Pagkatapos nang nangyari sa elevator, sa buong araw, hindi na nakita ni Ashley si Julian sa buong kompanya at kahit sa studio nya wala doon si Julian. Hindi rin nya nakitang magkasama sila Julian at Kylie na ipinagtaka nya kung saan ba napunta ang binata pagkatapos nang pag amin nya kanina kay Ashley. Nagulat nga ang binata na sa hindi nya inasahan na may gusto rin si Julian sa kanya ngunit parang aso na tumakbo na lamang pagkatapos nang masabi nya yun. Naramdaman ni Ashley ang pag init ng pisnge nito sa tuwing iniisip nya ang pangyayari kanina. Ngunit uunahin nya munang hanapin at kumpirmahin kung totoo at hindi lamang biro ang sinabi ni Julian kanina bago nya iparamdam at lunurin ang sarili sa pag iisip ng nararamdam ni Julian sa kanya. Pinadalhan nya ng maraming text na sa isang oras

