Kabanata 9

1534 Words
Rachel The meeting with the team regarding our biggest project took longer than expected. May schedule pa ako ng visit sa Hotel Khallisa at naka-oo na ako kay Keeyan na sasabay ako sa kanya. Kaya lang anong oras na ay mukhang wala pa sa kalahati ang napag-uusapan sa meeting. Engineer Balsamano and Engineer Lualhati are disagreeing about a lot of things, making the meeting longer than expected. Pati ang seniority at posisyon ng bawat isa ay nadadawit na sa usapan kaya nagsasanga-sanga na. "Yes, I understand that we're trying to be innovative, Engr. Lualhati but there is always factors to think about. If we will choose to go with your vision, baka oras na kalamidad na ang kaharapin natin ay ni isang turnilyo, wala na tayong makikita," said Engr. Balsamano. I inhaled a silent breath. He has a point. We have to take into consideration the things that can affect the structural matters and also the design that we will come up with. I know Engr. Lualhati just wanted to reach new heights for the company, but Engr. Balsamano was right. Nagpatuloy sila sa kanilang pagtatalo hanggang sa wala nang napuntahan ang meeting. Ang bibigat tuloy ng mga balikat naming nagsilabas ng conference room dahil sa nangyari. "Sorry for making you wait," I said as soon as I saw Keeyan hanging out on my desk. "It's fine. What's with the face?" he asked. Tila ganoon na niya ako kakilala kaya nababasa niya na ang mood ko sa isang sulyap lamang. I sighed. "Nagkainitan sa conference room." "Would you like to talk about it?" he asked. "Sa daan na lang siguro papuntang Hotel Khallisa. Naabala na rin kita, eh. Dapat kanina ka pa nandoon," nahihiya kong sagot. "Nah, it's fine." He stood up. "What stuff are you gonna bring?" "Bag ko lang naman at 'yong folder ng designs." Tumango siya bago kinuha ang mga gamit ko. Gaya ng inaasahan ay isinuot niya na naman ang bag ko sa kanyang balikat. Keeyan is a tall, lanky man. Kapag ako nag may suot ng bag ko ay mukhang tama lang naman ang sukat. Malaki pa ngang tingnan, pero kapag siya, nagmumukha yata talagang clutch bag ang shoulder bag ko! Our colleagues started teasing us. Para tuloy akong kamatis noong lumabas kami ng opisina. Habang ang magaling na si Keeyan, tila naaaliw pa sa panunukso ng mga katrabaho ko! I sighed. Palibhasa ay hindi kami talo. Ganoon naman, hindi ba? Kapag hindi mo gusto ang itinutukso sa iyo ay hindi ka maaapektuhan? I almost stopped taking my steps when I realized something. Teka, bakit ako namumula? Hindi ba ay hindi ko rin naman siya gusto? Dapat ay wala lang din sa akin ang panunukso ng mga katrabaho ko! "You forgot something?" Keeyan asked when he saw me stopped. Humugot ako ng hininga't marahang umiling. "Wala. A-Ano, hinintay lang kita." He smirked. "I've got long legs, love. Palagi kitang mahahabol." I don't know why I felt like his words had a different meaning. Ano ba ang nangyayari sa akin? Umiwas na lamang ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. Pagdating sa parking lot at hinawakan ko ang handle ng pinto ay kaagad na bumara si Keeyan upang hindi ko iyon mabuksan. Napaangat ako ng tingin sa nakasimangot niyang mukha. He then shook his head as if I just did something offensive. "Keeyan, dala mo na ang bag at folder ko," reklamo ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "My hands are not full for you to open the door for yourself," he said as if it's such a big deal. I sighed. Wala nang nagawa pa kun'di ang hayaan siya. Ewan ko ba. Siguro ay hindi lang ako sanay. O baka ayaw ko ring masanay. Eldritch was like this, too. He's a gentleman that's why I liked him. Siguro ay may parte ng puso kong natatakot na mauulit na naman ang nangyari. Papasok pa lamang ng sasakyan si Keeyan nang tumunog ang phone ko. He gave me my bag so I can get it. I answered the phone while Keeyan grabbed my seatbelt and buckled it himself. Medyo napahigit pa ako ng hininga nang halos magdikit ang katawan namin noong abutin niya ang seatbelt. "H-Hello, Ma?" bungad ko nang maitapat sa tainga ang phone. "Rachel, anak. May problema. Tinamaan ng bumagsak na sanga ang bubong ng bahay. Pati ang pader natin, nadamay." Napapikit ako't nahilot ang noo. Paano 'to? Kakapadala ko lang. Magkano na nga lang ang naitira ko para sa sarili ko. "Gaano po kalaki ang sira, Ma?" I asked. Sa sulok ng aking mata ay napansin kong tumingin sa akin si Keeyan. "Kalahati ng bubong natin ang nasira pero ang sabi ng karpintero, kailangan nang palitan ang buo dahil luma na rin. Nagpa-estimate na ako. Ipadala mo na lang ang kailangang pera nang makabili na ng materyales." I shut my eyes as I drew in a sharp breath. "Ma, bakit po hindi n'yo muna ako tinanong kung may budget po ako?" "Rachel naman. Bubong ang pinag-uusapan natin dito. Tag-ulan na. Hindi na ito dapat pinag-uusapan at pinag-iisipan." Nahilot ko ang aking sentido nang marinig ang tono ni Mama. Nakaangil kaagad kahit na gusto ko lang namang mag-usap kami nang maayos. "Ma, hindi naman po ako nakikipag-away. Wala lang po kasi akong extra talaga ngayon." "Sana kasi, anak inilaban mo na lang ang relasyon ninyo ni Eldritch. Kung napangasawa mo siya, may mahihingian sana tayo ngayon. Mas malaki ang sahod niya kaysa sa'yo." Tuluyang sumikip ang dibdib ko. Akala ba niya hindi ko ginustong ipaglaban si Eldritch? I do! Pero ano ang magagawa ko? Eldritch loves Kali. Iyong pagmamahal nila para sa isa't isa, hinding-hindi ko iyon matatanggap mula kay Eldritch kahit na gaano pa ako kabuting maybahay. "Ma, please. Huwag na ho nating isama si Eldritch sa usapan," pakiusap ko. "Eh, hindi naman isinasali. Sinasabi ko lang na nagpatalo ka kasi kaagad. Hindi mo man lang muna ipinaglaban 'yong tao." Nagsimula nang uminit ang sulok ng mga mata ko. Why does she have to say that? Anak niya ako. Doesn't she care about how I feel? Akala ba niya ay madali lang sa akin na pakawalan si Eldritch at hayaan siyang maging masaya sa kung sino talaga ang mahal niya? Ni hindi nga nila ako nakukumusta kung naka-move on na ako. Eldritch is my first boyfriend. We're so closed to getting married. Akala ba nila ay madali sa aking tanggapin at kalimutan ang lahat? Every single day, I have to exhaust myself just so I wouldn't have time to deal with how I truly feel. I have to constantly lie to myself and say that I am happy seeing Eldritch with the person he truly loves. Araw-araw kong tinatakbuhan at ipinagpapasa-Diyos lahat ng sakit na hindi ko pwedeng harapin. Kasi oras na hinarap ko lahat 'yon, ano ang mangyayari? It's going to paralyze me. Breadwinners have no right to feel pain. Kasi kapag inupuan na namin ang sakit, baka mawalan na kami ng lakas para maging 'yong bersyon naming inaasahan ng mga taong nakaasa sa amin. Naiyuko ko na lamang ang aking ulo. "S-Sige ho. Gagawan ko na lang ng paraan." Hindi ko na pinahaba pa ang phone call. I ended it and wiped my tears. Napaangat lamang ako ng tingin noong itinigil ni Keeyan sa gilid ng daan ang sasakyan. He then looked at me with his worried eyes. Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan bago niya ako kinabig at niyakap. I melted in his arms like his hug was the only thing that could break my crumbling defense. Hindi ako basta-basta lang umiiyak sa harap ng ibang tao unless hindi ko na talaga kaya ang sakit kaya alam kong dalawa lang ang dahilan kung bakit ako humahagulgol ngayon. Either the pain is too much or Keeyan made me feel that it's safe for me to be vulnerable in front of him, and I have a feeling that it's the later. Hinagod niya ang aking likod. He didn't say anything, nor told me false promises that everything's going to be alright, and somehow, his silence felt more comforting than any words of encouragement. "I'm sorry," sabi ko bago humikbi. Keeyan inhaled a sharp breath. "You can cry on my shoulder all you want. I won't judge you." Lalo lamang akong naiyak. It felt like those are the exact words I need to hear right now. Hindi kung ano-anong pangako na magiging maayos din ang lahat. I sniffed. "It's so hard to be an adult when you haven't figured out everything yet." "We never will, Rachel. There's no handbook that will tell us how to figure out life, and that's what makes us human." "But I have to. I need to know what I have to do, kasi hindi pwedeng hindi. I have to be okay all the time, be strong all the time." Hinaplos niya ang likod ng aking ulo saka siya bumuntonghininga. "Does it feel good?" I sniffed. "Ang alin?" "Ang maging malakas sa lahat ng oras." My heart sank. "N-No . . ." "Then you don't have to." Humigpit ang yakap niya sa akin. "You don't always have to . . ." Naiyak na lamang ako sa narinig. If only my family would understand
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD