Chapter 11
Pagpasok ng kuwarto ay agad na hinalikan ni Vanessa si Miguel sa mga labi. Parang may kung ano’ng sumapi sa kanya na nagagawa niya ang kapangahasang iyon. Nasa katinuang pag-iisip pa siya pero ang mga kamay at labing sumasalakay sa mga labi ni Miguel ay hindi na niya mapigilan. Para siyang uhaw na uhaw na hindi niya maintindihan. May pagmamadali rin sa kanyang mga kilos. Ang mga kamay ay parang may sariling mga isip na naglakbay sa kabuuan ni Miguel.
“Va-vanessa!” parang nahihirapang daing ni Miguel. Napapikit ito sa ginawang paghagod ni Vanessa sa katigasan nito.
Ayaw samantalahin ni Miguel ang kahinaan ng dalaga, lalo na't nasa ilalim ito ng ipinagbabawal na gamot. Pero tao lang siya na walang ibang hinangad kung hindi ang maangkin ito. Pati siya ay nanghihina na rin, lalo na sa mga ginagawa nito ngayon. Nag-umpisa nang magalit ang kanyang alaga at gusto na iyong kumawala.
“Vanessa. . . please stop it!” mahinang daing niya.
“Gusto mo ba, Miguel? Kaya mo na bang kalimutan si Madam V?” mapang-akit na bulong ni Vanessa.
“Oooh!”
Hindi na napigilan pa ni Miguel ang sarili. Inihiga na niya si Vanessa sa kamang naghihintay at hinalikan ito ng mariin sa labi. Agad namang itong gumanti kaya mas lalo pa siyang nangahas. Ang kaniyang mga labi ay unti-unting bumaba sa leeg at nagtagal iyon doon. Pabaling-baling na ang mga ulo ni Vanessa dahil sa magkahalong sensasyong nadarama. Hanggang sa tuluyan nang hinubad ni Miguel ang kanilang mga saplot sa katawan. Mainam niyang tinitigan ang kabuuan ni Vanessa. Napangiti siya sa kagandahang nakalatag, maging sa parteng tagong bahagi ng katawan nito. Sinalat niya ang pang-ibaba nito at naramdaman niyang handa na iyon sa anumang mangyayari.
“Ituloy mo na, Miguel!” tila nababaliw na daing ni Vanessa. Nakapikit pa rin ito at hinihintay lang ang mga susunod niyang hakbang.
Muli ay hinalikan niya ito sa leeg, pababa sa dibdib at pinaglipat-lipat doon ang mga labi. Nilalaro na rin ng mga dila niya ang mga dugyot nito kaya napapasabunot na ito sa kaniyang buhok. Bumaba ang halik niya sa tiyan nito at ang pusod naman ng dalaga ang nilaro-laro niya. Impit na itong napaungol at napapa-sambit sa pangalan niya. Ang mga kamay niya naman ay pana'y ang pagdama sa ibabang bahagi nito. Na-e-enjoy siyang laruin iyon ng mga daliri.
Hindi rin naman nagpahuli si Vanessa. Itinulak niya si Miguel at siya naman ang gumalaw. Kahit walang karanasan sa ganoong bagay, kahit papaano ay may natutunan naman si Vanessa sa mga napapanuod niyang movie. Pumatong siya kay Miguel at ito naman ang pinaliguan ng halik. Pinagapang niya ang mga labi sa dibdib nito at nilaro ang mga pinong balahibo nito sa dibdib pababa sa may pusod nito na hindi rin naman niya pinalampas. Labis itong nakikiliti sa ginawa niya kaya napapa-daing ito. Ginaya niya lang ang mga ginawa nito sa kanya kanina. Hanggang sa mapadako siya sa pinaka ibabang bahagi. Nagdalawang isip siya sa gagawin, dahil hindi pa naman siya nakakaranas ng ganoon. Buong paghanga niya lang tinitigan iyon. Nagmamayabang itong nakatindig na sa hula niya ay nasa walong inches. Napalunok siya sa excitement, ang matagal niyang pinangarap ay malalasap niya na ngayon. Pero hindi makakapayag si Miguel na maunahan ni Vanessa. Muli ay ipinahiga niya ang dalaga at mabilis itong sinisid.
