CHAPTER 12 BRIANNAH POV “Bri, hindi ka ba nag-aalala sa Kuya mo?” tanong ni Manang Alice habang inaayos niya ang mga plato sa hapag. Napalingon ako mula sa bintana ng kusina. Kanina pa ako nakatulala ro’n, pinagmamasdan ang bundok sa malayo. Madilim na, pero wala pa rin si Kuya Etaziel at si Gellian. “Alam mo naman 'yon si Kuya. Hindi 'yon basta-basta nawawala,” sagot ko, pero sa totoo lang, ramdam ko na ang kabog ng dibdib ko. Simula nung lumabas sila para hanapin si Nhejoyan, parang may mabigat na akong pakiramdam. “Si Gellian pa,” bulong ko sa sarili. “May sumpa talaga ang babaeng ‘yon. Di pa man siya dumating sa buhay namin, peaceful pa si Kuya. Ngayon, parang naging teleserye.” Naglakad ako papunta sa terrace, dala ang flashlight at mainit na kape. Saktong bukas ng pinto, may na

