CHAPTER 2: THAT NAUGHTY GUARDIAN

1802 Words
Ana   Sa isang malaking kagubatan, pinatay ako ng isang di kilalang lalaki. Nang mahulog ako sa dagat ay biglang may humalik sakin na isang misteryosong lalaki. WALANG HIYA SIYA, KINUHA NIYA ANG FIRST KISS KOOO!!!! Nagising ako sa isang wirdong lugar na tinatawag na Kawalan at nakilala ko si Miss Verona. Ipinaliwanag niya sakin kung anong nangyayari. Nalaman ko na mayroon palang kabilang dimensyon at dadalhin ako doon ng isang gabay.   Naglakad kami ni Miss Verona papunta sa isang malaking pintuan. Ang sabi niya sakin, ipapakilala niya raw sakin ang magiging guardian ko. Ano kayang itsura niya? Gwapo kaya siya? Matangkad? Yieeeee… kinikilig na ako… excited nakoooo….   Nakarating na nga kami sa malaking pintuan. Dahan-dahang binuksan ni Miss Verona ang malaking pintuan at lumabas ang isang……..     Huh?! Wala?!! Nasan siya??   “Hayyy!” buntong hininga ni Miss Verona. “Ana!” “B-Bakit?” “Mag-ingat ka”, paalala niya sakin. “Maging alerto ka, Ana!” “H-huh? B-bakit-”   “BOOOOHHHH!!!!” isang malakas na boses ang sumigaw sa tenga ko, na talagang ikinagulat ko.   Napasigaw ako sa sobrang pagkagulat. Pakiramdam ko’y tatakas ang puso ko sa sarili kong katawan. “Ahahahahhahaha, nagulat ka ba?” tawang-tawa niyang tanong.   Teka, siya na ba ang sinasabi ni Miss Verona? Siya na ba ang magiging gabay ko?   “Hayssstt.. Sinabihan na kita diba”, pagsusuway ni Miss Verona sa kanya. “Hindi ka dapat basta-basta nanggugulat, Guardian No. 8.”   Ano daw? Guardian No. 8?   Lumingon sa akin si Miss Verona nang mapansin ang pagtataka ko.   “Nga pala, siya si Ana. Siya ang taong tinutukoy ko na sasamahan mo papunta sa kabilang dimensyon”, sabay turo niya sa akin. “I-Ikaw na ba ang magiging gabay ko?” tanong ko sa lalaking gabay.   Bigla siyang lumapit sakin at inikotan ako. Nabigla ako nang sundutin niya ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya.   “Yup! Nice to meet you, Ana!” masiglang bati niya.   Nakipagkamay siya sakin. Ang kamay niya, medyo malamig… Weird… Siguro dahil sa hindi siya tao. In fairness, mas matangkad siya kaysa sakin ng ilang centimeters… at oooohh, may itsura siya hah, hindi na rin masama. Pero hindi siya ang lalaking matitipohan ko. Although, maganda ang itsura niya, pero mataas talaga ang standards ko sa mga lalaki eh.   “Ana? Ana? ANA!!!!” “HAAAAHHH!!! B-bakit?”   Hindi ko napansin na matagal pala akong nakatitig sa kanya. Nakakahiya! Natauhan lang ako nang lumakas ang boses niya.   “Wala lang!” nakangiti niyang sabi.   “Oh siya, umalis na kayo para narin makapagpahinga na si Ana”, tumalikod si Miss Verona at saka kinaway ang kamay, tanda ng pagpapaalam. “Kay!! Ako na bahala sa kanya” “Ahhh, saka nga pala Ana”, biglang humarap ulit si Miss Verona at naglakad papalapit sa amin. “Bakit?” “Mag-iingat ka hah! Mapanganib ang kabilang dimensyon para sa mga taong hindi taga doon gaya mo”, pagpapaalala niya sakin.   Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Guardian No. 8.   “Huwag kang mag-alala. Hangga’t nasa tabi mo ako, poprotektahan kita”, wika niya sakin na may maaliwalas na ngiti.   Ramdam na ramdam ko ang biglang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Kasabay pa nun ay ang pamumula ng mukha ko.   Matapos ang usapan, lumabas na kami sa silid na yun. Habang naglalakad kami ni Guardian No. 8…   ANG DAMI NIYANG TANONG!!!!   “Anong pakiramdam ng maging mortal?? Eh pag namatay ka?? Masakit ba??? Anong pakiramam ng mayroong maraming kaibigan?? Eh yung pagtibok ng puso, masakit ba yun?? May boyfriend ka na ba?? Anong favorite color mo??” sunud-sunod niyang tanong. “WAAAAAAAHHHHH!!! TAHIMIKKKKK!!!” hindi ko na natiis na magtaas ng boses sa sobrang pagkainis. Bigla siyang tumahimik, yumuko, at sumimangot.   “Nagtatanong lang naman ehh!”   Talaga bang isa siyang gabay??!! Nakakapagtaka. Ganito ba talaga ang isang guardian? Ganito ka kuleet? Hayyy! Mukhang mahaba-habang pasensiya ang ilalaan ko sa lalaking to ah! Malas at matagal-tagal ko itong makakasama, hayssshh.   “Uhm, puwede magtanong?” pakumbaba kong tanong. “Sige lang basta ikaw puwede” tugon niya. “Pero pag ako bawal, kainis!” bulong niya. “Anong binubulong bulong mo jan?” “Wala!”   “Napansin ko kasing may pagkakaiba ang dalawang dimensyon. Makakaapekto kaya yun sa buhay ng mga tao?” “Yup!” maikling sagot niya. “Kung makakaapekto, ibig sabihin maaaring may mga taong hindi ipinanganak sa kabilang dimensyon?” “Yup!” “Eh ako? Sa kabilang dimensyon, hindi kaya ako pinanganak?” “Nabubuhay ka rin sa kabilang dimensyon”   Nabubuhay ako sa kabilang dimensyon?   “Pano yun?” “May isa pang ikaw na nabubuhay sa kabilang dimensyon. Kaya lang, gaya ng napansin mo, may pagkakaiba kayong dalawa” “Ahhh!”   Patuloy lang kami sa paglalakad sa kahabaan ng daan. Tanging mga hakbang lang namin ang maririnig, walang nagsasalita.   “Diba pupunta tayo sa kabilang dimensyon diba?” pagbasag ko sa katahimikan. “Yup!”   Tss! Kanina pa ako naiirita. Wala ka na bang ibang expression kundi “Yup!” lang?!!   “Yup!” “Huh?!!!”   Teka, nababasa niya ba ang iniisip ko??!! May abilidad kaya tong gabay na to na mabasa ang iniisip ko?   “Yup!” “HAAHH??!!” “Ayy, sorry. May sinasabi ka ba?” sabay lingon sa akin nang matauhan. “Ahhh, wala. Gusto ko lang sanang tanungin kung anong mangyayari kapag nagkita kami sa kabilang dimensyon”   Biglang naiba ang reaksyon niya. Mas lalo siyang naging seryoso.   “Hindi dapat na mangyari yun”, wika niya habang diretsong nakatingin sa nilalakaran. “Bakit?” “Ok lang na makita mo siya. At ok lang na makita ka niya. Basta hindi lang dapat na makita niya ang mga mata mo” “Huh? Bakit?”   Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Diretso lang ang tingin niya sa daan, habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya mula sa likuran. Pinagmasdan ko ang tindig niya, ang paglakad niya, ang kilos niya…. GABAY BA TALAGA SIYA? Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang ganitong klaseng nilalang ay isang guardian pala.   Mapoprotektahan ba talaga ako ng mokong na to?   “Uhm, puwede ulit magtanong?” “Sure!” “Ilang taon ka na?” kanina ko pa talaga gustong-gusto malaman kung ilang taon na siya. Kung titignan kasi talaga sa ugali at physical appearance niya, mukhang bata pa siya.   “Sa Earthling Age, 18 na ako.”   WHAAAAAT??! Ano daw? 18? Eh mas mature pa nga ako kung mag-isip kaysa sa kanya.   “Isang taon lang pala ang tanda mo sakin eh.” “Actually, 28 years old na ako kapag sa Nobody Age.” “28??!!”   Napahinto ako nang bigla rin siyang huminto. Anong meron?   “Bakit ka huminto?” nagtatakang tanong ko. “Okay! Nandito na tayo!” “Huh? Wala namang meron dito ahh. Dulo lang naman toh ng Kawalan. Sobrang dilim pa.”   Humarap siya at tinitigan ako. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.   “H-Huh? A-Ano b-bang g-ginagawa m-mo?”   Nandito kami sa bandang bangin kung tawagin nang bigla siyang nagpatihulog habang yapos ako at NAHULOG KAMI SA DULO NG KADILIMAN.   “WAAAHHHH!!! AAANNONGG GGIIINNAAGGAAWWAA MMOO??!!” nakaiirita kong sigaw. “Kumapit ka lang. Yumakap ka nang mahigpit sakin hah!” ngiti niyang sabi.   “WAAAAAAHHHH!!!!!!”     WAAAAHHH!!!   Napabangon ako sa kinahihigaan ko. Nagising ako sa kama ko. Teka, panaginip lang ba ang lahat ng yun?   Matapos ang mahaba-habang pagninilay-nilay, nakumbinse ko ang sarili ko.   Tama! Hoooohh! Panaginip nga lang yun! Ano ba yan, bakit ba kasi ako nananaginip ng ganon?!! Siguro kakabasa ko to ng FICTIONAL NOVELS??   Tinignan ko ang orasan at 6:30 na!!!! LATE NA KO!!!! Alas-siyete ang pasok namin… hindi dapat ako ma-late….   Dali-dali akong nagluto at kumain. Hehehe, mag-isa lang kasi ako sa bahay kaya ako lang ang nag-aasikaso sa sarili ko. About sa perang pinansyal, pinapadalhan naman ako ni Papa na isang professional doctor mula sa France. Since only child naman ako, NO PROBLEM!!   Pagkatapos kong kumain ay dali-dali akong naligo. Nag ala-FLASH ako sa sobrang bilis noh! Magbibihis na sana ako ng biglang may napansin akong kakaiba.   Huh?   NASAN ANG UNIFORM KO????!!!!   Yung uniform kong puti, NAWAWALA!! Pag sa malas naman talaga ng umaga ko ohh!! Naghanap ako kung saan-saan pero di ko talaga mahanap. Kung saang lupalop na ng kwarto ko pinaghahanap ang uniform na yun pero di ko talaga mahanap!!   Napatingin ako sa salamin pagkatapos ng nakakapagod na paghahanap.   Talagang PAG SA MINAMALAS KA NGA NAMAN!   Pero in fairness, WOW!!! Napansin kong, ang GANDA KO TALAGA!! Kaya ang daming nanliligaw sakin sa school eh. Hinawi ko ang aking mahaba’t diretsong buhok habang pinararangalan ang sarili.   Ana Fernando, naks! Bagay na bagay talaga sayo ang pangalan mo, Self!   Sa kakatingin ko ay may napansin ako na kakaiba. May isang itim na uniform ang nakasabit sa salamin ko.   Kanino toh? Sinong nakaiwan nito dito? Hiniram ko ba to? Pero kanino?   Nataranta lalo ako nang maalala ko kung anong oras na. Hinanap ko ulit ang uniform ko. Sa banyo, sa terace, sa damitan ko, sa mga maduduming damit. Tinignan ko rin sa Washing Machine baka nilabhan ko at nakalimutan ko na isampay. Sa mga palanggana at timba, sa closet, LAHAT-LAHAT na pero di ko pa rin mahanap.   Napaupo na lang ako sa sobrang pagod. Kahit saan ko hanapin ay hindi ko talaga makita ang lintek na puting damit na yun! Napatingin na lang ako sa litrato namin nila Papa at Mama. Nakakamiss din talaga. Napansin ko ang isa pang litrato sa tabi. Litrato namin ng mga kaklase ko na nakalagay sa side table ko. At nakita ko ang suot naming uniform.   Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. ITIM?? Bakit itim? Kailan pa kami nagkaroon ng itim na uniform?? Muli akong napatingin sa nakasabit na itim na damit. Kinuha ko ito at sinuri.   Katulad ito ng nasa picture.   Nagumpisa na akong kabahan. PAANO NANGYARI YUN???!!!! HINDI KAYA???? HINDI KAYA… TOTOO ANG LAHAT NG IYON??? YUNG BABAE NA NAKILALA KO AT…… YUNG MAKULIT NA LALAKING YUN?????   YUNG…..YUNG TAGILID NA EIFFEL TOWER?? AT YUNG…… DIRETSONG LEANING TOWER OF PISA….. PATI NA RIN YUNG….. STATUE OF LIBERTY SA FRANCE????!!!!   SO IT MEANS, I’M CURRENTLY LIVING IN THE OTHER WORLD?   Sana mali ako. Sana hindi totoo itong naiisip ko. Di bale na. Wala na akong oras para isipan pa yan.   Isinuot ko na lang ang itim na uniform na iyon at umalis na. Tumakbo ako ng pagka-tulin.   WAAAAAHHHH!!!! LATE NA KOOOOO!!!!! MAGSITABEE KAYOO!   Mabuti na lang, ilang metro lang ang layo ng bahay ko sa school namin. At sa wakas, nakarating na ako sa school. Kinuha ko muna ang kinakapos kong hinga dahil sobrang nakakahingal na pagtakbo. Nang matauhan na ako ay tinignan kong mabuti ang school namin.   Teka, ako lang ba o talagang parang may mali?? Parang…parang SOBRANG LAKI NG SCHOOL NAMIN!!!! At teka, yung puno sa tabi, NAWAWALA!!!! Anong ginawa nila? Pinutol kaya nila at tinayuan ng panibagong building ang school namin?   Hindi kaya, totoo talaga ang lahat ng nasa panaginip ko? Na nandito ako sa kabilang dimensyon?   Habang naguguluhan ang isip ko, may tumapik sa likod ko na siyang ikinagulat ko. Lumingon ako at nanlaki ang mga mata sa nakita.   Ikaw si….     SHORT EPILOGUE   Guardian No. 8   “WAAAHHHH!!! AAANNONGG GGIIINNAAGGAAWWAA MMOO??!!” “Kumapit ka lang. Yumakap ka nang mahigpit sakin hah!” “WAAAAAAHHHH!!!!!!”   Sobrang lakas ng boses niya. Ang sakit sa tenga. Saklap naman at matagal-tagal kong makakasama tong babaeng toh. Ano bang magagawa ko eh tanging ito lang ang paraan para makapunta sa kabilang dimensyon?   Sa sobrang takot ay hinimatay si Ana. Actually, hindi naman talaga kami makakapunta sa kabilang dimensyon kung hindi kami tatalon sa dulo ng Nobody World dahil ito lang naman ang tanging daan papunta doon. Dahil wala siyang malay ngayon, pasanin ko pa tuloy siya. Binuksan ko na ang lagusan papunta sa kabilang dimensyon at saka tuluyang nilisan ang mundo ng Kawalan.   Nang makarating kami sa bahay niya, dinala ko siya papunta sa kama niya. Dahang-dahan ko siyang inihiga at kinumotan.   Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako. Sa totoo lang, ang ganda niya kapag natutulog, pero nakakabwiset lang kapag gising.   “Alam ko na kung anong existence ang gagawin ko sa ating dalawa. Sa ngayon, matulog ka muna. Sweet Dreams, Ana!” may ngiti kong sabi saka iniwan siyang mahimbing na natutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD