PROLOGUE: MEET ANA

343 Words
Meet Ana Fernando, with her thousands of followers on social media, acknowledged as the most popular high school girl in their school, the Eastbridge Academy. Dahil sa kanyang taglay na ganda, isama pa ang kanyang masayahin at palangiting aura, maraming mga kalalakihan ang nabibighani niya at mga kababaihang gustong makipagkaibigan sa kanya. Sa bawat pagdating niya sa kanilang paaralan, naririto, pati ang bantay ay kanyang napapaamo. Sa bawat paglakad niya sa pasilyo, ang lahat ng mga tao’y napapahinto. Sa pagkakataong makikita ng ilang kalalakihan ang kanyang presensiya, agad-agaran naman silang nagsisitungo sa kanya, bitbit ang kanilang mga regalo. Rosas at iba pang makukulay at mahahalimuyak na mga bulaklak, mga matatamis at mamahaling tsokalate, o kung ‘di nama’y naglalakihang mga teddy bear, ang kanilang ibinibigay kay Ana. Tinatanggap lamang ito ni Ana bilang pagpapasalamat, subalit sa dami ay kaniya na rin itong ipinamimigay sa iba. Mabuti na lamang at naririyan palagi sa tabi niya ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan, na palaging nakasalo sa mga regalong natatanggap niya. Pagdating naman sa klase, hindi man sa pinakamataas ngunit isa rin siya sa mga nangunguna rito. Sa mga paligsahan nama’y aktibo rin siyang nakikilahok, kaya’t tuwang-tuwa sa kanya ang kanyang mga guro. Kapag siya nama’y nasa canteen, hindi na bago sa kanya na may makasalubong siyang kapuwa estudyante na bigla-bigla na lang bumabati sa kanya, kahit na hindi niya naman kilala. Mapasino man sila, palaging nakangiti si Ana sa kanila, kaya masasabing mabilis siyang malapitan at mahingan ng tulong ng iba. Dahil sa kanyang pagiging masayahin, maituturing siya na kaibigan ng lahat, mahirap man siya o mayaman, pangit o maganda, matalino o katamtaman, pandak o matangkad man. Maging sinoman sila, libreng libre na makatatanggap ng mga ngiti mula sa kanya. Gano’n din naman ang nararamdaman ni Ana. Masaya siya na magkaroon ng maraming kaibigan. Masaya siya na hinahangaan ng iba. Life is not that happy and enjoyable without her friends. She thinks that she finally found peace in her life, but she’s wrong. Her real happiness is in her life in the other world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD