CHAPTER 22 ETAZIEL POV Tahimik ang paligid. Amoy lupa, amoy damo, amoy katahimikan na sa tagal ng panahon ay bihira kong maranasan. Pero hindi ito ang dahilan ng paninikip ng dibdib ko ngayon. Si Gellian. Siya ang dahilan. Ang bawat ngiti n’ya, bawat sulyap n’ya, bawat inosenteng pagkiling ng ulo n’ya kapag nagtataka siya lahat ‘yon, parang unti-unting bumubura sa matitigas kong prinsipyo. Kanina lang, habang nagtatanim siya ng kamatis, bigla siyang napasigaw. "Ay! Ay, ay! Etaziel! May uod! May uod! Ayoko na! Ayoko na talaga, Jusko!" Tumakbo siya palapit sa akin, halos matapilok sa lupa, sabay tago sa likod ko na parang ako ang bodyguard niyang walang bayad. "Kalma. Di ka naman kakainin ng uod na 'yon," sabi ko, pilit pinipigilan ang tawa. Pero ang totoo, gusto ko na talagang matawa.

