"Bakit ako pa?" tanong ni Ella habang nakatingin sa akin. "M-Madumi po ako nung kinuha mo ako."
Bumalik ako sa pagkakaupo. "Yan marahil ang pangunahing dahilan. Dahil gusto akong insultuhin ng fiancé ko."
"Po? Bakit?"
"Gusto niyang makipag-hiwalay sa’kin nang gano’n-gano’n na lang matapos ang lahat ng inambag ko sa buhay niya. Isn’t it unfair and too heartless for her to do that?" Ngumisi ako nang nakaloloko at napatingala sa kawalan. "After all the shits we’ve been through, she’s just gonna throw it away like nothing."
Mas natawa ako sa aking isipan. Well, marahil para sa kanya ay wala nga ito.
And the more I think about it, the angrier I get, and the more I want to suffer with her. Just wait until she gives in and gets married to me.
Five years ago, I met HazelAng unang impresyon ko sa kanya ay hindi maganda. Hindi ko siya gusto noon dahil sa hindi ganoon kayaman ng pamilya niya at mayroon siyang mga record na iba't-ibang lalaki ang inaakit niya. Ngunit nakita ko ang kanyang sinseridad sa likod ng kanyang masamang intensyon sa akin.
Nandoon siya tuwing kailangan niya ng kasama. Tuwing hindi siya makatulog sa gabi at kung kailan siya masaya. She’s the only one who made me feel that my feelings were valid, and never once judged me.
Thinking about it now, growing up made me suppress all my emotions, and once they bottled up, I was like an erupting volcano. And it all started with my relationship with my parents. Dahil kahit pa kumpleto at maayos ang pamilya namin ngayon ay hindi iyon perpekto. Since palaging nasa trabaho, ang tuon ng mga magulang ko at tuwing uuwi namam ng bahay ay lagi silang nag-aaway dahil parin sa trabaho.
Nagkakalat ang mga basag na kagamitan tuwing magkasama sila sa bahay kung kaya naman mas gugustuhin ko na lang na magtrabaho sila at huwag ng umuwi. Samantalang si kuya naman ay lumaki sa United States para mag-aral. Naiwan ako sa dati naming mansyon kung saan palihim akong pinagmamalupitan ng mga katulong namin noon gamit ang mga salita, at dahil na rin hindi ako pansinin ng mga magulang ko ay puwede nila akong pabayaan kahit kailan nila gusto.
There were times I kept begging and pleading with my parents for them to stay together. Until I reached a teenager and had become rebellious in my own choice. I often bully and belittle those lowly people out of hatred, not allowing anyone to get near me or even touch me. I had become vicious in the eyes of people, yet no one actually cares, and I only became some sort of entertainment that can be gossiped about as a pastime. I had become a laughing stock, which made me even more distressed.
Three years ago, Hazel and I formed an official relationship and got engaged. My parents were delighted to have her in their family. Afterall, if not for her family background, a polite, honest, and charming woman is a blessing.
Ngunit sa loob ng tatlong taon na iyon, ipinaramdam sa akin ni Hazel kung gaano kasakit magmahal kaysa maging uhaw sa pag-ibig. After her family and my family formed an alliance in the company and achieved their goals, Hazel became more annoyed with me and wanted to cast me away like an insignificant person. Until she bluntly asks for breaking our engagement. Even asked me to sleep with a beggar so as to think of marrying me.
"Paano magagawang hilingin ng isang fiance na makipagtalik ang mahal niya sa ibang tao?" bumubulong na tanong ni Ella sa sarili habang kumakain.
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay sinabayan lamang siyang kumain.Hindi ako ganoon kalakas kumain at kaunting subo lang at inom ng kape ay busog na kaagad ako. Pero para makita si Ella na maganang kumakain ay mas binagalan ko ang pagsubo para lang sabayan siya.
Tutal ay wala naman na akong ibang gagawin sa araw na ‘to kundi ang magpahinga. Ayoko ng istorbo lalo pa’t pagod-pagod ako nitong mga nakaraang araw dahil sa trabaho at personal na buhay. Bibihira na lang akong makaramdam ng kapayapaan sa loob-loob ko.
"SIR MAGNUS!!"
Nabasag ang katahimikan at kaagad akong nairita sa lakas ng boses na sumigaw sa pangalan ko. Sabay-sabay kaming napalingon sa lagusan ng garden kung saan bumulaga si Carlos.
"What's with noise, Carlos?" iritado akong napasinghal.
Hinihingal siyang tumatakbo patungo sa akin. Hawak-hawak niya ang aking cellphone na bibihira ko lang gamitin at lagi kong iniiwan sa living room. Ito ang cellphone na ginagamit ko sa pag-contact sa pamilya ko. In other words, wala iyong kuwenta.
"Let me guess? Tumatawag si kuya?" nananakit ang ulo kong sinigod ang maligamgam na kape.
"Hindi si Sir Luciano!" Nilahad niya ang cellphone ko sa’kin. "Tumatawag si Miss Hazel kanina pa! Fifteen missed calls!!"
"Pfft!!" Nadura ko kaagad ang kapeng iniinom saka uubo-ibong kinuha ang cellphone! Bigla akong napatuwid ng upo at nagmamadaling kinuha at binuksan ang phone calls.
Fifteen?! She never attempted to call me this much! Is she going to come back??
"Why didn’t you bring it to me earlier?!" Pasigaw ko pang tanong.
Nalukot ang mukha niya. "Aba malay ko ba, Sir Magnus! Narinig ko lang na nagri-ring ‘yang cellphone na ‘yan sa pinakaloob ng sofa! Mabuti nga narinig ko pa!"
I gritted my teeth. "Sumasagot ka pa! Tsk! Bakit ba naman kasi rito siya tumatawag?! I told her to call me at my personal number!"
"Tama, mali niya!"
Before I could even answer him, the phone rang again. Sa gulat ay kamuntikan ko pa iyong mahulog. Napatayo ako mula sa kinauupuan saka nang makita ang pangalan ni Hazel na nakasulat sa screen, walang pag-aatubili ko iyong sinagot.
"Hazel! Are you really calling me right now? Where are you? When are you coming back?"
Lahat ng tuon ko ay nasa cellphone, halos wala akong ibang makita o marinig. Tanging ang pandinig ko ay nakalaan sa cellphone na nakatutok sa aking tainga. Hindi rin ako napakali sa aking puwesto kung kaya’t nagsimula akong maglakad palayo.
"Magnus, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" sa wakas ay narinig ko na ang boses niya sa haba ng panahon kahit pa mukhang puno iyon ng matinding pagkarindi.
"Anong ibig mong sabihin?"
Suminghal siya. "Akala mo ba hindi ko malalaman na ginugulo mo ang family business namin at tinitira mo patalikod?! Lalo na ang businesss ni kuya Anthony! Ako ang inaagrabiyado nila dahil sa pinag-gagagawa mo! And I’m supposed to be resting in peace here for Pete's sake!"
Nakuyom ko ang kamao. "And how about me?! You left me hanging on a thread! Tatawag ka ba ngayon kung hindi ko ginagawa ‘yon?"
"Magnus—"
"I’m not going to stop unless you promise me you’re going to come back and marry me!!"
"Hindi ba’t sinabi ko naman sa’yo na pag-iisipan ko pa?! Masyado mo kasi ako laging sinasakal!"
"What?" Napaiim-bagang ako sa narinig. "Since when did I ever make you feel that way? Sa relasyon na ‘to, malaya kang gawin lahat ng gusto mo!"
"Huh! Malaya? Hindi nga ako malayo dahil sa pagiging paranoid mo! Ikaw lang ang lalaking kilala ko na masyadong possessive at seloso! Sinasakal mo ako, Magnus!!"
Natigilan ako sa narinig. Ganoon na lang ang panunuyo ng lalamunan ko dahilan para sunod-sunod akong mapalunok.
"I…” mas lalo kong nakuyom ang kamao. “Hindi naman ako magkakaganoon kung hindi ko nakikita na palagi mong kausap ang boy bestfriend mo!”
Mas lalong nainis ang boses niya. "Si Jason na lang palagi ang pinag-iinitan mo! Kaya nakakawalan ka ng gana! Kasi pati kaibigan ko pinagseselosan mo pa!"
"You already have a fiance! Isn’t it a proper manner to avoid behaving that way so as to avoid misunderstanding? Why is the f*****g need to have a male friend by your side?!"
Narinig ang napakalakas niyang buntong-hininga. "Enough of this, puwede ba? Hindi ako tumwag para makipag-away lang sa’yo. Babalik ako kung kailan ko gusto kahit pa hindi ka tumigil sa panggugulo sa pamilya ko! At nasa akin parin ang desisyon kung pakakasalan kita… o hinde!"
Pinatayan niya ako ng tawag. Mariin akong napapikit at binaba ang telepono. Nang magmulat ay kalmado kong hinanap sa contact ang numero ni kuya saka siya tinawagan. Sampung segundo lang ang lumipas bago niya sinagot.
"Wow! Totoo ba ‘to? Tumatawag ang brother ko?" Sarkastiko niyang bungad sa akin.
"I need your help this time."
He chuckled. "Wow, nagsusumbong parin sa kuya ang kapatid niya."
"I am not!" nahilot ko ang sintindo. "Find my fiance for me."
He fell silent for a while before replying. "And how are you going to pay me back? You know I only accept–"
"You can have have that maid na nagtatrabaho sa akin na gustong-gusto mo! Mika ba ‘yung pangalan no'n? Hindi ba gusto mong makuha ‘yon?” Pag-alala ko. Kaya lang naman hindi ko binibigay ang isang iyon ay para asarin siya.
Humalakhak siya na nagtagal pa ng ilang segundo bago tumugon. "Your fiance is in China."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa biglaang sinabi niya. “What? Matagal mo nang alam?!”
“Of course. After all, matagal ko namang iniimbistigahan ang pamilya ng fiance mo just in case they're involved in illegal businesses. Dahil pagnagkataon, dawit ang pamilya natin.”
“Tssk!” I can’t tell him to stop. “Fine! Well, naasan ang mismong location niya?”
"I’ll send you the exact location... pati na rin ang lalaking kasama niya."
"WHAT?!"