Hindi inaasahang Bisita

2664 Words
Chapter 10 Nakapikit pa ang mga matang bumangon si Vanessa sa higaan. Ang sarap ng tulog niya, nanaginip pa siyang magkatabi sila ni Miguel sa higaan. Pupungas-pungas na tumayo na siya habang inuunat ang mga kamay at paa. Nang biglang may masagi ang mga ito. Napamulat siya bigla at nagulat nang makita ang dalawang pares na mga paang malalaki. Sinundan niya ito nang tingin at nang mapadapo sa mukha ng nagmamay-ari nito ay nanlaki ang mga mata. “Good morning, Vanessa. How's your sleep?” Ang nakangiting si Miguel ang bumungad sa kanya. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” Agad na napatakip siya ng katawan nang maalalang maluwang na t-shirt lamang ang suot niya. “This is my room! kaya ako naririto.” Nagtaka naman si Vanessa kung paano siyang napunta roon, samantalang Sigurado naman siyang nasa sariling kuwarto siya kagabi. Hanggang unti-unting naalal ang lahat. “Teka! iyong mga anino kagabi. Nakita ko may mga taong nakapasok dito. Hindi ko lang namukhaan dahil may mga takip sila sa mukha,” nahintakutan niyang sabi. “Wala na sila, nahuli na. Mga nagbabalak magnakaw rito sa apartment,” seryosong tugon naman Miguel. “Paano nga pala ako napunta rito?” “Nakita kita sa hallway na walang malay. Dito na kita dinala baka bumalik pa ang mga masasamang loob na iyon at ano’ng gawin sa ’yo na masama.” Gustong kiligin ni Vanessa sa sinabi nito, pero pinigilan niya ang sarili. Baka makahalata pa ang mokong na ito at asarin pa siya lalo. “Bilisan mo nang maligo at magbihis. Kailangan na nating bumalik sa bahay ni Madam V.” “Mamayang hapon pa ako at—” “Hindi puwede! may mga bisitang dumating at kailangan tayo sa bahay. Magiging busy ang lahat.” “Magta-taxi na lang ako.” “Huwag na. Mas madali tayong makakarating kung motor ang sasakyan natin. Hindi na nagsalita pa si Vanessa. Halata naman kasi na hindi siya mananalo sa pakikipagtalo rito, kaya kahit magpumilit pa siya sa gusto ay wala rin siyang magagawa. Tumayo na mula sa pagkakahiga si Miguel kaya nagmamadaling tumabi sa gilid si Vanessa. “Ano pa ang hinihintay mo? Baka gusto mong paliguan pa kita.” Sa sinabing iyon ni Miguel ay patakbo na siyang lumabas ng kuwarto. Napapangiti namang nagtuloy na sa banyo si Miguel upang maligo. Matapos makaligo ni Vanessa ay agad na siyang naghanda ng mga gamit na dadalhin. Sigurado siyang matatagalan siya sa pag-stay sa bahay ni Madam. Dinala na niya lahat ng kakailanganin. Patapos na siya nang may kumatok. “Sino ’yan?” malakas niyang tanong upang marinig nang nasa labas. “Ako ito si Miguel! bilisan mo na riyan! hihintayin kita sa labas!” pasigaw ring tugon nito. Kaya nagkukumahog na siya sa pag-aayos. Nang tapos na ay agad na siyang umalis. May halong kaba at excitement siyang naramdaman, dahil muli niya na naman mararamdaman ang katawan ni Miguel. Pagkababa ni Vanessa ay agad siyang sumakay sa motor ni Miguel. Kaso nahirapan siya ng konti dahil sa laki ng bag na dala niya. Saglit na bumaba si Miguel sa motor at tinungo ang likurang bahagi. “Don't move! hawakan mong mabuti ang bag mo. Stay here, kukuha lang ako ng tali.” Pumasok ulit ito sa loob ng apartment at sa paglabas ay may dala ng mahabang tali. Kinuha nito ang dala niyang bag at inilagay sa kanyang likuran. Itinali nito doon upang hindi malaglag kapag bumyahe na sila. “Ok, hold me tight!” utos nito nang makapuwesto na muli sa unahan. Agad naman siyang yumakap sa baywang nito at pasimpleng inilapit ang mukha sa likod ni Miguel. Amoy na amoy niya ang pabango nitong mukhang mamahalin. Kung hindi lang talaga bodyguard ang trabaho nito ay iisipin niyang mayaman si Miguel. Mukha kasi itong mayaman tingnan, pati ang tono ng pananalita, maging ang english nito, napaka fluent kung magsalita. Ibang iba sa mga ordinaryong tao