Rachel
"Ma, nagpadala na po ako. Natanggap n'yo na po ba?" tanong ko kay Mama habang nagmamadali akong maglakad papasok ng building.
"Ah, oo nakapag-grocery na kami saka naitabi na rin namin ang para sa tithing natin sa darating na Linggo kaso, anak bakit pala may nakalaan na dalawang libo para sa tiyo Mitoy mo? Hindi naman niya magagamit."
I pushed the large glass door. Ngunit dahil hindi naman ako katangkaran ay halos gamitin ko na ang buong lakas ko para lamang maitulak iyon. That's been my daily struggle since I started working at the Cebu branch.
At sa araw-araw ko iyong pinoproblema, araw-araw ring nagkakataon na nagkakasabay kami ni Sir Keeyan sa pagpasok sa opisina . . . kahit na ang alam ko ay wala naman talaga siyang trabaho roon.
Nagugulat na lang ako na mayroon nang nagtutulak ng pinto para hindi ako mahirapan. Gaya na lamang ngayon. Amoy pa lamang ng deodorant niya ay alam ko nang siya ang may ari ng maugat at maputing kamay na walang kahirap-hirap na tumulak sa salaming pinto. Nang lingunin ko't tiningala ay binati kaagad ako ng kanyang ngiti.
Lumunok ako't kaagad na umiwas ng tingin nang maalalang kausap ko nga pala si Mama sa phone.
"Ma, basta itabi n'yo lang 'yong para kay Tito Mitoy nang may mahugot kapag kailangan niya para sa gamot o ano pa man. Sige na ho. Mali-late na po ako." I accidentally met Keeyan's gaze when I felt him stood next to me. "Love you po."
My cheeks burned as soon as I saw him pursed his lips. Sinuklay niya rin ng mga daliri ang kanyang naka-curtain style na buhok.
"Morning, Architect," he greeted as soon as I was able to end the call.
Nahihiya akong ngumiti. "G-Good morning po, Sir. May . . . shoot ka ulit dito, Sir?"
Keeyan inhaled a sharp breath before he nodded. "Uh, yeah. I uhm . . ." He licked his lower lip then smiled while staring at me. "I wasn't satisfied with the output so I have to take a few more shots."
Napatangu-tango na lamang ako. Nakasahod na ko't lahat pero hindi pa rin siya tapos sa pagkuha ng mga larawan at video sa branch? Ang perfectionist naman pala ni Sir Keeyan.
"Ah." Peke akong ngumiti. "S-Sige po pala. Pasok na ako, Sir. Late na ko."
Kumaway na lamang ako sa kanya't nagmamadali nang nagtungo sa may elevator. Nang makapasok ako sa loob ng elevator ay natanaw ko siyang kinakausap na ang ilang empleyadong lalake. His hands were buried in his pockets while a sexy grin was plastered on his handsome face. Animo'y may mga camera na nakapaligid sa kanya kaya kahit sa simpleng tindig ay lumalabas ang lakas ng dating.
Pasimple akong bumuntonghininga nang sa pagsara ng elevator ay sandali pang nagtama ang aming mga tingin. I made it clear that I didn't want to be friends with him. Pero heto naman ako't nakikipag-usap sa kanya sa tuwing nagkikita kami.
In my defense, I just don't want to be rude. Pinsan pa rin siya ng pinaka-boss ko, at karapat-dapat naman talaga siyang irespeto dahil sa kabila ng antas nila sa buhay ay walang kaarte-arte pa rin siyang nakikisalamuha sa mga ordinaryong taong gaya ko.
He would often stay in our department and chitchat with the employees to lighten the mood. He's really good at that. Tipong ilang minuto pa lamang siya roon ay masigla na ang buong department. Paano ay may pasimpleng kulit din gaya ni Sir Kali.
My phone vibrated. Hinugot ko iyon sa bulsa at tiningnan ang chat ni Mama.
Mama: Gagamitin ko na lang pandagdag sa grocery ang perang para kay kuya Mitoy. Hindi niya kailangan ng gamot. Kailangan niyang magbalik-loob sa Diyos nang matanggal ang impluwensya ng demonyo sa buhay niya.
I sighed. Yes, I am a firm believer of the goodness of God. Pero simula noong bumukas ang mata ko na posibleng magmahalan ang parehong lalake ay kahit paano hindi na ganoon kasarado ang isipan ko pagdating sa mga sensitibong usaping madalas mapagtalunan sa simbahan.
I started to think that maybe my uncle didn't lose his faith in God that's why he lost himself. Maybe it wasn't just prayers that he needed. Kasi kilala ko si Tito Mitoy. Isa siya sa mga dahilan kung bakit malakas ang pananalig ko sa Maykapal.
I know how much he loves God. How he testifies about the power of prayers. Ngunit parang hindi tama na isiping nawalan siya ng pananampalataya kaya siya nagkaganoon.
Ayaw ko na lang makipagtalo kay Mama. I just made a mental note to save a portion of my own allowance. Para kung sakaling mangailangan para kay Tito Mitoy ay may mahuhugot ako.
"Good morning, Rachel," bati ni ate Sandra na kanina lang ay nakikipag-usap sa isa rin naming katrabaho.
I smiled. "Good morning po."
The others continued to talk in their local dialect. Hindi pa ako maalam sa lenggwaheng gamit nila kaya madalas ay tahimik lamang ako sa sarili kong pwesto. Saka lang ako dadaldal kung kakausapin na nila ako ng tagalog o Ingles.
I logged in on my computer and checked the notes I left yesterday. Naghuhumiyaw rin ang pagka-pink ng excel sheet ko kung saan ko tina-track ang projects ko.
I grabbed my pink pen and my sticky note. Sinulat ko ang mga importanteng bagay roon gaya ng deadline at list ng tasks na dapat kong mai-prioritize ngayong araw. Idinikit ko ang mga iyon sa cork board ko.
I was in the middle of pinning my notes on the board when a familiar man walked towards my desk. My wide desk looked smaller with his six feet and two inches ass leaning--no, almost sitting--onto it.
"Sir Keeyan . . ." Isinara ko ang pen ko. "Is there . . . anything I can do for you?"
Keeyan smirked then handed me one of the cups he was holding. "Yeah. You can drink this for me."
Napakurap ako. Araw-araw niya na akong binibilihan ng white choco sa mamahaling cafe roon sa baba. Nahihiya na tuloy ako.
I shyly accepted the drink despite my colleagues giving me a questioning look. Some even gave me a side eye. Tila binibigyan ng ibang kahulugan ang pagbibigay ni Sir Keeyan ng inumin sa akin tuwing umaga.
Sir Keeyan sipped on his cup. Maya-maya ay dinampot niya ang sticky notes kong malapit nang maubos. Araw-araw niya na yata iyong tinitingnan. Hindi ko alam kung binibilang ba niya o sadyang nakasanayan na lang niyang hawakan.
"Are you the architect assigned in the renovation project of Hotel Khallisa Cebu branch?" he asked.
Marahan akong tumango. "Ako nga po."
"Kali said you will visit the hotel later?"
Again, I nodded while holding the cup with both of my hands, enjoying its warmth.
He licked his lower lip to remove the stain of coffee. "Pupunta ako sa hotel mamaya. I'll give you a ride."
Napalunok ako. "P-Pero may shuttle naman po."
"Another group of employees will use the shuttle. Mahihirapan kang sumakay so isasabay na lang kita. Doon din naman ang punta ko." He stood up straight. Maya-maya ay may dinukot siya sa kanyang back pocket at inilagay sa desk ko. "I'll be in the lobby when you're ready to leave."
Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya nang tuluyang siyang naglakad paalis ng aming department. Nang makalabas siya ng pinto ay saka ko pinakawalan ang hangin sa aking dibdib.
I put down my cup and checked the thing he placed on my desk. Inalis ko ang bond paper na nakabalot doon. Nang mapagtanto kung ano ang bagay na iniwan niya sa desk ko ay bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay.
A pink set of sticky notes. Just like the ones I am using.
Napakurap ako. Does he always check my sticky notes so he'd know when to buy me a refill?
Bumuntonghininga ako't tuluyang inilapag ang hawak na notes. Maya-maya ay aksidente kong napansin ang nakasulat sa coffee cup na ibinigay niya sa akin.
'When can we be friends, love?'
I pursed my lips and glanced at the door.
Looks like this Ducani really wouldn't stop until I consider him as my friend . . .