“Miguel!” sambit nito. Hindi malaman kung saan ibabaling ang mga ulo. Para siyang nakukuryente sa sarap ng ginagawa nito.
“Miguel. . . a-a-ayan na!” pagdaing niya. Pero bago pa siya dumating sa rurok ay mabilis na tumigil si Miguel at ipinatong ang buong bigat sa kanya. Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras. Tinawid na nito ang sukdulan.
“A-aray!” bulalas ni Vanessa nang maramdaman ang tila pagkapunit ng pang-ibaba.
Natigilan naman si Miguel. Kita niya ang pamimilipit ni Vanessa at pagbaon ng mga kuko nito sa likod niya. Kaya naging maingat siya sa paggalaw. Dahan-dahan, hanggang sa nakita niyang hindi na ito nasasaktan. Bahagyang bumilis ang kanyang paggalaw sa ibabaw nito.
“Bilisan mo pa ng konti,” nakangiting utos ni Vanessa.
Ang hudyat na iyon ang naging dahilan upang bilisan pa ni Miguel ang galaw. Para siyang nakikipag-unahan sa karera, lalo pa't sinasabayan na siya ni Vanessa. Hinawakan niya ito sa balakang at mabilis na binayo. Pareho na silang pawisan. Napupuno na ng mga pagdaing nila sa buong kuwarto, wala na silang pakialam kung may makarinig man. Ang importante ay pareho nilang nailalabas ang tunay na nararamdaman.
“Sabayan mo ako, Babe,” anas ni Miguel sa punong tainga ni Vanessa.
“O-oo!” hinihingal namang tugon niya. Pakiramdam ni Vanessa ay mauubusan siya ng hininga sa bilis ng paggalaw nila ni Miguel. Hanggang sa ilang minuto nga ay naabot na nila ang rurok ng kaligayahan. Pagod ang katawang napatihaya si Miguel sa gilid ni Vanessa, habang siya naman ay napapikit na lang sa sobrang pagod. Ilang segundo muna ang pinalipas ni Miguel bago muling tinunghayan ang dalaga. Nakapikit ang mga mata nito at sa tingin niya ay nakatulog na ito, dahil sa normal na ang paghinga nito. Tumaas ang isang kamay niya at inilapat sa makinis nitong pisngi.
“You are mine now, Vanessa,” mahina niyang bulong sa punong tainga nito. Alam niyang hindi na iyon maririnig ng dalaga dahil tulog na ito.
Iyon ang akala ni Miguel. Nangilid ang mga luha ni Vanessa nang marinig ang bulong na iyon ni Miguel. Wala na siyang nararamdaman na kakaiba, katulad ng nangyari sa kanya kanina. Ang nararamdaman niya na lang ngayon ay ang kabog ng dibdib. Hindi niya alam kung bakit siya napaluha sa bulong na iyon ni Miguel. Naghuhumiyaw ang kaniyang puso, dahil hindi iyon ang gusto niyang marinig mula rito. May ibang kataga pa siyang nais sabihin nito. Ngunit hanggang sa makatulog na lang si Vanessa ay wala na siyang salita pang narinig mula rito.
Alas-tres ng madaling araw ay nagising si Vanessa. Naramdaman niyang nakayakap sa kanya si Miguel. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga kamay nitong nakayapos sa kaniyang baywang at kahit masakit ang katawan at pang ibabang bahagi ay pinilit niyang bumangon. Pinulot niya isa-isa ang mga nagkalat na saplot sa sahig at tahimik na nagbihis. Bago lumabas ng silid nito, mainam niya munang tinitigan ang guwapong mukha ni Miguel. Pinipigil niya ang sariling huwag iyong haplusin at baka ito'y magising. Muli ay tumulo ang kaniyang mga luha. Ngayon ay kaya na niyang aminin na mahal niya ito, simula pa noong una. Pero alam niyang malabong mahalin rin siya nito. May iba na itong gusto. Ang nangyaring iyon sa kanila ay bunga lang ng kanyang kalasingan. Siya ang nagbigay motibo rito at siya rin ang dahilan kung bakit naisuko niya ang pagka-babae. Pero wala siyang madamang pagsisisi, bagkus ay tuwa ang naramdaman niya dahil kahit papaano naging parte na ito ng pagkatao niya. Pinahid niya ang mga natuyong luha sa pisngi at nagmamadaling lumabas sa silid na iyon.
