Chapter 2

1268 Words
Chapter 2 Maaga akong nakarating sa pinapasukan kong eskwelahan dito sa University of Santo Thomas alas otso pa naman ang klase ko Kaya pumunta muna ako sa library upang gawin ang homework ko na hindi natapos kagabi. Sa bandang dulo ako umupo para hindi ako maistorbo ng Mga estudyanteng padaan daan upang kumuha ng Mga libro. Inilabas ko ang aking math notebook upang sagutin ang homework ko na algebra hays bobo pa naman ako sa math bakit ba sa lahat ng subject ito pa ang nakalimutan ko, sana pala nagpaturo na lang ako kay Alex. Alex ang tawag ko sa kuya ko kapag na babadtrip ako sa kanya minsan ko lang siya tawagin kuya kapag may kailangan ako sa kanya. Hindi pa nagsisimula ang klase ko pero pakiramdam ko dumudugo na ang utak ko sa pag solve ng algebra na ito, mas lalong hindi ako makapag concentrate dahil nadidinig ko ang bulungan at hagikgikan ng nasa kabilang table ng library na ito. Mas lalong hindi ako makapag concentrate ng marinig ko ang pangalan ni Thomas, pinaguusapan nila si Thomas at bakit? Sino ba itong Mga felengerang Mga palakang to, bakit nila pinaguusapan si Thomas? Hindi ko na sinagutan ang homework ko nawalan ako ng gana mangongopya na lang ako ng sagot kay Betty mamaya matalino naman siya sa math. Itinuon ko na lang sarili ko sa pakikinig sa Mga babaeng nakaupo sa kabilang table. At tsaka sino ba si Scarlet at pilit na tinatambal kay Thomas pangalan pa lang parang maarte na ang dating. Nawalan ako ng gana at naiinis ako sa Mga naririnig ko tungkol kay Thomas at Scarlet Kaya napagpasyahan kong lumabas na lang ng library at sa room ko na lang ako mag sasagot ng homework ko. Isa-isa Kong in Ilagay ang aking gamit sa aking bag at mabilis na lumabas ng library. Patungo na ako ng aking class room ng may napansin ako sa ground na Mga estudyante na nagkumpol kumpol ang naghihiyawan, dahil sa interesado akong malaman ay agad naman akong lumapit sa Lugar kung saan maraming estudyante ang naghihiyawan at ang Mga babae ay tila kinikilig pa. Sumingit ako hanggang sa makarating ako sa unahan at sa aking nakita ay parang nawalan ako ng lakas, parang may malamig na tubig na bumuhos sa akin at naramdaman ko ang labis na panghihina. Hindi ako maaring magkamali si Thomas nga ito ang pinagkakaguluhan ng Mga estudyante at bakit may dala siyang roses at yung babae siya ba si Scarlet yung bibabangit ng Mga estudyante kanina sa library? Napatingin ako kay Scarlet at parang lalo akong nanliit sa aking sarili. Maganda siya, Maputi, mahaba ang buhok at tsaka dalagang dalaga na kumilos. Hindi katulad ko, hindi din ako maganda, hindi din ako Maputi, kayumangi lang ang kulay at wala akong kasing ganda ng buhok niya madalas kasi nakatali Yong buhok ko ayaw ko kasi na dumadami ito sa aking mukha naiirita ako. Kitang – kita ko kung paano kasaya si Thomas habang binibigay niya ang Mga roses kay Scarlet may paluhod lubod pa itong nalalaman. Hindi ako makatagal sa aking nakikita parang nadudurog ang puso ko, nangingilid ang aking luha sa aking Mga mata pero pinigilan ko itong tumulo. Lumayo na lamang ako sa nagkokompulang Mga estudyante at nag desisyon na pumunta na sa aming classroom. Nasa 5th floor ang classroom namin at hindi pwedeng mag elevator. Kahit masakit ang puso ko dahil sa nakita ko pinilit Kong Ihakbang ang aking Mga paa at wala din akong pakiaalam sa Mga estudyanteng nasasalubong ko at halos sila ang pinaguusapan nila si Scarlet at Thomas. Hindi ko tuloy narinig ang pagtawa ni Betty dahil wala ako sa aking sarili dahil sa sobrang bagal ko maglakad naabutan niya ako. Hinawakan niya ako sa balikat na akin na ang ikinagulat. “Betty, ginulat mo naman ako”. Angal ko sa kanya. “Hay naku best… ang bagal mo Kaya, Tara na mala late na tayo”. Hinila niya ako paakyat sa aming classroom buti na lamang nandito si Betty kahit konti mababawasan ang lungkot ko pati yung sakit ng puso na nararamdaman ko. Agad akong sumunod sa kanya at isinantabi ko muna ang sakit na aking nararamdaman, mangngopya pa pala ako ng assignment namin sa Math. Pagkadating agad namin sa classroom agad kung hiniram ang notebook ni Betty sa Math para mangopya ng assignment namin, hindi ko na siya Inaral dahil tinatamad ako at wala akong gana. Hanggang sa matapos ang apat na subject namin sa umagang ito at ang Mga estudyante ay isa-isa ng bumaba upang mag lunch. Ako walang ganang kumain at umatend sa next subject namin ngayon, magdahilan na lang Kaya ako na masama ang pakiramdam ko para makauwi na. “Hindi ka ba baba, Tara na kumain na tayo”. Yaya ni Betty sa akin. Kahit na wala talaga akong gana napilitan akong bumaba para mag lunch. Siguro hindi pa alam ni Betty ang nangyari kanina alam niya kasing crush ko si Thomas at natitiyak kong kapag nalaman niya agad ang Big event sa eskwelehang ito ay siya talaga ang unang unang magkukuwento sa akin. Pagbaba namin ng building NG aming room patungo sa isang fast food chain ay nasalubong namin ang asungot na si Cyrus. Sigurado ako aasarin na naman kami nito. Tuloy – tuloy ang aming paglalakad hindi namin siya pinapansim ni Betty aasarin niya lang kami sigurado ako. Pero dahil sa makulit siya ay patuloy pa din ang kanyang pagsunod sa amin. Sa hindi Inaasahan pagkakataon nakita ko si Thomas at kasama niya si Scarlet natatawa an sila at mukhang nasyang masaya dahil ba mag on na sila. Hmmp… itsura ng babaeng ito kapag ako nag ayos mas maganda pa ako sa kanya at dahil masasalubong ko siya huminto ako at lumingon kay Cyrus abot ang ngiti ko sa kanya at tsaka ko hinawakan ang Mga braso niya kunwari masaya g masaya ako dahil na sa sabay siya sa pagkain sa akin. “Bakit naman kasi ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay…!!! Nilakasan ko talaga ang boses ko para marinig ni Thomas at alam ko naman na nakatingin siya sa akin. Gusto kong magselos siya, pero magseselos ba siya eh kung meron ng Scarlet sa buhay niya. Napakamot na lamang sa ulo si Cyrus dahil sa pagtatakang ang bait ko ngayon sa kanya, kahit si Betty ay napailing na lang dahil sa pagiging mabait ko kay Cyrus. Sa hindi Inaasahan pagkakataon na kasabay tuloy namin kumain si Cyrus Well, Cyrus is not that too bad naiinis lang kami ni Betty kasi lagi na lamang kami ang pinagtrirtipan na asarin na labis namin ikinakainis ni Betty. Naging mabait lang kami sa kanya kapag magpapatulong kami sa Mga assignment na hindi namin masagot. Pagkatapos naming mag lunch break ay nagpaalam ako sa kanilang dalawa ni Betty na hindi ba ako aatend ng religion class dahil nagdahilan ako na masakit ang aking ulo. Umuwi akong magisa sumakay ako ng jeep at lrt pauwi ng bahay at sigurado akong pagagalitan si Alex kapag nalaman ito ng mommy ko. At tiyak may kutos na naman ako sa kanya pero syempre hindi ko ipapaalam sasabihin ko na lang na sinabay ako ni Betty. Kailangan maging mabait ako ngayon sa kanya kasi gusto kong malaman ang tungkol kay Thomas at Scarlet. Nag tricycle ako papasok ng Subdivision namin medyo malayo pa kasi ang aking lalakarin at tinatamad talaga akong kumilos parang ang bigat bigat kasi ng pakiramdam ko para akong magkakasakit. Wala si mommy ng dumating ako sa bahay mabilis akong nagtungo ng aking silid at tsaka huminga sa aking kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD