Anino sa Dilim

2026 Words
Chapter 9 Sa mga nagdaang araw ay ayos naman ang pananatili ni Vanessa sa bahay ni Madam V. Madali lang naman kasi ang ipinapagawa nito sa kanya sinasamahan niya lang ito kahit saan ito magpunta. At ngayon ay araw ng linggo ay humingi siya ng day off para makauwi muna sa kanyang tinutuluyang apartment. Para na rin makakuha ng iba pa niyang gamit at madalaw ang mga kaibigan. Nami-miss na niya kasi ang mga ito. Masayang sinalubong siya nang land lady nilang si Miss Joy. At alam na niya kung bakit. Ngayon kasi ang due date ng upa niya sa apartment. “Welcome back, Vanessa,” masayang bati nito. “Miss Joy. Sa loob na po tayo magbayaran,” aniya. “Naku, Vanessa. Wala ka nang babayaran. Fully paid ka na sa upa mo. Binayaran na ni Miguel kanina. Limang buwan kang walang upa kaya anytime maaari ka pa ring mag-stay rito,” tuwang sabi nito. “Ho? Narito rin po si Miguel? Bakit niya po iyon ginawa?” kunot-noong usisa niya. “Hindi ko rin alam. Hindi na kasi ako nagtanong pa nang magbayad siya. Ang mabuti pa ay siya na lang ang kausapin mo.” Matapos makipag-usap kay Miss Joy ay agad na siyang umakyat ng kuwarto. Na-ubo pa siya nang sa pagpasok ay sinalubong siya ng alikabok. Ilang araw lang siyang hindi nakauwi roon ay para na iyong isang taong hindi nalinisan. May mga nakasabit na ring mga supot ng gagamba. Ang higaan niya ay napuno na rin ng alikabok. Kaya't naglinis na muna siya. Habang sa kabilang kuwarto naman ay tahimik lang na nagmamasid si Miguel sa ginagawa ni Vanessa. Hinintay niyang kumatok ito sa kuwarto niya at komprontahin siya sa ginawang pagsalo sa bayarin nito. Mismo siya ay hindi alam kung bakit bigla-bigla ay nagawa niya iyon. Siguro marahil ay naaawa lamang siya rito. Noong isang gabi kasi ay narinig niya itong kausap ang kapatid nitong lalaki sa cellphone, mukhang nanghihingi ng pambayad sa tuition. Narinig niya ang naging tugon nito sa kapatid na hahanap pa ng paraan dahil magbabayad pa raw ito ng renta, dahil dalawang buwan na raw itong hindi nakakapagbayad dulot ng malaki ang nagastos noong nakaraang buwan. Kaya noong kaninang nagbayad siya kay Miss Joy ay isinali niya na rin kay Vanessa. May advance pa nga ng limang buwan. “s**t! this is to much!” inis niyang sabi. Inalis niya ang mga mata sa butas at nagpasiyang lumabas ng kuwarto. Sa rooftop na lang siya magpapahangin. Habang nagpapahangin si Miguel ay nakatanaw lamang siya sa buong paligid. Nag-o-obserba kung meron bang kahina-hinala roon. Hanggang sa mapako ang paningin sa highway. Mayroon doong isang Van na kulay itim at may isang lalaki sa labas ’nun na naninigarilyo. Pana’y ang sulyap nito sa apartment nila. Agad ay kinutuban siya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon at tinawagan ang isa sa mga staff ng TEEB. “Pare, busy ka ba? Puwede bang magpadala kayo rito ng tao? Meron kasing aaligid rito na isang van. Kulay itim at may plate number na 4054. ” Matapos makipag-usap sa kabilang linya ay bumaba na siya. Nagkasalubong pa sila ni Vanessa sa hallway, may bitbit itong map at walis tambo. Lalagpasan na niya sana ito nang magsalita. “Bakit mo ginawa iyon?” tanong nito. “Baka kasi kailangan mo ng pera kaya ako na ang nagbayad para makatipid ka,” sarkatiskong saad ni Miguel. Pero imbis na magpasalamat si Vanessa ay parang mas naramdaman niya ang insulto rito, kaya galit niya itong hinarap. “Hoy! lalaki! kahit pa maubos ang pera ko at mamulubi ako wala kang karapatan na insultuhin ako! sinabi ko ba sa ’yo na bayaran mo ang utang ko!” Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ni Vanessa. Talagang nainis siya sa tono ng pananalita ni Miguel. “Talaga bang hindi ka marunong magpasalamat?” Medyo tumaas na rin ang boses ni Miguel. “No way! hindi ko naman sa ’yo hiniling na gawin mo ’yon! kahit pa magbenta ako ng laman gagawin ko, basta huwag lang humingi ng tulong sa ’yo!” Tuluyan nang umakyat sa ulo ang dugo ni Miguel. Nagiging matalim na kasi ang pananalita ni Vanessa. “Ganoon ba? Magkano ka ba at ako na lang ang bibili sa ’yo.” Hindi na nakapagtimpi pa si Vanessa. Inihagis niya sa magkabilang gilid ang hawak at lumapit sa binata. Malakas niya itong sinampal sa magkabilang mukha. Galit namang napasapo sa mukha si Miguel. “You will pay for this, Vanessa!” Inisang hakbang lang ni Miguel ang pagitan nilang dalawa. Marahas niya itong hinapit sa baywang at mariing hinalikan sa mga labi. Nanghina ang mga tuhod ni Vanessa dahil sa higpit ng yakap ng binata, lalo na nang ipitin pa ng mga braso nito ang mga kamay niya. Gusto niyang magpumiglas at magwala sa galit dahil sa kapalastanganang ginawa, pero ang kabilang isip niya naman ay mariin ding tumututol. Napatitig na lang siya sa kawalan hanggang dahan-dahang napapikit. Ramdam ni Vanessa ang matamis na mga labi ng binata. Maging ang paggalaw nito. Kaya't ang mga labing nakatikom ay unti-unti na ring nagbigay daan upang makapasok ang dila ni Miguel na kanina pa sumasalakay. Ang mahigpit nitong yakap ay unti-unti ring lumuwang upang tuluyang makawala ang mga brasong nakulong sa mga bisig nito. Parang may sariling isip ang mga kamay na kusa iyong yumapos sa leeg ni Miguel. Hanggang sa pareho na silang nakalimot. Natuto si Vanessa sa paggalaw at tamang paghalik dahil sa ekspertong mga labi ni Miguel. Wala na silang pakialam kung makita man sila ni Miss Joy. “There you are!” nanunuksong saad ni Miguel nang bitawan nito ang mga labi. Hindi na makita ni Vanessa ang galit sa mukha nito, bagkus ay isang pilyong ngiti na ang iyong masisilayan. Hindi naman siya nakapaghanda sa biglang pagbitiw nito kaya hindi kaagad nakasagot. Sa isip ay nabitin siya. Nahihiyang umiwas siya ng tingin dito at napakagat-labi. “Sa tingin ko, papasa na ako,” muling sabi nito bago siya tuluyang iwan. Natitigilang naiwan si Vanessa sa hallway. Gustong niyang mainis sa sarili. Nagpadala siya sa matamis na halik ni Miguel. Parang kinain niya lang tuloy ang mga binitawang salita, hindi niya magawang itanggi na nagustuhan niya ang paghalik nito. Napabuga na lang siya ng hangin sa kawalan at isa-isa nang pinulot ang mga inihagis. Dahil buong maghapong naglinis si Vanessa ay hindi na muna siya bumalik sa bahay ni Madam V. Tinawagan niya si Vicky upang maiparating dito na mag-e-extend siya ng day off. Lalabhan niya pa kasi ang mga bedsheets na nadumihan, pati na rin ang mga maruruming damit niya. Nang makapagpaalam sa kabilang linya ay sandali siyang nagpahinga. Mga bandang alas-sais na iyon ng hapon. Hindi na siya nag-abala pang magluto dahil sa labas na siya kumain. Dahil sa pagod ay nakatulog si Vanessa. Nagising siya ng bandang alas-diyes ng gabi dahil sa parang maiihi na siya. Matapos makapagbanyo ay agad din siyang bumalik sa higaan. Akmang matutulog na uli nang may mauligang ingay na nagmumula sa labas. Bumangon siya ng higaan at lumabas ng kuwarto upang usisain ang ingay. Madilim sa hallway, tanging ang ilaw na lang ng poste sa labas na pumapasok sa loob ng grilles ang nagsisilbing liwanag doon. Maingat siyang naglakad sa takot na makagawa ng ingay. Papalapit na siya sa hagdanan nang may makitang anino sa madilim na parte ng hallway. Nasa pinakadulo ang kuwarto niya at isang kuwarto na lang ang lalabangin niya bago makarating sa pinaka-pintuan. Huminto siya sandali at nagmatyag. Nang walang napansin ay muli siyang humakbang, ngunit sa paghakbang niya ulit ay saka naman ang pagdaan ng isa pang anino. Sa pagkakataong iyon ay nagsitaasan na ang kanyang mga balahibo. Gusto niyang kumaripas pero para siyang ipinako sa kinatatayuan. Hanggang sa bigla na lang lumabas ang mga iyon at nag-uunahang bumaba ng hagdanan. Buong akala niya ay wala na ang mga ito, pero sa gulat niya ay meron pa pa lang isa. Nagmula iyon sa rooftop na bigla na lang tumalon sa harap niya. Muli ay hindi na nakayanan ni Vanessa ang takot, bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay. Walang nagawa si Miguel kun`di ang buhatin ang dalaga at dalhin sa kanyang kuwarto. Pumalpak na naman siya sa plano dahil dito. Pangalawang beses nang nasira ang plano niya dahil lagi itong nasa eksena. Kung bakit kasi laging naroon ito sa tuwing gagawa siya ng patibong sa mga kalaban na sumusunod sa kanya. Tiningnan niya ang dalagang mahimbing na natutulog sa higaan niya. Nakasuot lamang ito ng kulay puting t-shirt at halatang walang suot na panloob dahil nakikita niya ang mga dugyot nitong bakat na bakat. Biglang nag-init ang katawan niya nang mapadapo ang mga mata sa mapuputing hita nito. Kinuha niya ang kumot at tinabunan iyon. Pinalipas muna ni Miguel ang ilang segundo bago muling lumabas ng kuwarto. Babalikan niya ang dalawang lalaki na kanina pang nagmamatyag sa tinutuluyan nila. Sa kalaliman ng gabi ay tatlong mga anino ang tila mga pusang naghahabulan at nagtataguan sa buong apartment. Kung sino ang unang mahuhuli ay siyang kawawa, pero hindi nagpapatalo ang isang Miguel Serrano. Kahit pa dala-dalawa ang kalaban niya ay kayang-kaya niya sa galing at lakas na mayroon siya siguradong magagapi niya ang mga ito. “Sino ang nag-utos sa inyo na sundan ako!” galit niyang tanong sa isang lalaking nahuli. “Wala kang makukuhang sagot, kahit pa ano’ng gawin mo!” singh,knal nito. “Ah, ganoon ba! nasubukan mo na bang makuryente?” “Kahit patayin mo pa ako!” “Sige. Mabait naman akong kausap, eh!” “Lopez! pumasok na kayo!” Makaraan lang ang ilang minuto ay may pumasok nang mga kalalakihan. May bitbit ang mga ito ng baril. “Dalhin ’to sa presinto at putulan ng dila! ayaw magsalita.” “Kami nang bahala, Sir. Siguradong hindi na ito sisikatan pa ng araw.” ”Iyong isang lalaki, nahuli na ba?” “Yes! nakatali na ang mga kamay at paa!” “Good! call me kung may lead na kayo sa mga ito. And please, do it right away.” Agad namang dinala ng mga tauhan niya ang dalawang lalaki sa tanggapan nila. May tinawagan pa siyang ibang member, si Rebecca, ang researcher ng Eagles Empire. Matapos itong bilinan ng mga dapat gawin ay naglibot muna siya sa paligid. Sinigurado niyang wala nang makakapasok pa na masasamang loob. Nang masiguro na ang lahat ay bumalik na siya ng kuwarto. Naabutan niyang nakatagilid na si Vanessa sa kama. Ang kumot nito ay nahulog na sa sahig, kaya nakikita na niya ang panty nito. Dahil manipis lang iyon at hipster pa, nasisilip na niya ang mumunting balahibo nito, pati na rin ang malalim nitong hiwa sa gitna. Napalunok siya ng laway, dahil biglang umigkas ang pang-ibaba niya. “Oh, s**t! you drive me crazy, Vanessa!” sambit niya. Bago pa makagawa ng kasalanan ay nagmamadali na siyang pumasok ng banyo at nagbuhos ng malamig na tubig. Baka sakaling mawala ang kaninang init niya sa katawan. Mahigit dalawang linggo na rin kasing walang nangyari sa kanila ni Madam V. Dahil pakiramdam niya ay nandidire na siya. Direng-direng siya sa sarili, everytime na hahalikan niya ito at yayakapin. Kahit labag sa kalooban ay ginagawa niya pa rin sa tawag ng tungkulin. Nagpapasalamat na lang siya dahil naging daan si Vanessa para maging successful ang pagtatalik nila ni Madam V. Dahil kasi rito ay nairaraos niya ang lahat. Para maging kapani-paniwala ang pagpapanggap niya na masarap angkinin ang ginang. Pero pagkatapos ng bakbakan nila at wala na ito ay halos mailabas niya ang bituka sa kaduduwal. Ilang beses din siyang naliligo sa mainit na tubig para talaga tanggal ang germs. At ngayon wala na siyang gusto pang angkinin kung hindi si Vanessa na lang. Ipinilig niya ang ulo sa mga naisip. Labis na kasi ang pagnanais niya sa dalaga. Nagmumukha na tuloy siyang manyakis. Mabilis na niyang tinapos ang paliligo. Nang makalabas ng banyo ay nakadapa na ang dalaga. Natawa na lang siya dahil sa bagong nalalaman dito. Para pala kasi itong bata matulog. Hindi na siya magtataka kung kinabukasan ay nasa sahig na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD