Magda's Pov
"Sandro papa gising!gising papa!!!ano ba gumising ka naman na" nagising ako sa iyak at sigaw ni mama habang ginigising si papa." ma, bakit po ? a-anong nangyari Kay papa ? " nagtataka ako sa itsura ni mama na umiiyak " ma-magda tignan mo papa mo! ayaw bumangon at ayaw kumilos humingi kana ng tulong sa labas anak dali! huhuhu " lumabas akong nakayapak dahil sa pagmamadali " tulong ! tulong po ! tulungan ninyo kami tulong Po " sigaw ko sa labas habang umiiyak." Anong
nangyari sa iyo Magda." tanong ni mang kanor habang nililinisan niya ang kanyang tricycle na katapat bahay lamang namin ." Mang kanor si papa kasi ayaw gumising kailangan po siyang madala sa ospital huhuhu " umiiyak ko na paliwanag Kay Mang kanor .nagsimula nang lumabas ang iba pa naming mga kapitbahay " Magda Anong nangyari? ani ni aling Flor na nanay ni Jana ."aling Flor si papa po kasi ayaw gumising ." sagot ko sa kanyang tanong "hah Ganon ba ohh
hayan si pareng kanor at inaayos na
kanyang tricycle." napatingin Ako sa kinaroroonan ni Mang Kanor " Tara na Magda " tawag sa akin ni Mang kanor sumunod ako rito at Dali daling pumunta sa aming bahay habang binubuhat si papa ng iba pa naming kapitbahay pasakay sa tricycle ni Mang Kanor .kinuha ko ang aking bag , ATM at lumabas
na Kasama si mama na umiiyak . Pumasok sa loob ng tricycle si mama kasama si papa at Ako naman ay nakabackride sa likod na upuan ni Mang kanor .pinatakbo niya na ito ng mabilis .Wala pang trenta minutos ay nakarating na kami sa isang pampublikong ospital dito sa Valenzuela.isinakay nila si papa sa isang kama na de gulong at ipinasok sa emergency room.hindi na kami pinahintulutang pumasok pa ni mama at doon naiwang nagiiyakan .umiyak kami ni mama na magkayakap at naupo kami sa upuang mahaba katapat ng kwartong pinagpasukan kay papa. Pumikit ako at taimtim na nagdasal para sa kaligtasan ng aking ama."Jusko alam ko pong Wala akong Karapatang magtanong pero humihingi po ako sa inyo ng tulong buhayin ninyo po si papa." umiiyak padin ako habang nagdarasal. pagdilat ko ay Wala na Pala sa tabi ko si mama dahil nakikipagusap na si mama sa doktor na tumitingin Kay papa ..Ayon sa doktor okey naman na daw si papa at Buti daw napunta agad si papa sa ospital inatake raw si papa sa puso at matagal tagal daw na gamutan iyon at marami pa daw silang gagawin na test kay papa.Lumabas ako para bumili ng pagkain namin ni mama halos maghahapon na pala at hindi pa kami kumakain pala ni mama bumili ako sa isang karenderya malapit lamang sa ospital .Dalawang order ang binili kong ulam at tatlong kanin .Pagbalik ko sa ospital ay Wala na sa emergecy room si papa dahil dinala naraw ito sa ward room dahil hindi namin afford ang magprivate room pa. Nagising narin si papa pero hindi parin ito nagsasalita pero sabi daw ng doktor Kay mama normal daw iyon na Hindi pa makapagsalita dahil sa nagrerecover pa daw si papa.. " Kain na tayo ma, hndi pa pala tayo nakapagumgahan at tanghalian ." Aya ko Kay mama "mama mamaya po uuwi muna ako at magaayos pa po ako ng gamit po ninyo ni papa tapos bukas po ng umaga pagkabalik ko po ako Po muna ang magbabantay Kay papa para po makapagpahinga Po kayo tapos mama kung maari Po mga tanghali aalis Po ako para makapaghanap ng trabaho at magaayos din Po ako ng mga hihingian ko ng tulong para sa pinansyal dito sa ospital" pagpapaliwanag ko kay mama.tumango nalang ito dahil sa kanyang pagod.
Ala sais ng gabi ay umuwi na ako dahil bawal daw ang madaming bantay rito sa ospital isa lang daw ang pwedeng maiwan kasi Wala ng space sa iba pang kasama ng ibang pasyenste .Sa upuan lang din
matutulog si mama dahil iisang kama lang ang meron para lang ito sa mga pasyente .naawa ako kay mama dahil nang umalis ako ay umiiyak parin ito .iniisip niya kung saan kami kukuha ng pera ngayon sobrang daming gamot ang pinaiinum kay papa at sa ngayon ay dinadaan pa ito sa kanyang swero.napakamahal pa ng kanyang mga gamot.Bukas aayusin ko rin yung mga dokumento ni papa na ipapasa sa Malasakit Center dahil may mga kailangn pirmahan at ipasa sa opisina nito . Sobrang laking tulong din talaga ng proyekto ng gobyerno dahil sila ang sumasagot sa bills ng ospital .
Nang makapasok ako sa aming bahay ay naghihintay pala sa aming sala sila aling Flor at Jana " bes kamusta si papa mo? tanong ni Jana ."stable na si papa bes,pero Hindi parin nakakapagsalita ." paliwanag ko sa kanya " ate pwede ba akong sumama sa iyo bukas sa ospital? nagmamakaawang Sabi ni ken sa akin ."Sige ken bukas sumama ka sa akin para may Kasama si papa sa hospital , para makauwi at makapagpahinga din bukas si mama dito sa bahay .
Ako naman ay aalis para sa pagpapasahan kong mga requirements sa ospital ni papa at pagkatapos ko dun ay hahanap ulit ako ng trabaho " sagot ko Kay Ken " bes kailangan mo ba ng tulong? "nagaalalang tanong sa akin ni jana."bes magaapply ako paKorea sasama Kaba? " lumapit ako Kay Jana at mahinang tinanong kong gusto niyang sumama sa akin bukas " talaga bes, Tara join ako dun" pahayag nito na medyo may himig na katuwaan " Sige bes magpapahinga lang ako marami parin kasi akong aasikasuhin bukas ng umaga kaya after lunch na lang tayong umalis , pasyensya na ho aling Flor mauuna na ako sa aking kwarto at magpapahinga po muna ako napagod Po Kasi ako kanina" pagpapaalam ko sa nanay ni jana umakyat na ako at dumiretso sa banyo upang magpalit ng damit tila
Hindi ko na kayang maligo dahil sa pagod ko kanina kaya naghilamos Nalang Ako at nagpalit ng pang tulog inayos ko na ang mga papel ni papa at requirements ko para sa pagaapply ko sa Korea .Buti at malapit lang ito sa cubao. Sinipat ko saglit ang aking cellphone upang magpaantok ilang sandali lang ay inagaw na Ako ng antok at nakatulog..
p.s
pasyensya na kung may mga typographical sa aking isinulat .Hindi
ko din alam kung anong nangyayari pagsinasubmit ko na ito.salamat sa pagunawa.pakiusap paki follow nalang Po o ilagay nyo sa library nyo ..kung may komento man kayo na nais iparating ay aking tutugunin.. goodnight everyone