Prologue

325 Words
Taong 2001. Makulimlim ang panahon nang makauwi si Julian sa condo na inuupahan nito. Napahawak ito sa kanyang batok nang maramdaman niyang nandidilim ang kanyang paniningin dahil sa alak matapos siyang yayain ng mga kaibigan. Napasandal si Julian sa pintuan nang biglang kumidlat ng nakapalakas na ikinagulat nito. Sinubukan niyang gumapang papasok ng condo niya at isinara ng dahan-dahan ang pintuan ng condo nito tsaka umupo sa couch sa salas. Biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niya itong kinuha at napagtantong na tumatawag pala ang kanyang ina. “Ma?” tanong ni Julian habang hinuhubad ang t-shirt. “Saan ka ngayon? Umuwi kana,” nag-alalang tanong ng ina ni Julian. “Nakauwi na ako, Ma.” “Wag ka ng lalabas. May paparating na bagyo ngayon.” "Kaya naman pala nakapalakas ng ulan ngayon," wika ni Julian sa kanyang Ina. Pinatay agad ng nanay ni Julian ang selpon pagkatapos tawagan ang anak nito. Pumasok naman si Julian sa kwarto nito para palitan ang pantaas na damit. Nagulat na lamang ito ng kumidlat biglang nakapalakas at nanlaki ang mga mata ni Julian ng makita ang sunog na kurtina niya sa kwarto. Agad naman niya ito nilapitan at kinuha. Inapak-apakan ito ni Julian ng mabilis at agad dinala sa banyo upang siguraduhin na wala na itong natirang apoy. “Hays, nakakatakot naman 'to. Ginagawa akong bading eh,” saad ni Julian habang nilulublob ang kurtina sa tubig. Pagkatapos niyang ilublob ang kurtina, bumalik ito sa kwarto niya at humiga sa kama. Kinuha niya ang selpon na Nokia at binasa ang mga message ng mga karelasyon nito at napatawa bigla. Sa hindi alam ni Julian, iyon na pala ang huling gabi niya sa pagkakataon na iyon. Napatingin ito sa bintana at kumunog ang kanyang noo nang makita na napakasilaw na liwanag sa labas. Ngunit sa di inaasaang pangyayari, nawalan ng nalang ng malay si Julian at lumiwanag na ang buong silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD