Pagkatapos kong magpahinga ay bumaba na ako, medyo dumidilim na rin pala hindi ko namalayan.
Nang maamoy ko ang mabangong niluluto ni mama sa kusina ay dali-dali akong nagtungo doon.
"Ano niluluto mo ma?" Tanong ko agad nang makarating doon. Sumagot din naman siya.
"Sinigang na hipon at kalderetang manok."
"Wow! Sarap naman po niyan, nakakagutom tuloy ma." Natawa naman si mama sa nasabi ko.
Kumuha siya ng isang maliit na bowl at nilagyan ng sabaw at hipon.
"Oh ayan tikman mo nak"
Pinalamig ko muna ito at inunang balatan ang hipon. Humigop din ako ng sabaw nang mapalamig ito.
"Hmmm! Ang sarap po ma. The best ka talaga ma!"
"Ay sus, nambola ka pa"
"Totoo nga po ma", wika ko at niyakap siya sa kanyang likuran.
"May kailangan ka ano? Sabihin mo, ano iyon?"
Humarap naman si mama nang sabihin iyon. Umiling naman ako sa kanya.
"Ma naman eh! Wala po kaya"
Tumawa lamang si mama.
"Sa sala lang po ako ma", paalam ko Kay mama at pumunta sa sala upang buksan ang TV.
Napunta sa balita ang channel ng TV kaya nilipat ko muna ito. Pumili muna ako ng mapapanood.
Habang nanonood ako ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nang lingunin ko iyon ay si papa pala kaya lumapit ako sa kanya upang magmano.
Lumabas din si mama na galing sa kusina at nilapitan si papa.
"Bango naman ng niluluto mo honey", malambing na sabi ni papa kay mama. Kinuha ni mama ang mga gamit ni papa.
"Magbihis ka na para makakain na tayo mamaya." Wika ni mama kay papa kaya umakyat na si papa patungo sa kwarto nila.
Nagpatuloy lang din ako sa panonood. 30 minutes na ang lumipas at tinawag na kami ni mama upang kumain na. Pinatay ko na rin muna ang TV at pumunta na si kusina.
"Kain na, upo na kayo", sabi ni mama nang makarating ako doon. Naghugas muna ako ng kamay at umupo na.
Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto upang matulog.
"Bzzt. Bzzt. Bzzt"
Nagising ako dahil sa narinig kong pag-vibrate ng cellphone ko. Nanggising na naman ang mga babaitang to. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag dahil alam ko na agad kung sino. Sinagot ko rin ito kaagad at bumungad sa kabilang linya ang malakas na boses ni Scarlet.
"Hoy Celestina kanina pa kami tumatawag sayo ngayon ka lang sasagot? Aba mare ano bang ginagawa mo ha? Busy ka na naman ba sa bago mong lalaki?" Pasigaw na sabi ni Let.
Kahit kailan talaga itong babaeng to. Wala pa nga akong lalaki ngayong week eh, walang mahanap na tipo ko. Tsaka hindi ko rin trip muna ang maghanap ng bagong kalandian. Minsan lang kapag nabobored ako, oh di kaya ay may natitipuhan ako.
"Bakit ba? Natutulog ang tao eh. Tsaka wala pa akong lalaki ngayong week teh" sagot ko sa kaniya. Hilig talaga nitong manira ng tulog ano. Sarap na ng tulog ko saka pa siya manggigising.
"Tara magbar! Hanap ka na roon ng lalaki mo, kaya siguro nanghihina ka!" Tumatawang sinabi niya. Ayan na naman siya sa mga kalokohan niya. Dinadamay niya pa ako. Hmm, sabagay hindi na pala ako nagkakaroon ng kalandian dahil nabored ako.
"Pass muna ako, inaantok pa ako e.
Kayo na muna" wika ko. Dahil totoong inaantok ako yari ng pagkapagod sa trabaho. Naparami kasi ang mga tao kanina sa shop ni mama kaya tumulong ako roon.
"Weh? For the first time? Celestina? Nag No? OMG!" Kunwaring nagugulat na wika niya.
"Oo nga, pagod nga ako. Kayo na muna. Bukas na lang" mahinahon kong sinabi.
"Hindi kapani paniwala ha! Pero sige na nga, alam ko namang pagod ka rin sa trabaho mo. Pahinga ka muna mare at magpalakas, magpapagod ka na naman bukas. Bawal na umayaw bukas!" Pasagot niya pa. Ito talagang babaeng ito napakahilig kasi magbar.
"Oo na sige na, matutulog na muna ako."
"Sige! Sayang dami pa namang pogi ngayon! Ngayon ka pa talaga nawala kasi!"
Tumawa naman ako sa sinabi niya.
"Oo na, hayaan mo at babawi ako bukas."
"Sige na pahinga ka na. Dreams of me!"
"Chaka! Baka mabangungut ako kapag Ikaw napanaginipan ko ano! No way!" Natatawang sabi ko.
"Sa ganda kong ito Celestina?"
"Ano ba? Kailangan talagang sabihin buong pangalan ko?" Tumawa lamang siya.
"Sige goodnight, enjoy kayo!" Wika ko at pinatay na ang tawag. Pinikit ko na lamang ang aking mata at natulog ulit.
Madilim na ang paligid nang magising ako. Tinignan ko ang orasan sa aking mesa at nakitang 8pm na pala. Napahaba yata ang tulog ko ngayon. Kumalam ang sikmura ko, nagutom na dahil sa haba ng tulog ko. Inayos ko na muna ang buhok ko at pati ang sarili.
Bumaba na ako at nakitang maayos ang lamesa tanging ang tatlong natakpan lamang na pagkain ang naroon. Nakita ko rin sila mama na nanonood ng tv sa sala.
"Oh anak kain ka na, gigisingin sana kita kanina kaso alam kong napagod ka kanina. May pagkain diyan sa mesa kumain ka na" wika ni mama. Nakatutok pa rin siya sa TV habang sinasabi iyon.
"Opo ma, napahaba nga po tulog ko e. Sige po kain na ako" sagot ko sa kaniya.
Lumakad na ako papunta sa hapag-kainan at kumuha ng plato at kutsara. Inalis ko na rin ang natakpang mga pagkain, may adobong baboy at manok, pinakbet at kanin ang naroon. Sarap naman. Sakto at nagutom ako mapaparami ang kain ko nito.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang aking pinagkainan. Naglakad ako papunta sa sala at nakitang nanonood pa rin sila ng balita.
"Ang yaman talaga nila Mr. Montecillo. Ang pogi rin ng kanyang tatlong anak at ang ganda naman ng bunso nila" namamanghang wika ni Diana habang nanonood ng tv.
Sino ba ang pinagsasabi nito?
"Kaya nga, sila pa ang may ari ng mga
sikat na hotels at restaurants sa buong Asia. May private school rin sila." Sagot naman ni papa.
Ah oo nga pala nakalimutan ko na yata, siya yung boss ni papa. Isang manager si papa sa hotel ng Montecillo.
"Mababait din ang mga 'yan" dugtong pa ni papa.
Alam ko naman, dahil sa kanila may maayos na trabaho si papa at malaki pa ang kita niya. Hindi rin siya minamaltrato doon, hindi tulad ng iba.
"Sana mapangasawa ko 'yung isa sa anak niya pa!" Natatawang aniya ni Diana. Naku ang harot talaga nitong batang 'to, 15 pa lang at ganyan na.
"Kung magugustuhan ka, aba'y bakit hindi diba anak?" Natatawang sagot ni mama.
"Pangit mo noh, ayaw sayo ng mga 'yan" pang-aasar ko rin sa kanya.
"Ang sama niyo tse!" Nakasimangot na
sinabi niya. Nakakatawa talaga siya.
"Biro lang nila iyon anak, kapag gusto mo at gusto ka rin okay naman. Basta huwag ipilit kapag ayaw sayo huh? Kasi masasaktan ka lang" mahinahong wika ni papa sa kaniya sabay yakap sa aming lahat.
"Tara na nga at matulog na, gabi na! Kayong mga bata kayo mahilig kayo magpuyat naku!" Sinabi ni mama. Tama nga naman at gabi na.
"Kaya nga mga anak, matulog na kayo." Wika rin ni papa na sumasang-ayon kay mama.
"Opo ma, pa", si Diana na medyo nakasimangot na.
Lumapit naman sila mama at papa sa amin ni Diana upang yakapin kami.
"Sige goodnight mga anak, mahal ko kayong dalawa."
Pumunta na rin kami sa kanya kanya naming kwarto. Kagigising ko lang matutulog na naman ako.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko para manood ng mga videos sa t****k.
Nang maboring ako ay napagpasyahan kong manood na lang sa ipad ko nang movies sa Netflix. Pumili ako ng maganda at cartoon ang napili ko, bagong labas lang at hindi ko pa napapanood.
Inabot din ako sa panonood ng hanggang alas onse na ng gabi, inaantok na rin ako kaya napagpasyahan kong matulog na. Puyat na naman ako kinaumagahan nito.
Dating gawi na naman ako ngayong araw na ito. Work na naman. On the way na ako papunta sa shop nang bigla akong nawalan ng gas.
Ngayon pa talaga ha, ni wala akong kasama rito at may kalayuan pa ang gas station. Kung minamalas nga naman. No choice kundi huminto muna ako sa gilid, ngunit hindi ko namalayang may sasakyan pala sa harapan kaya nabangga ko ito ng kaonti.
Ferrari pa naman ang sasakyan niya, mamahalin mga beh! Wala pa naman akong pambayad, paano na kaya ito.
Nakita kong bumukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas ang may-ari. My gosh mare! Ang pogi, yummy hehe. Baka halikan ko lang ito agad ay hahayaan na niya ang nagawa ko. Papalapit na ang pogi sa akin, hihingiin ata number ko.
Nang makalapit na siya sa may bintana ko ay kumatok siya ng ilang beses. Ako naman si tanga aba ay napanganga sa kagwapuhan niya. Sasagutin ko talaga siya agad pag niligawan ako nito.
Kung saan saan na naman napunta ang iniisip ko at nag de-daydream na naman.
Nakita kong nagsasalita pala siya, hindi ko kasi gaanong marinig dahil sa music sa loob. Pinatay ko muna ang music at binuksan ko na ang bintana ng sasakyan ko. Nakalimutan ko pa yatang siya pala ang may-ari ng sasakyang nabangga ko, akala ko kasi future husband ko at sinusundo ako.