CHAPTER 1: IN A NOBODY WORLD- KAWALAN!

2006 Words
T-Tulonggg!! T-Tulongggg!!   Sigaw ng batang babae sa gitna ng malaking kagubatan. Alas-siyete ng gabi, hinang-hina, gusto ng sumuko ng kanyang katawan, subalit hindi puwede dahil hinahabol siya ng isang di kilalang lalaki na nagtatangka na patayin siya.   T-Tulungan niyo ako….!!! T-Tulongggg!!!   Sa kanyang pagtakbo ay natunton niya na ang dulo ng kagubatan. Isang bangin at sa ibaba nito ay isang malalim na dagat.   BAAAANGGG!!!   Putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa masukal na kagubatan. Kasunod niyaon ay ang pagkahulog ng kanyang katawan sa bangin papalubog sa tubig.   Ako si Ana Fernando. 4th year high school student. Sa mga oras na ito, dire-diretso akong lumulubog sa tubig, unti-unti na akong nawawalan ng malay. Malamang ay ito na ang huling sandali ko sa mundo. Nakakalungkot lang na sa ganitong paraan ako mamamatay. Masaya naman ang buhay ko. Wala naman akong kagalit at sa katunayan ay marami akong kaibigan. Marami pa sana akong gustong maabot sa buhay ngunit hindi na maaari.   Ganon ba talaga kapag ang isang taong katulad ko ay mahina? Ewan ko ba. Talagang kinaiinisan ko ang sarili ko. Masyado akong mahina. Masyado akong pinangungunahan ng takot. Kaba’y laging dumadagundong bago ako gumawa ng isang bagay. Kung malakas lang sana ako. Kung matatag lang sana ako. Kung matapang lang sana akong ipagtanggol ang sarili ko, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Pero teka, sino yun? Isang lalaki? Na naglalakad sa ibabaw ng tubig? Ang lalaking yaon ay may kapa at hood na nakatatakip sa kanyang mukha. Siya’y sumisid sa dagat kung saan ako naroroon. Ngunit, hindi ko siya maaninag ng maayos. Hinawakan niya ako sa mukha at ako’y hinalikan.   Sa mga sandaling yun ay tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.   Ana   Nagising ako sa isang di kilalang lugar. Nanghihina akong bumangon sa pagkakahiga. Nasaan ba ako? Patay na ba ako? Tumingin-tingin ako sa paligid. Nasa langit na ba ako? Pero hindi. Sa tingin ko hindi ito ang langit. Mapula na kalangitan, sahig na gawa sa ulap, at kadiliman sa ilalim nito. Nasaan kaya ako?   “Oh, gising ka na pala. Mabuti naman at okay ka na”, tinig ng babae habang papalapit sa kinalalagyan ko.   Agad akong lumayo dahil sa nararamdamang takot.   “S-Sino k-ka?” kabado kong tanong. “N-Nasaan a-ako?”   Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking mga kamay. Nung una’y nagpupumiglas pa ako sa kanyang pagkakakapit, subalit nakita ko sa kanyang mga mata ang kanyang layunin.   “Huwag kang matakot. Hindi kita sasaktan.”, malumanay niyang wika na may ngiti.   “N-Nasaan b-ba a-ako?” nagtatakang tanong ko. “Nandito tayo ngayon sa isang lugar na tinatawag na Kawalan”, masiglang sagot niya.   “K-Kawalan? Ano yun?” hindi ko parin maunawaan ang lahat ng nangyayari. Gulong-gulo ako. Kamakailan lang ay nasa tubig ako. At sa pagkakatanda ko, nabaril ako.   “Sa mundong ito, walang tumatakbong oras. Hindi mo rin matutukoy ang eksaktong posisyon ng mundong ito”, pagpapaliwanag niya sakin. “Halika! Ipapakita ko sayo”, pagyakag niya.   Naglakad kami sa gitna ng malawak na daanan. Sa mga oras na ito, naguguluhan parin ako. Hindi ko maintindihan…. at ano nga ba ang kawalang ito? Bakit may ganito? At bakit ako nandito? Patay na ba talaga ako o buhay pa? Basta maraming tanong ang lumulutang sa isip ko ngayon.   “Umm..” “Bakit?” nilingon niya ako nang mapansin niya na may gusto akong sabihin. “S-Sino po ba kayo? At anong ginagawa ko dito?” lakas-loob na tanong ko.   Natawa lang siya sa reaksyon ko.   “Ako si Verona. Ako ang magandang manager ng lugar na ito”, pagpapakilala niya sa kanyang sarili. “Manager?”   Saka ko napansin ang suot niya. Nakasuot siya ng mala-opisinang damit. Doo’y lumilitaw ang ganda niya kahit na medyo matanda na siya.   “Teka, tao po ba kayo?” muling tanong ko.   Natawa lang ulit siya sa tanong ko. Ano ba naman tong babaeng to? Puro lang tawa, hindi na lang sagutin ang tanong ko. Nahihiya tuloy ako.     “Hindi ako tao. Isa akong Nobody”, diretsong sagot niya.   Naging seryoso ang kanyang mukha. Sinimulan niyang ipaliwanag ang kanyang sinasabi.   “Dito sa Nobody World kami nakatira. Ang tungkulin namin ay i-monitor ang bawat gawain at scenarios sa bawat lugar sa mundo ng tao sa loob ng dalawang dimensiyon”   “Teka, teka, ano? Dalawang dimensiyon?” pagputol ko sa kanyang pagpapaliwanag. Ano daw? Dalawang dimensyon?   “Hindi ka ba naniniwala sa Parallel World? Kung sa bagay, hindi na rin naman kataka-taka na kahit may mga naniniwala dito, wala naman silang sapat na ebidensiya para patunayan to dahil nga walang tao pa naman ang nakakapunta dito sa Nobody World”, kibit-balikat niyang paliwanag.   “Pero bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito?” seryoso kong tanong. “Dahil special ka Ana”, palabiro niyang sagot.   Ano toh? Rebisco??   “At pano naman ako naging special? Tsss, wala namang ganon kaespesyal sakin eh!” “Espesyal ka dahil niligtas ka ng Hinirang” “Hinirang? Sino yun?”   INTRODUCING: Ang Misteryosong Hinirang (The Mysterious Chosen One)   “Kaming Nobodies, hindi namin kaya na bumaba sa mundo ng mga tao, maliban sa mga Nobodies na binigyan ng kapahintulutan non. Silang Nobodies ay tinatawag na mga Guardian. Ang mga gabay na yun ay pinagkalooban ng kapangyarihan na makababa sa lupa at makipamuhay kasama ng mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng Existence. Ang existence ay ang mga detalye ng buhay ng isang tao tulad ng mga katangian, hitsura, at ang kanilang nakaraan. Tanging mga guardian lamang ang may kapangyarihan na gumawa ng existence pero kaming mga ordinaryong Nobody ay taga-tingin lang ng mga pangyayari sa loob ng dalawang dimensiyon”, dire-diretso niyang paliwanag.   “Pero….” “Pero ano?” nag-aabang kong wika.   “Ilan sa mga guardians ay naging suwail at traydor sa Kataasan. Namuhay sila sa lupa at pumatay ng mga tao. Labag yun sa batas kung kaya’t ang itinakdang pagkamatay ng mga tao ay hindi nangyayari dahil sa hindi inaasahang pagpatay sa kanila. Maraming nagulo dahil sa kanila. Maraming mundo ang nagulo sa ayos. Maski ako ay nahihirapan dahil sa kanila. Dahil dun, nagdesisyon ang Kataasan na magtalaga ng isang Hinirang mula sa mga magagaling at tapat na mga gabay. Palihim ang pagkakahirang sa kanya kung kaya’t walang sinoman ang nakakaalam kung sino siya”, mahabang paliwanag niya.   “Sinasabing ang halik ng hinirang sa isang tao ay ang paraan ng kanyang pagligtas sa taong yun. Kung sinoman ang halikan ng hinirang ay obligado kami na dalhin ang taong yun sa kabilang dimensyon para makapagpatuloy siya ng buhay”, dugtong pa niya.   Hinirang? Napaisip tuloy ako.   “Halik ng hinirang…..?? Teka, SIYA!!! Oo, SIYA NGA!!!!” tarantang sabi ko nang maalala ko ang nangyari. “Ang alin?” “SIYA……ANG KUMUHA NG FIRST KISS KOOOO!!!” galit na galit kong sabi. “First Kiss?” bakas sa mukha niya ang pagtataka. “OO!! WALANG HIYA SIYA!!! ANG KAPAL NG MUKHA NIYA!!!” “EH? Ganon ba kahalaga ang First Kiss?” tanong niya sakin. “OO!!! SOBRANG HALAGA KAYA NONNN!!” “Ahh, ganon ba. Mahalaga pala yun sa inyong mga tao. Dito kasi….” napahinto siya at nagbuntong hininga. “Huh? Di ba yun mahalaga sa inyo?” tanong ko sa kanya.   Natawa lang siya. Ano kayang iniisip niya?   “Hehehe, kasi…..”   Verona   “Nung high school ako, may crush ako sa isang lalaki…” “Eh?”   “Magkasing edad kami. At kababata ko pa siya. Pero sa tingin ko hindi niya napapansin ang nararamdaman ko sa kaniya…” “Awww, nakakalungkot naman.”   “Gusto ko rin noong una na mahalikan siya…. kaya nag-isip ako ng paraan. Bale, ganito ang nangyari.”   “Ok!! Kaya ko to!” pagpapalakas ko sa sarili ko.   Ang naging plano ko ay ganito…   Una, maglalagay ako ng bato sa daanan kung saan siya pupunta. Kapag nandiyan na siya, tatakbo ako ng mabilis at isisigaw ang pangalan niya (George!!!! May sasabihin ako sayoooo!!). Tapos, magpapatalapid ako sa batong yun at sasadyain ko na magkatapat ang mga labi namin heheheh (Oooppsss, naku s-sorryy hah..)   “Wow! Ang gandang plano!”   Huminga ako ng malalim saka pinagpatuloy ang pagkukuwento.   “Pero…” “Pero anong nangyari?” tanong niya   Napansin ko na paparating na siya. Ngunit kumunot ang aking noo sa nakita. Kasama niya ang maarte’t maharot niyang baklang kaibigan. Pero ipinagpatuloy ko ang plano ko. Walang hahadlang sa arte ko!!   Tumakbo ako nang mabilis papunta sa kanya at sinigaw ang kanyang pangalan na para bang may importanteng sasabihin.   “George!!!!” malakas na sigaw ko. “Umm? Verona?” tanong niya na may kaunting pagkabigla. “May sasabihin ako!!!”   Mabilis ang mga pangyayari. Yes, natalapid ako tulad ng inaasahan ko. Subalit ang hindi ko inaasahan ay….   Muuuaaaahhhhh….   Sa halip na ang mahalikan ko ay ang taong pinupunterya ko, nagtapat ang aking labi sa labi ng malanding baklang yun!   “Isa yung masaklap na pangyayari. Ilang gabi akong hindi nakatulog nun sa sobrang kahihiyan! Ilang araw din akong tulala dahil sa nangyari” “A-ahhh g-ganon p-pala a-ang n-nangyari!” tugon niya na may panghihinayang. “Kaya hindi ko na masyadong iniisip yang First Kiss na yan!” irita kong wika   Ana   Naaawa ako para kay Miss Verona. Hayyy, ang malas niya. Sa haba ng kuwentuhan namin, hindi ko na pala namalayan na mahaba na pala ang nalakad namin. Biglang huminto kami sa tapat ng isang malaking pintuan.   “Nandito na tayo. May ipapakita ako sayo. Tara pumasok na tayo”, yakag niya. “S-sige”   Binuksan ni Miss Verona ang pintuan. Tumambad sa akin ang sobrang nakakasilaw na liwanag. Sa loob niyaon ay mayroong napakaraming monitor. Bawat monitor ay may naka-display na lugar. Bawat monitor din ay mayroong Nobody na naka-assign.   “Ito ang facility kung saan minomonitor namin ang dimensyon mo”, sabay turo sa napakaraming mga monitor “D-Dimensyon ko?” “Kung gusto mo, tumingin tingin ka sa mga yan” “P-Puwede?” “Siyempre!”   Tumingin ako sa napakaraming monitor. Talagang….. nakakahanga! Nakita ko ang Eiffel Tower sa Paris, Leaning Tower of Pisa sa Italy, Statue of Liberty sa America, at marami pang ibang lugar na kahit kailan sa buhay ko ay hindi ko napuntahan. Kitang-kita pa nga ang mga taong naglalakad, at ang mga sasakyang paroo’t parito, at ang ilang mga ibong nakikipagaway sa mga eroplano. At nakita ko rin ang….   “Oooohh, school namin yun ahh! At bahay ni Nanay Celerina! At bahay ni Margareta! At… at bahay koooo!!” tuwang-tuwa kong sabi sabay turo sa iba’t-ibang mga monitor.   Napangiti lang si Miss Verona sa nakita niyang reaksyon ko. Pero honestly, nakakahanga talaga!   “Sabi ko naman sayo, nakikita namin ang lahat” “Lahat?” “Lahat-lahat!”   Bigla akong napaisip. Kung nakikita nila ang lahat, ibig sabihin….   “Wag mong sabihing…. nakikita niyo rin akong…. NALILIGO???!!”, nanlalaking mga mata kong sabi.   Tumawa lang siya sa sinabi ko, habang ako naman ay nakatakip ang mga kamay sa aking dibdib.   “Siyempre nakikita ka namin! Kumakanta-kanta ka pa nga eh” “WAAAAAAHHHHH!!!!! OH MY PURITY!!!!”   May mga lalaki pa man ding mga Nobody. Waaaaahh!! Wala akong kamalay-malay na pinagpipiyestahan na pala ako ng mga mata ng mga lalaking toh!!   “Actually, may footage kami ng naliligo ka. Paki-play nga please!” utos niya sa isang Nobody. “HHHUUUWWWAAAAGGGGG!!!” “Tara na Ana, may ipapakita pa ako sayo”, natatawang niyang wika.   At naglakad pa kami papunta sa isa pang malaking pintuan. Binuksan ito ni Miss Verona at nakita ko ang napakaraming mga monitor ulit.   “Ito ang facility para naman sa kabilang dimensyon” “K-Kabilang dimensyon?” pagtataka kong tanong. “Yezz! Sa mundong yan ka magsisimula ng pansamantalang buhay” “Haah? P-Pansamantalang buhay? Bakit? Hindi ba puwedeng bumalik na lang ako sa totoong mundo ko?” naguguluhan kong tanong. “Hindi pa puwede” wika niya. “On-going ang kaso mo, Ana. Iniimbestigahan pa kung sino ang nasa likod ng di inaasahan mong pagkamatay. Kaya sa ngayon, kailangan mo munang manirahan sa kabilang dimensyon”   “Ganon ba. Puwede ba ulit akong tumingin sa mga monitor?” “Sure!”   Tumingin ako sa ibang monitors sa kabilang dimensyon. Pero may napansin ako…. NAKATAGILID ANG EIFFEL TOWER!!! at… NAKATAYO NG DIRETSO ANG LEANING TOWER OF PISA!!!!! at isa pa… NASA FRANCE ANG STATUE OF LIBERTY!!!! Hindi kaya ibinigay ng France ang Statue of Liberty sa US??   Gulat na gulat pa rin ako sa mga nakita ko. Ganon pala sa kabilang dimensyon. May mga malalaking pagkakaiba.   “Ana, halika dito!” tawag niya sakin. “Okieee!”   Lumapit ako sa kinaroroonan ni Miss Verona. Nagulat ako sa nakita ko.   “Teka, yan ba ang…” “Ito ang school niyo sa kabilang dimensyon”, paliwanag niya.   Napansin kong may pagkakaiba din ang school namin sa kabilang dimensyon, sa school namin sa tunay kong mundo. Mukhang mas malaki ang school namin sa kabilang dimensyon kaysa sa dimensyon namin.   “Sa dimensyon mo, mayroong puno sa tabi ng school niyo, pero sa kabilang dimensyon ay wala”, sabay turo sa monitor. “Oo nga noh!” “Sa dimensyon niyo, mayroong tatlong building na may walong silid sa bawat palapag, pero sa kabilang dimensyon, mayroong 16 na silid sa bawat palapag. Sa madaling salita, mas malaki ng doble ang school niyo sa kabilang dimensyon kaysa sa dimensyon mo” “Oo nga mas malaki” “Pag-aralan mong mabuti yan. Siguradong maninibago ka sa school mo sa kabilang dimensyon”   Pinag-aralan kong mabuti ang school namin gaya ng sinabi ni Miss Verona. Mukhang mahihirapan ako nito ahh. Maraming pagkakaiba ang school nato sa school namin.   “Oh siya, tara na. May ipapakilala pa ako sayo”, wika niya. “Sino?” “Sasamahan ka niya sa pamumuhay mo sa kabilang dimensyon”   Ano daw? Sasamahan?   Naglakad ulit kami papunta sa isa pang malaking pintuan. Dahan-dahang binuksan ito ni Miss Verona at lumabas ang isang…….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD