Lyra’s POV
The palace is nothing like the forest.
Sa bawat yapak ko sa marmol na sahig, ramdam ko ang lamig na umaakyat sa aking balat. Ang mga dingding ay gawa sa bato, mataas at matatag, na para bang sinadya upang magmukhang kulungan. Sa halip na mga bituin at dahon, mga chandelier at gintong sulo ang nakikita ko. At kahit gaano kaganda, para itong isang hawla na may pader na kumikinang.
I don’t belong here.
Kael walked beside me, his golden eyes sharp, his aura heavy. Kahit wala siyang salita, lahat ng nakakasalubong namin ay yumuyuko. Ang ilan ay may halong takot, ang iba’y may pagkamangha. Pero lahat sila, tinitingnan ako.
Ang rogue na kasama ng kanilang hari.
Ang rogue na tinawag niyang mate.
Napakagat ako ng labi, pinipigil ang sarili kong sumabog. Sa bawat titig nila, ramdam ko ang galit at paghamak. At sa bawat tingin ni Kael sa akin, ramdam ko ang bigat ng kapalarang ayaw kong tanggapin.
---
Pagpasok namin sa isang silid na mas malaki kaysa sa buong bahay na kinalakihan ko, nagsalita siya sa wakas.
“You’ll stay here.”
Tumingin ako sa kanya, pilit pinapakita ang tapang na wala sa loob ko. “I never agreed to this.”
His lips curved slightly, not a smile but close. “You don’t have to agree.”
Napapikit ako, huminga nang malalim. “You can’t just—”
Ngunit hindi ko natapos. Sa isang iglap, mabilis siyang lumapit at hinuli ang pulso ko. Mainit ang kanyang kamay, sobrang init na para bang sinusunog ang balat ko. Napatingin ako sa kanya, at doon ko na naman naramdaman ang bulong ng aking wolf.
He’s ours.
“Stop fighting me, Lyra,” bulong niya, mababa, halos parang paos. “The bond is real. You feel it, too.”
“I feel nothing,” nagsinungaling ako, pilit pinapatatag ang boses ko.
He smirked, leaning closer, halos magdikit na ang labi namin. “Then why are you trembling?”
Napatigil ako. Totoo nga. Ang kamay kong nasa kanyang dibdib ay nanginginig. Pero hindi ko alam kung dahil sa takot, o sa apoy na dumadaloy tuwing malapit siya.
---
Mabilis kong binawi ang kamay ko, lumayo. “I’m not your Luna. I’ll never be.”
Tahimik siya. Ngunit sa kanyang mga mata, nakita ko ang isang bagay—hindi galit, hindi panghahamak, kundi… pananabik.
“You can deny it all you want,” he said, voice calm but deadly. “But the moon doesn’t lie.”
---
Hindi ko na siya sinagot. Sa halip, naupo ako sa gilid ng kama, pilit pinapakalma ang sarili. Ang katawan ko’y pagod mula sa laban, ngunit ang isip ko’y gising na gising.
He turned to leave, ngunit bago siya lumabas ng pinto, tumigil siya.
“Tomorrow, the Council will want to see you,” he said, his back still to me. “They will question everything. But remember, Lyra—” tumingin siya sa akin, mata’y kumikislap ng ginto—“you are mine. Don’t forget that.”
At tuluyan na siyang lumabas.
---
Kinabukasan, ginising ako ng maagang araw na pumapasok sa malalaking bintana. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi ko matakasan ang katotohanang nasa loob ako ng palasyo ng Alpha King.
Ang mga batang niligtas ko, sina Seren at Miri, ay ligtas din, ayon sa isang babaeng lingkod na nagdala ng pagkain. Ngunit hindi ko sila nakita. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkakahiwalay.
Nang dumating ang oras, kinuha ako ng dalawang bantay at dinala sa isang bulwagan. Doon, naghihintay ang Council of Elders—mga matatandang lobo, pawang makapangyarihan at konserbatibo. Ang ilan sa kanila’y tumingin sa akin na parang dumi sa ilalim ng kanilang sapatos.
“Your Majesty,” bungad ng isa, nakatingin kay Kael. “Why bring a rogue into our halls?”
“She’s not just a rogue,” sagot ni Kael, malamig ngunit mariin. “She’s my mate.”
Parang kumulog sa loob ng bulwagan. Ang mga elder ay nagsimulang magbulungan, ang ilan ay nagprotesta nang malakas.
“Impossible!”
“A disgrace to the throne!”
“She’ll curse us all!”
Pakiramdam ko’y gusto kong lumubog sa lupa. Ngunit bago pa tuluyang bumuhos ang galit ng mga matatanda, tumayo ang isa sa kanila—isang babae na may mapuputing buhok at mga matang kulay abo. Siya si Elda, the Moon Priestess.
“Silence,” utos niya, at agad natahimik ang lahat. Tumitig siya sa akin, ang mga mata’y tila tumatagos sa kaluluwa ko.
“So it is true,” bulong niya. “The prophecy lives.”
Nagkatinginan ang lahat. Ako man, naguguluhan.
“What prophecy?” tanong ko, hindi na nakatiis.
Ngumiti si Elda, ngunit may lungkot sa kanyang mga mata.
“The rogue who bears the moon’s fire. The one destined to stand beside the Alpha King, or destroy him.”
Napalunok ako. Destroy him?
Narinig ko ang pag-igting ng panga ni Kael. “That will not happen,” aniya, matatag. “She is mine. She will be my Luna.”
Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako, umatras ng hakbang. “No! I didn’t choose this. I don’t want this!”
Tahimik ang bulwagan. Lahat ng mata, nakatutok sa akin.
At sa gitna ng lahat, isang tinig ang narinig ko—hindi mula sa tao, kundi mula sa loob ko.
You can run, Lyra. But you cannot escape the bond.
Napayuko ako, halos hindi makahinga.
At nang muli kong itinaas ang ulo ko, doon ko siya nakita—si Damon, ang Rogue Alpha—nakapasok sa bulwagan, ang kanyang mga mata’y nagliliyab ng pula.
“At last,” ngumisi siya, nakatingin diretso sa akin. “The girl of the prophecy.”
---
Chaos erupted. The guards drew their weapons, the Council screamed, and Kael himself shifted, his golden eyes blazing with fury.
Pero ako? Nanatiling nakatitig kay Damon. At sa unang pagkakataon, naramdaman kong may koneksyon din kami.
At doon ko naintindihan.
Hindi lang ako mate ng Alpha King.
Ako rin ang dahilan ng digmaan.