Chapter 03

1588 Words
"Are you f*****g deaf? I'm 5 minutes standing here and you're still not opening your door? Are you playing with me?" Pagalit na sabi niya sa akin. "Ay e-eh sorry naman. Hindi ko naman sinasadya pogi, hindi ko lang talaga napansin yang sasakyan mo kasi nawalan ako ng gas at balak kong huminto muna sa gilid kaso ayon nga" pag-explain ko sa kanya. "Really? And why the f**k you're not opening your door huh?" Galit na namang tanong niya. Sayang, pogi sana kaso ang rude naman. Pero type ko siya ha. Baka siya na next boylet ko. "A-ah e-eh hindi ko kasi naririnig, malakas music sa loob" wika ko sa kaniya. Nauutal pa ako dahil sa hiyang nararamdaman. "As if I'm buying your weird excuses." sabi niya. Pogi magalit ng bebe ko. Oo na sorry na! "Totoo nga promise!" Wika ko sabay taas pa ng kamay na nag promise. Maniwala ka na kasi. "Kung gusto mo asawahin mo na lang ako para mapatawad mo ako at pagsilbihan na lang kita habambuhay?" Pangiti ngiti kong sinabi sa kaniya. "Are you for f*****g real?" Agad agad na sagot niya. My gosh aayaw pa siya sakin niyan? Sa ganda kong ito? "Oh sige na nga, magkano ba? Bayaran ko na lang basta mura lang ha" pangiti ngiti kong sagot sa kaniya. Hindi ko na inasar at baka ay suntukin na ako nito. "20 thousand" sagot niya naman. "Huh? Ang mahal naman, wala akong ganyan kalaking pera" nakasimangot na wika ko para maawa siya. Pero ang mahal nga naman talaga, hindi ko naman nasira a. Tsaka may pinag-iipunan ako sa ngayon. Lumabas ako at tinignan kung may damage ba at magic, wala! Thanks God! May onting gasgas lang pero hindi naman gaanong halata. Wow ha, 20k na 'yan? "Tignan mo nga, wala namang damage! Nagasgasan lang ng onti e" medyo pagalit kong sabi sa kaniya. Akala mo hindi ako papataol ha. "You still bumped my car! And see what you did to it!" Galit na naman siya. "Fine, wala nga akong pang gas tas 20k pa talaga", mahinahon kong bulong na alam kong rinig niya. "f**k it! Fine, just don't show your face to me again or I'll screw you!" Pagalit na sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag doon, as if namang magkikita kami ulit. Pogi nga, salbahe naman. "Where are you going? Get in, there's no gas station around." sinabi niya. Wait? Isasakay niya ako? Baka crush ako nito ha. "Sa Carissa's Coffe Shop ako malapit sa Skyhigh Academy, okay lang ba sayo?" Medyo nahihiya kong sabi sa kanya. "Yeah it's near my place" cold na sabi niya. Lumapit na rin ako sa sasakyan niya. Sumakay na ako sa loob at sinabi ko kay papa yung nangyari sa kotse namin at ipakuha na lang sa kanya, ako lang kasi gumamit ngayon dahil day off ni papa. "Just message your boyfriend or parents to get your car here" dugtong niya pa. Tumango na lamang ako dahil medyo nahihiya ako. Nakikita ko na ang coffee shop ni mama at sinabi kong ibaba na lamang ako sa gilid. "Dito na ako, salamat ha. Kung gusto mo kunin number ko sabihin mo lang huwag ka na mahiya" kunwaring pabebe kong sabi sa kanya. Kapal talaga ng mukha ko. "As if, you're still a little girl" cold na sabi niya. Talaga 'to. Hindi naman na ako bata. "Hindi a, dalaga na ako noh. Pwede na rin tayong gumawa ng baby e" natatawa kong sabi sa kanya. "You're still a kid, grow up" wika niya at aalis na. "Tse! Pero thank you ha, mwa mwa!" Natatawa kong sabi sa kanya. Umalis na rin siya at pumasok na ako sa loob. Habang nagtatrabaho ako ay inusisi ako ng katrabaho kong si Alena, tinatanong niya kung sino raw ba yung lalaking naghatid sa akin dahil mamamahalin ang sasakyan nito. Umiiral na naman ang pagiging chismosa niya. "Boylet mo yun noh? Mamahalin ang kanyang sasakyan ha" curious na tanong nito. Close din naman kami ni Alena dahil sa mabait siya at mag 2 years na rin siyang nagtatrabaho dito sa coffee shop ni mama. Masipag rin siya at kapag pasukan na, naisasabay niya pa ang pag-aaral at pagtatrabaho. Humahanga pati si mama sa kaniya dahil napagsasabay niya ito. Matalino rin kasi, nakakainggit dahil hindi man lang ako biniyayaan ni Lord ng katalinuhan, nasobrahan lang ako sa kagandahan, char. "Magiging boylet pa lamang" sabay kindat kong sabi sa kanya. Asa naman ako, pero alam kong magiging boyfriend ko rin siya kung gusto niya lamang. "Ay bakit? Dati naman ay madalian mo lang nagiging boylet ang natitipuhan mo a. Minsan nga ay sila pa ang unang nag first move sayo. Pangit ba?" Natatawa nitong sabi sa akin. Ang lawak na naman ng naisip nito. "Eh basta nga, hindi mo lang alam kung gaano kapogi yun. Baka malaglag ang panty mo kapag nakita mo siya! Buti na lang mahigpit garter ng panty ko kanina", nakangiti kong sabi habang iniisip ang mukha ng lalaking iyon. Hindi ko pala natanong pangalan niya. Nakalimutan ko na sa sobrang pogi ba naman kasi. Magkikita kaya kami ulit? "Hala ka! Nainlove ka na yata!" Mukhang gulat naman na sinabi niya. Sus as if naman, mukhang hindi na ako maiinlove ulit, ayoko muna. Pero kung mamahalin naman niya ako at hindi ako sasaktan ay hindi ako magdadalawang isip sa kanya. I want a true love that has pure intentions. "Hindi noh, bawal mainlove okay?" Kalmadong sabi ko naman sa kanya. Bawal mainlove dahil masakit. "Naalala mo na naman siguro 'yung ex mong niloko ka, huwag mo kasi siya igaya sa iba. Kapag ex, ex na!" Sabi pa niya. Nang tinignan ko siya ay nakangiti siya, nang-aasar na naman. "Hindi, nakalimutan ko na nga rin iyon e. Tsaka hindi ko na rin siya nakita after nung nangyari, ngayon ko na lang ulit naalala. Huwag mo na ipaalala iyon, nakakainis na memories," wika ko sa kanya. "Oo na! Kaya kapag crush, crush lang kasi huwag na seryosohin", pang-aasar na sabi niya. "Sus hindi ka lang kasi pinapansin ni manager e, sabihin ko na bang crush mo siya?" Pang-aasar ko rin sa kanya. Akala mo ba ikaw lang ang pwedeng mang-asar ha. Ako rin! Crush niya kasi ang manager namin, siguro mas matanda sa kanya ng mga 4 years. Mas matanda kasi ako sa kanya ng isang taon. 'Yung manager naman ay si Kuya Calvin, kaibigan ng kuya ko at sakto namang naghahanap siya ng work noon kaya natanggal siya rito. Waiter pa lang nung una hanggang sa na promote siya. "Huwag, oo na hindi na kita aasarin" kinakabahan na sabi niya. Nagpatuloy lamang ang aming usapan tungkol sa studies naman niya hanggang sa uwian na naman namin. Hinintay ko si mama dahil magsabay raw kami uuwi ngayon. Susunduin kami ni papa. Ilang minuto pa lamang ay nandito na si papa at umuwi na rin kami. Dumaan muna kami sa Andok's upang bumili ng ulam. Pagkauwi ay dumiretso ako sa kwarto at nagpahinga muna. Nagpatugtog ako ng mga kanta ni Taylor Swift dahil favorite ko talaga siya as in! Habang nagpapahinga ako ay nagmessage ang makukulit kong barkada, nag-aaya na namang magbar. Sakto lang din at nakapagpahinga na ako. Scarlet: Hoy Celestina ha, pumunta ka ngayong gabi. Jena: Oo nga girl, party na tayo ulit. Zariyah: Yeah, you're always absent na ha. Where are you ba? So busy? Celestina: Oo na, pupunta ako mamaya huwag kayong mag-alala. Scarlet: Very good! Party party na this! Nagpatuloy lamang ang usapan sa aming group chat. Naririnig ko na rin ang pagtawag nila mama sa akin dahil kakain na. Bumaba na rin ako upang kumain. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Nag-aayos na ako para sa pupuntahan ko. Nagsuot lamang ako ng tube at leather jacket, at skirt naman sa pang-ibaba. Inayos ko na rin ang aking mukha para mas lalong gumanda, hehe joke. Nang matapos ako ay nabasa ko sa gc na on the way na sila papunta rito sa bahay para sunduin ako. Nagpaalam na rin ako kila mama kanina at pumayag na sila basta uuwi bago mag 12. Hindi naman sila ganon ka strikto, pinapayagan pa rin kami minsan. Kaya sinusunod ko rin ang mga bilin nila. Makalipas ang 20 minuto na paghihintay ko ay narinig ko na ang busina ng kanilang sasakyan. Iisa lamang ang sasakyan namin at kay Zariyah iyon. Nagpaalam na ako kila mama at sinabing andyan na sila at lumabas na rin ako. Nakarating na ako sa kotse at nakita kong kumpleto na sila, ako na lang ang kulang dating gawi as always. "Blooming yata ang playgirl, may bagong boylet na yan?" Pabirong wika ni Scarlet. Nagsimula na naman siya. "Wala pa nga, maghahanap pa lang mamaya. Lagot ka sakin kapag may nabingwit ako. Who you ka", natatawa kong sagot sa kaniya. "Naku ikaw pa talaga mawawalan? Si Celestina?" Kunwaring gulat na sambit ni Scarlet. "Kaya nga, knowing you huh" natatawa ring sabi ni Zah. "It's okay girls, we need to have fun!" Wika ni Zah. "Totoo nga, kayo talaga. Lagot kayo sa akin kapag may boylet ako ngayong gabi" sabi ko sa kanila. Nagpatuloy lamang ang asaran hanggang sa makarating na kami sa bar. Nandito kami sa exclusive bar, try daw rin namin dito. Rinig na rinig ko na ang ingay habang papaloob kami. Halatang mayayaman ang naroon. Makakabingwit kaya ako ngayong gabi? Ako pa ba? Gora na me! Bumalik ulit ako sa dancefloor at nagsayaw. May mga nakikisayaw man sa akin ay hindi naman ako binabastos, buti na lamang at walang manyak ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD