"Oo. Tinawagan ko sya pero ayaw nyang maniwala eh. Pero hindi ko sinabi na ganito yung itusra mo... alam mo tung binata pa. Hindi rin yun maniniwala kung sasabihin ko kung totoo so ayun, pinauwi ko nalang para hindi na lalong gumulo," ani ni Ren. Tumango si Julian na nagpapakita na tama ang ginawa ni Ren at sumandal sa mesa. "Sa totoo lang ayaw ko pang umuwi," biglang saad ni Julian na napatingin naman si Ren sa kanya. "Bakit?" "Ewan ko, sa totoo eh mas masaya ako ngayon." "Hindi mo ba namimiss yung araw na mas bata pa mga magulang mo. Ayaw mong umuwi?" "Hindi naman sa ganon pero, hayaan ko malang kung kaylan at saan ako dadalhin ng panahon. Sige pasok lang ako, ang sakit na ng ulo ko." Pamaroon naman si Julian sa kwarto nito at si Ren naman ay nag patuloy sa ginagawa nito sa kusina

