Nagpaalam na ako kila Let at sumunod na kay papa. May mga kasama siyang naka business attire pa, tatlong lalaki at dalawang babae.
Nakikita kong nag-uusap sila. Nakaupo na sila doon ngunit ang isang lalaki ay nasa gilid at may kausap yata sa cellphone.
"Ito si Diana Maurine, birthday girl."
Pakilala ni papa kay Diana sa kanila.
"Hello po", at nakipag-kamay siya sa mga bisita.
"Pa", tawag ko nang makarating sa kanila. Pinaupo naman ako ni papa, sa tabi ni mama.
"Siya ang pangalawa kong anak, si Celestina 4th year student naman siya."
"Hello po", at ginaya ko rin ang ginawa ni Diana na nakipag-kamay sa kanila.
Ngumiti naman ang lalaking ka-edad ni papa pati ang katabi nitong babae na batid ko ay asawa niya.
"Amo ko nga pala, si Mr and Mrs. Montecillo", pagpapakilala ni papa sa kanilang dalawa.
"Si Kaizen, my third child and Nathalie our bunso. Kaizen's a 3rd year student while Nathalie is 7 years old, she's in grade 1."
Mahinahong pagsasalita ni Mrs. Montecillo, ipinakilala ang dalawang anak.
"Hello po I'm Nathalie!"
Cute na nagsalita ang magandang bata. Habang ang kuya nito ay ngumiti lamang.
"Oh nandito na pala si Travis!"
Biglang sabi ng mama nila. Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang sinabi nito. Kapangalam niya lang naman diba? He's not the Travis I know.
"Hello, good evening", bati ng Isang lalaki. Kaboses niya. Nang lingunin ko ito ay nanlaki ang mga mata ko.
He's my father's boss? How come na hindi ko alam iyon? Bakit hindi ko man lamang kask pinagtuunan ng pansin ang mga boss ng papa ko? Bakit hindi ako nag research tungkol sa kanila? Bakit wala akong kaalam-alam? Uh! Nakakainis Celestina! Nakakahiya mga pinanggagawa ko! Lupa kainin mo na ako ngayon please!
Dumapo ang mga mata niya sa akin, nakita ko ang gulat doon. Umupo na rin siya sa tapat ko, talagang sa harap ko pa siya umupo. Kahit na kating-kati akong tumingin sa kanya ay hindi ko talaga ginawa, ayokong lingunin siya.
Nag-uusap sila ngayon ngunit hindi na pumapasok sa tenga ko ang mga pinagsasabi nila dahil sa kabang nararamdaman ko. Mas malakas pa yata ang pagtibok ng puso ko kaysa sa boses nilang nag-uusap. Hindi ko magawang tignan siya dahil sa hiya. Nilandi ko ang boss ng papa ko.
I thought he was a total stranger. Hindi ko inaasahang ganito, he is so rich, he's successful in life.
"Cr lang po ako", paalam ko sa kanila at nagtungo na sa banyo.
Pumasok na ako sa Cr, tinitigan ko lamang ang sarili ko sa salamin. Hindi ko masink-in sa utak ko ang nangyari ngayon lang. Naghugas lamang ako ng kamay at lumabas na. Nasa pintuan pa lamang ako nang may humigit sa akin patungo sa likod ng bahay.
"Travis?"
Travis ano ba? Bitawan mo ang kamay ko. Nasasaktan ako", pagkasabi ko pa lang noon ay binitawan niya rin kaagad. Hindi pa rin nawawala sa akin ang pagkainis sa kanya.
"Boss ka pala ni papa"
Hindi ko siya tinignan dahil sa kahihiyang nagawa ko. I should have known. Nakakahiya naman nitong ganito! Sobrang yaman pala niya. Bakit kasi hindi ko inalam ang buong pangalan niya diba? Dahil sa kalandian ko, ayan napunta pa sa ganitong sitwasyon.
"Not me, my father is his boss."
"Ganun na rin iyon! Alam mo ba na anak niya ako?"
"No. But he's my father's trusted employee. I just know that he has children."
"Okay, s-sorry sa mga nagawa ko. Hayaan mo hindi na mauulit."
Paghihingi ko ng paumanhin, tatalikod na sana ako ngunit nagsalita siya.
"Why are you sorry?" Pagalit na tanong niya. Galit na naman siya. Kung sana kasi hindi na lang ako napapansin sa kanya.
"W-wala. Basta! Sige na baka hanapin ako roon!"
Tinalikuran ko na siya at nagmartsa na pabalik sa loob. Pumunta na lang ako sa table ng mga kaibigan ko. Pagkarating ko roon ay umupo kaagad ako.
"Sorry pinakilala kasi kami"
"Ano ka ba Ces! Syempre boss ng papa niyo 'yon alangan namang hindi ka pumunta dun." Sagot ni Jena sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"By the way who's that one?" Tanong ni Let sabay nguso kay Travis.
"He's Engineer Travis Montecillo", pagsasagot naman ni Zah.
"You know him?" Hindi ko na napigilang magtanong.
"Yeah, why not? He's my cousin's ex-fling. At naging top notcher siya sa board exam!"
Nakakagulat ang pangyayaring ito. Totoo ba ito? Una boss siya ni papa tapos sunod Engineer pala siya!
Kaya pala hindi niya ako tipo, sana kasi nilubayan ko na siya simula pa lang nang sungitan niya ako!
Nagkekwentuhan na sila ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ko si Travis. Hindi ko na namalayang nagpapaalam na pala ang mga kaibigan ko.
"Hoy Ces! Kanina ka pa lutang"
"Oo nga, siguro nag-iisip ng pogi ito"
Huh? Shet! Nakatayo na pala sila. Nalutang ako ng sobra dahil sa nangyari ngayong gabi! Hindi ko talaga inaasahan ito.
"Bakit?"
"We'll go home na." Mahinahong sabi ni Zah nang nakangiti.
"Ah sige! Sorry inaantok na siguro ako kaya nalutang. May sundo na ba kayo?"
"Yes, nasa labas na. Huwag mo na kaming ihatid sa labas matulog ka na"
"Pero-"
"Kaya na namin, you should sleep na. You look tired. Please? Sleep na okay? Alam kong pagod ka dahil maghapon kayong nagprepare dito."
"Hmm." Tumango na lamang ako sa kanila.
"Good night girls, ingat kayo. Pasensya na, I'm so sleepy na kasi", paalam ko sa kanila.
"Good night! Sleep tight!"
Nakaalis na sila at ang ibang mga bisita. Nang tinignan ko sa table nila papa ay wala na ang mga bisita nito. Bakit hindi ko namalayang nakaalis na sila?
Tanging mga kamag-anak na lang ang natira. Nag-aayos na rin ng mga pagkain sila mama kaya tumulong na muna ako.
"Ma nakaalis na pala bisita ni papa?"
"Oo nak, inaantok na raw kasi 'yung bata kaya umalis na rin"
"Ah, hindi ko po kasi napansin"
"Pogi ba nak?"
Huh? Ano bang sinasabi ni mama? Sino?
"Po?"
"Yung anak ni Mr. Montecillo, pogi ba?"
"H-hindi ko po a-alam ma", utal-utal kong sagot kay mama.
"Napansin kong nakatitig siya sayo kanina, siguro tipo ka noon?"
Ma hindi po! Kung alam niyo lang po ma ang kagagahang ginawa ko sa boss ni papa.
"Hindi siguro ma, malabo"
"Bakit naman malabo? Maganda ka naman anak, sakto lang ang height mo, maputi, bilugan ang mga mata mo, matangos ang iyong ilong. May pagka-meztiza ka."
Aw, sweet naman ni mama.
"Ma naman e! Syempre kanino pa po ba magmamana?"
Nagtawanan kami ni mama sa pinag-usapan.
"San po pala si Diana ma?"
"Nasa kwarto na niya, nagpapahinga"
"Sige po ma, puntahan ko lang"
Tumango si mama at umakyat na ako upang kunin sa kwarto ang regalo ko para sa kapatid ko.
Kumatok ako sa pintuan niya nang makarating doon.
"Pasok", mahinang sambit niya.
Binuksan ko na ang pintuan niya. Nagbubukas pala siya ng mga regalo niya.
"Oh ate, upo ka"
"Happy birthday sis! I love you", bati ko sa kanya at niyakap siya.
"Salamat ate"
Nang kumalas ako sa pagkakayakap ay inabot ko sa kanya ang regalo ko.
"Buksan mo na"
"Akala ko wala kang regalo sakin, magtatampo na sana ako", nakapout na sabi niya. Kaya pala parang malungkot siya kanina.
"Syempre ate mo ako, alangan namang mawala ang regalo ko para sayo?"
Ngumiti naman siya at dali-daling binuksan ang regalo ko sa kanya.
Nang mabukasan niya ay nagulat pa siya, nakahawak sa kanyang bibig.
"Ateeee!"
Napahawak ako sa tenga dahil sa sigaw niya.
"Ano ka ba? Ang ingay!" Kunwaring galit na sinabi ko sa kanya.
"Ate thank youuu! Alam mo talaga kung ano gusto ko. Mahal ito ate, baka naubos na pera mo para rito ha."
Nakita kong maluha-luha na siya. Niregaluhan ko kasi siya ng bagong labas na Iphone, 'yung Iphone 12 pro, dati niya pang pinaparinig sa social media. Tsaka mahilig din siyang mag picture kaya iyon na ang binili ko.
"Syempre nag-ipon ako, 'diba sineswelduhan ako ni mama sa shop niya"
Ngumiti naman siya, sinubukan na rin niyang gamitin ang cellphone.
"Alagaan mo iyang ha, naku pag nasira yan bahala ka na!" Umaaktong naiinis na wika ko sa kanya.
"Opo ate, syempre galing ito sayo eh"
Niyakap na naman niya ako at pinaghahalikan ako sa mukha.
"Ano ka ba Diana Maurine! Kulet!"
Napuno ng tawanan sa kwarto nang sandaling iyon.
"I love you ate, maraming salamat talaga"
"Oo na sige na, magpahinga ka na dyan. Inaantok na rin ako."
"Sige po ate, goodnight!"
"Good night, pahinga ka na ha"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako sa kwarto niya.
Dahil sa pagod ko sa maghapon ay hindi ko na magawang mag half bath. Nagbihis na lamang ako ng pantulog dahil inaantok na ako.
Humiga na ako pagkatapos kong magbihis dahil pumipikit na ang mga mata ko.
Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang birthday ni Diana. At ngayon ay lunes na naman.
Palabas na ako ngayon ng school nang nakisabay ang kaklase kong lalaki.
"Kailan pala natin sisimulan 'yung project natin?" Pagtatanong niya sa akin.
Siya pala ang partner ko sa project, by two lang iyon.
"Siguro sa sabado, kung free ka nun. Wala naman akong pasok ng sabado."
"Sige ba! Text mo na lang ako kung saan tayo magkikita. Pwede naman sa bahay kung gusto mo." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Huh?
"Ah ano, sige! Ikaw bahala kung saan! Sige bye!" Saka siya nagmamadaling tumakbo palabas ng gate.
Napakunot ang noo ko sa kanya. Baliw yata 'yun.
Naglakad na ako patungo sa may waiting area.