Tahimik at seryosong naglilinis siya ng opisina ni Madam V, nang biglang pumasok si Vicky. Nangangalo mata ito at tila wala sa sarili.
“May problema ka ba, Vicky?”
“Wa-wala!” tipid nitong tugon. Ngunit duda si Vanessa sa pagkabalisa nito.
“Kung kailangan mo ng kausap, sabihin mo lang. Handa akong makinig. . . saan ka nga pala nagpunta kagabi?”
Hindi ito sumagot at nanatili lang nakatitig sa kanya.
“Vicky!” untag niya na ikinagulat naman nito.
“Sa-saka na lang kapag handa na ako,” makahulugang sabi nito. Hindi na nagpumilit pa si Vanessa, nakikita niya kasi ang takot sa mukha nito.
“Pinapatawag ka pala ni Madam V.”
“Bakit daw?”
“Hindi ko alam. Nasa dinning table sila,” tugon nito.
Kinabahan naman siyang bigla. Naiisip niya kasi si Miguel. Baka nilaglag na siya nito sa ginang. Ayaw pa naman ng binatang magtrabaho siya roon.
“Sige, maiwan na muna kita,” paalam niya rito, saka nagmamadaling lumabas ng opisina.
Sandaling napahinto sa paghakbang si Vanessa nang matanawan si Miguel. Katabi nito si Madam sa upuan, habang sa magkabilang gilid naman ay ang business partner nitong si Gaspar Dominguez at step son nitong si Leo. Masayang nag-uusap ang mga ito at tila ang mga kaganapan kagabi ang pinag-uusapan. Pinuno niya muna ng hangin ang dibdib, bago tuluyang lumapit sa mga ito.
“E-excuse me, Madam. Pinatatawag n’yo po raw ako,” wika niyang nakayuko.
“Yes, Vanessa. Leo told me about you. Hindi mo naman sinabi sa akin na magkaibigan pala kayo. Ipinagpaalam ka niya sa akin. Ipapasyal ka daw niya ngayon,” nakangiting wika nito.
Siya naman ay parang napako sa kinatatayuan. Hindi alam kung ano ang isasagot.
“Say yes, Vanessa. Pumayag na si Madam V. Akong bahala sa ’yo,” wika naman ni Leo sabay kindat sa kanya.
Sandaling nag-isip siya. Kung sasama siya mamaya kay Leo ay maiiwasan niya si Miguel. Hindi na niya kailangan pang magtago kung saang sulok ng bahay ni Madam V.
“Sige,” tipid niyang tugon at nahihiyang ngumiti sa mga naroroon. Nahagip nang paningin niya si Miguel. Nagdidilim ang mukha nitong nakatitig sa kanya.
“May iuutos pa po ba kayo, Madam?” baling niya sa amo.
“Wala na. Salamat, Vanessa. Puwede ka nang bumalik sa ginagawa mo.”
“After lunch tayo aalis, Vanie,” sabat naman ni Leo.
“Sige.”
Mabilis siyang tumalikod sa mga ito at bumalik na sa opisina ni Madam.
Kakatapos niya lang magbihis nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto. Sa pag-aakalang si Leo ay binuksan niya iyon. Ngunit laking gulat niya nang mapagbuksan si Miguel.
“Are you sure, sasama ka kay Leo?” galit nitong tanong.
“Pumayag na si Madam V. At mabait naman si Leo. Ano’ng masama kung sasama ako sa kanya!” inis niyang tugon.
“You're mine now, Vanessa!”
“Mine? Bakit? Kailan mo pa ako nabili? Kagabi? Hindi porke't nakuha mo na ako at naangkin mo na ang katawan ko ay magiging sa ’yo na ako!” nanggagalaiti niyang sambit. Pakiwari niya kasi ay naging basehan ang katawan niya para ariin siya nito.
Napasabunot naman sa buhok si Miguel. Na-realize niyang bigla ang kamalian. Walang salita siyang lumabas ng silid ni Vanessa.
Napabuntonghininga na lang si Vanessa. Dapat ay maging masaya siya, dahil napapansin na siya ni Miguel. Pero mas nangibabaw sa kanya ang sakit at lungkot na katawan niya lang talaga ang gusto nito, kaya inaangkin siya nito ng pilit.
“Tahimik ka yata. Si Miguel ba?” usisa ni Leo kay Vanessa habang nagda-drive.
Gulat namang napasulyap dito si Vanessa.
“Hi-hindi!”
“Huwag mo nang ipagkaila. I can see it in your eyes. Alam kung may namamagitan sa inyong dalawa ni Miguel.”
Pagak siyang natawa.
“Minsan, gusto ko nang magduda sa ’yo. Para ka kasing imbistigador,” wika niya.
“Hindi kasi kayo magaling magtago ng nararamdaman n’yo ni Miguel,” natatawang sagot naman nito.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Pareho kayong dalawa. Taguan ng feelings.”
“Wow! manghuhula ka na rin pala ngayon?”
Natatawa na lang si Leo sa mga naging sagot sa kanya ni Vanessa. Kahit ano’ng liko niya ng usapan, hindi niya talaga ito mapapaamin. Mas lalo na si Miguel. Katulad ng kapatid nitong si Carla ay mataas din ang pride. Kailangan mo pa latagan ng ebedensiya bago umamin ng tunay na nararamdaman.
Napanganga si Vanessa sa laki ng bahay ni Leo. Ang buong akala niya ay mamamasyal lang sila, pero sa bahay nito siya dinala.
“Please, come in!”
“Bahay mo ba ’to?” namamangha niyang tanong.
“Yes! secret house.”
“Secret house? Bakit mo ’ko dinala rito kung secret house pala ito,” nakataas ang kilay niyang sabi.
“Because your my friend at especial ka,” tugon naman nito.
“Especial? Mukhang hirap naman akong maniwala sa sinasabi mo. Bagong magkakilala pa lang tayo, tapos especial kaagad ang tingin mo sa akin,” hindi pa ring kombensidong wika ni Vanessa.
“Well, nararamdaman ko at alam kong mabait ka at mapagkakatiwalaan. Malakas din kasi ang pakiramdam ko. Parang sa aso,” nakangisi nitong sabi. Nahulaan kaagad nito ang sasabihin niya, kaya inunahan na siya.
“Maliban sa akin, may nakakaalam pa ba sa secret house na ito?” pinagala niya ang paningin sa labas ng malaking bintana. Mula roon ay kita niya ang malawak na lupain. Maraming puno ng mangga at niyog na hitik na hitik sa mga bunga. May mga ilang kubo ring nakatirik sa pinakadulo at may mga magsasakang nagtatanim.
“Ikaw lang at si Car—”
“Hi! i'm sorry, i'm late!”
Isang maganda at sexy na babae ang biglang dumating. Naka short lang ito ng maiksi at naka sleeveless na pinatungan ng jacket na maong, habang may nakasabit na backpack sa balikat nito.
“Oh! hindi mo naman sinabi sa akin na may bisita ka,” baling nito kay Leo, habang matamang nakatitig kay Vanessa.
“She's Vanessa. Nakatira siya sa bahay ni Madam V,” agad na tugon ni Leo kay Carla at pinandilatan ito ng mata.
Sandaling natahimik ito at tila nag-iisip. Ngunit nang kalaunan ay lumapit ito kay Vanessa at nagpakilala.
“Hi, Vanessa! nice to meet you,” nakangiti nitong sabi sabay lahad ng mga palad sa dalaga.
Nahihiyang tinanggap naman iyon ni Vanessa at nagpakilala rin.
“Sana mag-enjoy ka rito. Marami kang makikitang magandang tanawin dito, aside sa mga puno ng mangga at niyog,” dagdag pa nitong wika.
“Carla, can we talk?” sabat ni Leo sa pag-uusap ng dalawa. Sinenyasan nito ang dalagang sumunod. Kaya naman naiwang mag-isa si Vanessa sa sala.
Ibinalik niya ang tingin sa labas at pinagsawa ang mga mata sa gandang taglay ng tanawin.