bc

Chasing the rude engineer

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
sweet
addiction
like
intro-logo
Blurb

Celestina met the gorgeous rude engineer, but she's now a playgirl who loves to give hope to men and leave them afterwards. This rude engineer doesn't like her, so she turns to a persuasive girl trying to make the man she likes love her back. Can her heart beat again because of him? Or she'll risk heartache again?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Nakakabingi ang ingay dito sa loob ng bar, nagtaka pa ba ako party rito. I can see all the people dancing, drinking, kissing, making out and others more. Maybe this place is what people make happy and alive. This place is a comfortable place for everyone, makes this place a 'where to go' every night. Naglakad ako papunta sa gitna at sumayaw. Wasting my life again. But who cares. Wala pa naman ang the one ko na pagbabawalan akong pumunta rito. Naramdaman kong may katawan sa aking likuran at nagsimula ng maglakbay ang kanyang mga kamay. Pagkaharap ko sa kanya ay sinampal ko agad ito. Isang manyak na naman. "Manyak!" "Playing hard to get huh? Flirt", ani ng manyak na ito. Makapal talaga ang kanyang mukha. "You're just not my type of boy, maniac!" pasigaw kong sinabi at iniwan siya roon. Pangit naman kung makaasta ng ganun, kala mo kagwapugan. Nasan na ba kasi ang mga lukaret kong mga kaibigan. Baka kung saan-saan na naman sila humarot, talaga naman oh. Bumalik na lamang ako sa table namin at ininom ang aking tequilla. Hinanap ko ang aking cellphone sa bag at nang matawagan ko nga ang mga 'yun. Gusto ko na sanang umuwi kaso ito talaga ang trabaho ko, ang hintayin at ihatid sila pauwi dahil lasing na sila. Hindi kasi ako umiinom ng marami dahil alam kong maglalasing talaga mga yon. Palagi namang ganito, sanay na ako. Maya maya lamang ay nakita ko na ang dalawa kong kaibigan, halatang lasing na nga at may kasama pang dalawang lalaking nakaalalay. Ayan na naman ang kanilang boylet for the night. Nasan na naman kaya napadpad ang isa. Naku talaga 'tong si Scarlet hindi na naman mahagilap. "Salamat, pakihiga nyo na lang muna dyan", wika ko sa dalawang lalaking 'to. Umalis na rin naman sila agad. "Hmm, patayin mo na yung ilaw!" pasigaw na sabi ni Jena. Nabaliw na naman talaga mga to at may kanya kanya ng mundo. Akala'y nasa pamamahay na niya kung makaasta. "Shhh, matulog na lang kayo dyan. Uwi na tayo mamaya" pabulong kong sinabi sa kanila. "Party! Party! Woooh! Alak pa! Sige pa!" at ang isa naman na hayok sa alak, si Zariyah. Mukha akong nanay ng mga to sa mga pinanggagawa nila. Wala pa nga akong jowa, mukhang tatanda ako ng maaga nito dahil sa kanila. Huwag naman sana. Sanay na ako sa mga ito. Sila kasi yung tunay na kaibigan. Tatawagan ko na sana si Scarlet nang matanaw ko na siyang papalapit sa amin. Hindi man halatang nakainom, meron namang kasamang lalaki. Nagmake out na naman siguro to. Ang haggard eh. Ang gulo ng buhok pati pang itaas na damit. "Sino na naman ba yan?" Tanong ko sa kanya. "Ah u-uh e si Ken yata" pakilala niya sa kasama niya. Mukhang hindi pa sigurado ah. Napakamot na lamang sa ulo ang lalaki. Natatawa pa. "Nico nga pala, sige mauna na ako" wika niya at umalis na rin. "Hoy babaita ka bakit iba na naman? Ang tagal mo pa huh" kunwaring galit na sinabi ko. Alam ko naman ang ugali niya, inaasar ko lang. "Nag-enjoy lang naman ma" pacute na wika niya. Imbes na siya ang maasar, at eto mukhang ako pa yata ang naasar dahil sa tinawag na naman niya sa akin. Mukha raw kasi akong mama nila dahil sa mga sermon ko sa kanila. Syempre mahal ko sila kaya ganun ako sa kanila. Nagpatulong na ako sa mga bouncers at naghanap ng taxi para makauwi na kami. Buti na lamang ay hindi ako nahirapang nag-abang ng taxi. Grabe talaga ang mga babaeng ito! Pati si Jena nalasing! Inuwi ko muna sila sa condo ni Zah, oo may condo siya dahil mayaman sila. Binigay ko ang address sa taxi driver at nagsimula na itong magdrive. Halos 30 minutes yata ang byahe at nakarating na kami. Tinawag ko ang security guard ng condo at nagpatulong sa pag-akay ng mga kasama ko. Inakay ko na lang si Zah. "Ah kuya patulong naman po! Paki-akay naman nitong dalawa pataas!" Dali-dali namang lumapit si kuya guard at kinuha ang dalawa. Inakay niya ito sa magkabilang gilid niya. Nang makarating kami sa elevator ay pinindot ko na ang floor ng room ni Zah. Nang makarating kami tapat ng kwarto niya ay hinanap ko sa bag niya ang card at susi buti na lamang ay nakita ko ito kaagad. "Kuya pakihiga na lang po sila dito" Tawag ko kay kuya at binuksan ang kwarto ni Zah, inihiga ko na siya doon. Ganun din ang ginawa ni kuya. "Maraming salamat po, eto po", sabay abot ko ng 500 pesos bilang pagtulong niya sa amin. "Naku hindi na po ma'am", pagtatanggi niya. Nagpumilit naman ako at tinanggap rin niya kalaunan. "Hindi kita palalabasin dito kuya kapag hindi mo tinanggap" Natawa na lamang si kuya guard at lumabas na rin. Sinarado ko na rin ang pintuan at binihisan ang magagaling kong mga kaibigan. Inuna ko muna si Jena na nasa gilid ng kama. Sinunod ko naman ay si Zah at Scarlet ang panghuli. Amoy na Amoy ang alak sa kanila. Pinunasan ko sila upang mawala ng onti ang amoy ng alak sa katawan nila. Nang matapos ako ay nagpahinga na muna ako. Tinignan ko ang oras at nakitang 11 na ng gabi. Nagbook na ako ng grab upang makauwi na. Hindi kasi ako nagpaalam na makikitulog ako kaya kailangan kong umuwi. Sapat na 'yung pinapayagan nila akong lumabas ng gabi at dapat sundin ko rin ang mga bilin nila. Liwanag mula sa sikat ng araw ang gumising sa akin kinabukasan. "Good morning mahal na prinsesa" wika ng mama ko. Ayan na naman siya. Nakatayo sa may bintana, binubuksan niya ito. "Good morning din sa mama kong rapper", natatawa kong sagot sa kanya. Paano ba naman kasi sa araw araw ay laging nagrarap, walang kupas magmula noon hanggang ngayon ay talent pa rin niya iyon. The best rapper in the world, hehe joke lang po ma. "Maghilamos ka na at bumaba na. Kakain na. Naku Celestina tanghali na nakahilata ka pa rin dyan sa higaan mo" kunwaring pagalit na anya ni mama. "Opo bababa na po" wika ko. Lumabas na rin si mama sa kwarto ko pagkatapos at pumunta na rin ako ng banyo para maghilamos. Pababa na ako ng marinig ko ang kapatid kong bunso na nanghihingi na naman ng pambili ng kanyang bagong cellphone. Noong nakaraan pa kasi siya nagmamaktol dahil nasisira na raw ang kanyang cellphone. Gusto lang niya ng bagong phone, dami pang sinasabi nito. "Hoy Diana ano na naman ba yan? Cellphone na naman?" Tanong ko sa kanya nang makababa ako at nakalapit sa kanila sa hapag. "Eh ate alam mo namang matagal na rin itong phone ko na 'to. Nasisira na talaga siya, puro lag!" nakasimangot na anya nito. "Naku kawawa naman ang aking kapatid. Oh sige ba bili tayo bago ha huhuhu" pang-aasar kong wika sa kaniya. Sa totoo lang talaga bibilhan ko siya. Regalo ko sa kanyang birthday next month, malapit naman na. "Pagtiyagaan mo muna 'yan nak, malay mo bukas meron na diba? Antay lang, pag-iipunan ko 'yan" mahinahong wika ni papa sa kaniya. Hindi kami mayaman, hindi rin ganon kahirap, sakto lamang. Naibibigay naman nila ang mga pangangailangan namin, at masasabi kong masaya at kuntento na ako sa ganito. Nagsikainan na kami at nagpatuloy ang usapan sa hapag-kainan. Nang matapos akong kumain ay dumiretso ako sa aking kwarto at naglinis. Pagkatapos nito ay didiretso ako sa shop ni mama, mayroon siyang coffee shop. Tumutulong muna ako roon habang bakasyon pa at walang pasok. Pagkarating ko ay nakikita ko na naman ang mga taong nagkakape sa shop ni mama. Medyo sikat din kasi ito dahil sa masasarap na mga tinda rito, mga cakes, tinapay, cookies at mayroon ding mga lutong ulam. Nagsimula na ako sa aking trabaho, kung saan ako ay isang waitress muna sa umaga at party goer sa gabi, hanep noh? Just kidding. Ganito ang life style ko every summer. Nakakabagot din kasi sa bahay kapag magdamag lamang nakahiga at nagse cellphone. Mabuti pa rito at magkakapera pa ako, medyo nakakapagod lamang. Dumating na ang hapon, at uuwi na naman ako. Wala yatang balak ang mga girls dahil hindi naman nagmemessage sa akin. Mabuti na rin at makapagpahinga na muna ako sa bahay. Dahil sa pagod ko ay dumiretso na lamang ako sa aking higaan at balak na matulog muna. ~~~ Sa mga sumunod na araw ay ganun pa rin ang ginagawa ko. Pumupunta sa shop sa umaga at uuwi ng hapon. Nakasanayan na rin naman. Napagpasyahan ko munang mag mall ngayong sabado dahil nag-day off ako. Nag-arcade muna ako para magsaya naman. Pagkatapos ay kumain ako sa Jollibee, favorite ko kasi dito. Nang matapos ako ay nanood ako ng sine, maganda kasi ang palabas ngayon. Hapon na nang matapos ang panonood ko sa sine. Nag-abang lamang ako ng jeep para makauwi na. "Nandito na po ako!" Sigaw ko nang makarating ako sa bahay. Nakauwi na rin pala si mama, si papa naman ay wala pa dahil hindi ko nakita ang sasakyan sa labas. "Oh nandyan ka na pala", sambit ni mama nang makita ako. Nasa sala siya at busy sa panonood ng pelikula. Lumapit naman ako sa kanya upang magmano. "Akyat po muna ako ma." Paalam ko Kay mama at pumunta na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama upang magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag. Nag-edit ako ng pictures ko kanina upang maupload sa f*******: ko. Nang matapos ako sa pag-upload ay nakita kong may nagreact agad. Napangiti na lamang ako dahil doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
813.1K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.5K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook