bc

The Rogue Alpha's Forbidden Mate

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
fated
shifter
curse
sweet
gxg
serious
werewolves
mythology
pack
small town
rejected
like
intro-logo
Blurb

Lyra never asked to be torn between two powerful brothers—one her protector, the other her greatest temptation.

Kael, the Alpha who swore to guard her with his life, offers her love as steady as fire—warm, fierce, unyielding.

But Damon, his darker, forbidden brother, ignites a desire she cannot control—wild, dangerous, and consuming.

When fate awakens the beast inside Lyra, her heart becomes the battlefield. Every kiss is a promise, every touch a betrayal. And as passion burns hotter, secrets unravel, threatening to destroy not just her love, but the entire pack.

Caught between loyalty and forbidden longing, Lyra must face the most dangerous choice of all: surrender to the light… or fall into the shadows.

A tale of love, betrayal, and the fire that burns between destiny and desire.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lyra’s POV The forest has always been my home. My cage. My graveyard. Every tree whispers my secrets, every shadow hides my scars. Sa loob ng maraming taon, natutunan kong mabuhay nang mag-isa bilang isang rogue—ang itinakwil ng lahat ng pack. Sa kanila, isa akong banta. Isa akong sumpa. Pero ngayong gabi, kakaiba ang pakiramdam ko. Mabilis ang t***k ng puso ko habang tumatakbo ako, halos sumabog ang dibdib ko. May humihila sa akin—isang pangitain, isang enerhiya, parang tinig na hindi ko mawari. Run, Lyra. Run faster. Mula sa malayo, naririnig ko ang mga iyak. Mahina sa una, pero palakas nang palakas habang lumalapit ako. Amoy ko rin ang dugo, pawis, at takot na parang usok na humahapdi sa lalamunan. Pagdating ko sa isang clearing, bumungad sa akin ang eksena—apat na rogue wolves ang nakapaligid sa dalawang batang babae. Bata pa sila, marahil wala pang labing-anim. Ang mga mata nila’y puno ng luha, nanginginig habang pinipilit protektahan ang isa’t isa. “Two pretty little lambs,” bulong ng isa, may mabangis na ngisi. “Perfect offering for the Alpha. He’ll reward us for this.” Napalunok ako. Ang Alpha na tinutukoy nila ay tiyak na ang Alpha ng rogue pack—isang halimaw na walang awa, pinuno ng mga itinakwil na gaya ko. Ngunit hindi ko hahayaang may madamay pa. A low growl escapes my throat, deep and threatening. My wolf claws at my skin, desperate to take control. “You’ll have to go through me first.” Nagtinginan ang mga rogue. Maya-maya, sabay-sabay silang tumawa—isang malupit, nakakainsultong halakhak. “At sino ka para humarang, babae?” sabat ng pinuno nila, ang kanyang mga mata nagningning sa pula. Hindi ako sumagot. Bagkus, tumalon ako pasulong, mabilis, parang kidlat. Ang aking mga kuko’y humiwa sa balat ng isa, sumirit ang dugo sa lupa. Nagsimula ang labanan. Dalawa agad ang sumugod sa akin. Mabilis kong naiwasan ang isang suntok, saka ko siya tinadyakan nang malakas sa dibdib. Narinig ko ang tunog ng butong nabasag. Ang isa naman ay tumalon mula sa likuran, ngunit nasalo ko siya sa leeg at pinilipit. Sa isang iglap, tumumba siya, wala nang malay. Dalawa na lang. Pero malakas ang huling dalawa—mas mabilis, mas sanay. Pareho silang nag-shift sa kanilang wolf form, mga mata’y kumikinang, ngipin kumikislap sa ilalim ng buwan. I could feel my own wolf begging to break free. Shift, Lyra. Let me out. Pero kinagat ko ang labi ko at nanatili sa aking human form. Hindi ako basta-basta nagshi-shift. Ang aking wolf ay kakaiba—mapanganib, masyadong malakas. Kapag binitawan ko siya, hindi ko alam kung makokontrol ko pa. Sa halip, nakipaglaban akong tao. Dugo, pawis, sigaw—naghalo lahat sa ere. Sa gitna ng pakikipagsagupaan, narinig ko ulit ang mga batang babae. “Please… help us!” sigaw nila. Doon ko naramdaman ang apoy sa loob ko. Isang apoy na hindi ko mapapatay. At sa unang pagkakataon, hinayaan kong kumawala ang aking wolf. --- Ang katawan ko’y kumulo, ang buto ko’y nag-crack, balat ko’y napunit habang lumalabas siya. Isang malakas na alulong ang sumabog mula sa aking bibig, nagpagalaw sa buong kagubatan. Ang aking wolf ay hindi ordinaryo. Ang balahibo ko’y kulay itim na parang usok, ngunit may guhit ng pilak na kumikislap sa bawat galaw ko. Ang mga mata ko’y hindi dilaw o pula—kundi matingkad na asul, parang liwanag ng buwan mismo. Napatigil ang mga rogue. Kita ko sa kanilang mukha ang takot. “She’s… she’s not normal,” bulong ng isa. “She’s cursed!” sigaw ng isa pa. At bago pa sila makatakbo, umatake ako. Hinablot ko ang isang lobo, kagat sa leeg, at bumulwak ang dugo. Ang isa nama’y sinunggaban ko gamit ang aking mga kuko, hinila hanggang sa napunit ang kanyang laman. Ang kanilang mga alulong ay umalingawngaw sa gabi—hanggang sa tuluyan nang tumahimik. Pagkatapos ng lahat, nakatayo akong mag-isa sa gitna ng clearing, hingal, pawisan, at nababalot ng dugo. Ang dalawang batang babae’y nanginginig, ngunit nakatingin sila sa akin na parang nakakita ng milagro. “W-who are you?” mahina ang tinig ng isa. Hindi ko alam ang isasagot. Dahil ako man, hindi ko alam kung sino ba talaga ako. --- Habang inaalalayan ko ang mga bata palabas ng kagubatan, bigla kong naramdaman ang kakaibang presensya. Malakas. Mabigat. Isang enerhiyang nagpadapa sa aking wolf sa loob ko. At saka ko siya nakita. Mula sa dilim, isang napakalaking lobo ang lumitaw. Ang balahibo’y puti na parang niyebe, ang mga mata’y gintong nagliliyab. Ang kanyang presensya’y nakakatakot, ngunit may kakaibang init na bumabalot sa akin. Ang Alpha. Pero hindi lang basta Alpha. Siya ang Alpha King. Tumigil siya sa harap ko, nagbabalik sa human form. At doon ko siya nasilayan—isang lalaking may matipunong katawan, balat na kumikislap sa ilalim ng buwan, at mga mata na tila tumutusok sa aking kaluluwa. Hubad siya, tanging lakas at kapangyarihan ang bumabalot sa kanya. At kahit anong pilit kong umiwas, nahulog ang paningin ko sa kanyang katawan—matipuno, perpekto, mapanganib. “Who are you?” tanong niya, malamig ngunit nakakaakit ang boses. Hindi ako nakasagot. Hindi ko maigalaw ang dila ko. Ngunit ang puso ko… tumibok nang mabilis, parang handang sumabog. Sa gitna ng katahimikan, dumating ang isang tinig—hindi mula sa kanya, hindi mula sa akin. Kundi mula sa buwan mismo. Mate. Napakagat ako sa labi. Hindi. Imposible. Hindi ito pwede. Pero nang tumaas ang kanyang kamay at hinawakan ang aking baba, pinilit akong tumingin sa kanyang mga mata, alam kong wala na akong takas. “I asked you a question, rogue,” bulong niya. “Who. Are. You?” At doon nagsimula ang lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ex-Luna's Revenge

read
41.5K
bc

The Alpha Wears Number Nine

read
8.2K
bc

A Second Chance: My Twin Mates

read
11.5K
bc

Not just, the Beta

read
344.6K
bc

The Rejected Luna Strikes Back

read
8.4K
bc

Cheated Mate: I Bonded with a Comatose Alpha

read
3.9K
bc

A Female Alpha’s Revenge

read
76.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook