Lyra’s POV
“Who. Are. You?”
Ang tanong na iyon ay dumagundong sa katahimikan ng kagubatan. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita, parang mismong buwan ang nag-utos na sagutin ko siya. Ngunit ang dila ko’y tila naging bato, at ang dibdib ko’y binabalot ng apoy na hindi ko maintindihan.
Mate.
Ang tinig na iyon ay bumabalik sa isip ko, paulit-ulit, hanggang sa mabingi ako. Mate daw siya… pero imposible.
“A rogue,” sagot ko sa wakas, malamig, pilit na matatag. “Walang pangalan. Walang pack. Walang halaga.”
Umangat ang sulok ng labi niya, ngunit hindi iyon ngiti. Isang ngising puno ng paghamak at kuryosidad.
“Liar,” bulong niya, lumalapit pa.
Napaatras ako. Ngunit sa bawat hakbang ko palayo, mas lalo siyang lumalapit. Hanggang sa ang likod ko’y sumayad sa isang puno, at wala na akong matakbuhan.
Ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Ramdam ko ang init ng kanyang balat, ang amoy niya—halimuyak ng pine, lupa, at bahagyang usok. Nakakabaliw.
“You saved those girls,” aniya, itinuturo ang dalawang batang hawak-hawak pa rin ang isa’t isa sa gilid. “You killed rogues as if you were born for it. No ordinary wolf can do that.”
“Maybe I’m not ordinary,” sagot ko, nag-aalab ang titig ko.
His golden eyes darkened. At sa isang iglap, naramdaman ko ang kanyang kamay, dumampi sa aking leeg. Hindi masakit, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang kapangyarihan—isang paalala na kaya niya akong durugin kung gugustuhin niya.
“Tell me your name, rogue,” he commanded, his voice low and dangerous.
“Why should I?” balik ko, kahit nanginginig ang loob ko.
Doon siya ngumiti, isang ngiting nakakatakot ngunit nakakaakit. “Because if you don’t… I’ll make you.”
---
Bago ko pa siya masagot, isang malakas na alulong ang umalingawngaw. Mula sa mga anino ng kagubatan, dumating ang mga mandirigma ng kanyang pack—malalaking lobo, ang ilan ay naka-human form na. Lahat sila’y tumigil, nakayuko bilang paggalang sa kanilang hari.
“Your Majesty,” sabi ng isa, lumapit at yumuko. “We’ve been searching everywhere. We felt your aura flare. Are you—”
Hindi niya natapos ang sasabihin. Tumitig siya sa akin, saka bumaling ulit sa Alpha King.
“Who is she?”
Tahimik. Masyadong tahimik. At sa katahimikan na iyon, alam kong nasa bingit ako ng panganib.
“She’s mine,” sagot ng Alpha King, mariin, walang pagdadalawang-isip.
Halos mabingi ako sa sarili kong hininga. Ano?!
The pack warriors stared at me, shocked, some even growling in protest.
“Impossible!” sigaw ng isa. “She’s a rogue! How can a rogue be your—”
A single glare from the King shut him up. His authority was undeniable, suffocating. Walang sinuman ang makakakontra sa kanya.
---
Pagbalik ng tingin niya sa akin, para akong natutunaw. “You’re coming with me,” aniya, mahigpit, hindi isang tanong kundi utos.
“I’m not going anywhere with you,” mariin kong sagot, pinipilit pigilan ang pag-uga ng boses ko.
Lumapit siya pa lalo, halos magdikit na ang aming mga labi.
“Oh, you will, mate,” he whispered, and the word mate rolled off his tongue like a dangerous promise. “You don’t know it yet… but you belong to me.”
---
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinuntok ko siya sa dibdib, buong lakas. Hindi siya umatras, ngunit halata ang gulat sa kanyang mukha. Sinundan ko ng isa pa, at isa pa. Ngunit sa halip na masaktan, tumawa siya—isang mababang tawa na parang apoy na kumiliti sa aking balat.
“You’ve got fire,” he said, catching my fist mid-air. His hand dwarfed mine, warm and strong, veins rippling under his skin. “I like that.”
Bago ko pa mabawi ang kamay ko, hinila niya ako papalapit. Napadikit ang dibdib ko sa kanyang katawan—hubad, mainit, matigas. Napakagat ako sa labi ko, pilit nilalabanan ang kakaibang kilabot na dumadaloy sa akin.
Mate. Mate. Mate.
Parang awit ng buwan na hindi ko matigil.
---
“Let go of me,” utos ko, pilit na matapang.
He leaned closer, his lips brushing the shell of my ear. “I could… but I don’t want to.”
Napapikit ako, kinagat ang labi ko hanggang sa halos magdugo. Bakit ganito ang reaksyon ko? Bakit ang halimaw na ito, na dapat kong kamuhian, ay pinapabilis ang t***k ng puso ko?
At bakit, sa tuwing tumitingin siya sa akin, pakiramdam ko’y hindi ako isang rogue—pakiramdam ko’y ako’y… may halaga?
---
“Your Majesty,” ulit ng isa sa kanyang warriors, halatang hindi mapakali. “The Council will not accept this. Bringing a rogue—”
“Then the Council can burn,” singhal ng Alpha King, hindi inaalis ang tingin sa akin. “No one questions the bond of the moon goddess.”
Nag-angat ako ng kilay. “So that’s it? Just because some goddess whispered the word mate, you think I’ll follow you like a lost puppy?”
His jaw clenched. “You will follow, not because of the goddess… but because I won’t give you a choice.”
---
At bago ko pa siya malampasan, mabilis niyang inangat ako—para bang wala akong bigat—at isinampa sa kanyang balikat. Napasigaw ako, pumalag, sinuntok ko siya, kinagat pa ang likod niya. Ngunit wala itong epekto.
“Put me down, you arrogant bastard!” sigaw ko, nagwawala.
“You bite like a wolf,” natawa siya, walang pakialam sa aking galit. “But you smell like my Luna.”
Ramdam ko ang init ng dugo ko sa pisngi ko. Galit, hiya, takot, at… isang bagay na hindi ko kayang pangalanan.
---
Habang inaalis niya ako sa kagubatan, ang mga mandirigma niya’y sumunod. Ang dalawang batang babae’y kinuha rin, ligtas ngunit halatang takot pa rin. Sa bawat hakbang na palayo, lalo kong naramdaman ang bigat ng kapalaran.
Hindi ako pwedeng maging Luna ng isang hari. Hindi ako pwedeng magpakulong muli, lalo na sa piling ng isang lalaking hindi ko makontrol ang epekto sa akin.
Ngunit habang nakasampa ako sa kanyang balikat, naramdaman ko ang t***k ng kanyang puso—malakas, matatag, parang musika na hindi ko maialis sa aking pandinig.
At isang lihim na bahagi ko, ang bahaging kinikilala ko bilang aking wolf, ay bumulong nang malambing, halos may pakiusap:
Stop fighting, Lyra. He’s ours.