Chapter 09

1586 Words
One week after ng pasukan ay nagsimula ng magturo ang mga guro. Lunch time na at nagpasya kaming kumain sa labas ng school. Nilakad lang din namin dahil malapit lamang, may dala naman kaming payong laban sa araw. Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa isang karinderya. Maayos at malinis dito, masasarap din ang mga lutong-ulam nila. Matagal na kaming kumakain dito dahil favorite namin ang kainang ito. "Manang Lita!" Malakas na sigaw ko nang makarating kami doon. May mga tao na rin sa loob, karamihan ay mga estudyante. Gustong-gusto rin ng mga estudyante dito dahil kapag nag-add ka ng 10 pesos ay pwede ka ng mag-unli rice! Nakakapaghikayat ng mga estudyante para kumain dito. "Naku ang magaganda kong suki ay narito na! Buti wala pang nakaupo sa pwesto niyo dahil hinihintay ko kayo" Nakangiting salubong niya sa amin. "Nakakamiss kasi ang lutong-ulam mo Manang! The best pa rin." Si Jena na ngayon ay tinignan ang menu. "Yeah, I miss your unli-wings too Manang!" Nakangiting sabi ni Zah. "Nagugutom na ako! May bago ka na pong menu Manang?" Tanong ni Let habang sinisilip ang menu. "Upo na muna kayo, Kunin nito itong menu at magtingin ng gusto niyo." Sabay-abot niya sa amin ng tig-iisang menu. "Sige po" Pumunta na kami sa pinaka-favorite naming pwesto. Transparent kasi ang bintana sa pwesto namin at kitang-kita ang mga tao at view sa labas. "May bagong building pala na ginagawa doon", sabay turo ni Jena sa kaharap nitong karinderya. "Mukhang apartment dahil malawak at mataas." "Siguro nga. Pero infairness parang maganda ang magiging building na iyan." Nag-order na kami ng pagkain namin nang lumapit sa amin ang waitress dito. Wala pang bente-minuto ay dumating na kaagad ang pagkain. Nagsimula na rin kaming kumain. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit bago bumalik sa school. "Girls mauuna na ako, may pupuntahan lang", nagpaalam na si Let at umalis. "Okay, uh Ces sama ka samin? SM muna kami maya pa namang 2 ang klase natin." Gusto ko sana kasi tinatamad naman ako kaya umiling na lang ako. "Hindi na, punta na lang ako sa library at magbabasa. Dun na lang ako nagtatambay sa pwesto natin" "Sige, hatid ka na muna namin sa school" Umiling ulit ako. "Ano ka ba? Kaya ko na, punta na kayo at papasok na rin ako." "Sure ka ha, manonood kasi kami ng sine, kung magbago isip mo tawagan mo lang kami" Tumango naman ako. Sabay na kaming lumabas ng karinderya at hinintay ko munang makaalis sila. Habang naglalakad ako ay nadaanan ko ang ginagawang building. Na curious ako kaya pumasok ako. Umikot ako at nakitang malawak ito. May mga trabahador doon na nagpapahinga. Hindi ko na nakita ang dinadadaanan ko dahil sa bilis ng paglalakad ko. May nabunggo tuloy ako. "Ouch!" Daing ko. "What are you doing here?" Nagulat ako nang marinig ang boses na iyon kaya napaangat ako ng tingin. "Travis? Bakit ka nandito?" "I should be the one asking that." "Ah namangha kasi ako dahil sa ganda ng lugar kaya pumasok na ako", nahihiya kong sabi sa kanya. "You're not allowed here. Go." Matigas na sabi niya sa akin. "Sayo ba itong pinapatayo?" Curious kong tanong. "No." "Nagtatrabaho ka rito?" "Can't you see?" Nagulat ako dahil doon. "Ah okay!" Masaya kong sagot sa kanya. Di bale na, at least nagkita kami ulit. "Nandito ka ba bukas?" Tanong ko sa kanya. "Yes." Maikling sagot niya. Nang makita ko ang mga kasamahan niyang bumalik sa pagtatrabaho ay nagpaalam na ako. "Sige mauna na ako. Bye!" Masaya na naman ang araw ko nito. Excited na akong makita siya ulit. ~~~ Hapon na at nandito ako sa site kung nasaan si Travis. May dala akong meryenda, street foods na binili ko sa harap ng school. Pagkapasok ko doon ay nakita ko siyang kinakausap ang ibang kasama. Nakita rin niya ako kaagad kaya lumapit siya sa akin. "Why are you here again?" Nakakunot-noo na naman siya. "May dala akong meryenda! Baka gusto mo? Halikan upo muna tayo dito, baka napagod ka." Inaya ko siya sa may hagdan at umupo roon. Hawak ko ang kwek-kwek, kikiam, fish all at banana que. "Huwag ka ng mahiya, kumakain ka ba nito?" Tanong ko sa kanya nang hindi siya kumuha. Inabutan ko siya at kumuha naman siya ng banana que. Sumubo rin ako ng kwek-kwek na isinawsaw ko sa suka. "Kailan ka pa rito? Bakit ngayon lang kita nakita? Akala ko sa Palawan ka nagtatrabaho?" Sunod-sunod na Tanong ko sa kanya. Nagsalubong lamang ang kilay niya. Naiinis na nakatingin sa akin. "Why are you so nosy?" "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko", nakapout kong sabi. Nakita ko namang napatingin siya sa labi ko. "I just had a vacation in Palawan." "Ah kaya pala", at tumango-tango ako na parang tanga. "Travis dinalhan kita ng pagkain, halika kain tayo", pag-aaya ko kay Travis nang makita niya ako. Nandito ulit ako sa building na pinagtatrabhauan niya. Inaraw-araw ko na ang pagpunta dito dahil hindi naman ako ganun ka busy sa school. "I told you to stop going here. You can't be here." "Eh nandito na ako anong magagawa mo? Halika na kasi." Anyaya ko sa kanya. Napilit ko naman siya at lumapit din siya sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang isang Tupperware na may pagkain. Sumubo na ako at nakita kong kumakain na rin siya. "Kumusta ka naman?" Pagtatanong ko sa kanya habang ngumunguya. "Don't talk when your mouth is full." "Hehe sorry" Tinapos ko na ang pagkain ko, kinakausap ko siya at nagsasalita din naman siya kahit na tipid. Ang saya ko na basta makasama lang siya. Hindi na tuloy ako nakakasama sa mga kaibigan ko dahil sa kanya, pero alam ko namang maiintindihan nila dahil love life ko na ang nakasalalay rito! Lagi rin naman kaming nagkakasama sa school. "I like you", biglang sabi ko sa kanya dala ng pagkakatitig ko sa kanya. Kumunot lamang ang noo niya dahil sa sinabi ko. "I don't like girls like you. Stop acting that you're a grown up lady when you are not like one." Ouch! Pilit pa rin akong ngumiti kahit na masakit para sa akin ang narinig mula sa kanya. "Magugustuhan mo rin ako, baka nga mainlove ka pa sakin." Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. "Pero, ano ba gusto mo sa isang babae? Baka meron sakin", kahit nahihiya ay tinanong ko na para naman alam ko kung anong gusto niya. "I just want a mature one, not a kid. Someone who don't party. Someone who's not like you, or just anyone but not you." Hindi ko pinakita sa kanya ang sakit na naramdaman ko. Ngumiti lamang ako ng pilit. Hindi na rin ako tumingin sa kanya. "Ouch naman, bakit ba pinagpipilitan mong bata ako kahit hindi naman? Tsaka diba nagpa-party ka rin naman. Bakit ba ayaw mo sa akin? Did I do something to offend you? Did I do something wrong?" He just shrugged. "Ayaw mo ba talaga sakin?" Nang tinanong ko iyon ay napatigil siya. Sasagot na sana siya nang pinigilan ko. "Hayaan mo na! I will make sure you'll fall in love with me! Magbabago din ang isip mo." Masaya kong sinabi sa kanya. "You bet." Ngumiti na lamang ako sa kanya kahit na malungkot talaga ako. ~~~ Ilang araw na akong pabalik-balik sa building kung nasaan si Travis. Hinahatiran ko siya ng mga lutong-ulam at mga desserts na gawa ni mama. Kapag may time naman ako minsan ay ako mismo ang nagluluto ng ulam na baon ko at binibigay ko sa kanya. "Travis!" Sigaw ko nang hindi ko siya makita. Pumunta pa ako sa likuran upang hanapin siya ngunit wala talaga, nang may nakita ako sa di-kalayuan. May kasama si Travis na sexy na babae, nag-uusap sila ngunit hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan. Aalis na sana ako nang nakita kong naghalikan sila. Biglang tumulo ang luha ko sa nakita. Nanakit ang dibdib ko sa sakit. Dali-dali akong umalis doon at iniwan ang dala kong pagkain sa isang mesa. Patuloy lamang sa pagtulo ang luha ko Hanggang makaalis sa lugar na iyon. Pinunasan ko na lamang ang luha ko at nag-abang ng masasakyan. Uuwi na muna ako, ayokong makita ng mga kaibigan kong umiiyak ako dahil sa lalaki. Nag message na lamang ako sa group chat namin. Celestina: Guys pa-excuse muna ako. I am not feeling well kasi kaya umuwi na ako. Jena: Baliw ka! Nakauwi ka na? Hindi mo man lamang sinabi kanina. Scarlet: Are you okay? I can send some medicines and foods for you. I'll go there. Zariyah: We're here for you! Tapusin lang naman itong klase then we'll go to your house. Napangiti naman ako ng mabasa ko ang mga sinasabi nila. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga. Patuloy pa rin sa pag-agos ang aking luha. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko sa kwarto ang mga kaibigan ko. Mukhang nag-aalala sila sa akin. Nang makitang bumangon na ako ay dali-dali silang lumapit sa akin. "Ano? Kumusta na pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Jena sabay hawak sa aking noo, sinisiguro kung nilalagnat ba ako. "How are you feeling? What's wrong? You can tell us about it." Si Zah naman na nag-aalala at hinawakan ang aking kamay. "Ano ka ba? Bakit? Kasama mo naman kami kanina, kasama mo kami palagi. Anong masakit sayo? Why are you not telling us anything?" Si Let na sunod sunod ang pagtatanong. Natawa naman ako sa kanila dahil sa mga reaksyon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD