Simula
Rachel
Sabi nila, lahat ng paghihirap at sakit ay mayroong kapalit na biyaya. I never really questioned that belief, until I had a taste of the kind of heartbreak that nearly crippled me.
Halos gusto ko nang takpan ang magkabila kong tainga dahil sa pagbubunganga nina Mama at Papa. They want me to convince Eldritch to reconcile with me. Kasalanan daw kasi ang ginagawa nitong pagpili kay Sir Kali.
That's what I thought, too. Until I saw them together and realized that . . . Eldritch's eyes never looked at me the way he looked at Sir Kali.
"Masusunog siya sa impyerno kung ipagpapatuloy niya ang ginagawa niya!" si Mama.
Gumatong si Papa. Lalo pang lumaki ang argumento dahil pati ang mga kapatid at tiyahin ko ay nakisali rin.
Nanatiling tikom ang aking bibig. Pinagpatuloy ko lamang ang paghilot sa braso ni Tito Mitoy.
He used to be the family's breadwinner. He dedicated most of his life to the family. Nakapag-asawa siya noong naka-graduate na si Mama na bunso sa kanilang magkakapatid. Pero kahit na nauna siyang mag-asawa kaysa kay Mama ay hindi sila nabiyayaan ng asawa niya ng anak.
He's my favorite uncle. Siguro dahil wala siyang sariling anak ay mas naging magiliw siya sa aming mga pamangkin niya. Naaalala ko noon tuwing dadalaw siya sa amin ay palagi niya akong inaabutan ng isandaan.
Noong nagkolehiyo ako ay nakihati rin siya sa bayarin matapos niyang malamang kailangan kong mag-working student. Sabi niya ay basta mag-aral lang akong mabuti ay ayos na siya.
No one asked how he was doing back then. Tipong ang lakas ng tingin naming lahat sa kanya. Until one day, a news reached us. Hindi ko makalilimutan ang araw na iyon. Higit anim na buwan na pala mula noong iwan siya ng asawa niya dahil baog siya. He kept his happy face, afraid to become a burden to us once we find out that he's going through something.
Sa kakikimkim niya ng sama ng loob niya ay nagka-nervous breakdown. Now he's living with us, but what breaks my heart is the fact that everybody sees him now as a burden when all he did in life was help everybody.
"Kanina mo pa hinihilot 'yang si kuya, Rachel. Pabayaan mo na nga 'yan at tumulong ka na lang sa kapatid mo," ani Mama. Mainit talaga ang ulo.
"Mag-eempake pa ako, Ma," dahilan ko.
Mamaya na ang flight ko pa-Cebu. Umuwi lang ako ngayon kasi gusto ko muna silang makasama bago ako umalis kaya lang hanggang ngayon ay mukhang masama pa rin ang loob niya sa naudlot kong pagpapakasal. Nakakahiya raw kasi sa parokya. Alam na raw ng lahat na ikakasal na ako.
Nagpamaywang siya. "Eh, mag-eempake ka pa pala, bakit hindi mo pa tigilan 'yang tiyuhin mo?"
I sighed. Tiningnan ko si Tito Mitoy at payak na nginitian. "Mag-aayos muna ako ng gamit ko, Tito. Mamaya ako na po ang magpapakain sa'yo."
He didn't respond. Nakatanaw lamang sa kawalan na para bang buhay pa siya pero nasa malayo na ang isip niya.
Pumasok na lang ako sa kwarto at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit. A part of me feels disappointed that this place has no room for me to be vulnerable even for a few minutes. All they do is rant about the postponed wedding. No one really asked me if I need a hug.
Pinakawalan ko na lamang ang mabigat na hangin sa dibdib ko. I have to remind myself that they are my family. Na kasalanan sa Panginoon ang magtampo sa pamilya.
Kinimkim ko na lang ang sama ng loob ko't hinintay na makaalis ako sa amin. Dumiretso ako sa airport at sinunod ang instructions ng sekretarya ni Sir Kali. I was escorted to a private plane. Pinaupo nila ako sa loob at in-offer-an ng wine.
Umiling ako. "Hindi po ako umiinom. Wala po bang juice o tubig?"
The stewardess smiled. "We have some orange and mango juice, Ma'am."
"Sige po. Mango juice na lang. Salamat po."
She excused herself to get my drink. Maya-maya ay natanaw kong pumasok ng eroplano ang isang lalake. Sa tindig, postura, at wangis pa lamang ay alam ko nang hindi siya basta-basta. He's probably the guy Sir Kali was talking about. Hindi naman maipagkakaila. Ducanis have this specific aura in them that can intimidate other people. Even the way they carry themselves speaks volume.
"Tell Captain Robles I said hi," said the guy before he crossed his legs in a manly way. His left elbow rested on the armrest before he caressed his defined jawline.
"I will, Sir. Can I bring you anything after we take off?"
The guy smiled at the stewardess. "A glass of champagne will do. Thank you."
God, his voice. Nagsasalita lamang siya ngunit bakit parang nanghaharana na ang tinig?
The stewardess went to the cockpit. Hindi nagtagal ay inanunsyo na ang paglipad ng eroplano. We were instructed to fasten our seatbelts and prepare for take off. Nang nasa himpapawid na ay nagpasya na lamang akong makinig ng musika.
I tried my best not to meet his gaze even when I noticed him threw a few glances on my direction. Una, nakakahiya siyang tingnan. He looks so expensive anyway. Kahit na simpleng polo at pantalon lamang ang suot niya. Pangalawa, parang . . . malaking kasalanan ang salubungin ang tingin niya. I don't know why I felt that way.
Pinanood ko ang mga ulap habang iniisip ang bagong simula na tatahakin ko sa Cebu. The thought of starting all over again while there's a large responsibility on my shoulders scare me. Pero wala akong ibang pagpipilian kun'di ang harapin ang hindi siguradong bukas.
My family needs me to be strong the way my uncle Mitoy did. Naluluha ako sa takot na magaya ako sa kanya bandang huli kaya tahimik na lamang akong nanalangin sa Diyos habang nakatitig sa labas ng bintana.
'Lord, alam ko pong hangga't kasama kita, wala po akong hindi kakayanin. Ikaw na po sana ang bahala sa akin. Please help me heal my heart. Please align my plans with yours. Let my steps follow your guidance. Ikaw na po sana ang bahalang gumabay sa akin.'
Praying, even with my eyes open, always makes me emotional. Probably because every word comes from my heart. Mababaw ang luha ko pagdating sa panalangin dahil alam kong nariyan Siya palagi. Gumagabay at nakaalalay sa akin.
Niyakap ko ang sarili ko. I didn't realize how much I'm already crying until the stewardess approached me. Ibinigay nito ang isang kahon ng tissue sa akin saka nito sinabing ipinabibigay iyon ng lalakeng kasama namin sa eroplano.
Nahihiya kong inalis ang earphones ko't lakas-loob na sinalubong ang tingin niya.
"S-Sorry po. Was I loud?"
Oh, God what if I was? Nakakahiya!
His intimidating gaze remained on my direction. "Kind'a but go on. I'm not gonna interrupt your K-drama moment."
Napakurap ako. K-drama?
"K-drama? A-Ano? Hindi ko po gets," naguguluhan kong tanong.
"That whole thing you're doing. From crying to hugging yourself while listening to obviously dramatic songs to watching the night sky through the window. Aren't you trying to mimic a scene from a K-drama show?"
"Ano po?" Napailing ako habang ang mga kilay ko'y hindi ko na napigilan sa pagsasalubong. "Hindi ako nanonood no'n. Bawal sa'min. I mean, sa simbahan po namin."
I badly wanted to tell him that I always cry whenever I'm communicating with God but I decided not to.
I saw his thick and manly eyebrow slightly lifted as if he finds my answer weird. "Oh, so this whole dramatic scene you're doing, this is just you being dramatic at the moment?"
Parang may napitik na ugat sa aking ulo. Dramatic? Bawal ba talagang umiyak ang isang tao?
Hindi ko napigilan ang pagsingkit ng mga mata ko. I had to purse my lips and dodge his gaze just so I wouldn't say anything mean. Baka kung makapagbitiw ako ng hindi magandang salita ay hindi ako makatulog mamayang gabi. My guilt will surely eat my soul. Hindi ako pwedeng mapuyat.
"I apologize for being a human being with emotions," iyon na lamang ang sinabi ko kaya lang ay parang gusto ko rin kaagad bawiin. Parang ang taray naman ng pagkakasabi ko. Nakakainis!
"Sorry, that's . . ." He sighed, and may God forgive me for finding it the sexiest sigh I've ever seen. "I didn't mean to offend you, though."
Umiwas na lamang ako ng tingin nang hindi niya mapansin ang bahagyang pagpula ng aking mukha. Ano ba naman kasi iyong pumasok sa isip ko? Nagiging mahalay na yata ako. Is the Devil doing its work on me?
"Okay lang po," may kahinaan kong sabi nang hindi siya tinitingnan.
Natahimik kaming pareho ng ilang minuto. I thought he's not going to talk to me anymore. Ngunit maya-maya ay lumipat siya sa upuang kaharap ng sa akin. Magkaharap ang aming mga upuan at may mesang pumapagitna sa amin. Ngunit kahit na hindi naman kami magkalapit nang husto ay parang . . . may kung anong dumaloy sa aking katawan nang tuluyan siyang nakapwesto sa harap ko.
The sensation felt so foreign that I didn't know what to do. Napako ako sa kinauupuan ko't halos makalimutan kung papaano ang huminga. This man, oh my goodness. Ano ba ang mayroon ang lalakeng ito at parang may sumasapi sa akin?
Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa labas ng bintana bago pa tumulo ang laway ko habang nakatitig sa kanya. Hindi naman nagtagal ay muli niyang binasag ang katahimikang lumulukob sa aming dalawa.
"Sorry for the bad first impression. I didn't mean to offend you, Miss. By the way, I'm Keeyan," he said then offered his hand.
Hindi ko alam kung dala ba ng kaba o hiya ngunit nagwala ang dibdib ko nang makitang inaalok niya ang palad niya sa akin. Para tuloy akong siraulo na ilang segundong tinitigan ang kamay niya bago ko iyon nagawang tanggapin.
The feeling thrumming beneath my skin doubled as soon as I held his hand. It was like there's a friction that ignited something within me. Something that could either resurrect my heart or kill it forever.
What's happening to me?
I was afraid of the sensation he was causing me that I withdrew my hand immediately. Parang gusto ko na lamang ding tumalon palabas ng eroplano at ipagpasa-Diyos ang kaligtasan ko.
"R-Rachel," I said, almost a whisper. Ni hindi ko siya matingnan nang diretso dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman ng sistema ko.
Natahimik kami ng ilang minuto. Nang maramdaman kong wala siyang balak bumalik sa upuan niya ay ako na ang bumasag sa katahimikan.
"I'm sorry po ulit, Sir kung naistorbo kita. My heart was just really heavy I thought it's okay to cry. Ayaw ko kasing darating ako ng Cebu na dala-dala ko pa rin ang sama ng loob ko dahil gusto ko ng fresh start."
"Fresh start, huh?" I saw him lifted a brow. "Why? Sino ba ang dapat iligpit?"
Huh?
"Iligpit?" Natawa ako nang hindi sinasadya. "Grabe ka naman, Sir sa iligpit? Masama naman 'yon."
Okay, where did that confidence come from? Nababaliw na yata ako! Ang bilis namang nagbabago ng mood ko!
"I thought you wanna bury someone alive for hurting you," sagot niya habang titig na titig sa akin.
Ewan ko kung nakatitig nga o kung may dumi lang ako sa mukha. Baka nga may muta ako kaya ganoon siya makatingin.
"Hindi naman, grabe ka, Sir." Umiling ako. "Kahit gaano kasama ang isang tao, mali na hilingin ang kamatayan niya."
Sandali siyang natahimik ngunit ang titig ay nanatili pa rin sa akin. Nagsisimula na tuloy akong ma-conscious. Paano kung may muta nga ako?
"Your face, it resembles someone," basag niya sa katahimikan.
Napaayos ako ng upo kasi what if kriminal pala ang sinasabi niyang kamukha ko. Baka mamaya salubungin ako ng pulis sa airport!
"Sino po, Sir?" I asked.
His lips formed the sexiest smile I've ever seen.
"Si Mama Mary . . ."
Napaawang ang aking mga labi kasabay ng aking pagkurap. "M-Mama Mary?" Muntik na akong mapa-sign of the cross kahit hindi naman ako katoliko. "Naku, Sir huwag ka namang magbiro ng ganyan. Ayaw ko pong mabuntis nang walang tatay na maihaharap sa pamilya ko. Baka hatawin ako ng nanay ko ng sandok."
He chuckled. "No, no I just . . ." He motioned his index finger. "I just thought you look like her."
"Relihiyoso ka po ba?" hindi ko napigilang itanong.
"I have a relationship with God even when I think I'd end up down there once I die."
Napakunot ako ng noo. "Bakit naman, Sir?"
A small smile made its way to his lips. "Because I think I'm gay, love."
Napakurap ako. Nang mag-sink in sa aking isip ang sinabi niya ay kaagad akong umiwas ng tingin.
"Sir, l-lipat ka na doon sa upuan mo bago pa ako ma-cute-an sa'yo."
I swear I heard him scoff. "Why? I it wrong to find me cute?"
Napanguso ako nang bahagya. "Hindi naman, pero may trauma na ho ako sa hindi straight."
He smirked. "I said I think I'm gay. I didn't say I'm certain."
"Kahit na," I said in a breathy way before I patted my chest. "Prevention is better than cure, Sir."
The smirk on his lips turned into a sweet smile as if he finds me amusing.
"How about friends? Maybe we can be friends?"
Umiling ako. "Ayoko po. Mahirap na. Ganyan din nagsimula 'yong ex ko."
"But I'm not your ex."
"Ay, basta po, Sir hindi kita pwedeng maging friend."
Sir Keeyan shifted to his seat. His fingertips tapped on the armrest while he's staring at me. Maya-maya ay makahulugang kumurba ang kanyang mga labi.
"Alright, love . . ."
Nalunok ko na lamang ang sarili kong laway.
I'm pretty sure Keeyan Ducani just called me love.
Twice . . .