CHAPTER 11 GELLIAN POV "Papang Eta..." mahinang tawag ko habang lumalapit ako sa kanya sa veranda. Kasalukuyan siyang nagkakape, seryoso ang tingin sa tanawing bundok. "Hmm?" malamig niyang tugon, hindi man lang lumingon sa akin. "Pwede ba tayong... maghanap kay Nhejoyan? I mean, siya 'yung pilot ko. Hindi pa rin siya natatagpuan hanggang ngayon... baka... baka buhay pa siya," namumuo ang luha sa mga mata ko. Tahimik siya sandali. Naramdaman ko na lang ang bigat ng tingin niya nang humarap siya. "Sakay ka. May kabayo sa likod. May dala akong mapa. Hindi ako umaasa, pero kung 'yan ang gusto mo, samahan kita." Napakagat ako sa labi at tumango. "Salamat, Papang Eta." Ilang minuto lang, pareho na kaming naka-saddle sa tig-iisang kabayo. Ako sa itim na kabayong si Nox, siya naman kay Ar

