CHAPTER 23 GELLIAN POV Grabe. As in GRABE talaga. Wala pa rin akong mahanap na sapat na salita para i-describe kung gaano ako kinilig kagabi. Si Papang Eta este, si Etaziel yung tahimik, masungit, at sobrang suplado sa unang araw na nakilala ko siya, bigla na lang naging the sweetest man ever! Kung dati, akala ko bato ang puso niya, kagabi ko napatunayan na mala-tsokolate rin pala 'yon kapag natunaw. Naka-date ko siya. Kami. Kami ni Papang Eta. Nasa terrace ng mansion niya, may pa-wine, may string lights, may grilled cheese pa talaga! Para kaming nasa romantic movie pero may konting Mindanao twist. Ngayon, habang nakahiga ako sa kama, hawak ang isang wildflower mula sa bouquet na binigay niya kagabi, para akong high schooler na bagong ligaw. Tumatakbo pa rin sa isip ko 'yung moment na

