yun ay
umalis na ako sa bahay. Baka
maabutan pa ako nila kuya. Aasarin
lang ako ng mga 'yon.
Paglabas ko sa gate.
" Good morning po Aling Martha. "
-bati ko sa kapitbahay namin.
" Sa'yo din Lian. " -masayang sabi nito.
Masarap maglakad lalo't sa umaga.
At dahil malapit lang naman ang
University dito hindi ko na kailangan
pang mamasahe. Oo nga pala, 'yong
creeping University naman ay
Vialilia University. Hindi ang pangalan
ang creepy pero 'yong mga tao at
ibang estodyante OO.
" MAHAAALLL!! " -nagulat ako sa
biglang sigaw ni Alyanah.
" Ano ba naman Mahal. Maka sigaw
ka naman parang ang layo mo. "
" Itong babaitang to, e. Siya si
Alyanah Martimez. My one and
only best friend/Girlfriend/Mahal.
Ok, ok. Nothing.
She just my bestfriend since grades
school. Marami kaming napapag-
awayan niyan. Like. Dolls? Yea. Mas
adik siya sa'kin sa dolls. Creepy niya,
But, I love her naman, e.
" Sorry naman Mahal, teka. May
assignment ka na ba? " -tanong niya.
Oh well. Alam ko na to. Ano na
naman kaya ang pinagpuyatan niya
at hindi niya nagawa ang assignment
niya?
" Ok. " -kinuha ko ang notebook ko
sa bag saka binigay sa kanya.
" Thank you Mahal! Love you. "
-sabay kiss sa cheeks ko.
Ganyan mang-uto ang kaibigan ko.
" Oo na. Tama na pang-uuto. "
-sabi ko naman.
Pumasok na kami sa room. Ito
na naman ang mga nagkukumpulan
kong mga classmates. Dahil lang
sa limang grupo ng lalake kaya sila
ganyan. Oh! Let me introduce them.
Si Mark Ian Dela Vera — Mabait, Makulit,
Playboy, gwapo at maskulado.
Kian Deion Dole — Hamble na mahangin pa. Playboy din, basketball player,
Gwapo, G na G sa sarili niya e.
Dominic Freton Mendoza —
Dancer, Singer, mabait, gwapo,
matalino. Mas kilala siyang matino.
Pero sa loob ang kulo. Gamer.
Romnick Dela Cruz — matalino,
mabait, gamer at gwapo.
At ang pinakahuli sa lahat si
Ziekiel Zaico Valdemor — The most
popular, famous, handsome for all
boys of this campus.
Ang kinahuhumalingan at
kinababaliwan ng lahat bukod sa'kin
dahil naiinis ako sa kanya. Masyado
siyang cold at medyo nakakatakot.
Kala mo magyeyelo ka ng dahil sa
tipid at cold niyang pag-sasalita.
Para nga siyang bangkay, e. Actually
silang lahat. Pero teka nga? Parang
hawig ni Ziekiel 'yong lalake sa
panaginip ko? Hindi kaya iniisip niya
ako kagabi? Napailing ako sa iniisip ko.
Impossible.
" Kailangan na nating magmadali
dahil dadating na si ma'am. "
-sabay hila kay Alyanah.
" Teka. Nandoon si my labs. "
-tinutukoy niya si Ziekiel. Nakakainis.
" Sige. Don ka sa lalakeng 'yon. Wag
mo kong matatawag na mahal, ah, "
-inis kong sabi.
" Ito naman selosa. Hmm. Opo na po. "
-ibinaling nalang ni Alyanah ang
atensyon niya sa pag-kopya ng
assignment.
Sa totoo lang ayaw kong maulit ang
dati na nasaktan siya dahil sa lalake.
Tapos iniwan niya ako sa ere that time.
Kinalimutan niya ang pagkakaibigan
namin dahil lang sa lalakeng
kakikilala niya palang.
" Keylan kaba magbo-boyfriend
Mahal? " -tanong niya.
" Kapag nahanap ko na ang lalakeng
para sa'kin na mamahalin ako at
hindi iiwan katulad ng nangyari sa'yo. ".
-prangka na sabi ko sa kanya.
Napanguso siya dahil sa sinabi ko.
Ayaw kolang masaktan katulad niya.
" Hmmpp!! Hinarap niya ulit yung
ginagawa niya.
Ewan ko lang ah? Pero parang
maraming nakatingin sa'kin na
mga Mata? Para bang binabantayan
bawat kilos at galaw ko. Nananayo
nga balahibo ko, e. Grabe, e, napaka
creepy talaga ng University na'to.
Bakit kaya ako dito pinasok ni
Mommy?
Dito sa school na to may night shift sila.
yeah. yun nga. Yong lima kanina.
kasali sila don. Class A sila kung
baga pang night class. Sila din ang
most matatalino. Edi sila na? Tsk.
Sila na ang biniyayaan ng talino at
hindi kami. May babae din sa night
class. Bali sampu sila. Pero di ko pa
nakikita yong mga yun.
Napatingin ako sa bintana dahil
may napansin akong nakatayo.
Hindi ko alam kong guni-guni ko
lang ba, e? Pero nakakatakot naman!
Nasa 5ft floor po kami pa'no
magkakaroon ng lalake sa bintana?
Tapos yung likod gubat pa.
" Hoy! Si ma'am nandyan na. " -napa
itlag ako sa kalabit ni Alyanah.
Benaliwala ko nalang yung nakita
Ko. Pero parang may nakasilip
talaga e. Hayst bahala na nga.