kung makapagbitaw ng kataga. Siguro kung sino ang makakita sa kanila ay iisiping magnobyo silang dalawa. Sa ayos nilang iyon ay daig pa nila ang magnobyo. At hindi niya maipagkakaila na nagugustuhan niya rin. Pasado alas-siyete na ng umaga nang dumating sila sa subdivision. Inihinto ni Miguel ang motor sa entrance at pinakiusapan ang guwardiya na kung maaaring doon muna si Vanessa habang wala pang dumaraan na taxi. Hindi kasi sila puwedeng sabay na pumunta sa bahay ni Madam V. Baka paghinalaan pa silang dalawa. Nanghahaba naman ang mga nguso ni Vanessa nang marinig ang sinabi ni Miguel sa guwardiya. Ang buong akala niya talaga ay sabay silang pupunta sa bahay ng amo, iyon pala ay mang-iiwan ito sa ere. “Takot lang talaga ang mokong na ito na mahuli ni Madam V. Baka matapos din ang kaligayahan niya!” naiinis na sabi ni Vanessa sa sarili. Para siyang probinsiyanang bagong dating ng Maynila na nag-aabang ng masasakyan na taxi. Pinagpapawisan na siya ng malagkit dahil napaka-bigat ng dala niyang bag. Masakit na rin ang sikat ng araw sa balat. “Sumakay ka na lang ng taxi. Hindi tayo puwedeng makita ng iba na magkasama. Mahirap na,” ani Miguel. Inismiran niya lang ito at pagdaka'y tumalikod. Gusto na lang mapaiyak sa inis ni Vanessa nang marinig ang malakas na pagharurot ng motor ni Miguel palayo. “Mabunggo ka sana!” wala sa sariling sambit niya. Mga ilang minutong paghihintay ng masasakyan, biglang may huminto sa harap niyang abuhin na kotse. Bumaba ang tinted windows ’nun at iniluwa ang mukha ni Leo Madrigal. “Vanessa, right?” agad nitong tanong nang makilala siya. “O-oo,” tipid niyang tugon. “Where are you going?” Napadako ang mga mata nito sa dala niyang bag. “Babalik na sa bahay ni Madam V.” Hindi siya makatingin dito ng diretso dahil sa sobrang hiya. “Oh, i see! sumabay ka na lang sa akin Doon din kasi ang punta ko. I have an appointment with Madam V.” Nabuhayan naman ng loob si Vanessa. Talaga namang hulog ng langit itong ai Leo sa kanya. Dahil sa oras ng pangangailangan niya ay lagi itong naroroon. Katulad noong nasa conference meeting sila. Dalawang beses siya nitong tinulungan sa mga mabibigat na dala. “Hop in!” wika nito. Nagulat pa siya nang automatic nagbukas ang pintuan ng sasakyan nito sa gilid. Kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Agad siyang sumakay ng sasakyan, karay-karay pa rin ang malaki niyang bag. Hindi maipinta ang mukha ni Miguel nang makitang dumating si Leo na kasama si Vanessa. So ito pala ang nasakyan nito papasok ng subdivision. Agad niyang sinalubong ang dalaga upang tulungan ito sa dalang bag, ngunit agad din itong umiwas. Kaya naman si Leo na lang ang hinarap niya. “What are you doing here, Leo?” seryoso ang mukhang tanong niya. “Just like you. Work is being done,” sarkatiskong tugon nito. “Do you want to use Vanessa in your plans?” “Hindi! i want to be her friends. Masama ba?” tila nang-iinis pa nitong sabi. “I'm warning you, Leo. She's not involved in this case, kaya huwag mo siyang dinadamay!” “Mukhang mahalaga siya sa ’yo, Miguel. O katulad ng sinabi mo. . . Na ginagamit mo lang din siya.” Napakuyom ng kamao si Miguel at gusto nang sapakin ang kaharap. Kaso nagtitimpi lang siya dahil nakita niyang paparating si Madama V. “Just enjoy, Miguel. Narito ang ibang mga kasusyo ni Madam V. Iisa lang ang kailangan natin kaya just do your job and I'll do my job.” “Hindi kaya dapat unahin mong imbistigahan ang iyong step father? mukha kasing mas marami siyang alam kung pag-uusapan ay droga.” Kunot-noong napatitig naman si Leo sa kanya. “What do you mean?” “Well, ’di ba magaling ka naman? Ikaw na siguro ang maghanap ng sagot sa katanungan mo.” Umalis si Miguel at iniwan si Leo na nag-iisip. Sa mga oras na iyon sigurado siyang hindi na ito mapapalagay. Kilala niya si Leo at alam niya kung paano ito mag-isip. Ngunit ang isiping magkasama ito at si Vanessa ang labis niyang ikinagagalit. Mukhang nagkakabutihan na ang dalawa. Sa ilang oras na lumipas ay hindi na muling pinansin pa ni Vanessa si Miguel. Sa tuwing magkakasalubong silang dalawa ay mabilis siyang umiiwas. Hanggang sa mga oras na iyon kasi ay hindi pa rin napapawi ang inis niya rito sa dibdib. Labis siyang nasaktan sa pag-iwan nito sa kanya sa ere. Mga ilang sandali pa ay nagsidatingan na nga ang iba pang bisita ni Madam V. Mga sampung lalaki ang dumating kasama na roon ang step father ni Leo na si Gaspar Dominguez. Isa rin kasi ito sa mga kasusyo ni Madam V. Kilala rin ito sa tawag na Master. “Vanessa, nakikita mo ba iyong mistisong lalaki na iyon?” pasimpleng bulong sa kanya ni Vicky, habang iningunguso nito ang lalaking sa hula niya ay may dugong bughaw. Nasa kusina sila ngayon at nakatanaw sa mga bisita ni Madam na masinsinang nag-uusap sa sala. Kasalukuyang nagkakape ang mga ito habang hindi pa handa ang hapag kainan. Kausap din ng mga ito si Madam V, na katabi lang din naman si Miguel. Para talaga itong tuta ni Madam V. Palaging nakabuntot. “Oo, bakit? Kilala mo ba ’yan?” “Oo, si sir Jonathan ’yan. Napakabait n’yan sa akin at palagi ’yan siya naririto para sa transaction nila ni Madam,” kinikilig na saad nito. “May gusto ka ba sa kanya?” “Kahit sino naman yata magkakagusto sa kanya. Bukod sa guwapo na, mabait pa.” “Kailan lang ba kayo nagkakilala n’yan, kilala mo ba talaga siyang mabuti?” usisa niya na akala mo'y isang imbistigador. “Isang buwan na rin. Mabait naman siya at palagi akong binibigyan ng tip sa tuwing may iuutos siya sa akin.” Muling sinulyapan ni Vanessa ang tinutukoy nitong Jonathan. Mukha namang kagalang-galang pero iba ang kutob niya sa lalaki. Nahuli niya kasi ito kanina na may kakaibang tingin kay Vicky. Parang may binabalak gawin. “Mag-iingat ka na lang, Vicky. Baka kasi mamaya sumubra ka ng tiwala,” paalala niya rito. “Ano ka ba! huwag mong pag-isipan ng masama si Jonathan. Mabait talaga ’yan, maniwala ka,” pagtatanggol nito sa binata. Namumungay ang mga mata nitong titig na titig sa bisita nila. Nang dumating na ang catering at naluto na rin ang mga putaheng ipinaluto ni Madam sa kusinera nilang si Aling Pasita, ay tumulong na rin sila sa paghahanda ni Vicky. Paroo't parito sila sa garden dahil doon gaganapin ang salo-salo. Ang buong akala nila ay sampo lang talaga ang mga VIP. Pero pagdating ng alas-dose ay dumating naman ang iba pang kakilala ni Madam V. Mga miyembro iyon ng organisasyon nila at foundation na tinutulungan ni Madam V. Nagmistulang may fiesta sa bahay ni Madam V. Maraming pagkain at inumin. Tama pala ang sinabi ni Miguel kanina sa kanya. Magiging busy sila buong araw. Pagsapit ng hapon ay isa-isa nang nagsi-uwian ang mga bisita. Ang naiwan na lang ay ang sampong kalalakihan na unang dumating kanina, kasama na roon si Leo. May mga sariling kuwarto ang mga ito sa bahay ni Madam V. Hanggang sa gumabi na nga. Puro na lang inuman at kuwentuhan ang nagaganap. Lumapit sa kanya si Leo at binigyan siya ng isang basong wine. “Hindi ako umiinom?” tanggi niya nang iabot sa kanya ang alak. “Pasensiya ka na. Akala ko kasi hilig mo rin ang pag-inom. What do you want? Softdrinks?” “Huwag na, ok lang ako,” nakangiting sabi niya. “Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti,” papuri nito. Gusto niyang kiligin at matuwa sa papuri ni Leo. Pero hindi iyon madama ni Vanessa dahil ang atensiyon niya ay nakatuon sa dalawang nilalang na animo'y bagong kasal sa sobrang sweet. Gusto niya nang batuhin ng throw pillow si Madam V at Miguel. Nagyayakapan ang mga ito sa sofa at kita niya na ang mga kamay ni Miguel ay nasa pagitan na ng mga hita ng babae. Inis na inis siya habang lihim na napapasulyap sa mga ito. “Oh, heto! para tanggal ’yang selos at inggit mo sa dalawang ’yon!” wika ni Leo na pilit ibinibigay sa kanya ang alak. Pagak siyang natawa rito. Hindi na niya maitatanggi pa ang tunay na nararamdaman, huli na siya sa akto. Tinanggap niya ang baso at dahan-dahan sinimsim ang laman n’yon. Pero kahit pa ubusin niya ang alak, hindi mawawala ang selos at sakit na nararamdaman. Medyo hindi niya nagustuhan ang lasa. Mapakla iyon na maasim sa sikmura. “Wala bang ladies drink d’yan? Hindi ko kaya ang tapang niya,” reklamo niya rito. “Hindi ko alam. Kinuha ko lang kasi ito sa counter na maraming alak.” Napatango-tango na lang siya at hinanap ng mga mata si Vicky. Nagulat siya nang makitang kausap na nito si Jonathan. Binigyan ito ni Jonathan ng isang basong wine at walang reklamo naman nitong tinanggap iyon. “Excuse me lang, Leo. Pupuntahan ko lang sandali si Vicky,” paalam niya rito. Agad niyang nilapitan si Vicky na sa mga oras na iyon ay parang lasing na. Ni hindi pa nga ito nakakainom ng marami. Paglapit niya ay agad na ibinigay nito sa kanya ang basong may laman pang alak, dahil sandaling tinawag ito ni Jonathan. Nagkukumahog itong lumapit sa binata. Nagpapahalata talaga ito na may gusto sa binata. Wala naman sa loob na nilagok niya iyon. Marahil na-engganyo siya sa amoy ng alak, kakaiba kasi iyon sa natikman niya kanina, kaya ginawa niyang tubig ang pag-inom dito. Medyo nahilo siya ng konti at parang umikot ang kanyang paningin. Pasuray-suray siyang naglakad patungong kusina at naghanap ng puwede niyang kainin. Maglalasing na lang siyang mag-isa, total tapos na man na ang kanilang trabaho. Gabi na at nakauwi na rin ang ibang bisita. Si Vicky naman ay hindi niya na rin makita, marahil ay nasa malamig na lugar na ito kasama si Jonathan. Pumuwesto siya sa pinakadulo ng kusina at parang broken hearted na nagda-drama. Nakaka ilang shot pa lang si siya, pero parang nag-iinit na ang buong katawan niya na parang gusto niyang maghubad. May kakaiba rin siyang naramdaman sa sarili na hindi niya maipaliwanag. Nagiging wet na rin ang pang-ibabang bahagi na animo'y naihi na siya sa kanyang panty. “Hi, Miss! can i join you?” saad ng isang lalaki. Kahit naduduling ay nakilala pa rin ito ni Vanessa. Ito ’yong driver ’nung Jonathan. Napangiti siya nang maisip na may makakasama na sa pag-iinom. Masiyado nang nilamon ng alak si Vanessa kaya hindi na niya alam ang pinaggagawa. Idagdag pa na nag-iiba ang pakiramdama, parang may gustong kumawala na init sa ilalim ng kanyang kaibuturan. Pero hindi pa man ito nakakasagot ay dumating na si Miguel. “Aalis ka ba o pasasabugin ko ang mukha mo!” banta ni Miguel sa lalaki. Nahintakutan naman ito sa sinabi ni Miguel. Lalo na nang makita nito ang kabuuan ng binata. Mabilis itong lumayo at naiwan silang dalawa ng dalaga. “Ano bang ginagawa mo!” galit na wika ni Miguel habang pilit pinatatayo si Vanessa sa pagkakasalampak. Lungayngay na ang ulo nito pero dilat na dilat pa ang mga mata. Sa tingin niya ay umepekto na rito ang gamot na hinalo ni Jonathan sa inumin. Kitang-kita ni Miguel kanina ang paglagay nito sa basong inumin ni Vicky. Pero hindi iyon tuluyang nainom ng dalaga, bagkus ay ibinigay nito ang alak kay Vanessa na walang kagatol-gatol naman nitong nilagok. Alam niyang ecstasy drugs iyon at may balak itong gawin sa dalagang si Vicky. “Bitawan mo nga ako! bu-bumayik ka na ro-roon sa shu-shugar mommy mo!” bulol-bulol na nitong sabi. Alam ni Miguel hindi ito lasing, marahil ay epekto lamang iyon ng gamot. Kaya't mukhang sabog si Vanessa. At alam niya rin kung ano ang maaaring mangyari. Kaya agad niya itong binuhat at dinala sa sariling kuwarto. Baka may mangyari pa ritong masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD