episode 5

1212 Words
Magda's pov "Andito na Tayo bes ," Sabi ko Kay Jana ng makarating na kami sa agency upang maghanap Ng employer.. kada window may mga nakalagay kung Anong trabaho at kung ano Ang hinahanap ... "bes dito Tayo urgent Ang hinahanap kailangan daw Ng bente katao... Tara na bes magpasa na Tayo Ng resume ...aya sa akin ni Jana at sa Seoul ang Lugar isang factory daw iyon Ng mga plastic at clothing ..at Ang laki Ng sahod 120k a month ikakaltas daw sa sahod namin Yung mga ginastos papunta sa Korea . after 2 years daw ay Wala nang ikakaltas maliit lang din Naman daw ang ikakaltas may allowance pang naghihintay at libre tubig at kuryente higit sa lahat may apartment na may kanya kanyang kwarto .. grabe napakagalante pala Ng may Ari.. pero Hindi daw pinaalam kung sino dahil ayaw daw nilang pagkaguluhan pa. sino paba ang tatanggi sa gantong Alok na trabaho .kaya agad agad ay ipinasa namin Ang aming resume at binigyan kami Ng Numero upang pagtinawag kami ay alam Namin kung Anong number na Ang tinatawag pang 610 Ako si Jana naman ay pang 609 paswertehan nalang ito dahil sa Dami Ng nagpasa mahigit sa isang libo ata Ang nandito ehhh. Ngayon nalang Kasi ulit may nagbukas na gantong oportunidad dahil sa pagpapaban Ng mga bansa na makapasok at labas Dito SA pinas.. kaya sobrang pasasalamat nalang talaga at okey na Ang bansa salamat talaga sa pharmacy lab ng Korea na nakaisip Ng pang injection upang Hindi na mahawaan pa Ng sakit dulot ng virus.halos Araw Araw akong nakafacemask at face shield noon sa trabaho.. tapos Hindi din madami Ang tao sa labas .. kaya Nung nainjectionan na Ako parang panibagong Buhay ulit Ang ipinagkaloob sa Amin. pero mukhang yumaman din ang may Ari nito Kasi sa lahat Ng bansa sa kanila lang kumuku ng injection para SA virus .Samantalang nagtiyaga kaming maghintay ni Jana madami nadin Ang umalis dahil sa natagalan at walang tiyagang maghintay Lalo na Yung mga 500 pataas ."bes bibili lang Ako tinapay para may makain Tayo... " pag sasabi ni Jana ." sige bes bilisan mo dito nalang Ako para Hindi Tayo mawalan Ng upuan Ang hirap Kasi Ng nakatayo lang mamaya din daw Kasi agad iaannounce ang mga nakapasa sa interview at kakausapin para ibigay Ang mga list of requirements " pagpapaalala ko sa kanya nagtipa Ako ng aking cellphone upang patugtugin ang kanta Ng btx... sobrang galing talaga nila..may Ilan ilang nakatingin sa akin Hindi ko alam kung bakit Lalo na Yung mga nagiinterview kaya medyo hininaan ko ito .. nalimutan ko kasing dalhin Ang akin headset kaya napatugtog ko pala Kanina Ng malakas 578 na Ang numerong tinatawag at tiyagaan lang talaga Ang kailangan . Buti at sampung tao Ang nagiinterview kaya mabilis bilis naman Ang proseso Ng paghahire nila ."ohh ito bes ... inabot Niya sa akin Ang isang bote Ng cola at tinapay.."mukang ito narin Ang gabihan natin bes, mukang matatagalan Tayo dito .. Sabi ko sa kanya. "naku bes kaya nga may tinapay pa akong extra dito at chips para Hindi Tayo magutom... "pagsasabi Niya nagshare naman Ako Ng Pera sa kanya Sabi ko siya na bahala Ang bumili para sa akin naupo na siya upang kumain kami nang matapos naming kumain at sabay naming pinanood Ang interview sa btx.." grabe bes , isang halik lang niyang si park SEO Jin pwede na akong mawala sa Mundo" kinikilig niyang Sabi " hahah" natawa Naman Ako sa sinabi ni Jana " naku bes Ako ibibigay ko virginity ko sa kanya kahit pangarap Kong kasal Muna ." mas natawa siya sa sinabi ko Ganon nalang pagkagulat ko ng may mga nakikinig pala sa aming ibang tao. at natatawa sa sinabi ko "omg bes , nalaman tuloy nila na virgin pa Ako hehehe" bulong ko Kay Jana... 608 " naku bes umayos kana Ikaw na Ang susunod na tawagin " payo ko Kay Jana nagayos na kami dahil baka sabay lang kami tawagin .. nagsuklay na Ako at naglagay Ng lipstick. Kasi para sa akin lipstick lang sapat na maputi na Kasi Ako kaya Hindi na kailangan pa ng face powder. "" 609 .. tawag Ng isang babaeng nagiinterview at lumapit na si Jana roon .. "610" sigaw naman Ng lalaki na magiinterview lumapit na Ako upang makausap na Ang magiinterview sa akin" Good evening po sir." yumuko Ako Ng bahagya upang batiin siya .."good evening din iha, so I'm Kian Lim .. Ako Ang magiinterview sa iyo please introduce yourself to me.its okey if you speak in English,Korean or tagalog..ill accept it all ..nakangiting pagpapakilala sa akin at pagpapaliwanag ..."ahhmmm thank you sir, I'm mMagdaline Imperio isa Ako sa nawalan ng trabaho dahil sa naging pinsala ng pandemya .. dati Po akong Saleslady sa isang mall sa cubao Yun Po ay sa Alcala Mall. sinubok man Po Ako Ng panahon pero naniniwala Po Ako na Hindi lang naman Ako Ang nagkaroon Ng pagsubok dahil alam ko pong buong bansa Ang nakaranas nito . nawalan din Ng pagkakakitaan Ang papa at mama ko dahil nagsara ang aming maliit na negosyo. bilang panganay ay naging breadwinner Po Ako Buti nalang din Po at andyan ang gobyerno kahit paano ay nakayanan po namin Hindi man Po sapat ngunit pinagkasya Po namin at isa pa Po mapalad Ako at Hindi pa Po Ako natanggal sa trabaho noon .."napakarami ko pa sanang ikinuwento tungkol sa akin ngunit nagsalita na ito .. " I saw you kanina na nanood ka Ng kpop group so your a fan of kpop ? tanong Niya sa akin " yes Po sir siguro masasabing isa akong kpop fanatic ng btx group... pagpapaliwanag ko sa kanya . " So do you speak Korean language ? tanong Niya ulit sa akin ." hmmm yes sir kaso sa ngayon mga basic palang Po pero willing Po akong pagaralan ito .. "pagsasabi ko Ng totoo sa kanya. ." okey salmat miss magdaline sa totoo lang pang artista ang itsura mo Mukha kapang mayaman pero sa kinukwento mo kanina ay nalaman ko Ang Buhay mo . although Hindi naman kailangan na marunong na marunong ka magsalita Ng Korean dahil sa factory ay puro Filipino Ang karamihan Doon. kaya see you sa next step good luck iha." kinamayan Ako nito pero Hindi ko pa alam kung nakapasa Ako sa interview Niya. sobrang Kaba Ang nararamdaman ko kanina ngunit Ng nakausap ko na si sir Kian Lim ay nagkaroon Ako Ng lakas loob. .masasabi Kong gwapo ito siguro NASA mga 30's na siya kung titignan .bumalik Ako sa kinauupuan namin kanina at nandun nadin pala si Jana. "bes , Ang tagal mo ahhh, ibang interview na ata ginawa sa iyo . natatawang Sabi ni Jana sa akin... "naku bes napahaba Ang pagpapakilala ko sa kanya. tinanong Niya din Ako kung marunong Ako magkorean at mahilig daw ba Ako sa kpop dahil narinig at nakita Niya daw akong nanonood kanina ...hahaha nawala Kasi sa isip ko na naka high volume pala Ang cellphone ko .." pagpapaliwanag ko sa kanya ..naupo kaming muli at nanood Ng interview ni park SEO Jin habang hinihintay namin na matapos Ang interview Ng lahat ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD