Nagising na lamang si Julian sa isang hindi pamilyar na silid kaya napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. Tumayo ito sa pagkakahiga at agad binuksan ang bintana ng silid at laking gulat nito ng makita ang kakaibang mga gusali sa labas ng silid na kaniyang kinagisingan.
Dali-dali siyang lumabas at mabilisang binuksan ang pinto at mas lalo pa siyang namangha sa mga nakita. Mga malalaking gusali at mga kakaibang modelo ng sasakyan ang nakita.
Si Julian ay napatingala at napanganga na lamang habang paulit-ulit na sinasabi ang salitang 'wow'. Habang nakatunganga ito sa harap ng isang malaking gusali, isang matipunong lalaki ang lumapit sa kanya ang hinawakan siya sa balikat nito.
"Do you need something inside there?" tanong sa kaniyan ng lalaki habang tinuturo ang gusali. "Nagtatrabaho ako diyan, so if you need something, you can ask me," dagdag nito habang nakangiti kay Julian.
"Nasaan po ako ngayon?" tanong ni Julian na kinakabahan.
Napatawa naman ang lalaki at napahawak sa kanyang batok. "Bago ka palang ata rito. Nandito tayo ngayon sa labas ng gusali na tinatawag na Robinsons Pioneer Complex. Bale nandito tayo ngayon sa Mandaluyong," wika nito.
Nilibot ni Julian ang mata niya sa gusali at napatawa na parang baliw. Tiningnan siya ng lalaki ng may pagtataka bago ito iniwan si Julian.
"Baliw ata ‘yon," bulong ng lalaki sa sarili.
Napaluha si Julian sa kakatawa ngunit itinigil niya ito ng hindi na ito makahinga.
Napayuko si Julian at kumawala ng malalim na hininga. "Lord, anong nangyayari sa akin. Epekto na ba to nang paglalakwatsa ko?" bulong ni Julian sa sarili.
Malaki ang pagtataka nito dahil hindi pa katao-tao ang Mandaluyong ngunit nagising na lamang siya at ito na ang bumungad sa kanya. Napatango ng bigla si Julian ng may tumawag sa kanya.
"Sir pwede po ba kayong tumabi muna, nakakasagabal kayo. Ang haba na ng traffic, hay nako," sabi ng isang matandang lalaki ang tumulak kay Julian na ikinagulat niya.
Ang walang tigil at mahabang pila ng sasakyan ay muling gumalaw kasabay ng ingay ng mga busina.
"Pasensya kana iho trabaho lang," sabi ng matanda pagkatapos ito tulungang makatayo.
Yumuko si Julian at hinigpitan ang paghawak sa kamay ng matanda. "Bat ganyan iyang suot mo?" patawang sambit ng matanda. "Ganyan talaga mga suot ko nung binata pa ako eh," dagdag ng matanda n ikinabahan ni Julian.
Dali dali itong tumakbo papalayo at bumalik sa bahay na pinanggalingan niya ngunit laking pagtataka nito dahil naka lock ang pinto sa loob. Idiniin niya ito ngunit ayaw bumukas.
Tumigil si Julian sa pag diin ng pinto ng biglang may dumaan na dalawang babae.
Nagtatakang tumitingin si Julian sa hawak hawak ng dalawang dalaga at hinabol niya ito at mabilisang hinawakan ang mga balikat nila at laking ikinagulat naman ng mga dalaga. "Kuya, ano pong kailangan niyo?" kinakabahang tanong ng isa.
"Ano yan?" tanong ni Julian habang tinuturo ang hinahawakan ng dalawang dalaga. Nagkatingin ang dalawang dalaga bago sumagot. "Cellphone po," sagot ng dalawa.
Tiningnan ng mabuti ni Julian ang 'cellphone' ngunit may pagtataka paring nakapahid sa mukha nito. Ilang segundo pa ang lumipas na napasigaw si Julian na ikinagulat ng dalawang dalaga at ng mga tao sa paligid. Agad umalis ang dalawang dalaga dahil sa takot kay Julian.
Napadapa si Julian sa sahig habang hawak hawak ang ulo nito. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit alam niyang may mali. Una, may nakapataas na mga gusali, yungmga pananamit ng ibang tao ay ibang iba sa kanya at panghuli, hindi niya alam kung anong bagay ang nakita niya kanina na dala dala ng dalawang dalaga.
Napabuntong hininga si Julian. "Kalma Jul, hindi ka baliw, sadyang baliw lang talaga ang paligid," patawang saad ni Julian at sinagod ang kanyang buhok.
Tumayo si Julian tsaka inayos ang damit nito bago naglakad papalayo. Maraming teenager ang tumitingin sa kaniya habang tuwatawa at marami ding mga matatanda ang ngumingiti habang pinapanood syang naglalakad ngunit hindi ito pinansin ni Julian at tinuloy tuloy ang paglalakad nito.
Tumigil si Julian ng makakita siya ng isang malaking telebisyon na kasing laki ng isang kubo. Napanganga ito habang nakatunganga nang bigla may bumangya sa kanya na ikinadapa niya.
Umayos ang paa ni Julian dahilan siya ay mapasigaw sa sakit at pinisil ang kanyang binti. Dali daling tinulungan ng mga tao si Julian pati narin ang bumangga nito sa kanyan.
"Hays, ano ba kase ang ginagawa niya sa gitna ng set? Wala ba iyang utak?" Inip na saad ng isang lalaki habang inaayos ang kanyang buhok ng dalawang babae. Hindi alam ni Julian na nasa set pala siya ng mga sikat na artista at dahilan na napatigil ang lahat sa kanilang trabaho.
"Dalhin niyo na iyan sa hospital. Ako ang magsasagot ng bill," pautos na saad ng isang matandang lalaki.
"Opo direk," sagot ng isang crew.
I think this is enough shoot for today. Alam kong pagod na kayo. Magkita nalang tayo next week for the next shoot!" sigaw ng direktor at ang lahat ay nag simula nang maglinis habang ang mga artista naman ay nag-sialisan na kasama ang mga manager nila.
Si Julian naman ay isinikay na sa isang ambulansiya papuntang hospital. Alam naman nilang hindi lala ang nangyari kay Julian ngunit nasa showbiz sila, hindi dapat marumihan ang kanilang pangalan.
Nang makarating si Julian sa hospital, sinubukan niyang magsalita ngunit ang hapdi at ang sakit sa kaniyang paa ay hindi niya kinaya. Ilang minutong asikaso sa kanya ay sa wakas nakalabas si Julian bahang balot na balot ng plaster ang kanyang paa.
Nang maka labas ito galing silid ng doktor, namutla ito bigla ng makita ang malaking kalendaryo na nakasabit malapit sa pintoan ng silid ng doktor. "2021?" nanginginig na tanong ni Julian.
"Hindi, imposible ito," napahawak si Julian ng kanyang ulo at napasandal sa dingding. Namumutla itong nakatunganga sa gilid habang punong puno ang isip ng mga tanong. Hindi niya alam kung bakit ang kung paano siya nakapunta sa panahon na ito.
"Twenty years Julian. Twenty years," saad nito sa sarili na nakatunganga.
Lumabas si Julian ng hospital habang ang mukha nito ay parang binabangungot. Habang papalayong naglalakad si Julian, lumaki ang mata nito ng makita ang bahay ng pamilya ng kanyang kaibigan ngunit lumang luma na ito dahil gawa lang sa kahoy. Minadali niyang pinuntahan ang bahay at kumatok.
"Tao po!" sigaw na tumawag si Julian.
"Sino po hinahanap nyo?" napatingin si Julian sa likuran nito ng may nagtanong biglang sa kanyang bata.
"Saan na pa ang nakatira dito?" tanong ni Julian.
"Papa ko po ang may ari nito," maikling sagot ng bata.
"Pwede mo ba akong dalhin sa Papa mo?" tanong ni Julian.
Tumango naman ang bata at agad umalis. Sinundan naman niya ang bata na tumigil bigla sa isang dilaw na bahay.
"Wait lang po tatawagin ko lang po," wika ng bata at agad pumasok ang sa loob ng bahay, at ilang segundo pa ay may kasama na itong lumabas na medyo matandang lalaki kaya tiningnan ni Julian ng maigi.
Nagulat ang matanda ng makita si Julian at agad namang nanlaki ang kanyang mga mata. "Julian?" 'di makapaniwalang wika ng lalaki sabay lapit kay Julian.
"Rey?" tanong ni Julian.
"Ako si Ren," sagot ng lalaki. "Pero bakit ganyan ka, parang wala ka paring pinagbago simula ng mawala ka noon," dagdag ni Ren.
"Nawala ako?" pagtatakang tanong ni Julian.
"Oo. Pero parang imposible naman atang hindi ka tumanda. Hindi naman ako nagdodroga. Hay nako ang tanda ko na talaga," patawang sabi ni Ren.
"Teka lang Ren. Oo, parang imposible ito pero totoo ako, ako ito Ren. Ewan ko kung paano to nangyari pero parang nandito ako sa kasalukuyan," pahayag ni Julian at agad nilapitan si Ren.
Tiningnan ni Ren nang maigi si Julian at tumawa. "Ikaw nga to. May bakas ka pa sa mukha galing sakin eh."
"Pag-usapan natin to sa loob," saad ni Ren at pumasok na ang dalawa sa loob ng bahay.
Napamangha si Julian sa bagong disenyo ng bahay na agad nakita ni Ren ang mukha ng kaibigan.
"May kakaiba talaga Julian. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo pero bakit ka nandito? Hindi ka ba multo?" tanong ni Ren at kinapkap ang mukha ng kaibigan nito.
Inalis agad ni Julian ang kamay ni Ren mula sa mukha niya at napabuntong hininga.
"Totoo ako pero hindi ko alam bat ako nandito. The last time na naalala ko, naginoman tayo sa bahay ni Harry, umuwi ako at nagising nalang ako na ganito na," napatingin si Ren ng malalim sa kaibigan na nalilito.
Biglang tinawag ni Ren ang apong babae na nanonood ng telebisyon. "Ai, pakitawag ng ate mo," pautos na saad ni Ren sa kanyang anak.
Agad namang umalis ang bata na agad bumalik na may kasamang mataas na babae.
"Pa?" tanong ng dalaga habang papalapit kila Ren at Julian.
"Anak, naniniwala ka ba sa time travel?" tanong ni Ren sa kanyang anak.
Umupo ang dalaga sa harapan nila at tinawanan ang ama nito. "Depende po kung may nakilala na akong galing future or galing past," sagot nito.
"Eh kung may nakilala ka na, maniniwala ka ba sa kanya?" pamimilit na tanong ni Ren.
Hinawakan agad ni Julian ang kaibigan sa braso. "Wag mong pilitin," pabulong na saad ni Julian.
"Papa, imposible naman ang mga bagay na yan. Eh sa mga movies lang ang mga yan eh."
"Hay nako, pumasok ka nalang doon," patulak na dinala ni Ren ang babaeng apo nito papasok ng silid nito.
Bumalik ito agad kay Julian na may hawak na susi ng sasakyan. "Sumama ka sakin. May pupuntahan tayo," Agad namang sumama si Julian sa matandang kaibigan nito at agad pumasok ng sasakyan.
"Iba na pala mga mukha ng sasakyan ngayon eh no?" Sabi ni Julian habang inaayos ang seatbelt nito.
"Oo nga eh. Malaki narin ang pinagbago. Pero iba parin kase tumalon ka ng beinte na taon," sagot ni Ren.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Julian.
Napangiti si Ren sa tanong ng kaibigan. Hindi niya sinagot ang kaibigan at ipinagpatuloy ang pag mamaniho ng sasakyan. Ilang minutong paikot ikot sa daan at narating narin nila ang paparoonan.
"Sementeryo?" pag tanong ni Julian sa sarili.
Walang nagawa si Julian kundi sumunod lamang sa likod ni Ren na nag lalakad. Tumigil ang dalawa sa isang malaking espasyo na may tatlong libingan.
Nanlaki ang mga mata ni Julian ng makita ang pangalan nito sa lapida kasama ng mga pangalan ng kaniyang magulang. Syempre, ilang taon na ang nakalipas.
"Namatay si Auntie six years pagkatapos mong mawala. Binenta ng kapatid mo ang bahay at mga lupa niyo at lumipad palabas ng bansa kasama si Tito. Ewan ko kung saan na yon pero hindi na sila nakabalik na pinas."