Chapter 1

1034 Words
Chapter 1 Makalipas ang apat na taon.. Halos lumipad na ako pababa ng hagdan upang maabutan ko lamang ang aking Kuya Alex sa pagpasok ng eskwelahan tutal naman isang school lang ang pinapasukan namin. Pero syempre bago ako lumabas ng aking silid sinugurado ko na magiging maganda ako sa tingin ni Thomas. Dalaga na yata ako ngayon at nito lang linggo dumating ang unang dakaw ko sabi ni mommy kapag nangyari yon ay isa na akong dalaga na labis ko naman ikinatuwa siguro mas lalo na akong mapapansin ni Thomas kasi magbabago na ang itsura ko magkakaroon na ang hubog ang aking katawan. Hindi na ako katulad ng dati na madalas hinahabol ko si kuya Alex para lang makita siya siguro naman mapapansin niya na talaga ang aking kagandahan. Liligawan niya na ako. “Kuya Alex doon ako uupo sa unahan ha? Para naman hindi ka pagkamalang driver ko”. Pagbibiro ko sa aking Kuya pero syempre kunwari lang yon gusto ko lang talaga makatabi si Thomas para kasi silang kambal dikit na hindi mapaghiwalay sigurado ako kapag pinilit ko ang gusto ko wala na siyang magagawa. “Hoy, huwag kang mangarap sira ang kotse ko at dinala ni Daddy sa pagawa an para tingnan”. “Ano? Papano tayo papasok nito? “ “Anong tayo? Ikaw lang… sa sabay ako kay Thomas dadaanan niya ako dito”. Parang pumalakpak ang tenga ko sa tuwa dahil makikita ko pa din pala siya. “Sumabay ka na lang kay Daddy”. Gusto ko sanang sabihin na makikita ay ako sa kanila pero hindi papaya ang kuya Alex ko. Hmmp… sayang ang effort ko sa pagaayos hindi din naman pala ako mapapansin ngayon ni Thomas. Nagpunta na lang ako sa dining area at tsaka kumain ng aking almusal, maaga pa naman at 8:00 pa naman ang pasok ko, ganon din naman si kuya maaga lang sila pumapasok ni Thomas dahil sa varsity player sila ng basketball. Pero Monday ngayon wala silang practice bakit ang aga nilang papasok? Hay… para na akong sira talaga bakit parang iniistoke ko na si Thomas buti na lang wala pa siyang girlfriend, siguro talaga ako lang ang hinihintay niya. “Huwag kang magalala Thomas, magiging dalaga na din ako. “ sabi ko sa aking sarili. “Claire, nakatulala ka na naman.. Bilisan mo ang pagkain mo. Puna ni Mommy sa akin. Kinuha ko ang orange juice at tsaka sumubo ng hotdog. “Hindi ka ba sasabay sa kuya Alex mo”? “Hindi po..” mabilis kung tugon kay mommy. Busy ako sa aking pagkain ng maulinigan ko ang boses ni Thomas at ni Kuya Alex na papunta dito sa loob ng dining area umayos agad ako ng mukha at kunwari wala akong pakialam sa kanila. “Good morning po tita”. Bati ni Thomas sa mommy ko. “Good morning Claire. “ Hindi ko siya pinansin kunwari hindi ko siya narinig at busy ako sa aking pagkain. “Oh, Thomas umupo ka na at kumain muna kayo ni Alex… hayaan mo yang si Claire at may sumpong na naman yan”. Ang mommy ko talaga kahit kailan panira drama ko lang naman yon, kunwari wala akong pakialam kay Thomas Hay.. Napailing na lamang ako at tinuloy ang aking pagkain. Umupo si Thomas sa tabi ko na labis ko din naman ikinatuwa, hmmm… kung hindi ko siya nakakasabay sa pagpasok ay makakasabay ko naman siya sa pagkain Hay ang suwerte ko naman. Mas binagalan ko pa ang aking pagkain para naman mas matagal ko pa siya makakasama. Alam kong napapatingin siya sa akin pero hindi ko siya tinitingnan kunwari wala akong pakialam sa kanya. “Claire, iabot mo ang orange juice kay Thomas”. Utos ng mommy ko. Iniabot ko ang pitsel ng orange juice sa kanya ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Simula sa araw na ito hindi ako magpapa sin sa kanya hayaan ko na lang na siya ang makapansin sa kagandahan ko. Pero dahil sa tense ako dahil sa katabi ko siya natabig ko ang aking baso dahilan upang matapunan ko ang palda ng aking uniform napatayo ako bigla at para na akong iiyak dahil sa natapunan ng juice ang aking uniform ayaw ko na kasing umakyat baka kasi pagbaba ko wala na sila dito. “Mommy… sigaw ko pa wala akong pakialam kung ano man ang isipin niya sa akin. “Ano ba yan Claire? Kung makasigaw ka about hanggang kanto… dalaga ka na uy..!! “ sermon ni mommy sa akin, gusto kong sabihin na mamaya niya na akong sermunan kapag wala na si Thomas sa harap ko. Napatingin ako sa kanya at kitang – kita ko na napangiti siya sa sinabi ng mommy ko o dahil sa pagsigaw ko, inirapan ko siya at lalo kung nakita na mas lumaki ang ngiti niya. Pero para akong pinana ulit ni kupido dahil sa tingin ko lalo siyang naging guwapo sa paningin ko, lalo ko tuloy siyang nagugustuhan. “Umakyat ka na at magpalit, paalis na ang Daddy mo”. Waka akong nagawa kung di ang sumunod sa mommy ko wala na talaga akong pag asa na makasabay si Thomas at alam naman gustong gusto naman yon ni kuya Alex. Patabog akong umakyat patungo sa aking silid bakit ba kasi na tetense ako kapag kaharap ko si Thomas sana naman hindi niya napapansin yon, ayaw kung malaman na may crush ako sa kanya gusto ko siya ang unang nagsabi sa akin na gusto niya ako. Mabilis akong nagpalit ng uniform ko, pagharap ko sa salamin nabura na ang lipstick na nilagay ko kanina pero dahil sa nagmamadali ako inayos ko na lang ang aking buhok at mabilis na bumaba. Pagbaba ko bigla akong nalungkot umalis na kasi sila ni Kuya Alex Kaya no choice ako kundi ang sumabay sa Daddy ko. Manda talaga sa akin yang Alex na yan mamaya pagbabanta ko sa kuya ko as if naman magkikita kami mamaya sa school. Mabilis akong sumakay sa kotse ng Daddy ko ihahatid niya na lamang ako. Sayang lang talaga ang pagpapaganda ko nagsisi tuloy ako sana pala binati ko na siya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD