Chapter 3

1320 Words
Chapter 3 Dumiretso agad ako sa aking silid upang magpahinga na lang kung kanina ay umaarte lang ako na masakit ang ulo ko ngayon ay parang nagkatotoo na. Humiga ako sa aking kama kahit hindi pa ako nagpapalit ng aking uniform. Muli kong naalala ang tagpong naganap kanina sa University parang biglang sumakit ang puso ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang aking Mga luha, napaiyak ako ng sobra parang ngayon lang sumabog lahat ng sana ng loob ng aking nararamdaman. Bakit nga ba hindi ako napapansin ni Thomas bata pa lang ako gusto ko na siya. Gusto ko nang maging eighteen para masabi ko na sa kanya na gusto ko siya at sinabi ko sa sarili ko siya ang gusto kong maging boyfriend. Hindi ko alam kung ilang oras ako umiiyak ng dahil kay Thomas hanggang sa nakatulogan ko na ang aking pagiyak. Madilim ng ako ay magising, mabigat ang aking ulo pakiramdam ko magkakasakit yata ako. Pagkabangon ko dumiretso agad ako ng banyo at tsaka nag shower pagkatapos kung mag shower ay parang lalong bumigat ang pakiramdam ko, humarap ako sa salamin at kitang kita ang mugto ng aking Mga mata. Kumatok si Mommy sa kuwarto ko upang yayain na mag dinner na pero hindi pa din ako tumitinag sa harapan ng salamin, hanggang sa buksan niya na lang ang pinto NG aking kuwarto. “Claire, kanina pa ako kumakatok hindi mo man lang ako pagbuksan”. “Sorry, mommy I’m not feeling well”. “Bakit? May masakit ba sa’yo? “ Agad na lumapit sa akin si mommy upang I check ako. “Oh, nilalagnat ka”. Agad na kumuha ng gamit si mommy sa medicine cabinet ko kumuha siya NG paracetamol upang inumin ko. “Gusto mo bang dalhin ko na lang ang dinner mo dito”? “Huwag na mommy baba na lang po ako, Kaya ko naman po ang sarili ko”. Bilisan mo na at bumaba ka na, lalamig ang pagkain”. Nag suot ako ng pajama imbes na short dahil sa ginaw na ginaw talaga ako, nagsisimula na silang kumain ng bumaba ako at tsaka umupo sa aking puwesto. Nilagang buto – buto ang ulam masarap higupin ang sabaw pero dahil sa wala akong gana hindi ko na enjoy ang pagkain ko. Si Alex imbis na maaawa sa akin ay inaasar pa ako nito at sinasabing umaarte lamang ako, agad naman akong nagsumbong sa mommy dahil sa pangaasar niya sa akin. “Hay naku mommy… nagpapaniwala ka kay Claire umaarte lang yan”. “Anong umaarte, masama talaga ang pakiramdam ko”. “Weehhh…maniwala ako sa’yo. “ “Alex, tumahimik kana at masama na nga ang pakiramdam ng kapatid mo eh, iniinis mo pa. “ Saway ng Daddy ko sa kanya. Inirapan ko si kuya Alex at sabay dila ko sa kanya para kaming bata pa din kung magaway. “Maniwala ka dyan… love sick lang yan, bukas mawawala din yan”. Bigla akong namula sa sinabi ni Alex hindi Kaya totoo ang sinasabi niya baka nga siguro love sick lang ito g dahil kay Thomas. O baka naman… my god alam ni kuya Alex na may crush ako kay Thomas, sinabi niya ba ito kay Thomas.. Hindi, hindi niya dapat malaman kaming dalawa lang ni Betty ang nakakaalam non.. Natahimik na lamang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang pagkain, pagkatapos ng dinner agad akong umakyat sa aking silid upang mag pahinga. At si kuya Alex ay kinuha agad ang cellphone at may kausap sa kabilang linya si Thomas Kaya ang kausap niya.. Pero hindi sa palagay ko halos pabulong kasi ang salita nito at panay ang ngiti pa, napapahinto siya kapag napapatingin ako sa kanya. Hindi ko na lamang siya pinansin at isinara ko ang pinto ng aking silid upang magpahinga. Hindi ako pumasok ngayon kasi nga nilalagnat pa din ako pero maaga pa din akong nagising hinihintay ko si Thomas baka sakaling sabay sila ni kuya pumasok ngayon, pero mag aalas syete na hindi pa din dumadating si Thomas. Nadinig ko ang kotse na umandar agad akong sumilip sa bintana ng aking kuwarto si Daddy lang pala paalis na siya papunta ng office niya. Hindi na din siguro pupunta si Thomas may girlfriend na pala siya si Scarlet at dahil mababawasan na ang pagpunta nya dito madalang ko na din siya makikita. Naghilamos ako at nag toothbrush bago bumaba hindi ako nagsuklay hinayaan kong g**o g**o ang aking buhok tutal naman wala naman Ibang tao ngayon sa bahay si mommy lang. “mommy… “ tawag ko sa mommy ko habang bumababa ako ng hagdan. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ko si Thomas na nakaupo sa sofa namin na naka basketball uniform. Anak ng tinapa naman oh! Nakapantulog pa ako at g**o g**o ang buhok tapos makikita niya akong ganito ang itsura ko. Tumungin siya sa akin at ngumiti. Tinanguan ko na lamang siya at hinanap ko ang mommy ko sa kusina. Wala si mommy sa kusina pero may nakahandang pagkain para sa akin. Bumalik ako ng sala ng marinig ko ang kuya Alex ko, ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin alam niya kasing may pabor na naman akong hihingiin sa kanya. “Kuya Alex, may laro kayo ngayon? “ tanong ko sa kanya. “Oo, first game ngayon ng NCAA”. “Talaga? “ gulat kong tanong sa kanya ibig sabihin opening ngayon hindi ako makakapanood. “Pwede ba akong sumama? “ “Hindiiiiii….”madiing sabi ni Alex naiinis na naman ako sa kanya Kaya Alex na naman ang tawag ko sa kanya. “Bakit hindi? “ “Basta, hindi nga pwede ang kulit mo ah. “ Nakalimutan ko na nandoon pala si Thomas, nakikinig at nakatingin lang sa amin kung sa bagay sanay na siyang makitang nagtatalo kami ng kuya Alex Kaya parang blewala na eto sa kanya. “Mommmmmy… sigaw ko na naman isusumbong ko siya kay mommy. “Hoy, tumigil ka wala si mommy umalis Kaya pwede ba umakyat ka na sa taas Di ba may sakit ka”? “Oo nga Claire, magpahinga ka na lang sa TV mo na lang kami panoorin Mamayang four o’clock pa naman Yong start ng game”. Pagsangayon ni Thomas sa kuya ko. “Tara na Thomas… hayaan mo yan si Claire mangungulit lang yan”. Sabay kuha sa sport bag niya at lumabas na ng bahay at sumunod naman agad si Thomas. “Pagaling ka”. Sabi ni Thomas sa akin bago siya lumabas ng bahay parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Wow naman, concern siya sa akin. Kung alam ko lang na nandito siya eh Di sana nagayos ako ng bongga para naman mapansin niya ang kagandahan ko. Nakangiti ako habang tinitingnan ko silang papalabas ng Gate namin. Kailangan kong gumaling na para palagi ko na siyang makikita pero kapag nasa school na hindi niya na ako mapapansin kasi nga may Scarlet na siya. Wala akong nagawa kundi ang abangan ang game nila sa TV mas okay sana kung live akong nanonood ngayon, kung bakit kasi ngayon pa ako nilagnat. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kajanood ng game nina kuya at Thomas. Hindi ko tuloy napanood kung maganda ba ang laro ni Kuya at sympre ni Thomas. Tutal naman marami pang games ang susunod tsaka na lang ako babawi at manonood ako ng live sa stadium at mag checherr ako ng tudong – tudo. Pero bigla na lang nalulungkot ang puso ko kapag naiisip kong may girlfriend na si Thomas at Di hamak na mas maganda siya kesa sa akin at dalaga na siya kung kumilos hindi katulad ko, bakit ba kasi ang tagal kung maging eighteen para maging boyfriend ko na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD