Chapter 07

1555 Words
Napupuno na talaga ako sa kanya! Aalis na sana ako ng bigla niyang higitin ang kamay ko. Nilapit niya ako sa kanya at naramdaman ko ang malambot niyang labi. s**t! Did he just kiss me? Aasa na naman ako nito! Hindi ako makagalaw nang tinapos na niya ang halikan namin. "So that's it? You taste like a baby" "What? Anong baby ka dyan? Oh diba, hindi na ako bata, gusto mo ba ng isa pa?" Hinahamon ko siya kahit na alam kong kinakabahan ako. "I can't kiss you, you still need to practice a lot" "Sige ba, makikipaghalikan muna ako sa iba para makapag-practice. Kiss na lang kita kapag magaling na ako humalik" Inasar ko rin siya, hindi pwedeng ako lang ang naiinis ngayon. "Tsk. Go, try the f**k it." Oh bakit ka galit? "Oo alis na muna ako, maghahanap ng kahalikan" Dahil sa inis ko ay nasabi ko iyon, umalis na rin ako sa tabi niya at hinanap ang mga kaibigan ko. Bumalik ako sa table namin, wala sila doon at hindi na ako nagtaka dahil bar ito. Uminom lamang ako habang pinapanood ang mga tao. Nang mapunta sa kanya ang tingin ko ay nakita kong may katabi na agad itong Isang sexy na babae. Tch! Napataas lamang ang kilay ko sa nakita at napainom ulit dahil sa pagkainis ko sa kanya. Nang maibalik ko ang tingin ko sa pwesto niya ay napansin kong inaaya siya ng babae patungo sa taas, kung nasaan ang mga VIP rooms. Umiling naman siya sa sinabi ng babae. Weh? Umaayaw ka pa? Babae na lumalapit sayo, sexy pa 'yan. Umalis din naman agad ang babae nang hindi siya pinaunlakan nito. Buti nga! Uminom lamang siya ulit at nang mapansin kong titingin na siya sa akin ay ibinaling ko sa iba ang paningin ko. Mag-inom lamang ako habang hinihintay ang mga kaibigan ko. Dumating rin naman si Jena kalaunan, galing yata sa pagsasayaw. "Nasan ang dalawa?" Tanong ko sa kanya. "Busy sa pagsasayaw, ang isa naman ay busy sa kalandian." "Ah ganun, hindi na bago. Eh bakit nandito ka na agad?" "Napagod ako! Si Zah naman ang daming energy sa pagsayaw. Iniwan ko na muna doon at may friends din siyang nagsasayawan." "Hmm." Sagot ko at tumango tango sa kanya. "Inom tayo." Sabay abot ko ng baso sa kanya, tinanggap naman niya ito kaagad. "Cr lang ako", paalam ko sa kanya. Dumiretso na ako sa Cr at umihi. Nagtagal muna ako doon dahil inayos ko muna ang sarili sa salamin. Pagkabalik ko sa table namin ay wala na si Jena. Wala ng tao roon! Tinamad na akong hanapin sila kaya nauna na ako sa room namin. Kumakain kami ngayon ng almusal sa may restaurant. Nakikita ang tanawin ng dagat mula sa pwesto namin. Nakakagana tuloy kumain kapag ganito kaganda ang makikita mo. "Bakit nawala kayo kagabi? Tagal ko kayong hinintay sa table hindi kayo dumating! Umalis na tuloy ako!" Pagtatanong ko sa mga kaibigan ko na masayang kumakain. "We're just at the table! You just didn't see us there. After dancing, we went straight there." "Oo nga, nandun lang din naman ako. Nung nag Cr ka binalikan ko kasi si Zah kaya nawala ako sa table. Siguro iyon 'yung time na hindi mo kami nakita doon." "Nakita kita kagabi! You're with a guy at a counter. May bago ka na namang fling ano? Hindi ko kasi nakita ang mukha dahil nakatalikod. Pero feeling ko yummy siya." Nakita kami ni Scarlet? Bakit hindi man lang niya ako tinawag. Nang makitang nagtatanong ang mukha ko ay sumagot din naman siya kaagad. "Hindi na kita tinawag dahil you're busy naman. I don't want to interrupt your special moments." "Ah! Yes, bago kong crush! Pogi niya! Nagkiss pa kami kagabi! Grabe, lambot ng labi niya!" Kinikilig na sinabi ko, nawala na rin naman ang inis ko sa kanya dahil good mood ako ngayon. Ayokong masira ang araw na ito. "Uwi na tayo bukas kaya dapat mag-enjoy tayo ngayon" "Yes! We'll take a lot of pictures later!" "Magboy-hunting na lang ako maya" "Ienjoy na natin mamaya, matagal na naman bago natin magawa ito" "Yeah right, I'll miss it here" Puro lang kami kwentuhan habang kumakain. Pagkatapos ay nagkanya-kanya na kami. Hindi pa naman ganoon kasakit sa balat ang sikat ng araw kaya pumunta ako sa may buhangin. Habang naglalakad ako ay natanaw ko si Travis doon, nasa ilalim siya ng beach umbrella. Dali-dali tuloy akong nagtungo sa kanya. Pagkalapit ko ay sinalubong ko siya ng malaking ngiti. "Hi!" Umangat naman ang tingin niya sa akin. Naka-sunglass pala siya habang nakahiga. "You're here again" "Oo naman, ayaw mo bang makita ako? Buti sana kung sayo itong lugar ay pwede mo akong palayasin dito." Nagkunwari akong malungkot kahit na alam kong wala naman siyang pakialam. "You talk a lot you know, if you want to sir here then sit." Nasira ko yata ang araw niya. Pero at least maganda ako kaya pwede niya akong titigan para gumanda ang mood niya. Umupo rin ako sa tabi niya. Tinanaw ko ang mahinang pag-alon ng dagat. May mga tao rin doon na masayang nagtatampisaw. "Hindi ka ba napapagod kakaganyan mo?" Nakita kong tumaas naman ang kilay niya. Nagtatanong kung anong pinagsasabi ko. "Ganyan, 'yung pagiging masungit mo. Hindi ka napapagod?" Tumawa lamang ako ng makita kong mas nagdikit ang mga kilay niya. Nang bigla siyang napatingin sa akin ay naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko rin magawang tignan siya dahil sa kabog ng puso ko. Tinanong ko na lamang siya upang hindi maging awkward. "Saan ka ulit mamayang gabi? Alis na pala kami bukas." "Bar" "Tipid mo talagang sumagot. Isang tanong isang sagot talaga" "You?" "Kung nasan ka, dun din ako para nakasama ka baka hindi na tayo magkita dahil pasukan na namin next week. Pero pwede mo naman akong bisitahin kung gusto mo. Kung nahihiya ka lang na ayain ako ng date hindi ako tatanggi kaya huwag ka nang mahiya" Kahit ako ay kinilig sa sariling sinabi. Nakangiti lamang ako sa kanya habang siya ay nakakunot pa rin ang noo. Imposible naman ang sinasabi ko kaya tumawa ako. "Alam mo ang pogi mo kahit na palagi kang galit. Paano pa kaya kapag ngumiti ka? Baka mahimatay ako sa kagwapuhan mo" Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko habang binibigkas ang mga salitang iyon. Nag-iwas tingin na lamang ako dahil napatitig siya sa akin. What happened to me? Bakit naging ganito na ako sa lalaki? I thought I just want to play.... "Sige, maligo lang muna ako sa dagat" Nagpaalam na ako dahil hindi ko na kaya ang malakas na t***k ng puso ko. I left him sitting under the beach umbrella. I slowly walk away and remove my see through dress and throw it on the sand. Nagtungo na ako sa dagat upang maligo. Hinayaan kong tangayin ng mahinang alon ang aking sarili. Habang nagtatampisaw ako ay nilingon ko si Travis sa dating pwesto. Naroon pa rin siya habang may hawak na cellphone, nang biglang may lumapit na babae sa kanya. A sexy girl with a one piece suit. Kahit na nasa malayo ako ay nakikita ko ang magandang katawan ng babae, malaking hinaharap at pwet. Napanguso na lamang ako ng kinausap siya nito. Hindi ko alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Hindi na ako muling lumingon pa roon dahil nakaramdam ako ng lungkot. Umalis na ako sa dagat at kinuha ang dress ko para isuot ito. Magbibihis na muna ako. Umalis ako roon nang hindi nililingon si Travis, hindi ko alam kung nandun pa ba ang babae. Masakit sa mata kaya ayoko na lang tignan. Pagkarating ko sa kwarto ay walang tao doon. Siguro namasyal sila. Naligo na lamang ako sa bathtub at binabad ang sarili doon. Pinipigilan kong huwag siyang isipin ngunit siya pa rin ang naiiisip ko. I know he doesn't see me as a woman, I'm not his type. That girl was obviously his type, a sexy hour glass body shape with a big boobs and butt. She's also tall and has a milky white skin. I'm not like her. Definitely! I am beautiful being me! Kaya dapat hindi ako magiging insecure sa iba! Laban lang Celestina! I'm pretty on my own ways, this is me! Naalala ko rin ang kahalikan niya noon sa bar, sexy rin gaya ng babae kanina. Siguro kaya ayaw niya sa akin dahil hindi naman ako sexy. Bakit ko nga pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya? Bahala na nga, aalis na rin naman kami bukas. At hindi ko na siya makikita pagkatapos nito kaya lulubusin ko na. Nandito kami ngayon sa bar at ineenjoy ang gabing ito. "Doon lang ako sa table! Si Zah kasi may nakilalang friend kaya sumama muna sa mga kaibigan niya". Pagkasabi ni Jena noon ay pumunta na siya sa table namin. Sumunod na rin ako sa kanya dahil tinatamad pa akong mag-party. "Oh bakit sumunod ka? Hindi ka ba sasayaw?" Nakita niya akong umupo sa tabi niya kaya nagtanong siya. "I'm tired, later na lang" Uminom na muna ako, ganoon din ang ginawa ni Jena. Uminom ako nang uminom hanggang magkaroon ako ng energy ulit para sumayaw. Sayaw lang ako, sama ka?" "Tara" Hinila ko na si Jena sa dancefloor at sumayaw kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD