episode 1
Magda
"Ito na Ang last day mo Magda" Isang umagang bungad sa akin ng aking supervisor na babae. "bakit ho ma'am? "nagtataka kong tanong sa aming supervisor " Hindi mo paba talaga alam hindi mo ba nabasa SA bulletin board natin ang announcement ? " Balik na sagot niya sa akin " Ma'am Teka lang ho Wala ho akong ginagawang mali at maganda naman po ang naging performance ng aking trabaho .. " pagkukumbisi ko rito..." Madeline nagbabawas tayo ng mga tauhan alam naman ninyo ang katayuan ng Alcala Mall Diba ?ito nalang ang nakikitang solusyon ng ating kompanya upang maihaon to at makabawi sa mga nalugi na taon Ng dahil sa pandemya " pagpapaalala niya sa akin kahit alam ko naman ang dahilan at naiintindihan ko din naman ang management sa kanilang naging desisyon .sadyang hindi ko lang rin ito matanggap at hindi rin ako makapaniwala dahil limang taon na akong saleslady dito sa Alcala Mall at naging maganda rin ang naging performance ko dahil sa mga nakuha kong award ..Halos manghina nalang ako sa aking nararamdaman ngayon paano na kami ,naapektuhan din ang aming maliit na tindahan ng mga laruan na tanging Isa din sa pinagkakakitaan ng aking pamilya halos wala ng bumibili ng mga laruan ngayon dahil sa pandemyang nararanasan ng buong mundo.Ngayon palang kami nakapagbukas mula nang magbukas
ang ekonomiya at isa kami sa pamilyang sinubok ng pandemya na nawalan ng pagkakakitaan tapos nagaaral pa ang aking nakababatang Kapatid na si Ken bilang first year college at ako naman ay hindi na nakapagtapos ng kolehiyo .Isang taon nalang sana at gagraduate na ako kaso hindi na namin kinaya dahil sa pandemyang dumating .nagsakripisyo ako para sa aming pamilya mas minabuti kong huminto nalang at unahin sila .pero ipinangako ko naman sa aking mga magulang na magtatapos ako ng pagaaral dahil sa tutol sila na huminto ako sa pagaaral
lumuhod ako sa aming supervisor ."ma'am parang awa niyo na Po baka pwede papo silang pakiusapan ma'am paano kami walang trabaho si mama at papa nagaaral pa ang aking kapatid " pagmamakaawa ko dito habang umiiyak ." magdaline hindi lang ikaw ang nawalan ng trabaho marami ang nawalan ng trabaho alam mo iyan pero yun na ang pasya ng ating management at hindi na mababago yan..wag kang mag-alala dahil babayaran kayo agad upang makapagsimula ulit kayo . kaya Hindi mo na kailangan pang pumasok ngayon at pwede na kayong umuwi pati ang 13th months niyo ay isasama narin kaya pasyensya na Magdaline " Dahil sa wala na akong magawa ay umiiyak akong bumalik sa aming locker room" Bes Wala na Tayong trabaho .." ani ng aking katrabaho na bestfriend narin na si Jana nalungkot ako dahil isa rin pala siyang natanggal sa trabaho niyakap ko siya at sabay kaming umiiyak ."paano na Tayo Bes? " tanong sa akin ng aking kaibigan .Wala akong maisip na paraan dahil pareho kami ng katayuan. Wala na siyang tatay at siya ang breadwinner ng kanilang pamilya meron pa siyang tatlong kapatid at lahat ito ay nagaaral ng elementarya at ang nanay niya ay isang mananahi na mas unang natanggal sa kanyang trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang kompanya . " Bes tumayo kana riyan at kailangan natin makahanap ng trabaho ." pag papalakas ko sa kanya ng loob dali dali kaming nagbihis at nagpunta sa isang computer shop upang magpaprint ng resume .."manong paprint naman Po " Sabi ko sa lalaking nagbabantay sa shop buti nalang din at lagi akong handa at may resume akong sinave sa aking cellphone.tinipa ko ito at hinanap ang sinave ko na resume habang si jana naman ay nagtitipa sa computer para maggawa ng kanyang resume.pinaedit ko nalang sa kanya ang isa ko pang ginawang resume para mas mabilis niya itong magawa . dalawang resume Kasing resume Ang ginawa ko bilang paghahanda " Miss ilang kopya ba ang ipiprint ko? " tanong sa akin ni kuya ... "Kuya sampo na po ."sabi ko sa kanya dahil marami kaming papasahan ni Jana. Sabi nga nila the
more the manier.... " hehehe " tawa ko sa aking isip kahit malungkot ako sa pangyayari . Natapos narin si jana at pinaprint narin nito ang kanyang ginawa.sinabi ko na rin sa kanya na damihan ang papaprint nito ..Nang matapos na kami sa pagpapaprint ay isa isa na kaming nagtanong sa bawat istablimentong na aming nadadaanan at nagpasa sa mga ito . halos pawisan na kaming naghahanap dito sa cubao ngunit halos lahat ay wala pa daw bakante dahil kabubukas lang Ng kanilang mga negosyo. ala una na pala ng hapon ng makaramdam Ako ng gutom "Bes kumain muna tayo Doon ..." turo ko sa isang karenderya at nagtungo kami roon at bumili ng tagisang ulam pinili namin ang sinigang na
baboy at ang isang order naman ay
ginataang langka tagisa lang din kami ng kanin dahil hindi naman kami parehas malakas kumain .bumili nadin kami ng malaking soft drinks para share na kami at may matakeout pa habang naglalakad sa kainitan ng edsa ..nagsimula na kaming kumain ni Jana at mabilis
akong natapos sa pagkain. tumayo ako para magpababa ng kinain habang naghihintay sa kaibigan kong kumakain parin .Halos magkasing edad kami ni Jana .. 20 years old kaming parehas ni Jana .. magkapitbahay lang kaming dalawa. kaya sabay kaming nagtrabaho sa alcala mall .. inaya niya ako noon para magworking student kami. parehas kaming nahinto sa pagaaral. .Ang pinagkaibahan namin ay mas madalas akong gawing Modelo ng alcala mall.parehas naman kaming maganda ngunit mas kinukuha ako.si jana ay kayumanggi at kulot Ang buhok. 5'3 Ang kanyang tangkad ,makinis siya at sexy ..Ako naman ay 5'4 Ang tangkad . Hindi Ako tabain kaya pwede akong pang model kahit gaano kadami ang kainin ko hindi Ako tumataba .. lalaki lang tiyan ko pagtapos kumain pero after nun ay
lumiliit na pag bumaba na ang aking
kinain.Maputi ako asar nga sa amin ay kape at gatas Hindi naman maitim si jana pero pag katabi ko siya ay umiitim na ito dahil sa aking kaputian na hindi sila makapaniwala na hindi ako mayaman.. dahil sa maputi at mamulamula kong kutis . malabumbay ang mga mata at Ang aking kilay ay makapal ngunit hindi sabog na tulad ng iba . nakakorte na ito kaya hindi na ako naglalagay eyeliner medyo may laman ang aking dibdib pero hindi naman masagwa tignan. may dalawa akong dimple magkabilaan ito . pointed nose naman ang aking ilong at hugis puso ang aking baba para akong mistisang Indiana. pinaglihi daw ako ni mama sa isang Indiana
na pinanood niya sa isang telebisyon pero ang kaputian ay sa kanya ko namana.Lagi akong pinagkakamalan na artista bakit di daw ako magshowbis ehh marunong naman ako kumanta at sumayaw . siguro nga nasa akin na lahat pwera nalang sa kagandahan ng Buhay . Hindi ako sanay makipagusap sa ibang tao ."bes Tara na hanap na ulit tayo ng trabaho. " pagaaya sa akin ni Jana.." Sige Tara na ng makarami Tayo .." Buong maghapon kaming naghanap ng trabaho ni Jana ngunit sawi kami na makahanap ng trabaho dahil nga sa kabubukas lang ng mga negosyo.Mag aapat na buwan palang simula ng matapos ang pandemya halos dalawang taon din ang pahirap sa mga tao halos mga importanteng negosyo lang din ang nagbukas tapos puro online at delivery lang ang nangyayari dahil walang pwedeng lumabas sa kani kanilang tahanan depende nalang kung bibili Ng gamot ,maggrocery at wiwithdraw .Napunta kami sa Supermarket department noon ni Jana dahil sa marami din ang nagkasakit ang iba naman ay natakot lumabas dahil sa kaisipang baka sila ay mahawaan ng nakakahawang Virus . Buti nalang at nakaimbento ng gamot ang isa sa pinakamaling kompanya sa Korea kaya natapos ang paghihirap sa pandemya. naalala ko pa noon na halos hindi ko alam kung paano kami uuwi ni jana dahil sa walang masakyan at Buti nalang din at nakaisip ng palibreng sakay ang gobyerno mula Valenzuela hanggang Cubao. Nagbibigay din ang gobyerno ng pinasyal at pagkain na dapat pagkasyahin namin ng isang buwan. Sobrang pasalamat ko noon sa diyos dahil nakakain pa kami ng aking pamilya at walang nahawaan sa amin ng Virus " Tara na Magda bukas nalang Tayo maghanap Ng trabaho pagod narin tayo" pagputol sa aking pagbabalik tanaw ni Jana ,tumango nalang ako at sumakay na kami ng bus patungo sa Valenzuela dalawang Oras kaming bumyahe pauwi ng Valenzuela .nakatulog narin Ako sa pagod .. " ohhhh
malinta!malinta!" nagising Ako sa
sigaw ng kondoktor at tinapik ako ni
jana upang ipaalala na kami ay baba na ng bus.Pagkababa namin at lumakad pa kami papunta sa sakayan ng mga tricycle papunta sa aming street...