Kabanata 11

1213 Words
Rachel Ang bigat-bigat ng dibdib kong umuwi mula Hotel Khallisa.My head is throbbing because I tried my hardest not to cry while on my way home. Ayaw kong isipin ng taxi driver na madrama ako. O na mahina ako kaya sabi ko sa sarili ko, pag-uwi na lang. Iiyak ako hangga't gusto ko pag-uwi ko. Ganito na siguro kapag adult na. Kailangan mo nang i-schedule ang breakdowns mo. Kasi kapag bata ang umiyak, kawawa. Kapag matanda, mahina. Hindi ako pwedeng maging mahina, kasi gaya nito, nagsisimula pa lang tumulo ang mga luha ko ay inuulan na ako ng chat ng kapatid kong nakakaalala lang kapag may kailangan. I didn't know if I'd cry or laugh so I ended up doing both at the same time. Kahit mukha akong baliw ay iyon ang nangyari. Bakit gano'n? Bakit ginagawa nila akong Diyos? Naaalala lang nila kapag may kailangan na naman sila? Kapag may hinaing na naman sila? Hindi ba pwedeng kumustahin din ako kahit na may baon pa? Kahit na wala namang babayaran sa school? Kahit na wala namang problema sa bahay? I sniffed and wiped my tears. Hinagod ko rin ang dibdib ko saka ako pilit na ngumiti. "Rachel naman, eh. Hindi dapat ganito," I reminded myself before I started sobbing. Ayaw ko namang magtampo, eh. Ayaw ko namang sumama ang loob ko at kwestyunin sila. Pero hindi ba nila naiisip na mag-isa lang ako? Wala akong sandalan dito kaya sobrang laking bagay sa akin 'yong makausap ko man lang sila kahit sandali kahit na wala silang kailangan. Ibinaba ko ang phone ko't tuluyang niyakap ang sarili. Everything is piling up. Mula sa pangmamaliit sa akin ng foreman, sa pangingialam ni Keeyan, at itong mga chat ng kapatid ko kahit na kapapadala ko lang. I hate that I felt so little while talking to the foreman. I hate that my mind convinces me that I am only in Cebu because Kali put me here so I could stay away from them. And I hate that I'm upset with Keeyan and my sister. Ilang minuto na akong humahagulgol upang gumaan kahit paano ang dibdib ko nang magpasya akong tuluyan nang dumulog sa Diyos. I asked forgiveness for feeling this way. For having a moment of weakness and for feeling bad towards the people I care about. Humiling din ako ng gabay, at sa kalagitnaan ng mataimtim kong pananalangin, nadinig ko ang ilang yapak sa labas ng apartment ko. I know those footsteps. Siguro ay hindi ko lang namalayan na nakikilala ko na nang husto ang taong alam kong nakatambay ngayon sa labas ng apartment ko. Nakiramdam ako ng ilang minuto. Naghintay kung kakatukin ba niya ang pinto o tatawagin ang pangalan ko. But Keeyan didn't. He just stood outside for hours as if he still wanted to respect my request while making sure I am aware that he will always be there when I need him. Hindi ko alam kung bakit naging emosyonal na naman ako nang mapagtantong hindi talaga siya umalis kahit ilang oras na siya sa labas. Gumagabi na. Baka nangangalay na siya roon pero hindi pa rin siya umaalis. I inhaled a sharp breath and prevented my tears from falling. Kinalma ko rin ang sarili ko bago ako nagdesisyon na sa wakas ay pagbuksan siya. Umayos kaagad siya ng tayo. His worried and guilty eyes stared at me as if he regrets what he's done earlier. Nakunsensya tuloy ako. Alam ko namang hindi niya intensyong iparamdam sa akin na hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Sadyang iyon lang talaga ang naging dating sa akin. I inhaled a sharp breath. "Pumasok ka muna. Malamok na diyan sa labas." I went in first. Keeyan followed inside. Tahimik at halatang nakikiramdam pa nang bumuntot sa akin. Isinara ko ang pinto. I filled my lungs with enough air before I finally met his gaze. Walang nagsalita sa amin. Ilang segundo kaming nagtitigan bago niya binasag ang katahimikan ng isang malalim na buntonghininga. Maya-maya ay tuluyan niyang tinawid ang aming pagitan at ikinulong ako sa yakap. Iyong yakap na hindi ko inasahang kailangan ko pala ngayon. "Sorry, I'm too stubborn. I just came here to apologize, but it doesn't mean you have to forgive me already," he said under his breath. I sniffed when I felt my tears threatened to build up again in the corners of my eyes. Siguro dahil nanaba ang puso ko sa sinabi niya na gusto niya lang mag-sorry, hindi para mapatawad. Hindi kasi ganoon lahat. Most people only say sorry to be forgiven, not to apologize for what they'd done. "A-Ayos lang. Hindi rin ako dapat nagalit kasi . . . kasi pinagtanggol mo lang naman ako." Umiling siya bago kumalas mula sa pagkakayakap sa akin. He then cupped my cheek and looked into my eyes as he said the words that made my heart swell. "You had the right to get mad at me, and I am not here to gaslight you so you will feel guilty for how you felt earlier." His thumb stroked my cheek as his eyes softened. "You were right, love. I took the chance for you to be strong and prove that you deserve that man's respect." My heart felt a different kind of warmth. That's the thing about Keeyan. He makes me understand that my feelings are valid. Hindi lang siguro ako sanay kasi magmula bata naman, palagi nang sinasabi na mali ang magtampo ako. Na magalit ako at magtanim ng sama ng loob. This is the only time that someone was able to make me realize that it's okay to honor my emotions. Na may karapatan din akong maramdaman kung ano talaga ang naramdaman ko without feeling guilty in the end. Payak akong ngumiti. "Hindi ko rin naman magagawang magtampo nang matagal, eh. Magkaibigan tayo at . . . masasaktan ako lalo kung patatagalin ko ang tampo ko." His eyes softened as a small curve made its way to his lips. "I'll be more careful next time." He inhaled a deep breath. "Can I invited you somewhere? Gusto ko lang bumawi." "Saan ba sana?" "What's the very place that you wanna visit in Cebu?" I didn't have to think about it anymore but I got shy to admit my answer. Pakiramdam ko kasi ay matanda na rin ako para roon. Gusto ko lang sanang puntahan kapag may extrang pera na ako kasi hindi ko pa naranasang pumunta sa mga ganoong lugar. "Chel?" he called when I remained silent. Nahihiya akong ngumiti. "Sa iba na lang, Keeyan. Nakakahiya baka isipin mo isip-bata ako." He shook his head. "We can go anywhere. I will never think of you that way." I sighed. "Sa . . . Anjo World sana, eh. Hindi ko pa kasi naranasang magpunta sa gano'ng lugar. Kahit hindi pumasok. Kahit sa labas lang ay ayos na at nakakahiya rin makita ako ng ibang tao kapag namangha ako sa mga makikita ko doon." "Don't you wanna try their rides, hmm?" Labag sa loob akong umiling. "Pipila pa, eh. Maaabala ka pa." Keeyan smiled. "Go get dressed then. I'll just make a few phone calls while waiting." "Para ba sa tickets?" I asked. He shook his head before he tucked my hair behind my ear. "Para sa reservation ng buong park . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD