Ang Pagkamatay ni Manang Isme

2496 Words
Chapter 16 Sabik na yumakap at humalik sa mga labi ni Miguel si Madam V, nang maiwan silang dalawa sa condo unit nito. Inutusan kasi nito ang tatlo niyang kasamahan, iyon pala ay may balak ang ginang. Pasimpleng umiwas dito si Miguel at kunwa'y nagtatampo na kumalas sa pagkakayakap ng ginang. “Hindi mo man lang ako isinama sa business trip mo. May mahal ka na bang iba?” nagtatampo niyang wika rito. Malandi namang natawa ang babae at parang nang-aakit na lumapit sa kanya. Sa pagkakataong iyon, alam ni Miguel na wala na siyang takas kung sakaling gusto na naman nito maglaro ng apoy. Okay lang sana kung buo pa rin ang loob niya na makipaglaro rito. Pero iba na kasi ngayon, nahahaluan na siya ng pag-alinlangan. Lalo pa't may isang babaeng gumugulo sa utak niya. “Honey! Huwag ka nang magselos. You know my heart is always on you. May kinailangan lang kasi akong asikasuhin at privacy iyon. Para lang sa aming magkasusyo. Don't worry, babawi ako,” mahabang sabi nito. Naramdaman ni Miguel ang muling kahandaan ng ginang kaya napapalunok na lang siya at lihim na napabuntonghininga. Pero hindi pa man din sila nag-uumpisa ay biglang tumunog ang cellphone nito. Naiinis itong tinungo ang shoulder bag at mula roon ay kinuha ang nag-iingay na aparato. Nakita ni Miguel ang pagkalukot ng mukha ni Madam V. Mukhang hindi maganda ang sadya ng nasa kabilang linya. “No, Gaspar! Gawan mo ng paraan ’yan! Hindi puwedeng pumalpak ang plano!” galit na galit nitong bulyaw sa kabilang linya. Kausap nito ay ang step father ni Leo na kasusyo nito. Pinagmasdan niya itong mabuti at tahimik lamang na nakikinig. Napapapikit ito sa inis at napapahampas pa sa katabing sofa. Nang mapansin siya nito ay bahagya itong tumalikod at pasabunot ang buhok na humarap sa malaking bintana ng condo. May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi. Mukhang alam na niya ang nangyayari. Lihim niyang kinuha ang aparato sa bulsa at tiningnan iyon. May apat na messages siyang nakita. Alam niyang sa opisina na iyon. Kaya nagtungo siya ng banyo. Binuksan niya ang shower para kunwari ay naliligo siya. Mabilis niyang binasa ang mga messages at napangiti siya ng malapad nang mabasa ang magandang balita mula kay Theo. Agad niya iyong binura para safe kung sakaling maiwan o may makakita noon na ibang tao. Talagang doble ingat siya, lalo na nasa poder siya ni Madam V. Laging naka silent ang phone niya at kung minsan naman ay ibang number ang gamit. Dahil nabasa na rin naman siya sa lagaslas ng tubig kaya naligo na lang siya. Sigurado naman siya na hindi na matutuloy kung ano man ang nais ni Madam V, sa gabing iyon. Sira na ang araw nito at kapag ganun ay nawawalan na ito ng gana sa pakikipagtalik. Mabilis niyang tinapos ang paliligo. Paglabas niya ng banyo ay naabutan niya ang ginang na naninigarilyo habang nakatanaw sa mataas na building. Ganoon ito kapag may mabigat na problema. Ibinubuhos sa sigarilyo ang lahat. “Ano’ng nangyari,” malambing niyang tanong dito na yumakap pa mula sa likuran nito. “May anumalyang nangyari sa negosyo namin. Ang tanga talaga ng leader!” galit nitong sambit habang bumubuga ng usok mula sa sigarilyo. “Ganyan talaga sa negosyo. Ups and downs kaya kailangan marami kang extra money para kung lumagapak man, agad na makakabawi,” pang-aalo niya pa. Pero para siyang idinuduyan sa hangin sa sobrang saya. “Tama ka. Pero mas malaki kasi ang nawala ngayon. Ilang taon din namin iyong pinaghirapan. Pero hindi bale, mababawi rin iyon,” may pilyang ngiti na naglalaro sa mga labi nito na ikinabahala ni Miguel. Mukhang may ibang plano na naman yata itong binabalak. Kailangan pala na mag doble ingat siya. Sa ilang buwan na magkasama sila nito kilalang-kilala niya na ang ginang. Alam niya na rin kung ano ang kaya nitong gawin. Maaaring babae lang ito pero mas higit pa sa lalaki ang kaya nitong gawin. “I'm tired, let's sleep.” pinatay nito ang sigarilyo sa ashtray at nagpatiuna na itong tumungo sa malaking kama. Naging sunod-sunuran na lang si Miguel. Pasasaan ba't matatapos din ang lahat ng ito. HABANG sa kinaroroonan naman ni Vanessa ay hindi siya mapalagay. Gusto niyang tumawag sa pamilya at ipaalam sa mga ito na buhay pa siya. Ilang araw na kasi ang lumipas simula nang maaksidente siya. Siguradong nag-aalala na ang mga magulang sa kanya lalo na't hindi siya tumatawag sa mga ito. Naiwala niya kasi ang cellphone nang nasa kakahuyan na siya dahil sa sobrang takot. Hindi niya nga maalala kung saan niya ito nabitawan. Nabuburyo na rin siya sa kinaroroonan. Buong maghapon lang siyang nakahiga roon. Babangon lang kung oras na ng pagkain at pag-inom niya ng gamot. Napalagay na rin ang kanyang kalooban kahit papaano dahil mabait talaga si Rona at ang guwapong doktor doon. Nakakasundo na niya ang mga ito. Napasulyap siya sa stop toys na nasa unahan. Ito ’yung manikang kinuha niya isa sa mga kahong nasa bodega. Inabot niya ng mga kamay iyon at inusisa. Ngayon niya lang kasi itong napagmasdang maigi. Pero parang nag-iiba ang pakiramdam niya sa manika. Parang nagiging creepy sa paningin niya dahil malaki ang tiyan ng manika. Hindi katulad sa mga ibang manika na naka level lang ang katawan, maliban lamang sa malalaking stop toys. Inalog-alog niya ang manika at nagulat siya nang may marinig na tunog sa loob nito. Buong akala niya ay battery lang iyon ng manika. Pino ang tunog at parang may buhangin sa loob. “Talking doll yata itong nakuha ko, kaya may battery,” kausap niya sa sarili. Hinanap niya ang lagyanan ng battery sa likuran ng manika, pero wala siyang makita. Kahit inikot na niya ang buong katawan nito. Halos hubaran na nga niya ng damit ang manikang iyon pero wala talaga. Muli niya iyong inalog. May tunog pa rin pero parang may nagbubundulang mga bato. “Paano ko ba ito mabubuksan?” tanong niya sa isip. Nag-isip siya kung sisirain niya ba iyon o hindi. Sayang naman kasi kung sisirain niya. Muntikan pa siyang mamatay nang dahil lang doon. Pero mas nananaig talaga ang curiosity ni Vanessa sa kung ano ang posibleng laman ng manikang iyon. Tiningnan niya ang oras. Mag-aalas-dose na ng tanghali. Ilang sandali lang ay papasok na roon si Rona para maghatid ng kanyang pagkain. Kaya isinantabi niya muna ang balak. Hahanap na lang muna siya ng ipangbubukas niya sa laruan. Inilagay niya ang manika sa gilid ng higaan at inayos na ang sarili. Ilang segundo lang ay pumasok na nga si Rona. Sa pagkakataong iyon ay may kasama na itong isa pang lalaki. Matangkad, moreno at maganda ang pangangatawan. “Hi, Vanessa,” agad na bati ni Rona sa kanya pagpasok nito. Malapad ang pagkakangiti nito sa mga labi. Tango lamang ang naitugon niya dahil nakatuon ang pansin niya sa lalaking kasama nito. “By the way, Vanessa. This is George. Isa siya sa mga nagbabantay rito,” pagpapakilala ni Rona sa binata. “George, this is Vanessa,” baling naman nito sa binata. Hindi nakaligtas sa paningin ni Vanessa ang pagkindat ni Rona sa binata. Na para bang may ibig iyong sabihin. “Kumain ka na. Babalikan kita mamaya para tanggalin ang benda sa ulo mo. Mukhang magaling na rin itong sugat sa binti mo kaya puwede ka nang maglakad-lakad sa labas,” mahabang sabi ni Rona. Medyo nakaramdam siya ng tuwa sa sinabi nito. Kahit papaano ay makikita na niya ang buong paligid at kung saang parte na ba siya ng Pilipinas ngayon. Kating-kati na rin siya sa katawan dahil ilang araw na rin siyang walang ligo. Pana'y lang ang palit niya ng damit at underwear na bigay sa kanya ni Rona. Mukhang may department store rin yata roon dahil halos lahat ng ibigay sa kanya na susuotin ay bago. Kung minsan pa nga ay may tag price pa. Ang sarap sana ng buhay niya kung hindi lang magulo ang utak niya. Kung hindi pa lang niya iniisip ang pamilya at kung ligtas pa ba siya sa lugar na iyon. Hirap na siyang magtiwala pagkatapos ng nangyari sa kanya sa bahay ni Madam v. Habang tumatagal kasi ay mas lalo niyang nakikilala ang totoong pagkatao nito. Simula nang tumira siya sa bahay nito ay marami siyang nakita at napansin na hindi niya inakala na magagawa nito. Animo'y hunted house ang bahay nito sa dami ng kababalaghan, maging ang mga nakatira roon ay puro balatkayo. Ang buong akala niya, ang Dyosang hinahangaan niya noon na maraming natulungan at may magandang kalooban ay kabaliktaran pala at mas masahol pa. “Vanessa. May gumugulo na naman ba sa isip mo?” untag ni Rona sa naglalakbay niyang diwa. “W-wala. Naiisip ko lang ang pamilya ko. Baka kasi mag-alala sila sa akin,” mahina niyang sabi. “Pasensiya na, Vanessa. Hindi ka pa puwedeng tumawag sa kanila.” Kunot-noong tumitig siya sa dalaga. “Bakit?” “Malalaman mo rin ’yan. Sa ngayon. More patient pa,” tugon nito. “Pero bakit?” nagtatakang tanong niya ulit. Pero hindi na sumagot si Rona. Habang ang lalaking kasama nito ay nanatili lang nakikinig sa kanilang pag-uusap. Seryoso lang ang mukha nito. “Magpahinga ka muna. Babalik ako mamayang hapon,” sabi nito. Isa-isa na nitong kinukuha ang mga pagkaing hindi niya naubos. Pagkatapos ay nagpaalam nang aalis. Naiwan na naman siyang puno ng katanungan ang isip. Para siyang nangangapa ngayon sa dilim. Naramdaman niyang sumakit ang kanyang ulo kaya ipinikit niya na lang ang mga mata hanggang sa makatulog na nga ulit. “All of things, bakit iyon pa ang hinayaan n’yong mawala!” dumadagundong ang boses na bulyaw ni Madam V, sa mga tauhan pagdating ng bahay. Halos bumuga ito ng apoy sa labis na galit. “M-madam. H-hindi po kasi namin napansin,” takot na takot na paliwanag ni Manang Isme. “Tonta! Ikaw ang naririto at pinagkakatiwalaan ko, tatanga-tanga ka!” sigaw nito sa matanda. Mabilis nitong kinuha ang baril na nakasuksok sa baywang ng isang tauhan nito at walang pag-alinlangan na ipinutok iyon sa matanda. “Itapon ’yan! Just make sure na walang makikitang bakas!” utos nito sa mga kalalakihan. Pero biglang nagbago ang isip nito at muling inawat ang mga tauhan sa akmang pagtatapon sa patay na katawan ng matanda. “Sa gagawin ko tingnan ko lang kung hindi lumabas sa lungga ang babaeng iyon!” mapanganib na ngiti ang lumabas mula sa mga labi ni Madam V. “Miguel. Look at this!” Nagmamadaling lumapit si Brent sa table ni Miguel at ipinakita rito ang hawak na newspaper. Halos lumuwa ang mga mata ni Miguel sa gulat nang makita ang larawan ni Manang Isme na nakahandusay sa sahig. Naliligo ito sa sariling dugo. Pero mas lalong nagpagulat sa kanya nang makita ang mukha ni Vanessa. Katabi lang din ng larawan sa diyaryo ni Manang. Ito ang tinutukoy na salarin sa pagpatay sa matanda. “’Di ba, iyan ’yung assistant ni Madam V? I didn't know na magagawa niya pa lang pumatay ng inosenti,” nanghihinayang na wika nito. Ngunit nanatili lamang walang imik si Miguel habang titig na titig sa larawan ng dalaga. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari sa bahay ngayon ni Madam V. “Brent, tawagan mo muna si Theo. Ask him if busy siya. Kung hindi naman, pakiusapan mo munang bumalik dito. I have to go.” Hindi na niya hinintay pang makapagsalita ang kasama at nagmamadali nang umalis. Napapailing na lang na sinundan ito ng tingin ni Brent. “Miguel. Vanessa killed Manang Isme,” umiiyak na sumbong kaagad ni Madam V, nang dumating siya. Agad itong yumakap sa kanya at nag-iiyak. Gumanti siya ng yakap pero ang mga mata ay gumagala sa buong kabahayan. Nakita niya sa kusina ang mga kapulisan at ilang tauhan ni Madam V. Mukhang nag-iimbistiga ang mga ito. “Let's go there,” bulong niya kay Madam V, bago ito iginiya papunta sa kusina. “Papaano po ba kayo nakakasiguro na si Miss Vanessa Salcedo ang pumatay sa kusinera ninyo?” usisa ng isang pulis kay Manong Berting. “N-nakita ko po. Nagkaroon po kasi sila ng pagtatalo ni Manang Isme kaya siguro nagawa niya iyon.” Halata ang kaba sa mukha ng matanda habang nagsasalita ito. “Hindi n’yo po ba napansin na may itinatago pala siyang baril?” patuloy ng pulis. “Hindi po namin naisip iyon. Kasi mukhang mabait at magalang naman si Vanessa. Saka napansin din po namin na parang wala siya sa sarili palagi. Para po siyang nababaliw,” tugon naman ng matanda. Si Miguel na nakikinig ay parang gusto nang manapak. Alam niyang hindi iyon magagawa ni Vanessa. Hindi nito kayang pumatay ng tao. Mali ang mga ibinibintang ng mga ito. Habang si Madam V, naman ay panay pa rin ang pag-atungal. Talagang pinanindigan ang pagka best actress. May pahagulgol pang nalalaman. “Saan ba ang kuwarto ng dalaga rito?” tanong ng isa pang pulis na agad sinamahan ni Mang Berting. Gustong awatin ni Miguel ang mga ito at ibalibag sa labas. Pero kahit nagpupuyos na ang kalooban ay nagawa niya pa ring magtimpi. Para silang mag-asawa ni Madam V, na magkayakap habang nakasunod sa mga ito. Pumasok sila sa kuwartong inuukupa ni Vanessa at naghalughog ang mga pulis doon. Wala namang nakita ang mga itong nakaka-duda, maliban sa duguang baril na siya raw ginamit ni Vanessa sa pagpatay kay Manang Isme. Kahit alam ni Miguel ang posibleng gagawin ng mga ito sa baril ay nanatili lang siyang tahimik. Alam niyang may prenp up na magaganap sa kasong iyon para tuluyang maakusahan si Vanessa sa salang hindi nito ginawa. “Babalik kami rito para sa iba pang deltalye, Madam. At sisiguraduhin naming makukulong ang may sala. Hahanapin namin si Vanessa Salcedo,” wika ng mga pulis bago magpaalam. Bitbit ng mga ito ang baril na ginamit sa pagpatay kay Manang Isme. Kinuha na rin ang bangkay ng matanda at dinala sa morgue. “Ang buong akala ko umuwi si Vanessa sa kanila. Iyon kasi ang sabi ni Manang Isme kahapon nang tanungin ko siya,” hindi nakatiis niyang sabi. Bumaling sa kanya si Mang Berting at tila nababalisang tumingin sa kanya. At dahil doon ay mas lalo pang lumakas ang hinala niya. “Iyon din ang akala ko. Maayos naman siyang nagpaalam sa akin,” tugon naman ni Madam V. Nagpapahid na ito ng mga luha at inayos ang nagusot na kasuotan. “I see,” tipid niyang sagot. “Umuwi ka na lang muna sa inyo, Berting. Ipapatawag na lang kita kapag kailangan,” utos dito ni Madam V. “Y-yes po, Madam.” Nagmamadaling iniwanan sila nito. Kaya dalawa na lang silang naiwan sa sala. “I need to call. . . Sa agency. Kailangan ko na ulit humanap ng bagong mga katulong,” wika nito. Diretso itong umakyat ng hagdanan at iniwan siya roong mag-isa. Tamang-tama naman dahil magkakaroon siya ng pagkakataong tumawag sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD