Rachel
KEEYAN let out a delicious chuckle after seeing my reaction. Napasimangot tuloy ako habang namumula ang mukha.
Bakit naman kasi ganoon ang biro niya? Unang-una, hindi siya matanda para maging sugar daddy. Pangalawa, hindi ako iyong tipo ng babaeng papayag na magkaroon ng sugar daddy!
"Si Keeyan naman, pinagti-trip-an mo na lang ako, eh," reklamo ko.
Keeyan closed the cabinet then went to me. Pinisil niya ang aking pisngi sa kontroladong paraan habang nakangisi na tila aliw na aliw sa akin.
"Have I told you yet that you have the cutest cheeks? Ang your nose is cute, too."
Lalong tumikwas ang aking mga labi dahil sa sinabi niya. I cupped my cheeks and pinched my nose.
"Inaasar mo yata ako palibhasa mapisngi ako."
Umismid siya. Maya-maya ay itinapat niya ang kanyang palad sa aking mukha.
"See that? Your face could easily fit on my palm." He smirked. "You have a small face and a cute pair of chubby cheeks."
"Teka nga, bakit ba napunta sa pisngi ko ang usapan natin? Sa sugar daddy lang ang topic natin kanina."
Nagkibit-balikat siya. "I don't know. I guess I get easily distracted by your features."
I sighed. "Hindi ko alam kung compliment ba 'yan o pang-aasar."
"Of course, it's a compliment. You're pretty."
My heart nearly broke my ribs to jump towards his palms. Ano ang . . . sinabi niya? Maganda ako?
Muling uminit ang aking pisngi. Mabuti na lang at naging busy na siyang kumuha ng plato para sa amin.
I took the chance to turn away. Nagkunwari akong kukuha ng damit kong pamalit para hindi niya makita ang namumula ko na namang pisngi.
I stayed in the bathroom until my cheeks finally went back to normal. Tinitigan ko pa ang aking mukha sa salamin. Pinag-aaralan kung saan banda iyong maganda na sinasabi niya.
Feeling beautiful isn't something natural in my system. Naalala ko noong high school. Nagka-crush ako sa isa sa higher year na contestant sa school pageant. My friends found out and teased me. Iniwasan niya na ako mula noong nalaman niya.
That was the first time I realized that I am not under the pretty type, and honestly, I didn't really care that much. After all, I found the benefit of being just an average face while I was transitioning into adulthood.
Hindi ako naka-attract ng maraming manliligaw na kakailanganin kong tanggihan. Hindi rin paranoid ang parents ko kapag ginagabi ako ng uwi noon dahil sa activities. The only time I wished I was pretty enough during my adult years was . . . when I developed feelings for Eldritch.
Nakakatawa. Siguro kahit ako pa ang maging pinakamaganda, hindi pa rin naman niya ako pipiliin kung si Sir Kali ang kalaban ko.
I heard a couple of knocks on the bathroom door before I totally had my relapse. Napahugot na lamang ako ng hininga nang marinig ang tinig ni Keeyan.
"Love, your landlady's looking for you."
Iniligpit ko ang pinagbihisan ko saka ako lumabas. Pinuntahan ko ang landlady habang abala naman si Keeyan na lagyan ng pagkain ang mga plato namin.
"Tita," bati ko sa landlady.
"Rachel, makikiusap sana ako. Kinulang kasi ang padala ng anak ko. Tutal ay due date naman na ng renta mo sa susunod na linggo, baka pupwede ko nang kunin kahit kalahati. Wala na kasing pambili ng gamot ang mister ko."
"Gano'n ho ba?" I responded with a hint of worry. "Sandali po, ah?"
Pumasok ako sa loob at kinuha ang wallet ko. I know I don't have that much left. Next week pa ang sahod ko at naipadala ko na rin sa amin iyong majority ng funds na nakalaan sana sa daily expenses ko. I only have more than three thousand pesos. Kung ibibigay ko sa landlady ko ang tatlong libo ay iyong barya na lang ang matitira sa akin.
A part of me wanted to tell her that I don't have enough left to survive until my next payday, but the look on her face broke my heart and made me decide to give her what I have.
Palagi ko siyang nakikita sa ibaba. Kahit may edad na rin siya ay inaasikaso pa rin niya ang na-stroke niyang asawa.
Alam ko ang pakiramdam ng magsabi kapag nagigipit. Hindi madali at nakapanliliit. Ilang buwan na rin naman ako rito. Ngayon lang siya nagsabi kaya alam kong kailangang-kailangan lang talaga.
Humugot ako ng hininga't tuluyan nang kinuha ang tatlong libo sa wallet ko. I went back to her and gave her the money with a smile on my face. Bahala na. May pa-grocery naman si Keeyan. Makaka-survive pa ako.
"Kahit dalawang libo lang, Rachel. Baka wala ka nang allowance," ani Tita ngunit umiling ako.
"Ayos lang po. Pambili po ninyo ng gamot ng asawa n'yo."
Kumislap ang mga mata niya. "Salamat, Rachel. Ikaw talaga ang pinakamabait kong tenant. Huwag ka sanang magsasawa rito."
I smiled. "Hindi po. Masaya po ako dito."
She gently squeezed my hand. "Kung may kailangan ka, kumatok ka lang sa pinto namin, ha?" Sinilip niya si Keeyan. "Hijo, mauna na ako."
Keeyan lifted his hand as if he's saying goodbye to my landlady. Nang makaalis si Tita ay isinara ko ang pinto saka ako lumapit sa maliit na dining table.
"What was that about? Your rent's not even due yet," puna niya.
Hindi ko alam kung observant lang siya masyado at nakita niya sa malaki kong kalendaryo ang due date ng upa ko, o sadyang close na kami kaya alam niyang hindi pa due date ng apartment. Hindi ko na lang inalam kung alin sa dalawa ang dahilan. Nginitian ko na lang siya saka ko sinalinan ng tubig iyong mga baso namin.
"Kailangan kasi para sa gamot ng asawa ni Tita," sagot ko.
Keeyan dragged a chair for me. Nang makaupo ako ay saka niya hinila iyong isa pang silya. Inilipat niya iyon sa mas malapit na pwesto sa akin saka siya naupo.
"Do you still have enough for yourself? Halos masaid ka no'ng nagpadala ka sa inyo."
Muntik akong mapakamot ng patilya. Seriously, this man knows too much already. Ganoon ba ako kadaldal pagdating sa kanya o sadyang ang galing niya lang mag-observe?
"Ayos lang. May natira pa namang four hundred sa wallet ko. Saka may pa-grocery ka, eh."
Keeyan sighed. "Please don't be too nice. I don't want you to earn your wings too early. I won't be able to pinch your cheek if you'll be a ghost."
"Keeyan!" I laughed softly with his joke. "Linggong-linggo, ganyan ang mga biro mo."
He smirked. Kinuha niya ang kubyertos ko't hinimas ang letson na nasa aking plato. "But seriously, don't scare the s**t out of me. They said nice people go first."
"Hindi naman totoo 'yon. Saka kung maging multo ako, promise hindi naman kita mumultuhin," pagsakay ko sa sinasabi niya.
Umismid siya. "I'll have my third eye opened just to see you again if you'll die first."
"Sira." I laughed. "Hindi ka man lang matatakot sa akin kahit maging white lady na ko?"
Keeyan flashed a sexy smirk. "Nah. If you'll turn into a white lady, I'll call a priest."
"Para mapalayas ako?" I joked.
"Nope." Tumusok siya ng letson at iniangat ang tinidor na tila nais akong subuan. "I'll tell him my bride is already dressed in white so he can finally wed us."
My heart nearly jumped out of my chest. Ang traydor kong pisngi ay namula na naman habang nakatulala ako sa kanya. Ano ba naman kasi itong si Keeyan! Wala namang preno ang mga biro!
"Mga biro mo kamo talaga . . ." namumula kong sabi.
He smirked before he brought the fork closer to my lips. "Open wide for me then so I'll stop making you blush."
Pakunwari ko siyang inirapan bago ko isinubo ang pagkain. Ngumiti naman siya't pinisil ang aking pisngi nang magsimula akong ngumuya.
"Eat up, love," he said before he stood up.
He put the fork down then took his wallet from his back pocket. Maya-maya ay nagtungo siya sa pinagpatungan ko ng wallet ko at nilagyan ng pera ang aking pitaka.
Napalaki ako ng mga mata. "Huy, Keeyan! Ano na naman ba 'yan?!"
He glanced at me. "Utang ko sa'yo."
Utang? Kailan pa siya nagkaroon ng utang sa akin?
"Wala ka namang utang sa akin, eh."
"I do." He closed my wallet and went back to the table. Nang makaupo ay makahulugan siyang ngumisi sa akin. "I owe you a lot."
Nilunok ko ang pagkain sa aking bibig. "Paano ka nagkautang? Ni piso po wala ka namang hinihiram sa'kin."
The curve on his lips grew a bit wider. Maya-maya ay napansin kong napadpad sa namantsahan ng mantika kong mga labi ang kanyang tingin. His gaze stayed on my lips for a few moments while his eyes softened. Nang tila muling napabalik sa sarili ay humugot siya ng matalim na hininga.
"Basta," he answered.
I sighed. "Paano ka nga nagkautang sa akin?"
Keeyan met my gaze again. "I always steal from you, love. You just didn't notice."
Nalukot ang aking noo. Ha? Ninanakawan niya ako? Parang wala namang nawawala sa pera ko?
"Magkano?" I asked with a wrinkled forehead.
He smiled. "I didn't steal money though."
Lalong nagsalubong ang aking mga kilay. "Ano pala?"
Keeyan clicked his tongue.
"Sulyap . . ."