magda pov
Kinabukasan ala singko palang ay gumayak na ako upang pumila sa isang ahensya ng malasakit center upang ayusin ang mga papeles ni papa. Bukas Kasi ay pwede ng lumabas si papa sa ospital pero magpapatuloy parin siya sa kanyang mga gamot at kinakailangan niya narin magmaintenancepara sa kanyang puso.Sobrang dami kong kailangang ayusin ngayon Buti nalang at ako ang una rito sa pila at may mga nagsisidatingan pang iba. hihikab hikab pa ako ng tawagin ako ng babae na nagaayos sa mga papel inutusan niya ako kung saan saang kwarto upang pamirmahan sa mga taong dapat papirmahin .Maya maya ay natapos na ako sa aking inaasikaso kahit na nakakapagod sa pagakyat panaog at masasabi Kong worth it parin ang pagod kasi napakalaking bagay ang naitulong nito sa amin dumiretso ako sa isa pang ahensya Ng gobyerno para sa tulong pinansyal upang ipangdagdag sa mga bibilhing gamoy ni papa . mahaba na pila doon kaya napagisipan ko munang manood nalang Muna sa imagebook ng bagong song cover ng kpop group na Btx. grabe isang araw palang itong inalalabas umabot na sa sampung Milyon ang nanonood . nakaheadset ako kaya parang napapasayaw ako sa kanilang kanta dahil ang kanilang kanta ay pwede ding sayawin . "miss , miss Ikaw na" pangangalabit sa akin Ng isang babae Hindi ko naman ito maintindihan dahil sa lakas ng aking headset. "bakit Po ate ?.." tanong ko sa kanya... " miss number mo na ang tinatawag " iritadong sagot Niya sa akin.. "ayyy sorry Po, sorry Po Sige Po maraming salamat " tumayo na ako at yumuko bilang hingi Ng paumanhin.kinuha ng babae Ang aking dalang mga papel.Sabi NILA after 2 weeks pa daw makukuha ang financial assistance na hinihingi ko buti nalang at may ipon din akong Pera para pang dagdag sa ospital. Ngayon ay pupunta ko ng aming opisina upang kunin ang aking backpay . Buti nalang talaga at pwede na itong makuha . alas onse na ng umaga ng makarating ako sa opisina mabilis lang Ako rito dahil Wala namang masyadong tao rito . kaya ako lang ang nakapila "bes, andito kadin pala" tawag sa akin ni Jana . "oyy bes, nandito kadin pala pasyensya na nawala sa isip ko na sabihan ka . Ang Dami ko kasing iniisip . pagpapaliwanag ko sa kanya. "ano Kaba bes , okey lang Yun . sabay na Tayo papunta sa ospital para madalaw ko Rin si papa mo ." pangungumbinsi Niya sa akin " Sige bes, kukunin ko lang cheque tapos ipapalagay ko lang sa aking savings para hindi ko magalaw lahat.. pagpapaalam ko dahil dadaan pa ako sa Bangko . "abay magandang idea Yan. siya Ako din magoopen account na para maibangko ko ang Pera ko Buti nalang may mga Dala na akong requirements para mamaya . ipapa photo copy ko nalang ulit ang iba ." nakangiti niyang Sabi sa akin .inabot na sa akin Ang isang parihabang papel at nakalagay Ang perang nakuha ko one hundred fifty thousand iyon . nagulat Ako Kasi malaking tulong na iyon sa akin. dahil madami kaming gastusin at pang PapaMedical ko pa ." Tara na bes, okey na Ako .." pagtawag ko sa kanya dahil nanonood din pala siya ng bagong cover ng btx .. "grabe bes, Ang galing nila Noh sobrang Dami agad Ng views isang Araw palang .." manghang Sabi Niya sa akin habang nakatingin parin sa kanyang cellphone.. "oo nga bes, sobra ngang daming nanonood ..ohh siya Tara na .. may Bangko diyan sa tapat natin at diyan ko na ipapatransfer Buti nalang at Yan Yung Bangko sa savings ko ... natutuwa Kong Sabi dahil Hindi na kami mahirapan pa sa paghahanap.... lumabas kami ng opisina at nagtungo sa harapan na building .."good morning mga ma'am" bati sa Amin Ng guard... "good morning din manong" bating sagot ko sa kanya.ganto talaga Ako pag binati Ako gusto ko babatiin din sila bilang pag galang din .. pumasok na kami at kumuha Ng number ... naisip ko nalang Buti at nandun si ken sa ospital kung Hindi walang magbantay Kay tatay samantalang binigyan ko Ng Pera si nanay para makapagluto Ng pagkain babaonin Niya sa ospital.upang may pagkain pa siya mamaya..tinawag na Ako Ng isang teller upang alamin Ang aking gagawin samantalang si jana ay nakikipagusap nadin at naglalabas Ng mga requirements na kanyang kakailanaganin.. samantalang inabot ko na sa teller Ang aking cheque "ma'am ito Po pakichec kung Tama po at sa inyo Po itong account.. " pinakita Niya sa akin Ang mga details Ang aking account..." yes ma'am, Yan nga Po salamat Po.. nakangiti Kong Tugon sa kanya... "okey na Po ma'am na transfer ko na Po sa inyong ATM savings account have a great day ma'am" pagbibigay alam sa akin Ng teller" thank you so much Po ." naupo akong muli at hinintay si Jana dahil Hindi pa siya tapos at hinihintay nalang din Ang kanyang ATM card.. nanood ulit Ako sa imagebook at masayang pinagmamasdan si park SEO Jin.sobrang gwapo Niya talaga . may pinanood Ako na kinakantiyawan siyang itaas Ang damit at ipakita Ang kanyang 6pax na abs na pangiti pa ako Ng itaas ang kanyang shirt at biglang natawa sa kanyang ginagawa "Hayst hanggang pangarap nalang kita Kay hirap mong abutin Ang taas TaaS mo sa akin at Ang layo layo mo pa. kung makapunta man Ako sa Korea malamang pupunta Ako sa concert mo kahit hanggang dun man lang." halos kiligin Ako sa kaisipang iyon."" bes, Tara na ito na ohh nakakuha na Ako Ng ATM card na sakin talaga .thank you bes at Ikaw nagsabi sa akin nito . " magkahawak kaming lumabas sa Bangko at nagtungo na sa ospital kung nasaan si papa ."mama nandito kana pala ... inabutan ko silang kumakain Ng aking kapatid ." ohhh siya anak kumain narin kayo Kasama mo pala si Jana.natapos mo ba anak? nagaalala niyang Sabi sa akin.."opo nay Buti nalang at maaga akong umalis kanina Kasi nang matapos Ako dun pagalis ko napakahaba na ng pila. bukas mama lalabas na si papa kaya maaga ay aasikasuhin ko naman dito sa ospital .. kakain na Ako mama nagugutom na Ako at aalis pa kami ni Jana... "Hindi ko pa nasasabi Kay mama na magaapply kami pa Korea Hindi ko nga alam kung papayagan Niya Ako ehhh ..tsaka ko nasasabihan kung makapasa kami ni Jana mamaya.. "bes , halika na kain na Tayo .." pagaaya ko sa kanya "naku bes, wag na nakakahiya Hindi naman Ako nagpunta o sumama sa iyo para kumain heheheh" tatawa tawa niyang pahayag..." naku Jana nahiya Kapa.. Hala kumain na kayo para may lakas pa kayo sa pagaapply... pagpipilit Kay Jana .. Wala naman itong nagawa kundi sumabay narin sa pagkain. "Ikaw talaga nahihiya Kapa... kakain kadin pala .. " ngumiti ito sa akin at inabutan ko na siya Ng paper plate, disposable spoon and fork ... sabay sabay na kami kumakain habang nakatingin lang si papa at nakangiti Rin "pa kamusta kana? naku Hindi kana pwede kumain ng matataba kaya tigil tigilan mo na Yung tira tira Kong taba na hindi kinakain" pagpapaalala ko Kay papa dahil Minsan Yung taba Ng baboy ay inaalis ko at Hindi ko kinakain nilalagay ko lang sa gilid ng aking Plato at si papa Ang kumukuha nito at kinakain .. Hindi Kasi Ako kumakain Ng taba Kasi nadidiri Ako Kasi Ang daming mantika pagnginuya tapos may something na Hindi ko mapaliwanag kahit Yung balat Ng manok Hindi ko Rin kinakain Yun lang naman Ang mga pagkain na di ko kinakain. ." oo ma'am Hindi na Ako kakain " nangaasar na Sabi ni papa .." hay naku pa subukan mo lang lagot ka Kay mama hahahah .. "pang aasar ko Kay papa.." abay Sandro makinig ka sa Amin kung ayaw mo na maaga akong mabyuda... abay Ikaw Rin baka makapagasawa pa ulit Ako. .hahahah" pangloloko naman ni mama ..si mama maganda parin kahit Hindi na nakakapagayos sa kanya ko namana Ang aking kagandahan although pogi din naman si papa .."naku Jessa magpapagaling na nga Ako ehhh" nagsitawanan kaming lahat ... Maya Maya ay natapos na kaming kumain ... " bes, alis na Tayo para Wala pang 1pm nandun na Tayo .. pag aaya ko sa kanya dahil 1pm Ang Oras Ng pagpasa at interview Doon .. "Sige bes Tara na ..."tumayo na ito upang ayusin Ang sarili.. "mama , papa at ken alis na kami may papasahan pa Po Kasi kami Ng aming resume. pagpapaalam ko sa aking pamilya... "Sige anak magiingat kayo .. Ako na bahala sa papa mo .... umalis na Ako at kiniss sila isa isa. sweet talaga akong tao kaya napaka swerte Rin Ng first boyfriend ko dahil maganda, masipag, makadiyos at sexy Ako... natawa nalang Ako sa aking sarili at tuluyan na kaming umalis ni Jana at sumakay Ng bus patungo sa aming pupuntahan ...