Magda's Pov
" hayst salamat at natapos narin natin Ang ating requirements .. nakahinga kami Ng maluwag nang matapos at maipasa nanamin lahat ngunit hindi ko padin nasasabi sa pamilya ko na next week ay aalis na kami patungong Korea kaya mamaya ay kakausapin ko na sila mama at papa .. kailangan ko itong gawin sa ngayon dahil hindi na natuloy ang pagbubukas namin sa aming maliit na tindahan dahil si mama ang nagaalaga kay papa . Hindi pa Kasi masyadong okey si papa Lalo na at madali na siyang mapagod ngayon.kaya mamaya ay sasabihin ko na sa kanila . kailangan ko pang ayusin mga gamit ko at bumili narin ako ng maleta para siyang aking gagamitin sa pagalis . " Iha , andito na Tayo..." pagpuputol ni manong tricycle driver sa aking iniisip nanggaling Kasi ako sa opisina at sinabing next week na Ang flight namin ni Jana ..." Ma at papa nandito na po ako " .lumapit ako sa aking pamilya at hinalikan ko sila isa isa..."Ohh anak kamusta lakad mo..? kelan start mo sa trabaho anak..? tanong sa akin ni mama " M-ma, pa at ken may sasabihin po ako sa inyo , kailangan ko itong Gawin para sa ating pamilya .. " paguumpisa ko at naupo sa aming sofa ... ma , pa next week Po flight ko na Po pakorea natanggap Po kaming parehas ni Jana sa Korea".. Nakayuko kong Sabi ..." hah anak ! aalis ka ? magaabroad ka?..." gulat na Sabi ni papa.." Pa wag kang magalit hah.." pagpapaala ko sa papa ko dahil nagaalala ako dahil baka nabigla siya sa sinabi ko.. " Hindi anak nagulat lang Ako pero alam ko naman ikaw nalang ang siyang nakakatulong sa amin sa ngayon Anak, pasyensya kana kung Ikaw Ang bumubuhay sa amin ngayon .. " malungkot na pahayag ni papa ..." Pa naman wag mo ng isipin Yun, pa baka dun ko pa mahanap Ang Mr . right ko hehehe baka Makita ko pa si park SEO Jin pa . "pagpapatawa ko upang mawala lungkot ni papa .. "wow ate baka paguwi mo rito kpop kana Rin hah Ang galing naman te makakapunta kana Ng Korea .. "nakangiting Sabi ni ken .." Basta anak magiingat ka dun .. Hindi naman Ako masyado mababahala dahil kilala kita at andun din naman si Jana kaya panatag ako at may Kasama ka roon.. pagpapalakas Naman ng loob ni mama sa akin.. " Kailangan ko narin po magayos Ng mga gamit ko , mamimili rin po Ako bukas Ng maleta at damit pang lamig lalo na malamig Po ngayon Doon sa Korea. "excited Kong Sabi sa kanila..." Sige anak tutulungan kitang magimpake wag kana masyado magdala Ng maraming gamit para Hindi ka mahirapan sa pagbitbit ohhh sha magsikain na Tayong lahat... pagaalok ni mama ... sabay sabay kaming kumain "bukas mamasyal Tayo para bago man lang akong umalis may baon akong Masaya nating pagsasama malamang after 2 years pa ulit MAUULIT Ang ating pagsasama .. pagaanyaya ko sa kanila dahil ang kontrata ko ay dalawang taon lang naman at nasa amin na daw iyon kung hahabaan pa ang pagtatrabaho roon ..Dahil nasa Amin daw ang pagpapasya...
kinabukasan
Nagsimba kami Ng sabay sabay sa may Quiapo at namili narin ako ng maletang daldalhin ko nakabili narin ako ng mga damit kong panlamig at sapatos .pagtapos nun ay kumain kami sa isang buffet restaurant na eat all you can ... " Wow ate !! ang gara naman dito ang daming pagkain ang mahal Siguro dito .. " Sabi ng aking kapatid halos tumawa nalang ako na tila ignoranteng akto niya first time ko rin dito nakita ko lang sa imagebook ang restaurant na ito .. mahal nga kung tutuusin pero para sa pamilya ko ay hindi ko kailangan magtipid.. "hi maam can I have your reservation number... "paghanap Niya sa ibinigay sa aking number kanina dahil Yun daw Ang seat number namin sumunod lamang kami sa kanya at Pinaupo sa isang kalahating pabilog na upuan napakaganda ng Lugar na ito ang lalaki Ng mga ilaw at Ang mga base malalaki Rin na may mga pulang bulaklak ito , mukhang mayayaman din ang mga kumakain dito dahil sa mahal nga ang pagkain rito .. tumayo na kami para kumuha Ng mga pagkain grabe naman kumain dito malulula ka sa Dami ng pagkain ..May mga desserts , japanese, Filipino at Italian foods lahat pwede mo balik balikan sinulit ko ang pagkain buti nalang nagmana Ako Kay mama na kahit anong kain ko Hindi Ako pumapayat ... Makikita mo ang ganda sa labas dahil gabi na at makikita Ang ibat ibang kulay sa labas magpapasko narin pala ang lungkot lang din Kasi Wala na Ako dito sa pasko at magisa akong magpapasko ay Kasama ko nga pala si Jana ." ohhh papa unti unti lang hah wag ka kumuha Ng matataba" nakatawa Kong Sabi Kay papa .. nakasimangot man siya ay Masaya parin ..si ken naman punong Puno Ang Plato halatang sinusulit Ang pagkain dito .. napagusapan din namin kung anong magiging plano namin pagnakapagpadala na Ako sa kanila Ang nasabi ko nalang ay maginvest Muna kami para makapagnegosyo kami para paglumago ay makabili narin kami ng malaking bahay at sasakyan upang hindi na kami magkocommute pa..Matapos naming kumain ay umuwi na kami... masayang Masaya kaming maganak na umuwi sa Bahay pagkauwi ko ay nagayos na ako ng mga gamit at nailalagay na sa aking maleta "anak magiingat ka Doon hah magtulungan kayo ni Jana alam ko naman na Hindi ninyo pababayaan Ang isat isa Kaya kumain ka Ng maayos Doon okey .. kung Hindi mo Kaya Ang trabaho umuwi kana rito mas mahalaga ka sa Amin kesa Ang magkaroon Ng magandang Buhay. salamat anak Kasi imbes na kami Ng papa mo Ang magbigay Ng magandang Buhay para sa inyo ni ken ay Ikaw pa Ang gumagawa para sa Amin ..salamat anak salamat hu huh hu... " umiiyak na pahayag ni mama Wala na akong magawa kundi umiyak narin. .. " mama naman pinaiiyak pa Ako ehhh kahit ano namang mangyari mangangarap ako para sa inyo. sobrang dami na ninyong sakripisyo sa amin ng kapatid ko kaya ma deserve nyo ang magkaroon Ng magandang buhay " niyakap ko si mama habang umiiyak .ilang Araw nalang aalis na Ako kaya kailangan ko ng sulitin lahat naayos na namin ni mama Ang aking mga maleta..punong Puno Ang aking mga bagahe... dalawang maleta Ang bitbit ko.."Sige anak magpahinga na tayo ..." isinara Ko na Ang pinto ng aking kwarto at humiga na upang matulog .....