Chapter 04

1808 Words
Nag-order muna kami ng maiinom at snacks. Nang dumating ang aming order ay sinimulan na naming uminom. Nagkekwentuhan rin kami tungkol sa mga parties daw na wala ako dahil may mga hotties daw Nung mga gabing iyon. Nag-umpisa na namang magkwento si Let. "As in Ces! Ang daming pogi nung isang gabi. May mga models pa, yummy!" "Okay lang! Ang dami pa naman dyan!" Sagot ko naman. Puro inuman at kwentuhan muna kami. Nang tumagal ay paisa isa na silang nagsialisan. At kami na lang ni Jena ang naiwan sa table namin. Nang mabored na ako ay inaya ko si Jena upang magsayaw. Umiling naman siya agad. Hindi niya kasi hilig ang sumayaw sayaw sa ganito. Minsan kapag gusto niya sumayaw naman siya. "Ikaw na muna, mamaya na lang siguro." "Sige" Uminom muna ako saglit at pumunta na sa dancefloor. Sumayaw sayaw ako, nakikisabay sa mga tao. "Let's party everyone!" Malakas na sigaw ko. Itinataas ko pa ang aking kamay. Habang sumasayaw ay may lalaking lumapit sa akin. Hmm, not bad naman. Chinito siya kaya medyo natitipuhan ko rin. Nagsayawan kami at nagsimula na siyang magtanong ng pangalan ko. "I'm Kira, how about you?" Tanong ko rin sa kanya. Ganito ang gawi ko, iniiba ko ang pangalan ko kapag nagtatanong na sila. Hindi rin naman nila malalaman ang totoo kong pangalan. I just don't feel to say my true name when it comes to this. "I'm Jake, can I buy you a drink?" "Yeah sure!" Sagot ko sa tanong niya. Alam ko na ang mga ganitong galawan, sanay na ako. Syempre pumayag rin ako. "Let's go to my place? Or yours?" Tanong niya. Oh diba? Kanina lang ang sabi niya sa akin ay bilhan niya lang ako ng alak tapos ngayon napunta na sa place? Hmm. "Dito na lang" sagot ko. As if makakaisa ka sa akin, natatawa kong sabi sa isip ko. "Uh okay, let's get a VIP room?" Nakakarindi ang puro tanong niya. Hinila ko na lamang siya papunta sa may gilid para madilim. Nagsisimula na siyang halikan ako hanggang bumaba sa leeg ko. Nang maramdaman kong malapit na niyang hawakan ang perlas ng silangan ay tinulak ko na siya papalayo. Boring, gustong makaano agad. "Hey why?" Tanong niya. "Naalala ko may emergency nga pala sa kaibigan ko" kunwaring natataranta kong sabi para maniwala siya. "Pero hindi pa tayo tapos" parang natataeng sabi niya. Haha, nabitin na nga ang kupal. "Sorry ha next time na lang, bye" sabi ko sa kanya at umalis na. Kunwaring nagmamadali naman akong umalis roon para maniwala siya. Buti nga pinagbigyan ko pa siya! Ang boring niya naman. Bumalik na lamang ako sa table namin at uminom. "Hey why are you here? You didn't dance?" Tanong ni Zah nang nakabalik sa table namin. "Kababalik ko lang din, napagod ako kakasayaw" "Oh okay", sabi niya at umupo sa tabi ko. Kinuha niya rin ang baso niya at uminom. Nagtuloy-tuloy lamang ang inuman. Hindi ko na nagawang bumalik pa at sumayaw. Si Zah naman ay umalis kanina at pumunta sa kakilala, nakipagsayawan na siya. Pagkatapos ng isang oras ay bumalik na silang lahat dito sa table. Nag-aaya na rin umuwi. Buti na lang! At wala yata ako sa mood para mag-party ngayon. Wala kasing pogi, o may gusto lang talaga akong makita? Pero alam ko namang imposible dahil sa lawak ng mundo. Nagsiuwian na rin kami. Nakauwi na ako ngayon sa bahay. Maliwanag ang sala dahil nakabukas pa ang ilaw roon. Ako ang nagpapatay kapag nakakauwi na ako. Nang makita ko ang oras ay 11:30 na pala ng gabi. Umakyat na rin ako sa kwarto at naghugas ng katawan. Nagbihis na ako pagkatapos. Pinatay ko na rin ang ilaw upang matulog na. May maliit naman na ilaw sa bedside table ko na tanging nagbibigay ng liwanag sa kwarto ko. ~~~ Nandito ako ngayon sa shop ni mama, umaga pa lamang ay may mga tao na, ang ilan ay mga estudyante. May spot kasi dito na may magandang view sa labas at magandang spot talaga siya para sa mga estudyanteng gusto magbasa ng mga libro dito. "What's your order ma'am?" Mahina kong tanong sa isang babaeng kararating lamang. "Can you give me two hot chocolate and one order of this yema cake and cookies", sagot niya sa akin. Binasa ko lang ulit ang order niya para kumpirmahin ito. Tumango naman siya. Binigay ko na ang order niya sa counter at pumunta ako sa isang table dahil kakaalis lang ng mga estudyante, pinunasan ko na ito at kinuha ang mga tasa at plato na naroon. Ganoon lamang ang ginawa ko, paulit ulit na kukuha ng order at maya maya ay magpupunas ng lamesa. Hindi naman masyadong nakakapagod dahil na-ienjoy ko naman. "Kumusta naman kayo ni Manager?" Tanong ko kay Alena. Lunch break namin ngayon at kumakain kami. "Shhh", sabi niya sa akin at tinakpan pa ang bibig ko at tumingin sa paligid na ani mo'y may hinahanap. Tinanggal niya rin naman agad ang kamay niya sa bibig ko. "So ano nga? Naglevel up na ba?" "Hindi pa", at ngayon nahihiya na siya. Hays! Ang tagal umusad ng relasyon nila! "Baka hindi ka talaga gusto ano? Pansin kong hindi yata dumadapo ang tingin niya sayo?" Biro ko sa kanya. "Siguro nga" "As in? Hindi ka ba kinakausap?" Umiling naman siya. Mukhang malungkot na. "Kain na nga muna tayo, mamaya na natin pag-usapan ang love life mo!" Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos kami ay nagpahinga muna kami. Mag alas dos na rin dahil may mga customers kanina kaya ngayon lang kami kumain ng pananghalian. "Bakit ba kasi nahihiya ka kapag kinakausap ka niya? Nilalapitan ka naman pala. Ikaw ba naman eh. Kapag yan nagka crush sa iba kawawa ka!" Sermon ko sa kanya. Kinakausap naman pala siya ngunit dahil sa hiya niya ay hindi siya nakakasagot rito. "Eh ano nga kasi...." "Maganda ka pa naman! Baka crush ka rin nun, nahihiya ka lang kasi!" "Oo na, papansinin ko na siya. Mag first move na rin ako" Tumango naman ako sa kanya. Nag-aya na ako sumayaw ngunit tumanggi siya kaya ako na lang mag isa. Nang mapagod ako sa kakasayaw ay bumalik ako sa table namin. Habang papalapit sa table ay may namukhaan akong lalaki sa kabilang table. Si pogi at may mga kasama siyang mga lalaki at may iilang babae na akala mo higad kung makadikit sa mga lalaki. Hindi ko pa nga pala naitatanong ang pangalan niya. Binalewala ko na lamang ang naiisip at dumiretso sa table namin. Paglingon ko sa banda nila ay nakita kong nakatingin pala siya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, tila winawari ang suot ko o ang kabuuan ko. Disgusting look huh? Ano namang problema nito? Ang sama ng tingin. Hindi ko pa nga nilalapitan galit na agad ang awra. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nagagalit. Hindi ko pinansin ang mga babae nilang kasama, nakahawak pa sa kanya ang dalawang babae. Tsk. Gusto niya naman, tapos ang sama ng tingin. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil naiinis ako sa kanya. Playboy rin naman pala. Habang tumatagal ay may lumapit na lalaki sa akin, hmm not bad huh. He's my type. "Hi, wanna dance with me?" Tanong nito sa akin sabay abot ng kamay. "Yeah sure! Let's party!" Ngumingiti kong sagot sa kanya at nagpahila na papuntang dancefloor. Nung una ay sayaw lang naman ngunit naramdaman ko ang kanyang kamay sa may butt ko. Kaya unti unti na akong lumayo sa kanya. "Hey, what's wrong?" "Balik na pala ako, hahanapin ko pa mga kaibigan ko", rason ko sa kanya at umalis na. Umiling na lang ako at tuluyan ng umalis doon. Buti na lamang ay hindi na ako ginulo pa. Nasan na ba kasi ang mga iyon? Bumalik na lang ako sa table, mayamaya pa ay dumating si Jena. "Oh bakit ka mag-isa? Walang kafling for tonight?" Panimulang sabi niya habang nilalagok ang hawak niyang wine. "Wala akong bet! Grabe puro manyak ang mga nakakasalubong ko", wika ko at nag roll eyes. Tinawanan lang talaga ako nito! Napatingin ako sa kabilang table at nakita ko si pogi na nakikipaglandian sa babaeng halos maghubad na. Kinikiskis pa ang dibdib sa braso niya! Malalaki pala ang tipo niya, kaya tinawag akong bata. Nag-uusap lang sila pero panay ang haplos ng babae sa braso niya. I just rolled my eyes. "Cr lang ako saglit beh", pagpapaalam ko kay Jena. Busy rin naman siya sa cellphone niya, may kachat yata. Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso na ako sa Isang cubicle at umihi. After that, I just retouched my makeup. Paglabas ko ay nakita ko ang lalaking iyon na naman na may kahalikan sa gilid. Hindi na ako tumingin pa nang makita iyon. Inis na umupo ako nang makabalik sa table namin. Kumpleto na silang lahat doon. "Buti nandito na kayo?" Pagtatanong ko sa kanila. Sumagot din naman kaagad si Zariyah. "We got bored and tired from dancing" "Ang boring nung lalaki e kaya umalis ako roon", si Scarlet na kumakain na ngayon ng fries. "Ano? Uwi na ba tayo?" "Jena? It's still early, let's just rest for a bit and continue dancing later" Ayaw talaga paawat ni Zariyah. Uminom na kami ngayon. Bigla namang nag-vibrate ang phone ko kaya sinilip ko ito. Tumatawag pala si mama. Nagpaalam na rin muna ako sa kanila para sagutin ang tawag. "Guys labas lang ako, tumatawag si mama" Lumabas muna ako ng bar at pumunta sa may tahimik na lugar. "Hello po ma? Bakit po?" "Hello sweetie, ano oras ka uuwi?" "Siguro mga 11 po ma" "Nandito pala pamangkin mo, iniwan muna ng mag-asawa dahil may pupuntahang business meeting bukas ng maaga" "Talaga po? Naku mukhang mapapaaga uwi ko. Gising pa po ba ma?" Na-excite ako nang marinig kong nandun si Xianna Brielle, anak ng kuya ko. Limang taong gulang pa lamang. Naririnig ko sa kabilang linya na kinakausap siya ni mama. "Baby kausapin ka raw ni tita gorgeous" "Hello tita gorgeous, where are you po?" Narinig ko na naman ang malambing na boses ni Xia. "Hey baby, I'm with my friends. I'll go home later okay?" "Really tita? Can you read me a book again tonight?" "Okay baby" "I love you tita gorgeous* "And I love you more baby" Magpapaalam muna ako sa mga girls para makauwi. "Tss, 'baby." I heard a voice coming from the dark area. Siya na naman. Chismoso ba siya at nakikinig sa tawag ko. Umirap na lamang ako at pumasok sa loob para magpaalam sa kanila. Bumalik ako sa table at si Jena lamang ang naroon. Sa kanya na lamang ako nagsabi. "Jen pakisabi sa mga girls mauna na ako. You know our baby Xia's at home! Kaya gusto kong umuwi Ng maaga habang tulog pa siya. Ikaw na bahalang magsabi sa kanila okay? Nag-message na rin naman ako sa kanila." "Okay Ces! Ingat ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD