Prologo

546 Words
Prologo “Alexxxxxxx…. Sigaw ng batang babae na nasa sampung taong gulang na si Claire. Nagngingit na naman kasi siya sa galit dahil sa madalas siyang pagtaguan ni Alex ang nakakatandang kapatid niya. Dalawa lang silang mag kapatid pero halos hindi sila magkasundo palagi kasing si Claire ang laging nasusunod sa lahat ng bagay kung bakit ba pati ang kanyang paglalaro ay kailangan nakasunod pa din ito sa kanya. Alexxxxx…..!!!!! Patuloy sa pagsigaw ni Claire alam ni Alex na hindi titigil ang kanyang kapatid sa pagsigaw hanggat hindi siya magpapakita. Kaya kahit anong gawin niya ay mapipilitan siyang magpakita kay Claire. “Ano ba na naman ang problema mo? “ “Gusto kong sumali sa laro nyo… “ nakapamewang na wika nito sa kanya. Tumigil ka nga Claire, pang lalaki lang ang larong ito, bakit hindi ka na lang makipaglaro sa mga kalaro mo? “No, I don’t want to play with them… “ pilit nito sa kanya. “Hindi nga pwede… bakit ba ang kulit mo? “ “Bakit ba hindi ako pwedeng sumali sa inyo? “ pangngulit niya kay Alex. “Huwag ka ng mag tanong basta hindi pwede”. Nagmamaktol siyang lumayo at umupo sa damuhan habang pinagmasdan niya lamang ang kanyang kapatid at si Thomas ang matalik na kaibigan na kanyang kuya. Ang totoo talaga hindi naman siya interesado makipaglaro sa kanyang kapatid gusto niya lang makita si Thomas na madalas na kasama ng kanyang kuya Alex dito sa burol. Crush niya si Thomas simula ng araw na nakita niya ito at madalas ang pagpunta sa kanilang bahay ay nagkaroon na siya ng paghanga dito, pero syempre inililihim niya ito sa kanyang kuya Alex ayaw niya kasing tuksuhin siya nito kay Thomas. Halos tatlong taon ang tanda ng kanyang kuya Alex at ni Thomas sa kanya. Medyo matured na kung mag isip kumpara sa kanya, pero simula ng makilala niya si Thomas ay madalas ang kanyang pagaayos sa sarili pero hindi naman siya pinapansim nito kung kaya ang pagsama niya sa kanyang kuya Alex ang nakita niyang paraan upang mapansin siya nito. Basta makita niya lang si Thomas ay nagiging kumpleto ang araw niya. Kung minsan lihim siyang napapangiti kapag napapatingin ito sa kanya o Di Kaya naman kapag kakausapin siya nito. Kailangan updated din siya sa Mga pinaguusapan nila ng kuya Alex niya at ni Thomas para naman pwede siyang makisali sa usapan nila. Kahit hindi niya gustong manood ng NBA at PBA games ay mapipilitan siya. Yong player na favorite ni Thomas favorite niya na din kahit hindi niya kilala talaga ito, tuwang tuwa naman siya kapag napapansin ito ni Thomas, nong minsan binigyan siya ng poster ni Stephen Curry kasi nga ang alam ni Thomas favorite niya si Stephen Curry, napilitan siyang I display ito sa kanyang kuwarto dahil espesyal ito at si Thomas ang nagbigay nito sa kanya. Masaya na siya masilayan niya lamang ang mga ngiti ni Thomas at makausap siya kahit sandali lang. Kumpleto na ang araw niya. Alam niyang bata pa siya pero sigurado siya hindi lang crush ang nararamdaman niya para kay Thomas. Pinangako niya sa sarili niya na kapag naging eighteen years old na siya ipagtatapat niya mismo kay Thomas ang kanyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD