tok! tok ! tok !
Katok ko sa pinto ng aming Bah
" mama!. " tumakbo akong palapit kay mama habang umiiyak .. " mama wala na akong trabaho Isa ako sa natanggal paano na po tayo huhuhu...." humahagulgol na ako sa pagiyak . lumabas narin si papa at ken galing kusina dahil siguro sa lakas ng aking pagiyak " Anak kaya natin ito pagtutulungan natin lahat anak.." pagpapalakas ng loob sa akin ni mama "Oo nga anak magbubukas narin tayo ng ating pwesto kaya huwag kanang umiiyak " .niyakap narin ako ni papa" dibale na po ma at pa , kanina nagpasa na kami ni Jana ng resume sa mga pwede naming pasukan kaya naghihintay nalang din po kami ng tawag. tapos bukas po ay aalis ulit kami para maghanap ng trabaho ni Jana.... " pagpapalakas ko din Ng loob sa kanila...." nawalan din ng trabaho si Jana anak ? " malungkot na tanong ni mama dahil alam nilang mas hirap sa amin sila Jana dahil wala na sila pagkakakitaan " Opo
mama labing anim kaming natanggal puro mga bagong empleyado po ang natira " pagpapaliwanag ko Kay mama " naku ehhh paano na kaya sila mareng Flor gayung wala na kahit isa sa kanila ang nagtatrabaho..." nagaalalang sabi ni mama . " hmmmm sabi naman ng aming supervisor ay mamadaliin daw po Yung backpay namin at isasama na ang 13th mont namin dahil dalawang buwan nalang ay pasko na daw po para din daw Po makapagumpisa daw kaming muli .." pagbibigay ko ng pagasa kila mama kaya kahit papaano habang naghahanap kami ng trabaho ehhh may pagdagdag kami sa aming negosyo... " kaya mama at papa yung perang makukuha ko po ay pwede natin pang puhunan..." pag papalakas ng loob kong sabi kila mama at papa .." Ako naman pa at ma ay nagapply ng scholarship sa aming paaralan.Nakapagpasa narin po ako ng mga requirements ko para poo kahit papaano makabawas sa ating gastusin .." masayang balita naman ni Ken sa amin . " Naku napakaswerte talaga natin at hindi tayo pinababayaan ng poong may kapal kaya mga anak magdasal at manalig lang tayo sa ating panginoong diyos." positbong Pananaw ni papa sa amin at nagyakapan kaming pamilya ..." Sa ngayon kailangan nating mag tipid muna..." Dugtong na Sabi ni papa sa amin .. " Ohh sya magsikain na tayo, nakahain na ako " Nagtungo na kami sa aming kainan nagluto si mama ng menudo at nagumpisa na kaming magdasal upang magpasalamat sa blessing na pinagkaloob sa amin ng diyos. Masaya naming pinagsaluhan Ang aming pagkain at ng matapos naming Kumain ay naghugas na ako ng plato . Pagkatapos maghugas ay umakyat na ako sa aking kwarto naligo muna ako sa banyo namin at humiga sa aking kama.. maliit lang naman ang kwarto ko sa kabilang side naman ay ang siyang kwarto ng aking kapatid na si Ken.Isang ply wood lang ang pumapagitan sa kwarto naming dalawa ni ken..sila mama at papa naman ay sa baba natutulog dahil may isang kwarto roon malapit sa aming kusina nagtitipa ako sa aking cellphone ng mapanood ko ang paborito Kong kpop group na btx sobrang gwapo nila at halos sikat na sila sa buong bansa may mga fans narin sila dito sa pilipinas at grabe ang mga fans nila Kasi Hindi lang mayayaman, mahihirap pati narin mga artista... pinakagusto ko si park SEO Jin sobrang gwapo nito ang sabi sabi apat na lenggwahe ang alam nito . English, mandarin, Korean at Tagalog pinagaralan niya daw talaga ang pagtatagalog dahil sa mahal niya daw ang mga pilipino .Napakapogi talaga singkit ang mga mata , medyo may kakapalan ang kanyang kilay na tila babae ,matangos na ilong , matangkad at mapupulang labi at may dimple din ito sa kanang bahagi . " hayst hanggang pangarap lang naman ako napakataas niya ang layo namin sa isat Isa as if naman makita ko siya. " Bulong ko sa aking sarili maya maya ay tumunog ang aking cellphone dahil may tumatawag sa akin Mula sa Imagebook .." jana is calling" nawala ako sa aking iniisip ng sagutin ko ito.." hellow bes,... " Sagot ko sa kanya..." bes, Magapply kaya tayo paKorea .. " pagaaya niya sa akin .." hah paano... " nagtataka kong tanong sa kanya .." bes tignan mo yung sinend ko sa iyo ."pag sasabi niya sa akin ...." Sige sige bes, tignan ko alam mo naman na takot ako makipagsapalaran sa ibang bansa diba .. " pag papaalala ko sa kanya alam naman nitong takot ako mag ibang bansa dahil sa iba ang lenggwahe at iba ang kultura nila tinignan ko yung chat ni Jana tungkol ito sa Factory worker hiring ng Korea Malaki ang kita 80 to 120k halos mapanganga ako sa sobrang laki na halos triple ata ng sahod sa mga ordinaryong nagtatrabaho dito sa pinas walang babayaran sa pagalis at ibabawas nalang daw ng paunti unti sa sahod libre din daw ang tirahan tapos pagkain nalang daw ang iisipin pero kailangan daw marunong magkorean language.Kaya napaisip ako although hindi naman ako mahirapan sa pagkorean dahil kakapanood ng kdrama ay natuto narin ako ng mga basic na salita SA Korea parehas kami ni Jana na mahilig sa kdrama . dahil isa din siyang btx fans minsan pa ngan pinagtatalunan namin si park SEO Jin. para kaming mga loka loka na pinagaagawan ito.. kahit maliwanag pa sa buwan na Hindi mangyayaring Makita namin ang kpop superstar na iyon nagtipa ako sa aking cellphone upang replayan si jana . " bes , pagiisipan ko Muna hah..." sinend ko na ito sa kanya .." naku bes baka ito na chance na makita natin si park SEO Jin... " reply niya sa akin na naiimagine ko na kinikilig ito sinendan ko nalang siya Ng nakatawang emoji at nagtulog na na ako ..