Plane Crash

1252 Words
CHAPTER 4 THIRD PERSON POV Three Days Later Ang kalangitan ay madilim. Halos walang liwanag na nasasagap ang mga mata ni Gellian habang nakadungaw siya sa oval-shaped na bintana ng private jet. Malawak ang himpapawid pero hindi payapa. Sa ibaba, bakas na ang hilab ng bagyong papalapit. Hindi ito parte ng forecast. Wala ito sa radar noong umalis sila mula Maynila. Pero ngayon, parang galit ang langit, sumisigaw sa bawat kulog at gumuguhit ang kidlat sa ulap na tila gustong hatiin ang himpapawid. “Pilot Nhe-Nhe… okay lang ba tayo?” mahinang tanong ni Gellian habang nanginginig ang boses. “Ma’am Gellian, please fasten your seatbelt. We’ve entered an unexpected tropical storm zone. We’re diverting course to the nearest landing strip sa Mindanao,” malamig pero mahinahon ang sagot ni Pilot Nhejoyan, naka-headset, nakatutok sa mga gauges ng cockpit. Gumalaw si Gellian, nanginginig ang mga daliri habang kinakalas ang seatbelt sa gilid para ikabit ito nang mahigpit. Tuyo ang lalamunan niya. Tumigil siya sa paghinga sandali habang binubuksan ang maliit na drawer sa tabi ng kanyang upuan, nilabas ang isang maliit na bote ng lavender oil pang-relax. Pero ngayong may baga na ang ulap, parang wala nang silbi ang lavender. Three days ago, iniwan niya ang mansion sa Alabang na may halik sa noo ni Kuya Ris, yakap kay Mama at Papa, at maluha-luhang pagbitaw sa mga kasambahay na parang hindi na niya mababalikan. “Balik ka agad ha, Gelli,” bilin ng kuya niya. “Wag ka masyadong magpa-stress.” Pero ngayon? Hindi stress ang kalaban. Kamatayan. BOOOOM! Niyanig ng isang malakas na kulog ang buong eroplano. Kasabay nito ang isang matinis na “CRACK!” mula sa kaliwang bahagi ng fuselage. Naramdaman ni Gellian ang parang pagsabog ng hangin mula sa gilid. “A-Ano ‘yon?! Pilot Nhe-Nhe??!” “Ma’am! One wing is partially damaged. May tama tayo sa kaliwa. Sit tight!” bulyaw ni Nhejoyan habang mabilis na pinipindot ang mga emergency protocols sa console. Hindi na siya nakasagot. Nagpapanic na ang utak ni Gellian. Napatayo siya kahit nakaseatbelt, nanginginig ang tuhod habang tinutulak pabalik ng gravity. “HINDI, HINDI PWEDE ‘TO! LORD! LORD! ANO BA ‘TO! s**t!” “MA’AM, UMUPO KAYO! NGAYON DIN!” bulyaw ni Nhejoyan mula sa harap. “PILOT NHE-NHE, BABAGSAK TAYO, ‘DI BA?! NAKITA KO SA NETFLIX ‘TO! GANYAN ‘YUNG SIMULA NG PLANE CRASH, MAY KIDLAT, MAY APOY, MAY WING NA NABALIAN s**t! s**t! LORD!” “MA’AM! BUMALIK KAYO SA PUWESTO N’YO!” tinapik ni Nhejoyan ang mic niya, galit at tensyon ang boses. “I NEED TO LAND THIS BIRD. NOW.” Pero hindi na makagalaw si Gellian. Nakapikit siya, nilalamig kahit nasa loob ng leather-furnished, luxury interior ng jet. Nanginginig ang labi niya habang nagdarasal ng sunod-sunod. “Diyos ko… Diyos ko… Please… Please lang huwag po ngayon… may pangarap pa ako… hindi pa ako nakakapag-launch ng skincare line ko… hindi ko pa nasasabi kay Kuya Ris na gusto ko nang tumira sa abroad… hindi pa kami nagkakausap ni Ziel tangina, si Ziel!” Tumulo ang luha niya habang nanginginig ang buong katawan niya. Sa harapan, malakas na ang pag-iling ng jet. Parang pinipilipit ito ng hangin. Tumitilapon ang mga loose items: isang tray ng pagkain, isang glass vase, at ang designer bag ni Gellian na tumama sa dingding. May isa na namang BOOOOOM! at kasabay nito, tumalsik ang apoy mula sa kaliwang pakpak. “PILOT NHE-NHE!!! MAY APOY!! APOY ‘YAN ‘DI BA?! s**t MAY APOY!!” “Ma’am!!! Remain CALM! I REPEAT, REMAIN CALM!” Pero paano ka magiging kalmado kung literal na may sumasabog na impyerno sa pakpak ng sinasakyan mong eroplano? Biglang nag-flash sa isip ni Gellian ang lahat ng huling sandaling iniwan niya sa lupa. Ang paborito niyang buko pie sa Tagaytay. Ang halik ng pusa niyang si Mochi sa paa niya. “PILOT NHE-NHE, HINDI KO NA TO KAYA! BABAGSAK BA TAYO?!” “Negative! Hindi tayo babagsak hangga’t may makina pa tayo. Naka-autopilot ang right engine. We just need to get through the turbulence.” Pero hindi ito ordinaryong turbulence. Tumataas ang mga alon sa hangin, parang sinasampal ang jet mula sa lahat ng direksyon. Sa labas, parang sumasayaw ang kidlat sa itim na langit, sumasabog sa bawat pitik. Nagsimula nang mag-brownout sa cabin. Namamatay-sindi ang mga ilaw. “OH MY GOD! OH MY GOD! MAY MULTO BA SA EROPLANO NA ‘TO?! LORD!!!” sigaw ni Gellian habang nakayuko, yakap ang sarili. Biglang may tunog ng warning siren sa cockpit. “STALL! STALL! STALL!” “PUTA!” singhal ni Pilot Nhejoyan. “INITIATING GLIDE! EMERGENCY PROTOCOL! MAYDAY! MAYDAY!” “PILOT NHE-NHE ANONG MAYDAY?! PARANG MAYNAMAR YAN EH! ANONG IBIG SABIHIN NG MAYDAY?!” “Ma’am! That means we’re going down—controlled descent. I’m gonna try to glide this plane papunta sa flat terrain sa probinsya. HOLD ON!” Pero sa loob-loob ni Gellian, wala nang kontrol sa katawan niya. Tumutulo na lang ang luha, halu-halong takot, pangamba, at galit sa sarili. Bakit ba siya sumakay? Bakit hindi siya nag-commercial flight? Bakit hindi niya pinakinggan ang instinct niya? Habang humihigpit ang seatbelt niya at sumasandal siya sa upuan, narinig niya ang malakas na putok sa ibaba. THUD! “Engine 2 failure… s**t! No power to flaps!” “ANONG FLAPS?! ANONG FLAPS PILOT NHE-NHE?!” “Para kang pakpak ng manok, ma’am! Hindi makalipad ng maayos kung walang flaps!” “TANGINA NAMAN EH! ANG LAPIT NA NG LUPA NAKIKITA KO NA ANG MGA PUNO! LORD!! LORD!! AYOKO PANG MAMATAY!!” Bumagsak ang oxygen masks. Agad niya iyong isinuot, kahit nanginginig pa rin. Lumuwa na ang mata niya sa takot. May apoy na sa kaliwang bahagi ng cabin. Pumuputok ang sound system. Tumatalsik ang insulation sa dingding. Para na siyang nasa loob ng impyerno. “PILOT NHE-NHE!!! PILOT NHE-NHEEEE!!!” sigaw niya, halos maubos na ang boses. Pero hindi na sumagot si Nhejoyan. Nakatuon ito sa paghawak sa joystick, ang mga ugat sa braso nito litaw habang nilalabanan ang gravity. Sumisigaw ang mga alarm. Parang orchestra ng kamatayan. Warning! Terrain ahead! Pull up! Pull up! Mabilis ang t***k ng puso ni Gellian. Halos hindi na niya alam kung tumitibok pa ba talaga iyon o kung guni-guni na lang ng isip niya. Sa harap ng kamatayan, masyado nang malabo ang pagitan ng panaginip at realidad. Maya-maya, napasigaw siya ng buong lakas. “ZIEEEEEEL!!! TULUNGAN MOOOO ‘KOOOOOO!!!” Kasabay ng sigaw niya, pumutok ang isang bahagi ng ceiling panel sa itaas. Ang apoy ay lumapit na sa gitna. Ang usok ay kumakapal. Nahihirapan na siyang huminga kahit may mask. Nakita niya ang cellphone niya sa tabi. Agad niya iyong kinuha, nanginginig ang kamay habang pinipilit i-unlock. Zero bars. “s**t… s**t! Walang signal!” Nag-type pa rin siya. Walang sense pero isinulat niya: “Kuya Ris, Mommy, Daddy, Ziel mahal ko kayo. Sorry kung hindi ko nasabi agad. Pero hindi ko kayo kinalimutan. Mahal ko kayo.” Pinindot niya ang send. Pero wala. Hindi na mahalaga. Pumikit siya. Isinandal ang ulo. Nagdasal. Muli niyang naisip si Ziel. Kung ito man ang huling araw ko… bakit ikaw pa rin ang iniisip ko? Tumulo ang isang huling luha mula sa mata ni Gellian. Sa cockpit, pilit pa ring nilalabanan ni Pilot Nhejoyan ang pagbagsak. “Ma'am Gelli, kapit lang… ‘di kita iiwan…” Nagkatinginan sila sa salamin. “Tahan na, Ma’am. Tahan na. Kaya natin ‘to…” Pero sa labas, malapit na ang bundok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD